You are on page 1of 1

BUOD NG ROMEO AT JULIETA

Sa ganitong paraan nagsimula ang kuwento. Si Romeo, na anak nina Senyor Montesco at
Senyora Montesco, ay naantig sa angking kagandahan ni Rosalina, isang dalagang may panatang maging
dalaga habang siya ay nabubuhay pa. Sa pagnanais ng kaniyang pinsang si Benvolio at kaibigang si
Mercutio na maaliw ito, inaya nila ito sa isang sayawan sa bahay ng mga Capuletto. Pumayag naman si
Romeo nang mapag-alaman nitong dadalo rin si Rosalina. Sa naganap na sayawan sa bahay ng mga
Capuletto, Nakita ni Romeo si Julieta na anak ng kaaway ng kanilang angkang sina Senyor at Senyora
Capuletto.

Sa unang araw n kanilang pagkikita ay nahulog na sila sa isa’t isa. Kapuwa nila batid na sila
ay mga anak ng magkaaway na pamilya, ngunit nagkaunawaan pa rin sila. Dahil dito, nagkasund silang
magpakasal kinabukasan, sa tulong ni Fray Lorenzo, ang padre kumpesor ni Romeo. Pagkatapos ng
kanilang pag-iisang dibdib, sina Tybalt at Mercutio ay naglaban at dahil dito ay nasawi si Mercutio.
Nalaman ni Romeo ang pagkamatay ni Mercutio at nagging dahilan ng kaniyang paghihiganti. Dahil sa
kaniyang paghihiganti, napatay ni Romeo si Tybalt. Nagmamakaawa ang mga magulang ni Romeo ngunit
ang nagging hatol ni Prinsipe Escalo sa kaniya ay ipatapon sa labas ng Verona.

Sa pamamagitan ng kasa-kasama ni Julieta ay muli silang ngakita at nangyari ang unang


gabi nila bilang mag-asawa. Ngunit sa gabi ring iyn ay ipinagkasundo nina Senyor at Senyora Capuletto si
Julieta kay Konde Paris upang sila ay mapag-isang dibdib. Tutol si Julieta rito kung kaya’t humingi siya ng
tulong kay Fray Lorenzo upang hindi matuloy ang nasabing kasaln. Binigyan ni fray Lorenzo si Julietang
likidong pampatulog upang ang naghihinagpis na binibini ay nagmimistulang bangkay sa loob ng
apatnapung oras.

Naibalita kay Romeo na si Julieta ay isa ng bangkay, sa tulong ni Baltazar. Dahil dito,
bumili si Romeo sa isang matandang albularyo ng mabagsik na lason na siyang kikitil sa kaniyang buhay
at bumalik sa Verona. Ngunit sa kasamaang-palad hindi naihatid ni Fray Juan ang liham ni Fray Lorenzo
na nagsasabing hindi patay si Julieta. Nang mabili ni Romeo ang lason, agad siyang nagtungo sa puntod
ni Julieta at nang makita ni Romeo ang inaakalang bangkay ni Julieta ay ininom niya agad ang lason. At
bago nangyari ang pagpanaw ni Romeo ay nagising si Julieta at natunghayan niya ang pagpanaw ni
Romeo.

Sa paghihinagpis ni Julieta ay dumating si Fray Lorenzo, ngunit hindi na niya naabutang


buhay si Romeo upang sabihin ang katotohanan. Pilit na isinasama ni Fray Lorenzo si Julieta dahil may
mga tanod na paparating, ngunit hindi niya magawang iwan si Romeo. Bago pa man dumating ang mga
tanod ay nakakita si Julita ng isang balaraw at siya ay nagpakamatay.

You might also like