You are on page 1of 5

MAYBE FIL MAYBE NOT

Ang Noli Me Tángere ay isang nobela noong 1887 ng Pilipinong manunulat at aktibistang si José Rizal na inilathala noong
panahon ng kolonyal na Espanyol sa Pilipinas.

KABANATA 06: Si Kapitan Tiago

Umalis si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago, madaling araw pa lamang. Nagtungo siya sa libingan ng mga Ibarra sapagkat
anibersaryo ng pagyao ng kaniyang ina. Nag-alay siya ng isang panalangin para sa ina. Matapos iyon ay lumisan na rin si
Basilio at bumalik na sa Maynila. Muntik nang magpatiwakal si Basilio noon dahil sa mga suliraning hinaharap. Nakita
lamang siya nina Tiya Isabel at Kapitan Tiago at kinupkop at pinag-aral ito sa Letran. Hirap noong unang taon sa eskwela
si Basilio at tanging “adsum” o “narito” ang kaniyang nababanggit. Nakukutya rin siya dahil sa kaniyang lumang kasuotan.
Gayunman, walang nakapigil kay Basilio na mag-aral. Nagkaroon ng guro si Basilio na tinangka siyang lituhin sa isang aralin.
Ngunit nasagot ni Basilio nang ilang beses ang tangka ng guro. Dahil dito ay nagkaroon sila ng alitan at nagkaroon pa ng
laban sa sable at baston. Naging sobresaliente din siya o may may pinakamataas na marka. Hinikayat naman siya ni
Kapitan Tiyago na mag-aral sa Ateneo Municipal kung saan siya kumuha ng medisina.

KABANATA 07: Si Simoun

Sa kabanatang ito masisilayan ang talas ng kaisipan ng dalawang tauhan na sina Simoun at Basilio. Pagkatapos ng labing-
tatlong taon (13 years) ay muling nakita ni Basilio ang misteryosong lalaki na tumulong sa paglilibing sa kanyang inang si
Sisa. Ito ay ang nagbabalat-kayong mag-aalahas na si Simoun. Si Basilio ang unang nakatuklas ng lihim ni Simoun. Bukod
sa kanyang huwad na katauhan ay batid din ng binata ang binabalak ni Simoun na himagsikan laban sa mga mapang-aping
kasapi ng pamahalaan. Inalok siya ni Simoun na makiisa sa kanyang layunin, ngunit ito ay kanyang tinanggihan. Ang
pangarap ni Simoun ay makatapos ng medisina at matubos sa pagiging alila ang kanyang kasintahan na si Huli. Ang mga
layunin na ito ay pinagtawanan at kinutya ni Simoun. Sinabihan niya ang binata na walang kabuluhan ang buhay na hindi
inuukol sa dakilang layon. Ayon sa kanya ay dapat na maging malaya muna sila sa mga mang-aalipin para makamit nila
ang mapayapang buhay. Hindi naging sapat ang mga pangaral ni Simoun upang tuluyan niyang makumbinsi ang binatang
si Basilio.

KABANATA 08: Mga Alaala

Si Huli ay larawan ng isang babae na pilit nagpapakatatag na balang araw ang kanyang mga panalangin ay masasagot
ng isang himala. Kagaya ng nakagawian ni Huli siya ay gumising ng maaga at buong pusong umaasa na sana ay hindi na
sisikat ang araw. Tinignan niya ang ilalim ng larawan ng Birhen sa pagbabasakaling nagkaroon na ng himala. Huminga nang
malalim ang dalagang si Huli at namulat na lamang bigla na mali pala ang mga sapantaha niya tungkol sa milagro.
Pinagtawanan na lamang niya ang kanyang sarili habang siya ay abalang nag-gagayak. Nagmadali siyang nagbihis upang
pumunta sa bahay ng bago niyang panginoon, si Hermana Pencahang. Bago siya umalis kinausap at binilin niya ang
kanyang lelong. Nang mapansin iniya ang nangingilid na luha ng matanda ay dali-dali siyang umalis. Sa bahay ni Tandang
Selo ay dumating ang kanyang mga kamag-anak upang mamasko. Sinalubong niya ang mga ito, ngunit nagulat siya dahil
anumang gawin niyang magsalita o sumigaw ay walang boses na lumalabas sa kanyang bibig.

