You are on page 1of 24

K1- SA IBABAW NG KUBYERTA

CHARACTERS: Don Custodio, Donya Victorina, Kapitan Heneral, Padre Salvi,


Padre Irene, Ben Zayb, Donya Victorina, at Simoun.

SUMMARY:
- Naglalayag ang Bapor Tabo sa may Ilog Pasig, isang umaga ng Disyembre at
patungong Laguna.
- Si Simoun ay kilala ng mga mayayaman dahil isa siyang maimpluwensiyang
alahero.
- Upang mapawi ang pagkainip sa mahaba at mabagal na biyahe,
napag-usapan nila ang pagpapalalim ng Ilog Pasig. Iminungkahi ni Don
Custodio na mag-alaga ng itik. Sinambit naman ni Simoun na kailagang
gumawa nang tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng lawa ng Laguna at
sa Maynila.
- Sandaling nagkainitan sina Don Custodio at ang ilang prayle dahil sa
magkaiba nilang suhestiyon at mithiing ipatupad. Ayaw naman ni Donya
Victorina na makapag-alaga ng pato sa kanilang lugar dahil darami raw ang
balut na pinandidirihan niya.

ARAL:
Ang buhay kung minsan ay isang Bapor Tabo. Nasa itaas ang may kapangyarihan.
Ngunit hindi ito nangangahulugan na ligtas na sila sa mga suliranin dahil sila
mismong nasa taas ay ang gumagawa ng kanilang mga intindihin.

K2- SA ILALIM NG KUBYERTA


CHARACTERS: Simoun, Basilio, Isagani, Paulita, Donya Victorina, Padre Camorra

SUMMARY:
- Nagtungo si Simoun sa ilalim ng kubyerta. Masikip at siksikan doon dahil may
mga pasahero at naroon din ang mga bagahe at kargamenrto.
- Naroon si Basilio na isang mag-aaral ng medisina at si Isagani na isang
makata mula sa Ateneo. Kausap nila si Kapitan Basilio. Napag-usapan nila
ang balak ng mga mag-aaral tungkol sa pagtuturo ng wikang Kastila na hindi
naging matagumpay.
- Napag-usapan din ng dalawa ang nobya ni Isagani na si Paulita Gomez,
pamangkin ni Donya Victorina de Espadaña.
- Maya-maya pa ay lumapit si Simoun kina Basilio at Isagani. Ipinakilala ni
Basilio si Simoun kay Isagani. Nagwika si Simoun na hindi siya nadadalaw sa
lalawigan nina Basilio at Isagani dahil mahirap ang lugar at walang bibili ng
alahas.
- Nagpatuloy ang usapan ng tatlo hanggang sa inalok ni Simoun ng serbesa
ang dalawa. Tumanggi sila at sinabi ni Simoun na ayon daw kay Padre
Camorra, kaya mahirap at tamad ang mga tao sa kanilang lugar ay panay
tubig ang iniinom at di alak.
ARAL:
Sinisimbolo ng ilalim ng Kubyerta ang diskriminasyon ng lipunan, na ang mahihirap
ay laging nasa ilalim. Ang hindi nila batid ay walang pinipiling katayuan sa buhay ang
pagiging mahusay at kapakipakinabang.

K3 - ALAMAT
CHARACTERS: Kapitan, Padre Florentino, Donya Genorima, San Nicolas, Ibarra,
Ben Zayb, Simoun

SUMMARY:
- Nauwi ang usapan sa ibabaw ng kubyerta sa mga alamat. Nagsimulang
ikuwento ng Kapitan ang alamat ng Malapad-na-Bato. Ayon sa alamat,
itinuturing daw na banal ng mga katutubo ang lugar at tahanan ng mga
espiritu.
- Ngunit nang manirahan daw dito ng mga kriminal ay nawala ang pangamba
sa mga kaluluwang naroon. Sa mga tulisan na natakot ang mga tao.
- Si Padre Florentino naman ang nagsalaysay ng alamat ni Donya Geronima.
Nagkaroon dawn g kasintahan ang Donya ngunit naging arsobispo ito sa
Maynila. Sinundan daw ng babae ang katipan at kinulit sa alok na kasal.
Upang makapagtago, nanahan ang dalawa sa isang yungib malapit sa Ilog
Pasig.
- Nakuwento din ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa Intsik na muntik
nang patayin ng isang buwaya. Naging bato daw ang buwaya nang dasalan
ng Intsik ang santo.
- Nabling naman ang usapan sa lugar kung saan namatay si Ibarra. Ipinaturo ni
Ben Zayb kung saan iyon banda sa Ilog Pasig. Natahimik at namutla naman
si Simoun.

ARAL:
Mahilig ang mga Pilipino sa mga alamat. Sa mga kuwentong ganito ay nababatid
ang malikhaing dahilan ng pagkakabuo ng isang bagay na lubhang nakaaaliw at
kapupulutan din ng aral.

K4- KABESANG TALES


CHARACTERS: Tandang Selo, Kabesang Tales, Lucia, Tano, Juli, Hermana
Penchang
SUMMARY:
- Anak ni Tandang Selo si Kabesang Tales. May tatlong anak naman ang
Kabesa na sina Lucia, Tano, at Juli. Pumanaw si Lucia dahil sa malaria.
- Naging marangya ang buhay nila dahil sa sipag ni Tales. Magbubukid siya at
umasenso sa kaniyang tubuhan.
- Ninais niyang pag-aralin si Juli ng kolehiyo upang makapantay ang
kasintahang si Basilio. Gayunman, tinaasan sila ng buwis sa tubuhan
hanggang sa inangkin ng mga prayle. Dinala ito sa korte ngunit natalo siya.
- Nakulong naman si Tales nang magdala ito ng patalim at may nakitang pera
sa kaniya. Pinatutubos naman siya sa halagang 500. Upang may pantubos sa
ama, isinanla niya ang laket na bigay ng kasintahan na noong ay
pagmamay-ari ni Maria Clara.
- Ngunit di ito sapat kaya namasukan siyang katulong kay Hermana Penchang
noong bisperas ng Pasko. Dahil sa masalimuot na nangyari sa kanilang
pamilya ay hindi na nakapag-aral pa si Juli na pangarap ng kaniyang ama
para sa dalaga.

ARAL:
May mga buhay na nasisira ang pagiging ganid at mapanglamang sa kapuwa.
Katulad ng kuwento ni Kabesang Tales na nagsusumikap ngunit pinabagsak ng
makasariling interes ng mga prayle.

K5- ANG NOCHE BUENA NG ISANG KUTSERO


CHARACTERS: Basilio. Kutsero: Sinong, Rebulto ni Metusalem, Rebulto ng tatlong
Haring Mago na nakapagpaalala kay Sinng kay Haring Melchor, Bernardo Carpio,
Kapitan Tiago, Kabesang Tales, Juli

SUMMARY:
- Gabi na nang makarating si Basilio sa kanilang bayan. Nasabay pa siya sa
prusisyong pang-Noche Buena. Naabala pa sila dahil binubugbog ang isang
kutserong si Sinong na nalimutan ang kaniyang sedula.
- Matapos ay napag-usapan nila ang rebulto ni Metusalem, ang
pinakamatandang taong namalagi sa daigdig. Idinaan naman ang rebulto ng
tatlong Haring Mago na nakapagpaalala kay Sinng kay Haring Melchor.
- Itinanong naman ng kutsero kay Basilio kung nakaligtas na ang kanang paa
ng bayaning si Bernardo Carpio na naipit umano sa bundok sa San Mateo.
Pinaniniwalaan kasing hari ng mga Pilipino si Carpio na makapagpapalaya sa
kanila.
- Nahuli muli si Sinong dahil namatay ang ilaw ng kaniyang kalesa. Dinala na
siya sa presinto at si Basilio ay naglakad na lamang.
- Sa paglalakad niya ay napansin niyang wala man lang parol at tahimik ang
bayan kahit Pasko na. Dumalaw si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago at
naisalaysay ang pangyayari kay Kabesang Tales at Juli.

