You are on page 1of 2

(Scene 5 - Ang pagpatay ni Tybalt kay Mercurio at ang pagtutuos nila ni Romeo)

Mga Tauhan:
Romeo
Tybalt
Mercutio
Benvolio
Prinsipe

Tagapagsalaysay: Si Benvolio ay tumakbo nang sobrang bilis patungo kay Mercutio na may
dalang mensahe galing kay Tybalt. Ang mensaheng ito ay naglalaman ng paghahamon ni
Tybalt kay Romeo upang makipaglaban sa kanya sa isang duelo

Benvolio: Mercutio! Tignan mo ‘to (binigay ang mensahe kay Mercutio) Nagpadala ng
mesahe si Tybalt kay Romeo

Mercutio: (Binasa ang mensahe na binigay ni Benvolio) Hala! Hinahamon niya si Romeo sa
isang duelo! Ngunit si Romeo ay hindi isang manlalaban, at wala siya masyadong alam sa
paglaban. Samantalang si Tybalt ay tinatawag na “Prinsipe ng mga Pusa” dahil sa kanyang
kakayahan na makapatay sa isang hampas lamang!

Benvolio: Ano ang gagawin natin? Pag mangyari ang duelong ito mamamatay si Romeo.

Mercutio:(Nag-isip ng kaunti) Kung darating si Tybalt, ako ang kanyang haharapin, hindi si
Romeo.

Tagapagsalaysay: Hinanap ni Tybalt si Romeo kasama ng kabayo niya sa bahay ni Romeo.


Inakala nito na ang sasalubong sa kanya ay si Romeo, ngunit ang dumating ay sila Mercutio
at Benvolio

Tybalt: Romeo! Lumabas ka dito at harapin mo ako! Sa tingin mo makakapasok ka sa aming


mga bahay at hindi ito malalaman ng mga Capulets?

Mercutio: (Nagpakita kay Tybalt kasama ni Benvolio) Syempre hinde

Tybalt: Mercutio… Hindi ako nandito para sayo. Wag mo akong subukan.

Mercutio: Bakit? Takot ka ba na matatalo kita? Ano ka ba Tybalt? Halika, lalaki sa lalaki.

Tybalt: Ika’y sumosobra na! (Kinuha niya espada niya)

Tagapagsalaysay: Dahil sa sobrang pikon at inis ni Tybalt sa pagpukaw ni Mercutio sa


kanyang galit. Kinuha niya ang espada niya at naglaban silang dalawa ni Mercutio, silang
dalawa ay nagpalitan ng pagtama ng espada. Habang ito ay nangyayari, dumating si Romeo
sa lugar kung saan nag-aaway sila Tybalt at Mercutio.Sinubukan niya

Romeo: Tumigil na kayong dalawa! Alalahanin niyo ang sinabi ng prinsipe, pareho kayo na
makukulong habang buhay!
Tagapagsalaysay: Kahit sinabihan na ni Romeo ano ang magiging resulta ng kanilang
paglaban sa isa’t isa hindi pa rin sila huminto, kaya’t lumapit siya kaunti kay Mercutio upang
makuha ang pansin nito

Romeo: Pakiusap Mercutio! Tama na! Ako yung hinahamon niya hindi ikaw

Tagapagsalaysay: Nakuha ni Romeo ang pansin ni Mercutio dahil dito, ngunit dahil si
Mercutio ay hindi nakatingin kay Tybalt. Hindi niya nakita ang atake nito at siya ay nasaksak

Romeo: HINDE!

Tagapagsalaysay: Si Tybalt ay sumakay sa kabayo niya balik at lumisan doon dahil sa takot
niya sa kanyang ginawa, ngunit ipinangako siya na babalik siya para paslangin si Romeo.

Tybalt: Hindi pa ito tapos! Babalikan pa kita Romeo, humanda ka!

Tagapagsalaysay: Hindi ito pinansin ni Romeo sapagkat si Mercutio ay malapit na mamatay.


Sila Romeo at Benvolio ay nalulungkot na tingnan si Mercutio sa bingit ng kamatayan, sa
oras na ito, ibinigkas ni Mercutio ang kanyang mga huling salita sa kanilang dalawa

Romeo: Hindi! Mercutio Hindi!

Mercutio: Makinig ka sa akin Romeo, maging iba ka sa kanila, wag mo hayaan na kainin ng
pagkamuhi ang…. (dead)

Romeo: Hindi… Hindi!

Tagapagsalaysay: Silang dalawa ay umiyak dahil sa pagkamatay ni Mercutio, ngunit ang


kalungkutan ni Romeo ay napalit galit at hinabol niya si Tybalt.

Romeo: (nagpunas ng kanyang luha) Benvolio, samahan mo si Mercutio dito (tumakbo


papunta sa kabayo at hinabol si Tybalt)

Benvolio: (Tumingin sa direksyon ni Romeo) Romeo, huwag kang gumawa ng kahangalan!

Tagapagsalaysay: Hinabol ni Romeo si Tybalt upang kalabanin siya. Hinarang ni Romeo si


Tybalt at silang dalawa ay bumababa at naglaban

Romeo: Tybalt! Itigil mo kabayo mo at maglaban tayo

Tybalt at Romeo: (Bumaba sa kanilang mga kabayo at kinuha ang kanilang espada upang
lumaban)

You might also like