KABANATA 09: Mga Bagay-bagay sa Paligid

Sa kabanata na ito ipinakita ni Rizal ang pamamayani ng kasakiman at pagiging tuso ng mga prayle. Ang nakakalunos na
sinapit ni Kabesang Tales ay nakarating sa bayan. Ang ilan ay naawa sa matanda, samantala ang mga guwardiya sibil at
mga prayle ay nagkibit lamang ng balikat. Si Padre Clemente na siyang tagapangasiwa ng hasyenda ay mabilis na
naghugas kamay sa narinig na balita. Sinisi pa niya si Kabesang Tales dahil sa pagsuway ng huli sa utos ng korporasyon.
Idiniin pa niya ang matanda na nagtatago ng mga armas. Pinagsabihan ni Hermana Penchang ang alipin na si Huli na
magdasal sa wikang Kastila. Ito raw ang dahilan kung bakit napipi at naghihirap ang kanyang ama. Hindi daw sila
marunong manalangin sa langit. Buong galak na nagdiwang ang mga pari dahil sa pananalo nila sa usapin tungkol sa
hasyenda. Sinamantala nila ang pagkakataon upang ipamigay ang mga lupain ni Kabesang Tales. Maging ang matanda
ay bibigyan ng kautusan ng tinyente na lisanin ang kanyang sariling tahanan.
KABANATA 10: Ang Bayan ng San Diego

Si Simoun ay tumuloy sa bahay ni Kabesang Tales. Siya ay may dalang pagkain at ang kanyang ibang kailangan, at dalawang
kaban ng mga alahas. Nagsidatingan na ang mga mamimili ng alahas ni Simoun na sina Kapitan Basilio at ang kanyang anak na
si Sinang at kanyang asawa, at si Hermana Penchang na kung saan may balak bumili ng isang singsing na may brilyante para sa
birhen ng Antipolo. Lahat sila ay galak na galak sa dala dalang alahas ni Simoun, sapagkat si Kabesang Tales naman ay napaisip
sa kayamanang dala dala ni Simoun. Inilabas ni Simoun ang kanyang mga bagong hiyas. Dito naman pumili si Sinang at iba pa.
Tinuro ni Sinang ang isang kuwintas at pinabibili ito sa ama niyang si Kabesang Tales. Ang kuwintas na pinili ni Sinang ay ang
kuwintas ng kanyang naging kasintahan na pumasok sa pagmomongha. Ito ay may hala.

KABANATA 11: Ang Mga Makapangyarihan

Noo’y ika-31 ng Disyembre. Ang Kapitan Heneral kasama si Padre Sibilya at Padre Irene ay naglalaro ng tresilyo sa bahay-
aliwan sa Los Banos. Nagpatalo ang dalawang kura dahil ang nais lamang nila na mangyari sa panahon na iyon ay kausapin si
Kapitan tungkol sa paaralan ng Kastilang balak ng kabataan. Ngunit maraming iniisip ang Kapitan, kagaya ng papeles ng
pamamahala, pagbibigay biyaya, pagpapatapon, at iba pa. Ang paaralan ay hindi ganoon ka-importante sa Kapitan. Nagalit
naman si Padre Camorra dahil sa sinadyang pagkatalo ni Padre Irene, at hinayaang manalo si Kapitan. Pinalitan naman ni Simoun
si Padre Camorra. Biniro naman ni Padre Irene ang binata na ipusta ang kanyang mga brilyante. Pumayag naman ito sapagkat
wala namang maipupusta ang kura. Subalit sinabi ni Simoun na kapag siya ang nanalo, bibigyan nila siya ng pangako. Sa
kakaibiang kondisyon ng binata ay lumapit si Don Custodio, Padre Fernandez, at Mataas na Kawani. Tinanong nila ang binata
kung para saan ang kanyang mga hiling. Sinagot naman ng binata ay para ito sa kalinisan at kapayapaan ng bayan.

