You are on page 1of 2

Simoun – Isang alahero na mula sa Europa.

Siya ay dumating sa pilipinas na kasama ang


Kapitan Heneral na umano’y tagapagpayo nito. Siya ay may lihim na katauhan na si Juan
Crisostomo Ibarra.
Basilio- Siya ay isa sa estudyante ng medisina. Ang minamahal na kasintahan ni Juli.
Inampon siya ni Kapitan Tiyago, ama ni Maria Clara, at pinag-aral kapalot ng pag tulong sa
pamilya.
Isagani- Isa sa mga kamag-aral ni Basilio, at ang pinakamakata sa kanilang lahat. Siya ang
kasintahan ni Paulita Gomez at pamangkin ni Padre Florentino. Makikitaan siya ng
katangian ng pagmamahal sa kanyang bayan. Isa siya sa sumoporta sa pagpapatyo ng
akademya para sa wikang espanyol.
Kabesang Tales- Siya ang ama nina Juli at Carolino. Siya ay isang mag sasaka na naging
parte ng tulisan. Nag hangad ng karapatan sa sinasakang lupa na inaangkin ng mga prayle.
Tandang Selo- Ama ni Kabesang Tales
Placido Penitente- Probinsyanong estudyante na nag aaral sa maynila. Ninais na tumigil sa
pag-aaral dahil sa hindi magandang Sistema ng edukasyon.
Juli- Anak ni kabesang Tales at katipan ni Basilio
Paulita Gomez - Kasintahan ni Isagani at pamangkin ni Donya Victorina
Don Custodio- Isang makapangyarihan at mayamang espanyol na nag papangap na
matalino kahit na ang kanyang mga suhestyon ay wala sa katwiran. Kilala bilang Buena
Tinta
Ginoong Pasta- Tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legel
Ben-Zayb- Isang mamamahayag na nagsusulat para sa pahayagan ngunit hindi totoo sa
kanyang mga salita. Ginagawan niya ng sariling bersyon ang mga pangyayari o balita at
laging iniisip ang pansariling kagustuhan at hindi ang katotohanan.
Padre Camorra- Ang kura ng tiyani na may pagnanasa kay Juli
Padre Fernandez- Isang dominikanong propesor
Padre Salvi- Pransiskanong may pagtingin kay Maria Clara
Padre Sibyla- Dominikanong Vice-rector ng unibersidad ng Sto. Tomas
Padre Florentino- Amain ni isagani
Padre Irene- ang nag udyok kay Kapitan Tiyago upang malululong sa apyan. Pumanig sa
mga estudyante sa pag papatayo ng Akademya ng Wikang Espanyol.
Juanito Pelaez- ay isang estudyante na kinagigiliwan ng mga propesor, mula sa kilalang
pamilya na may lahing kastila. Nais niyang mapangasawa si Paulita Gomez.
Macaraig- Mayamang estudyante na sumuporta sa pagtatag ng Akademya ng Wikang
Kastila. Masikap na ipinaglaban ang pagtatag ng Akademya ngunit nawala sa oras ng
kagipitan.
Sandoval- estudyanteng kastila na kapanalig sa usapin ng Akademya ng Wikang Espanyol
Pecson – isa sa mga estudyanteng nag sulong ng Akademya ng Wikang Kastila
Tadeo- – isa sa mga estudyanteng nag sulong ng Akademya ng Wikang Kastila
Carolino- Anak ni Kabesang Tales at kapatid ni Juli. Isa sa mga gwardiya sibil. Ginamit ang
pangalang Carolino, ngunit Tano ang tunay nitong ngalan.
Mr. Leeds- Amerikanong nag tatanghal sa perya
Donya Victorina- isang pilipina na nag papanggap na Europea. Tiyahin ni Paulita Gomez
Quiroga- Isang mamamahayag na nagsusulat para sa pahayagan ngunit hindi totoo sa
kanyang mga salita. Ginagawan niya ng sariling bersyon ang mga pangyayari o balita at
laging iniisip ang pansariling kagustuhan at hindi ang katotohanan.
Mataas na kawani- Kapanalig ng mga indio
Kapitan Basilio- isa sa mga kapitan ng San Diego
Kabesang Andang- ina ni Placido
Hermana Bali- siya ang nag himok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra
Hermana Penchang- Ang mayaman at madasaling amo ni Juli. Habang pinag sisilbihan siya
ni Juli, tinuruan niya itong mag dasal dahil hindi ito marunong. Dito din inipon ni Juli ang
pang tubos sa amang nakakulong.
Pepay- isang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan ni Don Custodio. Siya rin ang
hinilingan ng mga mag-aaral na kumumbinsi kay Don Custodio para suportahan nito ang
paaralang nais nila.
Camaroncocido- isang espanyol na ikinahihiya ng kanyang mga kalahi dahil sa kanyang
panlabas na anyo.
Tiyo Kiko- Matalik na kaibigan ni Camaroncocido.
Padre Milon- Isang dominikanong pari na guro sa klase ng pisika.
Sinong- Isa siyang kutsero na dalawang beses na nahuli dahil nalimutan niyang dalhin ang
kanyang sedula at walang ilaw ang kanyang kalesa. Siya rin ang tanging dumalaw kay
Basilio nang ito’y nakakulong pa at nagbalita ng tungkol sa pagkawala ni Tandang Selo at
pagkamatay ni Juli.

You might also like