ARAL:
Malaki ang pag-asa sa ilang nilalang kahit tila puro pasakit na ang kanilang
nararanasan. Likas sa mga Pilipino na maniwalang darating din ang liwanag sa
kabila ng tinatahak nilang malubak at madilim na landas.

K6- SI BASILIO
CHARACTERS: Basilio, Kapitan Tiago, Sisa, Tiya Isabel

SUMMARY:
- Umalis si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago, madaling araw pa lamang.
Nagtungo siya sa libingan ng mga Ibarra sapagkat anibersaryo ng pagyao ng
kaniyang ina.
- Nag-alay siya ng isang panalangin para sa ina. Matapos iyon ay lumisan na
rin si Basilio at bumalik na sa Maynila.
- Muntik nang magpatiwakal si Basilio noon dahil sa mga suliraning hinaharap.
Nakita lamang siya nina Tiya Isabel at Kapitan Tiago at kinupkop at pinag-aral
ito sa Letran. Hirap noong unang taon sa eskwela si Basilio at tanging
“adsum” o “narito” ang kaniyang nababanggit.Nakukutya rin siya dahil sa
kaniyang lumang kasuotan. Gayunman, walang nakapigil kay Basilio na
mag-aral.
- Nagkaroon ng guro si Basilio na tinangka siyang lituhin sa isang aralin. Ngunit
nasagot ni Basilio nang ilang beses ang tangka ng guro.
- Dahil dito ay nagkaroon sila ng alitan at nagkaroon pa ng laban sa sable at
baston. Naging sobresaliente din siya o may may pinakamataas na marka.
- Hinikayat naman siya ni Tiago na mag-aral sa Ateneo Municipal kung saan
siya kumuha ng medisina

ARAL:
Wala sa katayuan sa buhay o anyo ang pagiging mahusay. Sabi nga, huwag
husgahan ang aklat ayon lamang sa pabalat. Minsan ang kagalingan ay ikinukubli
lamang at inilalabas sa tamang pagkakataon.

K7- SI SIMOUN
CHARACTERS: Simoun, Basilio, Sisa

SUMMARY:
- Sa kabanatang ito masisilayan ang talas ng kaisipan ng dalawang tauhan na
sina Simoun at Basilio.
- Pagkatapos ng labing-tatlong taon ay muling nakita ni Basilio ang
misteryosong lalaki na tumulong sa paglilibing sa kanyang inang si Sisa. Ito
ay ang nagbabalat-kayong mag-aalahas na si Simoun.
- Si Basilio ang unang nakatuklas ng lihim ni Simoun. Bukod sa kanyang
huwad na katauhan ay batid din ng binata ang binabalak ni Simoun na
himagsikan laban sa mga mapang-aping kasapi ng pamahalaan.
- Inalok siya ni Simoun na makiisa sa kanyang layunin, ngunit ito ay kanyang
tinanggihan. Ang pangarap ni Basilio ay makatapos ng medisina at matubos
sa pagiging alila ang kanyang kasintahan na si Huli.
- Ang mga layunin na ito ay pinagtawanan at kinutya ni Simoun. Sinabihan niya
ang binata na walang kabuluhan ang buhay na hindi inuukol sa dakilang
layon. Ayon sa kanya ay dapat na maging malaya muna sila sa mga
mang-aalipin para makamit nila ang mapayapang buhay.
- Hindi naging sapat ang mga pangaral ni Simoun upang tuluyan niyang
makumbinsi ang binatang si Basilio.

ARAL:
Ang bawat tao sa mundo ay mayroong kanya-kanyang pamamaran kung paano nila
makamtam ang mga layunin at adhikain nila sa buhay.

K8- MALIGAYANG PASKO


CHARACTERS: Juli, Hermana Penchang, Tandang Selo

SUMMARY:
- Si Huli ay larawan ng isang babae na pilit nagpapakatatag na balang araw
ang kanyang mga panalangin ay masasagot ng isang himala.
- Kagaya ng nakagawian ni Huli siya ay gumising ng maaga at buong pusong
umaasa na sana ay hindi na sisikat ang araw. Tinignan niya ang ilalim ng
larawan ng Birhen sa pagbabasakaling nagkaroon na ng himala.
- Huminga nang malalim ang dalagang si Huli at namulat na lamang bigla na
mali pala ang mga sapantaha niya tungkol sa milagro. Pinagtawanan na
lamang niya ang kanyang sarili habang siya ay abalang nag-gagayak.
- Nagmadali siyang nagbihis upang pumunta sa bahay ng bago niyang
panginoon, si Hermana Pencahang. Bago siya umalis kinausap at binilin niya
ang kanyang lelong. Nang mapansin iniya ang nangingilid na luha ng
matanda ay dali-dali siyang umalis.
- Sa bahay ni Tandang Selo ay dumating ang kanyang mga kamag-anak upang
mamasko. Sinalubong niya ang mga ito, ngunit nagulat siya dahil anumang
gawin niyang magsalita o sumigaw ay walang boses na lumalabas sa
kanyang bibig.

ARAL:
Ang buhay ay parang isang gulong. Ang mga pangarap sa buhay ang gawing
inspirasyon upang mabilis ang pag-ikot ng mga gulong tungo sa tagumpay.

K9- ANG MGA PILATO


CHARACTERS: Kabesang Tales, Padre Clemente, Hermana Penchang, Juli, Mga
Prayle
SUMMARY:
- Sa kabanata na ito ipinakita ni Rizal ang pamamayani ng kasakiman at
pagiging tuso ng mga prayle.
- Ang nakakalunos na sinapit ni Kabesang Tales ay nakarating sa bayan. Ang
ilan ay naawa sa matanda, samantala ang mga guwardiya sibil at mga prayle
ay nagkibit lamang ng balikat.
- Si Padre Clemente na siyang tagapangasiwa ng hasyenda ay mabilis na
naghugas kamay sa narinig na balita. Sinisi pa niya si Kabesang Tales dahil
sa pagsuway ng huli sa utos ng korporasyon. Idiniin pa niya ang matanda na
nagtatago ng mga armas.
- Pinagsabihan ni Hermana Penchang ang alipin na si Huli na magdasal sa
wikang Kastila. Ito daw ang dahilan kung bakit napipi at naghihirap ang
kanyang ama. Hindi daw sila marunong manalangin sa langit.
- Buong galak na nagdiwang ang mga pari dahil sa pananalo nila sa usapin
tungkol sa hasyenda. Sinamantala nila ang pagkakataon upang ipamigay ang
mga lupain ni Kabesang Tales. Maging ang matanda ay bibigyan ng kautusan
ng tinyente na lisanin ang kanyang sariling tahanan.

ARAL:
Ang mga kasawian at pagsubok sa buhay ay hindi dapat inilalagay sa puso at isipan.
Labanan ito at huwag hayaang maging lason na sisira sa iyong pagkatao.

K10- KAYAMANAN AT KARALAITAAN


CHARACTERS: Simoun, Kapitan Basilio, Sinang, Kabesang Tale, Hermana
Penchang

SUMMARY:
- Si Simoun ay tumuloy sa bahay ni Kabesang Tales. Siya ay may dalang
pagkain at ang kanyang ibang kailangan, at dalawang kaban ng mga alahas.
- Nagsidatingan na ang mga mamimili ng alahas ni Simoun na sina Kapitan
Basilio at ang kanyang anak na si Sinang at kanyang asawa, at si Hermana
Penchang na kung saan may balak bumili ng isang singsing na may brilyante
para sa birhen ng Antipolo.
- Lahat sila ay galak na galak sa dala dalang alahas ni Simoun, sapagkat si
Kabesang Tales naman ay napaisip sa kayamanang dala dala ni Simoun.
- Inilabas ni Simoun ang kanyang mga bagong hiyas. Dito naman pumili si
Sinang at iba pa. Tinuro ni Sinang ang isang kuwintas at pinabibili ito sa ama
niyang si Kabesang Tales.
- Ang kuwintas na pinili ni Sinang ay ang kuwintas ng kanyang naging
kasintahan na pumasok sa pagmomongha. Ito ay may halagang limang
daang piso.