KABANATA 12: Araw ng mga Patay o Todos Los Santos

Si Placido Penitente ay nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas at nasa ikaapat na taon na siya ng kolehiyo. Ngunit,
malungkot ang binata at nais na niyang tumigil sa pag-aaral. Pinakiusapan siya ng kanyang ina na kahit tapusin nalang ang natitira
niyang taon sa eskwelahan. Ang ideyang tumigil sa pag-aaral ay naisipan ni Penitente dahil sa mga kasamahan niya sa Tanawan.
Siya ang pinakamatalinong studyante at bantog sa paaralan ni Padre Valerio noon. Isang araw nagulat si Penitente nang tinapik
siya ni Juanito Paelez, isang anak ng mayamang mestizong Kastila. Kinamusta siya ni Paelez sa bakasyon nito kasama si Padre
Camorra at saka kinuwento naman ito ng binata. Tinanong din ni Paelez si Penitente tungkol sa kanilang leksyon dahil noong
araw lamang na iyon ang unang pagpasok ni Paelez. Niyaya naman ni Paelez si Penitente na maglakwatsa, ngunit tumutol naman
ito.

KABANATA 13: Unang Babala ng Unos

Ang silid sa pisika ay maluwag at parihaba ang sukat. Malalaki rin ang mga bintana na mayroong rehas na bakal. Sa magkabilang
panig ng kuwarto ay mayroong upuang kahoy na aabot sa tatlong baitang ang taas. Doon umuupo ang mga mag-aaral na
nakaayos batay sa titik ng kanilang apelyido. Kahit malaki ang silid, makikita namang wala itong anumang palamuti. May mga
kagamitan at instrumento para sa pag-aaral sa pisika ngunit nakasalansan naman sa isang aparador na nakakandado. Si Padre
Millon ang maestro sa Pisika na tanyag sa paaralan ng San Juan de Letran. Isa-isa niyang tinatawag ang mga mag-aaral upang
tanungin ng aralin. Ang magkaibigang Pelaez at Placido ay nagsesenyasan na magturuan. Inapakan ni Pelaez ang paa ng kaibigan
bilang hudyat ngunit napasigaw si Placido. Siya tuloy ang napagbalingan ng inis ng guro at tinanong. Utal-utal siyang sumagot
at nagalit ang pari at binigyan siya ng mababang marka habang nakatanggap pa ng lait at mura mula sa pari. Nainis si Placido
at biglang umalis sa klase na ikinagulat ng lahat.

KABANATA 14: Si Tasyo ang Baliw o ang Pilosopo?

Pag-aari ni Makaraig ang bahay na tinutuluyan ng mga mag-aaral. Marangya ang pamumuhay niya at nag-aaral ng abogasya.
Siya rin ang pinuno ng mga mag-aaral na may kilusan para sa nais nilang Akademya sa wikang Kastila. Inanyayahan niya sina
Sandoval, Pecson, Pelaez, at Isagani sa isang pagpupulong. Positibo ang pananaw nina Isagani at Sandoval na papayagan ang
kanilang panukala. Habang si Pecson naman ay duda kaya nagkaroon sila ng pagtatalo. Ibinunyag ni Makaraig na ipinagtatanggol
daw sila ni Padre Irene sa kanilang plano. Kailangan na lamang daw nilang mapapayag si Don Custodio, isa sa mga bahagi ng
lipon ng paaralan, sa pamamagitan nina Ginoong Pasta na isang manananggol at si Pepay na isa namang taga-aliw. Malalapit
daw kasi ang mga ito sa pari. Napagkasunduan ng mga mag-aaral na kay Ginoong Pasta sila hihingi ng tulong dahil marangal
itong tao at tiyak na magiging maayos ang paraan at proseso ng pagkumbinsi sa prayle.

