You are on page 1of 5

Sean Francis O.

Santiago
10-M.Marcelo
Mga Buod
\
KABANATA 13: Ang Klase Sa Pisika (Buod)

BUOD
Ang silid sa pisika ay maluwag at parihaba ang sukat. Malalaki
rin ang mga bintana na mayroong rehas na bakal. Sa
magkabilang panig ng kuwarto ay mayroong upuang kahoy na
aabot sa tatlong baitang ang taas. Doon umuupo ang mga mag-
aaral na nakaayos batay sa titik ng kanilang apelyido.

Kahit malaki ang silid, makikita namang wala itong anumang


palamuti. May mga kagamitan at instrumento para sa pag-aaral
sa pisika ngunit nakasalansan naman sa isang aparador na
nakakandado.

Si Padre Millon ang maestro sa Pisika na tanyag sa paaralan ng


San Juan de Letran. Isa-isa niyang tinatawag ang mga mag-aaral
upang tanungin ng aralin. Ang magkaibigang Pelaez at Placido ay
nagsesenyasan na magturuan. Inapakan ni Pelaez ang paa ng
kaibigan bilang hudyat ngunit napasigaw si Placido.

Siya tuloy ang napagbalingan ng inis ng guro at tinanong. Utal-


utal siyang sumagot at nagalit ang pari at binigyan siya ng
mababang marka habang nakatanggap pa ng lait at mura mula sa
pari. Nainis si Placido at biglang umalis sa klase na ikinagulat ng
lahat.
KABANATA 18: Ang Mga Kadayaan (Buod)

BUOD
Sa kabanatang ito makikita ang malaking pagkakahawig ng
dalawang karakter na sina Simoun at Mr. Leeds.

Bago mag-umpisa ang pagtatanghal ni Mr. Leeds ay siniyasat


muna ni Ben Zayb ang buong bulwagan. Maging ang mga
gamit ng Amerikano ay hindi rin niya pinalampas.

Pilit siyang naghahanap ng salamin, isang bagay na


karaniwang ginagamit sa pandaraya sa mga tanghalan. Wala
siyang natagpuan kaya inumpisahan na ang palabas.

Naglabas ng maitim at luma na kaha si Mr.Leeds. Sinabi niya


na natagpuan niya ito sa isang lumang libingan. Pagkatapos
niyang sumigaw ng mga salitang banyaga ay kusang
nabuksan ang kaha.

Dito ay tumambad ang isang ulong anyong bangkay na


mayroong mahaba at makapal na buhok. Mula sa kadiliman
ay mayroong nagsalita na parang tumatangis at humihingi ng
tulong.

Ang kuwento ng misteryosong boses ay tungkol sa mga


mapang-aping prayle at saserdote noong panahon ni Amasis
(isang pinuno sa Ehipto). Dahil sa mga narinig ay kinilabutan
at hinimatay si Padre Salvi.
KABANATA 27: Ang Prayle At Ang Estudyante (Buod)

BUOD

Nasa tanggapan ng katedratikong si Padre Fernandez ang


kaniyang mag-aaral na si Isagani. Inusig ng pari si Isagani sa
pagtatalumpati nito sa harap ng mga mag-aaral at kung
kasama ba ito sa hapunan.

Tinatapat siya ng binata na hinangaan naman ng pari dahil


karaniwan daw sa mga ganoon ay tumatanggi. Sumagot si
Isagani na kung ano raw ang mga mag-aaral ay dahil iyon sa
mga pari.

Nagpalitan ng papuri ang dalawa sa kabila ng palitan ng


argumento. Gayunman, naisa-isa ni Isagani ang mga sakit ng
mga pari sa pagiging guro. Sinabi naman ng pari na malabis
na ang sinasabi ni Isagani.

Nagpatuloy si Isagani at sinabing ang kalayaan at


karunungan ay kasama sa pagkatao ng mga nilalang.
Nagwika din si Isagani tungkol sa gawain ng mga pari na
pandaraya at panlalamang sa mga Pilipino upang maging
maginhawa lamang.

Hindi nakapagsalita ang pari at ngayon lamang niya


naranasang magipit sa pakikipagtalo sa isang estudyanteng
Filipino.
KABANATA 39: Ang Katapusan (Buod)

Nagmamadaling umalis si Don Tiburcio dahil akala ay siya


ang pinadadakip na Kastila. Ngunit ang tinutukoy ay si
Simoun na nasa puder ni Don Florentino.

Natagpuan niya si Simoun na sugatan at sinabi naman ng


alahero na nakuha niya ang sugat sa isang aksidente.

Naghihinala naman ang pari sa katotohanan. Nalaman


niyang isang tulisan si Simoun nang mabasa ang
telegrama. Tanging si Don Tiburcio lamang ang nais ni
Simoun na mag-alaga sa kaniya.

Tumigil sa pagtugtog ng kaniyang harmonya ang pari.


Naisip kasi nito ang pakutyang pag-ngiti ni Simoun.

Nanumbalik ang lahat ng ginawa ni Simoun—ang


pagpapalaya ni Simoun kay Isagani sa piitan at ang
paggawa nito ng paraan upang makasal sina Paulita at
Juanito.

Agad na pinuntahan ng pari si Simoun sa silid nito. Nakita


niyang tila nanghihina na ang alahero, tila may malubhang
sakit. Nalaman ng pari na nagpatiwakal ito at uminom ng
lason. Dinasalan ng pari ang binata hanggang nalagutan
ng hininga.

You might also like