ARAL:
Maging makatao sa iyong mga kakilala at kababayan. Nasa taong namamahala ang
isinasama ng mga mamayanan. Ugali din ng Pilipino ang magbuwi buhay
alang-alang sa kanilang karapatan.

K11- LOS BAÑOS


CHARACTERS: Kapitan Heneral, Padre Sibilya, Padre Irene, Padre Camorra,
Simoun, Don Custudio, Don Fernandez, Mataas na Kawani

SUMMARY:
- Noo’y ika-31 ng Disyembre. Ang Kapitan Heneral kasama si Padre Sibilya at
Padre Irene ay naglalaro ng tresilyo sa bahay-aliwan sa Los Banos.
- Nagpatalo ang dalawang kura dahil ang nais lamang nila na mangyari sa
panahon na iyon ay kausapin si Kapitan tungkol sa paaralan ng Kastilang
balak ng kabataan. Ngunit maraming iniisip an Kapitan, kagaya ng papeles ng
pamamahala, pagbibigay biyaya, pagpapatapon, at iba pa.
- Ang paaralan ay hindi ganoon ka-importante sa Kapitan. Nagalit naman si
Padre Camorra dahil sa sinadyang pagkatalo ni Padre Irene, at hinayaang
manalo si Kapitan.
- Pinalitan naman ni Simoun si Padre Camorra. Biniro naman ni Padre Irene
ang binata na ipusta ang kanyang mga brilyante. Pumayag naman ito
sapagkat wala namang maipupusta ang kura. Subalit sinabi ni Simoun na
kapag siya ang nanalo, bibigyan nila siya ng pangako.
- Sa kakaibiang kondisyon ng binata ay lumapit si Don Custodio, Padre
Fernandez, at Mataas na Kawani. Tinanong nila ang binata kung para saan
ang kanyang mga hiling. Sinagot naman ng binata ay para ito sa kalinisan at
kapayapaan ng bayan.

ARAL:
Pinapakita sa kabanatang ito ang kaugaliang Pilipino na nasusunod ang lahat ng
utos at gusto ng isang makapangyarihang tao at dapat natin respetuhin at suyuin
ang taong iyon.

K12- PLACIDO PENINTE


CHARACTERS: Placido, Juanito, Padre Valerio, Padre Camorra

SUMMARY:
- Si Placido Penitente ay nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas at nasa
ikaapat na taon na siya ng kolehiyo. Ngunit, malungkot ang binata at nais na
niyang tumigil sa pag-aaral.
- Pinakiusapan siya ng kanyang ina na kahit tapusin nalang ang natitira niyang
taon sa eskwelahan. Ang ideyang tumigil sa pag-aaral ay naisipan ni
Penitente dahil sa mga kasamahan niya sa Tanawan. Siya ang
pinakamatalinong studyante at bantog sa paaralan ni Padre Valerio noon.
- Isang araw nagulat si Penitente nang tinapik siya ni Juanito Paelez, isang
anak ng mayamang mestizong Kastila.
- Kinamusta siya ni Paelez sa bakasyon nito kasama si Padre Camorra at saka
kinuwento naman ito ng binata.
- Tinanong din ni Paelez si Penitente tungkol sa kanilang leksyon dahil noong
araw lamang na iyon ang unang pagpasok ni Paelez. Niyaya naman ni Paelez
si Penitente na maglakwatsa, ngunit tumutol naman ito.

ARAL:
Ang pamahaalan ay minsang abusado at sakim sa kapangyarihan dahil sa pagtuttol
nila ang pagtututo ng mga tao.

K13- ANG KLASE SA PISIKA


CHARACTERS: Padre Millon, Pelaez at Placido,
SUMMARY:
- Ang silid sa pisika ay maluwag at parihaba ang sukat. Malalaki rin ang mga
bintana na mayroong rehas na bakal. Sa magkabilang panig ng kuwarto ay
mayroong upuang kahoy na aabot sa tatlong baitang ang taas. Doon umuupo
ang mga mag-aaral na nakaayos batay sa titik ng kanilang apelyido.
- Kahit malaki ang silid, makikita namang wala itong anumang palamuti. May
mga kagamitan at instrumento para sa pag-aaral sa pisika ngunit
nakasalansan naman sa isang aparador na nakakandado.
- Si Padre Millon ang maestro sa Pisika na tanyag sa paaralan ng San Juan de
Letran. Isa-isa niyang tinatawag ang mga mag-aaral upang tanungin ng
aralin. Ang magkaibigang Pelaez at Placido ay nagsesenyasan na
magturuan. Inapakan ni Pelaez ang paa ng kaibigan bilang hudyat ngunit
napasigaw si Placido.
- Siya tuloy ang napagbalingan ng inis ng guro at tinanong. Utal-utal siyang
sumagot at nagalit ang pari at binigyan siya ng mababang marka habang
nakatanggap pa ng lait at mura mula sa pari. Nainis si Placido at biglang
umalis sa klase na ikinagulat ng lahat.

ARAL:
Kung minsan ay lumalabis na sa pagdidisiplina ang iba. Kahit maganda ang
intension, kung hindi maganda ang pamamaraan ay wala rin itong bisa.

K14- SA BAHAY NG MGA MAG-AARAL


CHARACTERS: Makaraig, Sandoval, Pecson, Pelaez, at Isagani, Pecson, Padre
Irene, Don Custodio, Ginoong Pasta, Mga Prayle

SUMMARY:
- Pag-aari ni Makaraig ang bahay na tinutuluyan ng mga mag-aaral. Marangya
ang pamumuhay niya at nag-aaral ng abogasya. Siya rin ang pinuno ng mga
mag-aaral na may kilusan para sa nais nilang Akademya sa wikang Kastila.
- Inanyayahan niya sina Sandoval, Pecson, Pelaez, at Isagani sa isang
pagpupulong. Positibo ang pananaw nina Isagani at Sandoval na papayagan
ang kanilang panukala. Habang si Pecson naman ay duda kaya nagkaroon
sila ng pagtatalo.
- Ibinunyag ni Makaraig na ipinagtatanggol daw sila ni Padre Irene sa kanilang
plano. Kailangan na lamang daw nilang mapapayag si Don Custodio, isa sa
mga bahagi ng lipon ng paaralan, sa pamamagitan nina Ginoong Pasta na
isang manananggol at si Pepay na isa namang taga-aliw. Malalapit daw kasi
ang mga ito sa pari.
- Napagkasunduan ng mga mag-aaral na kay Ginoong Pasta sila hihingi ng
tulong dahil marangal itong tao at tiyak na magiging maayos ang paraan at
proseso ng pagkumbinsi sa prayle.

ARAL:
Isang magandang gawi ang pagpaplano ang pag-uusap tungkol sa mga adhikain.
Kung kikilos nang sabay-sabay at iisa ang pangkat, tiyak na makakamit ang mithiin.

K15- GINOONG PASTA


CHARACTERS: Isagani, Ginoong Pasta, Don Custodio

SUMMARY:
- Bilang pagtupad sa kanilang misyon, tinungo ni Isagani ang tanggapan ni
Ginoong Pasta. Kilala si Ginoong Pasta sa talas ng kaniyang isip at angking
katalinuhan. Sa kaniya lumalapit ang mga pari upang manghingi ng payo
kung nasa isang gipit na sitwasyon.
- Nakipag-usap si Isagani sa Ginoo tungkol sa kanilang balak. Nais niyang
kausapin ni Ginoong Pasta si Don Custodio at mapasang-ayon ito.
- Naisalaysay ni Isagani kay Ginoong Pasta ang misyon ng kanilang kilusan.
Nakinig naman ang Ginoo ngunit akala mo ay walang alam at walang
pakialam sa kilusan ng mga mag-aaral. Nakiramdam naman si Isagani kung
naging mabisa ba ang mga salita niya sa Ginoo.
- Pagkatapos ng ilang sandali, sinabi ng Ginoo ang kaniyang pasya. Ayaw niya
raw makialam sa plano ng mga mag-aaral dahil maselan daw ang usapin at
mas makabubuti raw na ang pamahalaan na lamang ang kumilos hinggil dito.
Malungkot naman si Isagani sa naging pasya ng Ginoo.