KABANATA 15: Mga Sakristan

Bilang pagtupad sa kanilang misyon, tinungo ni Isagani ang tanggapan ni Ginoong Pasta. Kilala si Ginoong Pasta sa talas ng
kaniyang isip at angking katalinuhan. Sa kaniya lumalapit ang mga pari upang manghingi ng payo kung nasa isang gipit na
sitwasyon Nakipag-usap si Isagani sa Ginoo tungkol sa kanilang balak. Nais niyang kausapin ni Ginoong Pasta si Don Custodio at
mapasang-ayon ito. Naisalaysay ni Isagani kay Ginoong Pasta ang misyon ng kanilang kilusan Nakinig naman ang Ginoo ngunit
akala mo ay walang alam at walang pakialam sa kilusan ng mga mag-aaral. Nakiramdam naman si Isagani kung naging mabisa
ba ang mga salita niya sa Ginoo. Pagkatapos ng ilang sandali, sinabi ng Ginoo ang kaniyang pasya. Ayaw niya raw makialam sa
plano ng mga mag-aaral dahil maselan daw ang usapin at mas makabubuti raw na ang pamahalaan na lamang ang kumilos
hinggil dito. Malungkot naman si Isagani sa naging pasya ng Ginoo.
KABANATA 16: Si Sisa

Isang negosyanteng Intsik si Quiroga. Sa kabila ng hinaharap na pagkalugi ng kaniyang negosyo ay nagawa pa nitong
magpatawag ng isang hapunan. Pakay niya na magkaroon ng konsulado ang Tsina sa bansa. Inimbitahan niya ang mga military,
kawani ng gobyerno, mga prayle, at kapuwa negosyante. Naroon din si Simoun. Hindi lamang pagsama sa hapunan ang pakay
ng alahero kung hindi maging ang paniningil sa utang ni Quiroga. Gayunman, dahil nga sa pagkalugi ng kaniyang negosyo, hindi
siya makababayad kay Simoun ng limang libong piso. Inalok naman siya ni Simoun na maaari niyang bawasan ng dalawang
libong piso ang pagkakaurang ng Intsik kung papaya itong maitago ang mga armas sa kaniyang bodega. Ipinaliwanag ni Simoun
na wala raw dapat ikatakot ang negosyante sapagkat unti-unti rin umanong ililipat ang mga ito sa ibang lagakan. Walang nagawa
ang Instik kung hindi pumayag sa alok ni Simoun. Nag-uusap naman sina Don Custodio tungkol sa ipadadala sa bansang India
upang matutong gumawa ng sapatos para sa sandatahan.

KABANATA 17: Si Basilio

Umalis na sa bahay ni Quiroga ang labindalawang (12) bisita niya. Ngayon naman ay pupunta sila sa isang peryahan sa Quiapo
at sa bahay ni Mr. Leeds. Aliw na aliw ang pari na si Padre Camora sa mga babaeng nakikita niya sa peryahan. Kilala kasi bilang
makamundo ang prayleng iyon. Lalong nadagdagan ang kaniyang tuwa nang makasalubong si Paulita Gomez. Kasama nito ang
kaniyang tiyahin na si Donya Victorina. Iyon lang, kasama din nila si Isagani na katipan ni Paulita. Nakarating sila sa isang
tindahan ng mga rebultong kahoy. Doon ay nagsabihan ng mga kahawig ng estatwa ang mga kasama ni Mr. Leeds. Sabi ng isa
na ang estatwa ay kahawig ni Ben Zayb habang ang isa naman daw ay kahawig ni Camora dahil maraming likha ang mga kahawig
ng pari. Mayroon silang nakitang larawan na kahawig ni Simoun. Wala sa paligid ang alahero kaya napag-usapan nila ito. Nagwika
naman si Ben Zayb na baka natatakot lamang si Simoun na mabunyag ang lihim ng kaibigan si Mr. Leeds.