ARAL:
Ang talas ng isip ng tao ay nagagamit sa kabutihan ngunit kung minsan ay pinipili na
lamang ding manahimik upang hindi masangkot sa mga gulo.
K16- ANG KASAWIAN NG ISANG INTSIK
CHARACTERS: Quiroga, mga military, kawani ng gobyerno, mga prayle, at kapuwa
negosyante, Simoun, Don Custodio

SUMMARY:
- Isang negosyanteng Intsik si Quiroga. Sa kabila ng hinaharap na pagkalugi ng
kaniyang negosyo ay nagawa pa nitong magpatawag ng isang hapunan.
Pakay niya na magkaroon ng konsulado ang Tsina sa bansa. Inimbitahan niya
ang mga military, kawani ng gobyerno, mga prayle, at kapuwa negosyante.
- Naroon din si Simoun. Hindi lamang pagsama sa hapunan ang pakay ng
alahero kung hindi maging ang paniningil sa utang ni Quiroga. Gayunman,
dahil nga sa pagkalugi ng kaniyang negosyo, hindi siya makababayad kay
Simoun ng limang libong piso.
- Inalok naman siya ni Simoun na maaari niyang bawasan ng dalawang libong
piso ang pagkakaurang ng Intsik kung papaya itong maitago ang mga armas
sa kaniyang bodega.
- Ipinaliwanag ni Simoun na wala raw dapat ikatakot ang negosyante sapagkat
unti-unti rin umanong ililipat ang mga ito sa ibang lagakan. Walang nagawa
ang Instik kung hindi pumayag sa alok ni Simoun.
- Nag-uusap naman sina Don Custodio tungkol sa ipadadala sa bansang India
upang matutong gumawa ng sapatos para sa sandatahan.

ARAL:
Sa oras ng kagipitan, kahit hindi pabor ay napapasang-ayon ang isang tao. Kahit
mayroong pangambang nararamdaman, basta para sa ikaluluwag ng sitwasyon, ay
aayon ito.

K17- ANG PERYA SA QUIAPO


CHARACTERS: Quiroga, labindalawang bisita niya, Mr. Leeds, Padre Camora,
Paulita Gomez, Donya Victorina, Isagani, Ben Zayb, Simoun

SUMMARY:
- Umalis na sa bahay ni Quiroga ang labindalawang bisita niya. Ngayon naman
ay pupunta sila sa isang peryahan sa Quiapo at sa bahay ni Mr. Leeds.
- Aliw na aliw ang pari na si Padre Camora sa mga babaeng nakikita niya sa
peryahan. Kilala kasi bilang makamundo ang prayleng iyon. Lalong
nadagdagan ang kaniyang tuwa nang makasalubong si Paulita Gomez.
Kasama nito ang kaniyang tiyahin na si Donya Victorina. Iyon lang, kasama
din nila si Isagani na katipan ni Paulita.
- Nakarating sila sa isang tindahan ng mga rebultong kahoy. Doon ay
nagsabihan ng mga kahawig ng estatwa ang mga kasama ni Mr. Leeds. Sabi
ng isa na ang estatwa ay kahawig ni Ben Zayb habang ang isa naman daw ay
kahawig ni Camora dahil maraming likha ang mga kahawig ng pari.
- Mayroon silang nakitang larawan na kahawig ni Simoun. Wala sa paligid ang
alahero kaya napag-usapan nila ito. Nagwika naman si Ben Zayb na baka
natatakot lamang si Simoun na mabunyag ang lihim ng kaibigan si Mr. Leeds.

ARAL:
Ang pagnanasa at makamundong gawain ay walang pinipiling anyo o antas sa
buhay. Basta hindi bukas sa pagbabago, iikot sa mga masasamang pagnanasa ang
isang tao.

K18- ANG MGA KADAYAAN


CHARACTERS: Simoun at Mr. Leeds, Ben Zayb, Amasis (isang pinuno sa Ehipto),
Padre Salvi

SUMMARY:
- Sa kabanatang ito makikita ang malaking pagkakahawig ng dalawang
karakter na sina Simoun at Mr. Leeds.
- Bago mag-umpisa ang pagtatanghal ni Mr. Leeds ay siniyasat muna ni Ben
Zayb ang buong bulwagan. Maging ang mga gamit ng Amerikano ay hindi rin
niya pinalampas.
- Pilit siyang naghahanap ng salamin, isang bagay na karaniwang ginagamit sa
pandaraya sa mga tanghalan. Wala siyang natagpuan kaya inumpisahan na
ang palabas.
- Naglabas ng maitim at luma na kaha si Mr.Leeds. Sinabi niya na natagpuan
niya ito sa isang lumang libingan. Pagkatapos niyang sumigaw ng mga
salitang banyaga ay kusang nabuksan ang kaha.
- Dito ay tumambad ang isang ulong anyong bangkay na mayroong mahaba at
makapal na buhok. Mula sa kadiliman ay mayroong nagsalita na parang
tumatangis at humihingi ng tulong.
- Ang kuwento ng misteryosong boses ay tungkol sa mga mapang-aping prayle
at saserdote noong panahon ni Amasis (isang pinuno sa Ehipto). Dahil sa
mga narinig ay kinilabutan at hinimatay si Padre Salvi.

ARAL:
Ang mga taong mababaw ang pag-iisip at pang-unawa ang siyang kadalasang
nagiging biktima ng mga mapaglinlang. Maging mapagmatiyag at mapanuri sa lahat
ng oras.

K19- ANG MITSA


CHARACTERS: Placido, Kabesang Tales, Simoun

SUMMARY:
- Si Placido ay larawan ng isang karaniwang kabataan. Siya ay mapusok,
nagkamali ngunit sa bandang huli ay nahanap din ang tamang daan tungo sa
magandang kinabukasan.
- Labis ang hinagpis ni Kabesang Tales dahil sa desisyon ni Placido hinggil sa
kanyang pag-aaral. Kinausap niya ang kanyang anak na ipagpatuloy ang
kanyang pag-aaral hanggang sa makatapos ng abogasya.
- Dahil dito ay lalong nagpuyos ang kalooban ng binata at iniwan ang kanyang
ina. Sa kanyang paglalakad sa bayan ay nakita niya si Simoun. Lumapit siya
dito at isinalaysay ang nangyari sa kanya.
- Sinadya ni Simoun na isama si Placido sa pagawaan ng pulbura. Nasaksihan
ng binata ang hirap ng kalagayan ng mga mangagawa ni Simoun. Sunod
nilang pinuntahan ang bahay ng mag-aalahas.
- Dito niya nakita ang isang bata na kasing edad niya ngunit malayong
matanda ang itsura kumpara sa kanya. Ipinaliwanag ni Simoun na ito ay sanhi
ng mabibigat na gawain na naiatang sa kanya. Dahil sa mga nasaksihan ay
namulat ang isip at kalooban ni Placido.

ARAL:
Hanggang mayroong pagkakataon samantalahin ito upang makapagtapos sa
pag-aaral. Ang oras kapag lumipas ay hindi na maibabalik pa.

K20- SI DON CUSTODIO


CHARACTERS: Don Custodio Salazar, Padre Irene

SUMMARY:
- Si Don Custodio Salazar ay isang Katolikong mapaglinlang. Hindi siya
naniniwala sa pangungumpisal, sa milagro ng mga santo at ang pagiging
banal ng papa.
- Bata pa si Don Custodio nang dumating siya sa Maynila. Dahil sa kanyang
mataas na katungkulan ay nakapangasawa siya ng isang mayamang
taga-lunsod. Ginamit niya ang pera ng kanyang asawa sa pangangalakal.
Siya ay naging tanyag at napabilang sa mga kinikilalang tao sa lipunanan.
- Mahigit na dalawang linggo na sa poder ni Don Custodio ang usapin tungkol
sa paggamit ng wikang Kastila sa loob ng akademya. Siya ang naatasan na
gumawa ng pag-aaral at magbigay ng pasya kung ang paggamit ba ng mga
estudyante ay naayon o hindi.
- Ang pag-iisip ni Don Custudio ay mahirap mawari. Minsan ay kakampi at
pinagtatabggol niya ang mga Indiyo. Samantalang kung minsan ay
hiinahamak niya ang pagkatao ng mga ito.
- Sa kanyang pagbibigay ng pasyatungkol sa usapin, isa lang ang gusto niyang
mangyari, ang mapasaya ang mga prayle lalo na si Padre Irene.