KABANATA 18: Mga Kaluluwang Nagdurusa

Sa kabanatang ito makikita ang malaking pagkakahawig ng dalawang karakter na sina Simoun at Mr. Leeds. Bago mag-umpisa
ang pagtatanghal ni Mr. Leeds ay siniyasat muna ni Ben Zayb ang buong bulwagan. Maging ang mga gamit ng Amerikano ay
hindi rin niya pinalampas. Pilit siyang naghahanap ng salamin, isang bagay na karaniwang ginagamit sa pandaraya sa mga
tanghalan. Wala siyang natagpuan kaya inumpisahan na ang palabas. Naglabas ng maitim at luma na kaha si Mr.Leeds. Sinabi
niya na natagpuan niya ito sa isang lumang libingan. Pagkatapos niyang sumigaw ng mga salitang banyaga ay kusang nabuksan
ang kaha. Dito ay tumambad ang isang ulong anyong bangkay na mayroong mahaba at makapal na buhok. Mula sa kadiliman
ay mayroong nagsalita na parang tumatangis at humihingi ng tulong. Ang kuwento ng misteryosong boses ay tungkol sa mga
mapang-aping prayle at saserdote noong panahon ni Amasis (isang pinuno sa Ehipto). Dahil sa mga narinig ay kinilabutan at
hinimatay si Padre Salvi.

KABANATA 19: Mga Karanasan ng Isang Guro

Si Placido ay larawan ng isang karaniwang kabataan. Siya ay mapusok, nagkamali ngunit sa bandang huli ay nahanap din ang
tamang daan tungo sa magandang kinabukasan. Labis ang hinagpis ni Kabesang Tales dahil sa desisyon ni Placido hinggil sa
kanyang pag-aaral. Kinausap niya ang kanyang anak na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral hanggang sa makatapos ng abogasya.
Dahil dito ay lalong nagpuyos ang kalooban ng binata at iniwan ang kanyang ina. Sa kanyang paglalakad sa bayan ay nakita niya
si Simoun. Lumapit siya dito at isinalaysay ang nangyari sa kanya. Sinadya ni Simoun na isama si Placido sa pagawaan ng pulbura.
Nasaksihan ng binata ang hirap ng kalagayan ng mga mangagawa ni Simoun. Sunod nilang pinuntahan ang bahay ng mag-
aalahas. Dito niya nakita ang isang bata na kasing edad niya ngunit malayong matanda ang itsura kumpara sa kanya.
Ipinaliwanag ni Simoun na ito ay sanhi ng mabibigat na gawain na naiatang sa kanya. Dahil sa mga nasaksihan ay namulat ang
isip at kalooban ni Placido.

KABANATA 20: Ang Pulong sa Tribunal

Si Don Custodio Salazar ay isang Katolikong mapaglinlang. Hindi siya naniniwala sa pangungumpisal, sa milagro ng mga santo
at ang pagiging banal ng papa. Bata pa si Don Custodio nang dumating siya sa Maynila. Dahil sa kanyang mataas na katungkulan
ay nakapangasawa siya ng isang mayamang taga-lunsod. Ginamit niya ang pera ng kanyang asawa sa pangangalakal. Siya ay
naging tanyag at napabilang sa mga kinikilalang tao sa lipunan Mahigit na dalawang linggo na sa poder ni Don Custodio ang
usapin tungkol sa paggamit ng wikang Kastila sa loob ng akademya. Siya ang naatasan na gumawa ng pag-aaral at magbigay ng
pasya kung ang paggamit ba ng mga estudyante ay naayon o hindi. Ang pag-iisip ni Don Custudio ay mahirap mawari. Minsan
ay kakampi at pinagtatanggol niya ang mga Indiyo. Samantalang kung minsan ay hiinahamak niya ang pagkatao ng mga ito. Sa
kanyang pagbibigay ng pasyatungkol sa usapin, isa lang ang gusto niyang mangyari, ang mapasaya ang mga prayle lalo na si
Padre Irene.
KABANATA 21: Kasaysayan ng Isang Ina

Ang pagtatanghal sa Dulaang Variadades ay nagdulot ng salungat na opinyon. Ang grupo nina Padre Salvi ay tutol sa
pagtatanghal ng dulaan, habang ang mga kawani, hukbong dagat at taong lipunan ay nasasabik na sa nalalapit na
pagtatanghal ng nasabing palabas. Maaga pa ang gabi ay ubos na ang mga bilyete. Nagsimula na ring dumating ang mga panuhin
at mga manonood, isa na rito si Camaroncocido.Siya ay buhat sa isang kilalang angkan ng Kastila ngunit nabubuhay na tila
hampas-lupa dahil sa kanyang pananamit. Dumating din si Tiyo Kiko, ang kayumangging matanda na hinahangaan sa kanyang
maayos na bihis mula ulo hanggang paa. Sila ni Camaroncocido ay parehong nabubuhay sa pagbabalita at pagdirikit ng mga
kartel ng mga dulaan. Ang katotohanan ay labag sa kalooban ng mga prayle ang pagtatanghal dahil sa isyu ng moralidad at
kalaswaan na paksa ng dula. Ngunit sa huli ay pumayag din sila dahil sa panghihinayang sa perang malilikom mula sa bentahan
ng bilyete.

KABANATA 22: Dilim at Liwanag

Marami sa mga nanood ng palabas ay hindi nasiyahan dahil sa hindi mawaring kahulugan ng wikang Pranses. Maatagal na
naantala ang pagsisimula ng dula dahil sa matagal na pagdating ng Heneral. Napuno ang lahat ng palko na nakalaan sa mga
panauhin maliban sa isa na nakalaan sa mag-aalahas na si Simoun. Nabigla ang mga kabataang sa pagdating ng isa sa mga tutol
sa pagtatanghal, si Don Custodio. Ang matapang naman nitong depensa ay inutusan siya ng mga kinauukulan upang magsilbing
ispiya. Masaya ang lahat nang mag-umpisa na ang palabas. Ngunit habang ito ay tumatagal ay unti-unting nalilito ang mga
nanood. Marami sa mga panauhin ay hindi nakakaintindi ng wikang Pranses. Lalo pang nagkalituhan nang tangkain ng ilan na
isalin ang dula sa wikang Kastila. Marami kasi sa mga taga-salin ay pawang mga nagmamagaling lamang ngunit ang katotohanan
ay hindi rin nila lubos na iintindihan ang salitang Pranses. Ikinagulat ng lahat ang pagtayo at paglabas ng grupo mga mag-aaral
sa kalagitnaan ng dula.

KABANATA 23: Ang Pangingisda

Naging palasispan kay Basilio ang dahan-dahan na pagkalat ng lason sa buong katawan ni Kapitan Tiyago. Tahimik na nag-aaral
si Basilio nang biglang dumating ang mag-aalahas sa tahanan ni Tiyago. Kinumusta muna ni Simoun ang kalagayan ng maysakit
pagkatapos ay sinabi niya agad ang kanyang pakay sa binate. Sa kabila ng matigas na pagtanggi ng binata ay muli niya itong
pinakiusapan. Humingi siya ng pabor na kung puwede ay pamunuan ni Basilio ang isang pulutong upang maghasik ng
kaguluhan sa kalathang Maynila. Ito ang naisip na paraan ni Simoun upang maitakas niya sa kumbento si Maria Clara. Nagulat
si Basilio sa tinuran ni Simoun kaya sinabi niya sa mag-aalahas na si Maria Clara ay pumanaw na. Nagulat at nayanig ang mundo
ni Simoun sa narinig na balita. Ayaw niyang maniwala sa sinabi ni Basilio ngunit ipinakita ng binata ang sulat ni Padre Salvi na
labis na tinangisan ng amang si Tiyago. Hindi maiwasan ni Basilio ang maawa sa noo’y nanlumumo na si Simoun.