ARAL:
Inyong pakatatandaan na walang saysay ang mataas na katungkulan kung hindi ito
nagagamit sa isang magandang layunin. Gamitin niyo ang inyong kapangyarihan
upang makatulong sa kapwa.

K21- MGA ANYO NG TAGA MAYNILA


CHARACTERS: Padre Salvi, Camaroncocido, Tiyo Kiko

SUMMARY:
- Ang pagtatanghal sa Dulaang Variadades ay nagdulot ng salungat na
opinyon. Ang grupo nina Padre Salvi ay tutol sa pagtatanghal ng dulaan,
habang ang mga kawani, hukbong dagat at taong lipunan ay nasasabik na sa
nalalapit na pagtatanghal ng nasabing palabas
- Maaga pa ang gabi ay ubos na ang mga bilyete. Nagsimula na ring dumating
ang mga panuhin at mga manonood, isa na rito si Camaroncocido.Siya ay
buhat sa isang kilalang angkan ng Kastila ngunit nabubuhay na tila
hampas-lupa dahil sa kanyang pananamit.
- Dumating din si Tiyo Kiko, ang kayumangging matanda na hinahangaan sa
kanyang maayos na bihis mula ulo hanggang paa. Sila ni Camaroncocido ay
parehong nabubuhay sa pagbabalita at pagdirikit ng mga kartel ng mga
dulaan.
- Ang katotohanan ay labag sa kalooban ng mga prayle ang pagtatanghal dahil
sa isyu ng moralidad at kalaswaan na paksa ng dula. Ngunit sa huli ay
pumayag din sila dahil sa panghihinayang sa perang malilikom mula sa
bentahan ng bilyete.

ARAL:
Hindi balakid ang kahirapan sa buhay upang maging maayos, malinis at
katangi-tangi ang kaanyuan. Hindi masama ang magbihis at gumalaw na mistulang
mayaman basta kaya itong dalhin at panindigan.

K22- ANG PALABAS


CHARACTERS: Heneral, Simoun, Don Custudio

SUMMARY:
- Marami sa mga nanood ng palabas ay hindi nasiyahan dahil sa hindi
mawaring kahulugan ng wikang Pranses.
- Maatagal na naantala ang pagsisimula ng dula dahil sa matagal na pagdating
ng Heneral. Napuno ang lahat ng palko na nakalaan sa mga panauhin
maliban sa isa na nakalaan sa mag-aalahas na si Simoun.
- Nabigla ang mga kabataang sa pagdating ng isa sa mga tutol sa
pagtatanghal, si Don Custodio. Ang matapang naman nitong depensa ay
inutusan siya ng mga kinauukulan upang magsilbing ispiya.
- Masaya ang lahat nang mag-umpisa na ang palabas. Ngunit habang ito ay
tumatagal ay unti-unting nalilito ang mga nanood. Marami sa mga panauhin
ay hindi nakakaintindi ng wikang Pranses.
- Lalo pang nagkalituhan nang tangkain ng ilan na isalin ang dula sa wikang
Kastila. Marami kasi sa mga taga-salin ay pawang mga nagmamagaling
lamang ngunit ang katotohanan ay hindi rin nila lubos na iintindihan ang
salitang Pranses.
- Ikinagulat ng lahat ang pagtayo at paglabas ng grupo mga mag-aaral sa
kalagitnaan ng dula.

ARAL:
Ang pagkakaroon ng sariling wika ay tanda ng isang ganap na kalayaan. Hindi
lamang ito karapatan bilang isang tao bagkus ay para rin sa kalayaan ng
pang-unawa at kaisipan.
K23- ISANG BANGKAY
CHARACTERS: Basilio, Kapitan Tiyago, Simoun, Maria Clara, Padre Salvi

SUMMARY:
- Naging palasispan kay Basilio ang dahan-dahan na pagkalat ng lason sa
buong katawan ni Kapitan Tiyago.
- Tahimik na nag-aaral si Basilio nang biglang dumating ang mag-aalahas sa
tahanan ni Tiyago. Kinumusta muna ni Simoun ang kalagayan ng maysakit
pagkatapos ay sinabi niya agad ang kanyang pakay sa binata
- Sa kabila ng matigas na pagtanggi ng binata ay muli niya itong pinakiusapan.
Humingi siya ng pabor na kung puwede ay pamunuan ni Basilio ang isang
pulutong upang maghasik ng kaguluhan sa kalathang Maynila.
- Ito ang naisip na paraan ni Simoun upang maitakas niya sa kumbento si
Maria Clara. Nagulat si Basilio sa tinuran ni Simoun kaya sinabi niya sa
mag-aalahas na si Maria Clara ay pumanaw na.
- Nagulat at nayanig ang mundo ni Simoun sa narinig na balita. Ayaw niyang
maniwala sa sinabi ni Basilio ngunit ipinakita ng binata ang sulat ni Padre
Salvi na labis na tinangisan ng amang si Tiyago.
- Hindi maiwasan ni Basilio ang maawa sa noo’y nanlumumo na si Simoun.

ARAL:
Ang pagtalikod sa pakikipaglaban na walang katiyakan ay hindi isang kaduwagan o
kahinaan. Matalino at matapang ang mga tao na mayroong ganitong pananaw sa
buhay.

K24- MGA PANGARAP


CHARACTERS: Donya Victorina, Don Tiburcio, Isagani, Simoun, Paulita, Juanito

SUMMARY:
- Lingid sa kaalaman ni Donya Victorina ang kanyang nawawalang asawa na si
Don Tiburcio ay nasa pangangalaga ng tiyuhin ni Isagani.
- Kumalat sa bayan ang usapin ng biglaang pagkakasakit ng alaherong si
Simoun. Naging mailap siya sa tao at hindi halos tumatanggap ng sinumang
panauhin sa loob ng kanyang tahanan.
- Sa kabilang dako naman ay matiyagang hinihintay ni Isagani ang kaniyang
kasintahan na si Paulita. Habang naghihintay ay sumagi sa kanyang isipan
ang mga pangarap niya para Inang Bayan.
- Dahil sa matagal na paghihintay ay naisipan na niyang umuwi nang biglang
dumating ang isang karwahe lulan sina Juanito, Paulita at si Donya Victorina.
Magiliw siyang tinanong ng matanda kung mayroon na ba siyang balita kay
Don Tiburcio. Sinagot naman ito ni Isagani na kunwari ay walang alam.
- Ipinagtapat ni Paulita sa kasintahan na ang nililigawan ni Juanito ay ang
kanyang Ale. Dahil dito ay naging lubos ang kagalakan ng binata kaya sinabi
rin niya sa dalaga ang totoong kalagayan ni Don Tiburcio.

ARAL:
Ang lihim ay lihim. Kapag masyadong masaya, huwag magpapadala sa emosyon
upang isiwalat ang mga nakatagong lihim.