KABANATA 24: Sa Kagubatan

Lingid sa kaalaman ni Donya Victorina ang kanyang nawawalang asawa na si Don Tiburcio ay nasa pangangalaga ng tiyuhin
ni Isagani. Kumalat sa bayan ang usapin ng biglaang pagkakasakit ng alaherong si Simoun. Naging mailap siya sa tao at hindi
halos tumatanggap ng sinumang panauhin sa loob ng kanyang tahanan. Sa kabilang dako naman ay matiyagang hinihintay ni
Isagani ang kaniyang kasintahan na si Paulita. Habang naghihintay ay sumagi sa kanyang isipan ang mga pangarap niya para
Inang Bayan. Dahil sa matagal na paghihintay ay naisipan na niyang umuwi nang biglang dumating ang isang karwahe lulan sina
Juanito, Paulita at si Donya Victorina. Magiliw siyang tinanong ng matanda kung mayroon na ba siyang balita kay Don Tiburcio.
Sinagot naman ito ni Isagani na kunwari ay walang alam. Ipinagtapat ni Paulita sa kasintahan na ang nililigawan ni Juanito ay
ang kanyang Ale. Dahil dito ay naging lubos ang kagalakan ng binata kaya sinabi rin niya sa dalaga ang totoong kalagayan ni
Don Tiburcio.

KABANATA 25: Sa Bahay ng Pilosopo

Ang simpleng piging ng mga mag-aaral ang magiging mitsa upang sila ay usigin ng pamahalaan. Hindi pa man lumalabas ang
pasya ni Don Custodio tungkol sa usapin ng pagtututro ng wikang Kastila ay batid na ng grupo nina Sandoval ang kahihinatnan
nito. Ayaw ng mga prayle at ng pamahalaan na matuto ng wikang Kastila ang mga Indiyo. Wala daw karapatan ang mga ito na
gamitin ang kanilang wika. Dahil dito ay tiyak na ang magiging kapasyahan ni Don Custudio. Papanig siya sa kagustuhan ng mga
kinauukulan. Kagaya ng kanilang napagkasunduan ang labing-apat ay nagtipon sa isang pansiterya upang ipagdiwang ang
kahihinatnan ng pasya. Tanging si Basilio at si Juanito ang hindi nakarating sa nasabing pagtitipon. Masayang nagbibiruan ang
mga mag-aaral at maingay na tinutuligsa ang mga prayle. Iniugnay pa ang mga ito sa bawat pagkain na kanilang pinili. Bago sila
natapos ay napansin ni Isagani ang isang binata na nagmamasid at tila sibubaybayan ang kanilang ginagawa. Nang makita siya
ay mabilis ito na umalis lulan ng sasakyan ni Simoun.
KABANATA 26: Bisperas ng Pista

Abala ang buong San Diego dahil sumapit na ang ika-sampu ng Nobyembre. Hudyat na ng bisperas ng kapistahan. Kaniya-
kaniyang gayak ang mga may-kayang pamilya sa lugar katulad ng pagdedekorasyon ng kanilang mga tahanan at paglalagay ng
mga palamuti at mamahaling mga kagamitan. Hindi mawawala sa pista ang masasarap na pagkain tulad ng mga kakanin,
minatamis, at mga mamahaling alak mula Europa. Imbitado rin ang mga mamamayan mula sa kalapit na bayan upang
matunghayan ang mga pagtatanghal. Panay naman ang pagpapaputok, pag-iingay ng batingaw, at pagtatanghal ng mga musiko
upang gawing mas masaya ang pagdiriwang. Siyempre, hindi mawawala ang misa na pinangunahan ni Padre Damaso. Ang mga
magsasaka at ibang manggagawa ay inialay na ang kanilang pinakamagagandang ani sa kanilang mga amo. Samantala, habang
abala ang lahat sa pista, abala rin si Ibarra sa pagpapatayo ng kaniyang paaralan. Hango ang disenyo nito sa mga paaralan sa
Europa. Hiwalay din ang lalaki sa babae. May malaking bodega at hardin rin ito. Gastos ni Ibarra ang lahat ng ginasta sa
paaralan. Tumanggi siya sa tulong na alok ng mga mayayaman at mga pari sa pagpapatyo ng paaralan. Marami ang humanga sa
ginawang ito ni Ibarra. Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman ay marami din ang hindi natuwa at palihim na nagtanim ng sama ng
loob sa kaniya.