K25- TAWANAN AT IYAKAN


CHARACTERS: Don Custudio, Sandoval, Basilio, Juanito, Simoun

SUMMARY:
- Ang simpleng piging ng mga mag-aaral ang magiging mitsa upang sila ay
usigin ng pamahalaan.
- Hindi pa man lumalabas ang pasya ni Don Custodio tungkol sa usapin ng
pagtututro ng wikang Kastila ay batid na ng grupo nina Sandoval ang
kahihinatnan nito.
- Ayaw ng mga prayle at ng pamahalaan na matuto ng wikang Kastila ang mga
Indiyo. Wala daw karapatan ang mga ito na gamitin ang kanilang wika. Dahil
dito ay tiyak na ang magiging kapasyahan ni Don Custudio. Papanig siya sa
kagustuhan ng mga kinauukulan.
- Kagaya ng kanilang napagkasunduan ang labing-apat ay nagtipon sa isang
pansiterya upang ipagdiwang ang kahihinatnan ng pasya. Tanging si Basilio
at si Juanito ang hindi nakarating sa nasabing pagtitipon.
- Masayang nagbibiruan ang mga mag-aaral at maingay na tinutuligsa ang mga
prayle. Iniugnay pa ang mga ito sa bawat pagkain na kanilang pinili.
- Bago sila natapos ay napansin ni Isagani ang isang binata na nagmamasid at
tila sibubaybayan ang kanilang ginagawa. Nang makita siya ay mabilis ito na
umalis lulan ng sasakyan ni Simoun.

ARAL:
Walang kagandahang maidudulot ang pagiging mapusok lalo na sa mga kabataan.
Laging tatandaan ang pagsisisi ay laging nasa huli.

K26- MGA PASKIN


CHARACTERS:Basilio, Makaraig, Simoun, Kabesang Tales, Mga Guwardiya Sibil
SUMMARY:
- Ang araw ng pag-uusig ang babago sa mapayapa at tahimik na buhay ni
Basilio.
- Maagang gumising si Basilio para pasyalan sa pagamutan ang kanyang mga
pasyente. Bukod dito ay pupuntahan din niya ang kaibigang si Makaraig
upang kunin ang hiniram na pera para makuha na niya ang kanyang grado.
- Habang patungo sa pamantasan ang binata ay napansin niya ang grupo ng
mga mag-aaral na pinapalabas sa loob ng paaralan. Maingay nilang
pinag-uusapan ang mga mag-aaral na sangkot sa paglulunsad ng
himagsikan.
- Gumapang ang takot sa buong katawan ni Basilio dahil sa kanyang mga
narinig. Kumalma lamang ang kanyang kalooban nang malamang walang
kinalaman sina Simoun at Kabesang Tales sa usapin ng himagsikan.
- Sa paghahanap niya kay Makaraig ay nakasalubong niya ang mga guwardiya
sibil. Pinigilan siya sa pagpasok at pinaghintay sa labas ng bahay ng kanyang
kaibigan.
- Paglipas ng ilang sandali ay dumating ang kabo at pati siya ay inimbistigahan.
- Laking gulat na lamang ni Basilio dahil pati siya ay isinakay sa karwahe at
hinatid papunta sa tanggapan ng Gobyerno Sibil.

ARAL:
Ang tadhana ay mapagbiro. Kung minsan ang itinuturing mong kaibigan ay siya pa
pala ang maghahatid sa iyo ng tiyak na kapahamakan.

K27- ANG PRAYLE AT ANG ESTUDYANTE


CHARACTERS: Padre Fernandez, Isagani,
SUMMARY:
- Nasa tanggapan ng katedratikong si Padre Fernandez ang kaniyang
mag-aaral na si Isagani. Inusig ng pari si Isagani sa pagtatalumpati nito sa
harap ng mga mag-aaral at kung kasama ba ito sa hapunan.
- Tinatapat siya ng binata na hinangaan naman ng pari dahil karaniwan daw sa
mga ganoon ay tumatanggi. Sumagot si Isagani na kung ano raw ang mga
mag-aaral ay dahil iyon sa mga pari.
- Nagpalitan ng papuri ang dalawa sa kabila ng palitan ng argumento.
Gayunman, naisa-isa ni Isagani ang mga sakit ng mga pari sa pagiging guro.
Sinabi naman ng pari na malabis na ang sinasabi ni Isagani.
- Nagpatuloy si Isagani at sinabing ang kalayaan at karunungan ay kasama sa
pagkatao ng mga nilalang. Nagwika din si Isagani tungkol sa gawain ng mga
pari na pandaraya at panlalamang sa mga Pilipino upang maging maginhawa
lamang.
- Hindi nakapagsalita ang pari at ngayon lamang niya naranasang magipit sa
pakikipagtalo sa isang estudyanteng Filipino.

ARAL:
Wala sa edad o katayuan sa buhay ang pagiging tama o nasa katuwiran. Hindi
naibibigay ng edad ang pagkamulat bagkus ang mga karanasan at pinaniniwalaan
ang siyang ugat ng pagiging matuwid.

K28- PAGKATAKOT
CHARACTERS :Ben Zayb, Quiroga, Simoun, Don Custudio, Padre Irene, Tiago,
SUMMARY:
- Nagwika ang mamamahayag na si Ben Zayb na wasto ang kaniyang sinasabi
na masama sa Pilipinas ang pagkatuto ng mga kabataan.
- Nagdulot ng takot sa lahat ang mga paskil, kabilang ang mga pari, heneral, at
mga Intsik. Hindi na rin dumalo sa pagtitinda ni Quiroga ang mga pari.
- Nais namang konsultahin ng takot ding si Quiroga si Simoun tungkol sa mga
sandatang nakatago sa ilalim ng bahay. Ngunit nagpaabot lang ng mensahe
si Simoun na wag galawin ang mga ito.
- Nagpunta siya kay Don Custodio ngunit ayaw din nito ng bisita dahil sa takot
kaya kay Ben Zayb siya nagtungo. Nakita niya ang dalawang rebolber sa
ibabaw ng mga dokumento ng manunulat kaya umalis na ito agad.
- Nagpunta naman si Padre Irene sa bahay ni Tiago upang ibalita ang
kahindik-hindik na pangyayari. Nabalisa si Tiago dahil sa takot at di kinaya
ang kuwento. Nawalan na ito ng buhay. Kumaripas naman ng takbo ang pari.
- May napabalita namang may nagpaagaw ng salapi sa isang binyagan na
pinagkaguluhan ng mga tao roon. Inakalang mga pilibustero ang gumawa
noon.
- Hinabol ng mga sibil ang mga ito. May nahuli ring dalawang lalaking
nagbabaon ng mga armas na hinabol din ng mga sibil habang isang beterano
naman ang napatay.

ARAL:
Kahit ang mga nilalang na ipinakikitang mas matapang sila sa kapuwa ay mayroon
ding kinatatakutan. Lahat ng katapangan ay may hangganan, at lahat ng
matatapang ay may katapat.

K29- ANG HULING PATI UKOL KAY KAPITAN TIAGO


CHARACTERS:Kapitan Tiago, Padre Irene, Donya Patrocinio
SUMMARY:
- Abala ang marami sa gaganaping marangyang libing ni Kapitan Tiago.
Napunta ang naiwan niyang kayamanan sa Sta. Clara, sa Papa, at sa mga
pari. Ang dalawampung pisong natira ay ibinahagi bilang pangmatrikula ng
mga mag-aaral.
- Hindi malaman noong una kung ano ang damit na isusuot ni Tiago sa
kaniyang libing. May nagmungkahi na isang damit-Pransiskano, at mayroong
nagsabing isang prak na paborito ng Kapitan. Ngunit nagpasya si Padre Irene
na isang lumang damit na lang ang isusuot.
- May mga usapang ding nagpapakita ang kaluluwa ni Tiago bitbit ang
kaniyang panabong na manok habang puno ang bibig ng nganga. Sinabi tuloy
ng iba na hahamunin ni Tiago ng sabong si San Pedro sa langit.
- Marangya ang libing na maraming padasal at paawit. Marami ding kamanyan
at agua bendita na inialay sa kabaong.
- Ang katunggali naman ni Tiago na si Donya Patrocinio ay inggit na inggit sa
libing ni Tiago at nais na ring mamatay upang mailibing rin nang marangya.

ARAL:
Kung ano ang kabutihang itinanim ay siya ring aanihin. Dahil naging mabuting tao si
Tiago, naging maganda rin ang pag-alala ng mga tao sa kaniya hanggang sa huling
sandali.

K30- SI JULI
CHARACTERS: Juli, Basilio, Padre Camorra, Tandang Selo

SUMMARY:
- Malaking usapan sa San Diego ang pagpanaw ni Kapitan Tiago at
pagkakahuli kay Basilio. Labis namang nalulungkot si Juli dahil sa nangyari sa
kasintahan.
- Sa pagnanais na makalaya si Basilio ay naisip niyang lumapit kay Padre
Camorra. Ngunit nag-aalangan ito dahil sa maaaring gawin sa kaniya.
Gayunman, ilang gabi nang binabagabag si Juli sa kaniyang panaginip.
- Nabalitaan pa nitong nakalaya na ang mga kasama ni Basilio dahil sa tulong
ng mga kaanak. Naisip niyang wala nang tutulong kay Basilio dahil wala na
rin si Tiago.
- Ayaw man niya ay nagtungo si Juli kay Padre Camorra bilang nag-iisa niyang
pag-asa para sa nobyo. Nagtungo si Juli sa kombento.
- At tulad ng naiisip ni Juli, hinalay siya ng pari. Dahil hindi kinaya ang
kahihiyang ginawa, tumalon si Juli sa bintana ng kombento.
- Hindi kinaya ng lolo ni Juli na si Tandang Selo ang nangyari sa apo. Wala
siyang makuhang hustisya para sa apo kaya sumama na lamang ito sa mga
tulisan ng bayan.

ARAL:
Kapag mahal ang isang tao, gagawin nito ang lahat kahit kapalit nito ay ang
kaniyang kaligtasan. May mga tao namang nananamantala ng kagipitan ng iba para
maisakatuparan ang mga binabalak.

K31- ANG MATAAS NA KAWANI


CHARACTERS: Ben Zayb, Juli, Heneral, Isagani at Makaraig, Basilio
SUMMARY:
- Sa tulong ng mamamahayag na si Ben Zayb, hindi lumabas sa mga
pahayagan ang pagkamatay ni Juli. Tanging lumabas sa mga sirkulasyon ay
ang kabutihan ng Heneral na gawa-gawa lamang nila.
- Nakalaya na sa piitan sina Isagani at Makaraig. Si Basilio na lamang ang
nasa loob ng bilangguan.
- May dumating na mataas na kawani at nais nitong palabasin si Basilio sa
kulungan. Sinabi niyang mabuti si Basilio at sa katunayan ay malapit nang
matapos sa kurso sa medisina.
- Gayunman, lalo lamang napahamak si Basilio sa sinabi ng kawani. Panay
kasi ang pagtuligsa ng Heneral sa mga sinasabi nito.
- Sinabihan ng kawani ang heneral na dapat itong matakot at mahiya sa bayan.
Sabi naman ng heneral, sa Espanya siya may utang na loob dahil sila ang
nagbigay ng kapangyarihan at hindi ang mga Pilipino.
- Bigong lumisan ang kawani na kinabukasan ay nagbitiw umano sa puwesto at
babalik na lamang Espanya.

ARAL:
May mga taong kahit na alam na mali sila ay paninindigan na lamang ito upang hindi
maibaba ang sarili at mapahiya. Ipipilit nila ang gusto kahit mayroong masamang
epekto sa kanilang kapuwa.

K32- ANG BUNGA NG MGA PASKIL


CHARACTERS: Makaraig, Juanito Pelaez, Pecson, at Tadeo, Isagani at Sandoval,
Basilio, Juli at Tandang Selo dahil sa kutserong si Sinong, Juanito at Paulita
SUMMARY:
- Nagbago ang mukha ng edukasyon sa San Diego dahil sa nangyaring
pagpapaskil. Wala na halos mga magulang ang nagpapaaral ng mga anak.
Habang bihira naman ang nakakapasa sa mga pagsusulit.
- Kabilang sa mga hindi nakapasa sina Makaraig, Juanito Pelaez, Pecson, at
Tadeo. Natuwa pa si Tadeo na di nakapasa at sinunog pa ang mga libro nito.
- Nagmamadali namang nagpunta ng Europa si Makaraig habang si Juanito
naman ay kasama ng ama nito sa negosyo.
- Pinalad namang makapasa sina Isagani at Sandoval habang wala pang
pagsusulit si Basilio dahil nasa piitan pa ito.
- Nabalitaan na rin ni Basilio ang nangyari kay Juli at ang nawawalang si
Tandang Selo dahil sa kutserong si Sinong na tanging dumadalaw kay Basilio.
- Napabalita ring ikakasal na sina Juanito at Paulita. Dahil doon ay
magkakaroon umano ng isang piging na inaabangan na ng mga tao roon. Ito
ang unang malaking pagtitipon matapos lumaganap ang takot sa kanilang
bayan.

ARAL:
Dahil sa paninira ng mga nasa kapangyarihan sa isang institusyon o gawain,
nawawala ang kredibilidad nito kahit ang katotohanan ay nais lamang ng mga ito
ang mapabuti ang mga kapuwa.

K33- ANG HULING MATUWID


CHARACTERS: Simoun, Basilio,
SUMMARY:
- Isang hapon ay nagkulong si Simoun sa kaniyang kuwarto at ayaw
magpaabala. Tanging si Basilio lamang daw ang papapasukin kapag
dumating ito. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang binata.
- Laking gulat ni Simoun sa hitusra ni Basilio. Payat na payat ito, magulo ang
pananamit, at tila isang patay na nabigyan lamang muli ng buhay.
- Agad na ipinarating ni Basilio ang kagustuhan nitong umanib kay Simoun at
sumama sa mga plano nito na dati ay tinanggihan niya. Naisip daw kasi niya
na hindi pa niya naigaganti ang kaniyang magulang at kapatid na yumao.
- Natuwa naman si Simoun at nagpunta sila sa laboratoryo at doon ay ipinakita
ang isang pampasabog. Sabi ni Simoun ay gagamitin daw ito sa Kapistahan.
- Tila isang ilawan o lampara ang anyo ng pampasabog na gagamitin nila.
Nagbilin si Simoun na magkita sila ni Basilio sa tapat ng parokya ng San
Sebastian para sa huling pagpaplano.

ARAL:
Kahit na nag-iisip ng matuwid ang isang tao, may mga pagkakataong kakapit din
siya sa patalim dahil nabubulagan ng mga suliranin at pinagdaraanan sa buhay.

K34- ANG KASAL NI PAULITA


CHARACTERS: Basilio, Isagani, Isagani, Kapitan Tiago,
SUMMARY:
- Nasa lansangan si Basilio at tumungo sa kaibigang si Isagani upang
makituloy. Ngunit wala ang kaibigan sa bahay nito at maghapon daw na di
umuwi.
- Iniisip ni Basilio ang magaganap na pagsabog. Ikawalo na ng gabi at
kakaunting sandali na lamang ay sasabog na ang lampara.
- Nakita niyang bumaba sina Paulito at Juanito sa sasakyan bilang bagong
kasal. Nahabag siya para sa kaibigang si Isagani.
- Inisip niyang ayain ito sa himagsikan ngunit naisip niyang di ito papayag dahil
wala pa namang pasakit na naranasan sa buhay. Naisip din ni Basilio ang ina
at kapatid. Kaya hindi na rin siya makapaghintay sa mangyayaring pagsabog.
- Dumating na rin si Simoun sa bahay ni Kapitan Tiago kung saan gaganapin
ang piging. Dala nito ang lamparang mayroong pampasabog.
- Nanumbalik sa alaala ni Basilio ang mga panahong nasa tahanan siya ni
Tiago. Nakita niya kung gaano karangya ang bahay at kagamitan sa tahanan
ni Kapitan Tiago.

ARAL:
Mayroon tayong mga ginagawa at ninanais na hindi para sa ating mga sarili.
Maaaring ito ay sa mga kaanak o minamahal sa buhay na gusto nating pasayahin.