KABANATA 27: Sa Pagtatakipsilim

Si Kapitan Tiago ang isa sa mga may malalaking handaan para sa pista. Sinadya niyang magparami ng handa dahil nagpapasikat
ito kay Ibarra na kaniyang mamanugangin. Tanyag kasi si Ibarra sa Maynila at nailalathala pa sa mga pahayagan. Iba’t iba ang
mga handa at produktong dumarating sa bahay ni Tiago bago pa man ang bisperas ng pista. At nang makarating sa tahanan at
makita ang anak, binigyan ni Tiago si Maria Clara ng isang agnos na mayroong diyamante at Esmeralda bilang pasalubong.
Dumating na rin si Ibarra para makita ang mag-ama. Mayroong mga nag-aya kay Maria na mamasyal na pinahintulutan naman
ni Tiago. Inaya rin ni Kapitan si Ibarra na sa kanila na maghapunan sapagkat darating si Padre Damaso ngunit tumanggi ito.
Sumama naman si Ibarra sa katipang si Maria sa pamamasyal kasama ang mga kaibigan ng dalaga. Nang makarating sa plasa,
nakita nina Maria ang isang lalaking ketongin na umaawit sa tugtog ng kaniyang gitara. Habang pinandidirihan ng lahat ang
ketongin, naawa si Maria dito at iniabot ang pasalubong na mamahaling agnos ng ama. Sa tuwa, lumuhod sa pasasalamat ang
ketongin. Maya-maya pa ay dumating naman si Sisa. Itinuro nito ang kampanaryo at sinabing naroon ang anak na si Basilio.
Itinuro din niya ang kumbento at sinabing naroon ang anak na si Crispin. Umalis din agad si Sisa, gayundin ang matandang
ketongin. Namulat sa katotohanan si Sisa na napakarami palang mahihirap sa kanilang bayan.

KABANATA 28: Mga Sulat

Katulad ng inaasahan, nailathala sa mga pahayagan sa Maynila ang magarbong pagdiriwang ng pista sa San Diego. Napasama
sa balita ang marangyang paghahanda sa pista, ang mga makakapangyarihang tao, mga pagtatanghal, at ang pangangasiwa ng
mga pareng Pransiskano sa pista. Nabalita ang pagkaroon ng prusisyon ng mga santo at santa sa buong bayan. Nagkaroon din
ng mga pagtatanghal tulad ng komedya na labis na ikinaaliw ng mga pari dahil sa wikang Kastila ito ginawa. Mayroon din namang
pagtatanghal para sa mga Pilipino. Hindi rin nawala ang pagtatanghal ng mga musiko. Mayroong dalawang bandang nagtanghal
noong bisperas ng pista na simbolo ng karangyaan noon. May sayawan din kung saan nakita ng marami ang pagsayaw ni Kapitan
Tiago. Manghang-mangha naman ang karamihan sa angking kagandahan ni Maria. Gayunman, nababalot ng lungkot si Maria
dahil ilang araw na niyang hindi nasisilayan si Ibarra. May sakit kasi ito. Kaya minarapat ng kasintahan niyang sulatan ang binata.
Ayon sa sulat ni Maria na inihatid ni Andeng sa kanilang bahay, patuloy daw ang pagdadasal ng dalaga para sa katipan. Ipinagtirik
pa ni Maria si Ibarra ng kandila sa simbahan para sa paggaling nito. Ikinuwento rin ni Maria ang sapilitang pagtugtog at pagsayaw
niya sa sayawan na siya namang ikinayamot niya. Sinabi rin ni Maria na imbitahan siya ni Ibarra sa oras na bubuksan na ang
kaniyang ipinagawang paaralan.

You might also like