K35- ANG PIGING


CHARACTERS: Bagong kasal, Donya Victorina, Basilio, Simoun, Isagani,
Paulita, Don Custodio
SUMMARY:
- Nag-umpisa nang dumating ang mga bisita sa piging. Naroon na ang bagong
kasal kasama si Donya Victorina. Nasa loob na rin ng bulwagan si Padre
Salvi pero ang heneral ay hindi pa dumarating.
- Nakita na rin ni Basilio si Simoun dala ang ilawan na pampasabog. Nang mga
oras na iyon, nag-iba ang pananaw ni Basilio at nais nang maligtas ang mga
tao sa loob sa nakatakdang pasabog mula sa lampara. Ngunit hindi siya
pinapasok dahil sa madungis niyang anyo.
- Sa di kalayuan ay nakita niya ang kaibigang si Isagani. Dali-daling umalis ang
binata mula sa usapan dahil naisip si Paulita.
- Habang nasa itaas naman, nakita nila ang isang papel na may nakasulat na
“MANE THACEL PAHRES JUAN CRISOSTOMO IBARRA.”
- Sabi ng ilan ay biro lamang iyon ngunit nangangamba na ang ilan na gaganti
si Ibarra. Sinabi ni Don Custodio na baka lasunin sila ni Ibarra kaya binitiwan
nila ang mga kasangkapan sa pagkain.
- Nawalan naman ng ilaw ang lampara. Itataas sana ang mitsa ng ilawa nang
pumasok naman si Isagani at kinuha ang ilawan at itinapon sa ilog mula sa
asotea.

ARAL:
Namamayani pa rin sa ilan ang kabutihang loob kahit na mayroong pagnanasang
gumanti sa kapuwa. Bandang huli, ang paghihiganti ay hindi lunas sa sugat ng
kahapon.

K36- MGA KAPIGHATIAN NI BEN ZAYB


CHARACTERS: Ben Zayb, Kapitan Tiago, prayleng sina Salvi at Irene, at si Don
Custodio, Padre Camorra, Simoun
SUMMARY:
- Agad na umuwi si Ben Zayb mula sa bahay ni Kapitan Tiago at hindi
makatulog. Dito ay nakaisip na naman niyang gumawa ng balita na bayani
raw ang kapitan, ang mga prayleng sina Salvi at Irene, at si Don Custodio.
- Gayunman, ibinalik ng patnugot ng kanilang diyaryo ang sulat ni Ben dahil
ipinagbawal daw ng heneral ang pag-alala sa anumang nangyari noong
gabing iyon.
- Nabalitaan naman ni Ben ang pagsulob sa Ilog Pasig. Ninais na naman
niyang gumawa ng balita ukol doon.
- Ngunit natagpuan niya ang sugatang si Padre Camorra na pinagnakawan
daw ng mga naghimagsik. Gustong dagdagan ni Ben ang bilang ng mga
lumusob.
- `May nahuli sa mga tulisang naghimagsik. Umamin itong kasama sila sa
pangkat ng isang alyas Matanglawin. Hudyat dawn g paglusob nila ang
pagputok na nangyari.
- Di naniniwala ang mga nag-aklas na si Simoun ang pinuno nila. Ngunit
nawawala na si Simoun at wala na rin ang mga armas doon.

ARAL:
May mga kuwento at bali-balitang ginagawa at pinalalala lamang ng mga mananahi
ng istorya. May mga taong napapahamak at naniniwala kaya kailangan ay maging
mapagmatiyag.

K37- ANG HIWAGAAN


CHARACTERS: Chikoy, Paulita, Don Timoteo, Isagani, Juanito, Simoun,
Quiroga o si Makaraig
SUMMARY:
- Kahit na gumawa ng hakbang ang pamahalaan ay lumaganap pa rin ang
balita sa mga mamamayan. Isa sa mga sanhi ng pagkalat ng balita ay si
Chikoy na nagdala ng alahas kay Paulita.
- Kaniya-kaniya nang hula ang mga tao sa kung sino ang maysala. May
nagsasabi na si Don Timoteo o si Isagani na kaagaw ni Juanito kay Paulita.
Binalaan si Isagani ng may-ari ng tinutuluyan ngunit di ito nakinig.
- Nagpatuloy ang mga usapan tungkol sa pagsabog. Lumakas ang hinala ng
mga naroon nang maisip nila si Simoun.
- Kapansin-pansin daw kasi ang pag-alis niya bago ang hapunan. Sila rin
umano ni Don Timoteo ang nag-ayos ng piging at pinaalis ang lahat.
- May mga nagsabi naman na baka mga prayle ang nagpasabog. Mayroon
ding naniniwala na si Quiroga o si Makaraig.
- Ngunit buo na sa isip nila na si Simoun dahil kasalukuyan na ring nawawala
ito at pinaghahanap na ng mga sundalo.
ARAL:
Bahagi na ng kulturang Pilipino ang tsismis o pagpapalitan nang hindi
kumpirmadong balita. Nag-uugat ito madalas sa kalituhan at nakadaragdag pa sa
suliranin.

K38- KASAWIANG PALAD


CHARACTERS: Mautang, Carolino, Lolo Selo
SUMMARY:
- Pinagdadakip ng pamahalaan ang pinaghihinalaang tulisan upang mawala
ang kanilang mga kinatatakutan.
- Ang mag dinadakip ay pinahihirapan ng mga sibil na Pilipino. Iginagapos ang
mga ito at pinalalakad ng tanghali. Ginagawa nila nang walang anumang
pananggalang sa init sa tanghali ng Mayo.
- Nagwika si Mautang na isang Pilipinong guwardiya sibil na may karapatan
silang pahirapan ang mga nakapiit dahil pare-parehas naman silang mga
Pilipino.
- Maya-maya pa ay may mga tulisang sumugod at pinaulanan sila ng bala.
Nasawi si Mautang at ang ilan pang mga sibil.
- May nakita naman si Carolino na isang lalaki sa may talampas na itinataas
ang kaniyang baril ngunit di niya ito makita nang maayos dahil tirik ang araw.
- Nakita ni Carolino ang isa sa mga nabaril nila. Nakita niyang iyon ang
kaniyang Lolo Selo. Tumuturo ito sa talampas na ilang sandali lang ay
nawalan na ng buhay. Hindi makapaniwala si Carolino na mapapatay niya
ang kaniyang lolo.

ARAL:
Sa paggawa ng karahasan o masasamang bagay, kung minsan ay nadadamay ang
ating mga mahal sa buhay. Direkta man o hindi ang epekto nito sa kanila, hindi
naman alintana ang kapighatiang naidudulot nito sa kanila.

K39- ANG KATAPUSAN


CHARACTERS: Don Tiburcio, Simoun, Don Florentino, Isagani, Paulita at Juanito
SUMMARY:
- Nagmamadaling umalis si Don Tiburcio dahil akala ay siya ang pinadadakip
na Kastila. Ngunit ang tinutukoy ay si Simoun na nasa puder ni Don
Florentino.
- Natagpuan niya si Simoun na sugatan at sinabi naman ng alahero na nakuha
niya ang sugat sa isang aksidente.
- Naghihinala naman ang pari sa katotohanan. Nalaman niyang isang tulisan si
Simoun nang mabasa ang telegrama. Tanging si Don Tiburcio lamang ang
nais ni Simoun na mag-alaga sa kaniya.
- Tumigil sa pagtugtog ng kaniyang harmonya ang pari. Naisip kasi nito ang
pakutyang pag-ngiti ni Simoun.
- Nanumbalik ang lahat ng ginawa ni Simoun—ang pagpapalaya ni Simoun kay
Isagani sa piitan at ang paggawa nito ng paraan upang makasal sina Paulita
at Juanito.
- Agad na pinuntahan ng pari si Simoun sa silid nito. Nakita niyang tila
nanghihina na ang alahero, tila may malubhang sakit. Nalaman ng pari na
nagpatiwakal ito at uminom ng lason. Dinasalan ng pari ang binata hanggang
nalagutan ng hininga.

ARAL:
Kamatayan ang naiisip na sagot ng ilan sa mga paghihirap na sila din naman ang
naging sanhi. Ngunit ang totoo, mas marami pang ibang solusyon sa mga
kapighatiang hinaharap.

You might also like