You are on page 1of 4

Awtput #3: Romeo at Juliet

A. Romeo at Juliet

B. May Akda
Si William Shakespeare ay isang Ingles na makata, manunulat at dramatista. Itunuturing na
isa sa pinakamahusay sa mga manunulat sa wikang ingles at tanyag sa daigdig ng literatura.
Itinuturing siyang maestro sa paggawa ng soneta at mga dula. Ilan sa mga isinulat niyang popular
na dulang trahedya ay ang Hamlet, Othelio, King Lear, Romeo at Juliet at ang Macbeth. Ang
kaniyang mga dula ay isinalin sa iba’t ibang wika at ipinalalabas sa iba’t ibang bersiyon hanggang
sa kasalukuyan.
Ang pangunahing pinagkukunan ni Shakespeare para kay Romeo at Juliet ay isang tula ni
Arthur Brooke na tinatawag na The Tragicall Historye ng Romeus at Iuliet, na isinulat noong 1562.
Maaaring kilala rin niya ang popular na kuwento ni Romeo at Juliet mula sa isang koleksyon ni
William Painter, na pinamagatang The Palace of Pleasure , na isinulat bago ang 1580.
Samantalang ang iba naman ay nagsasabing dahil sa kanyang murang edad ay gusto nitong mag
eksperimento ng iba't ibang mga ideya na hindi pa namamalas sa mga dula noong panahon na
iyon. Tulad ng ideya ng malaking pagkakaiba ng pag-ibig at pagkamuhi. Ang pagganap sa mabuti
at masama.

C. Mga Tauhan

Romeo- ang kasintahan ni Juliet. Isang mapagmahal na binata, ang anak ng Pamilyang Montague.

Juliet- ang kasintahan ni Romeo. Isang mapagmahal na dalaga, ang anak ng Pamilyang Capulet.

Paris- ang karibal ni Romeo sa pag-ibig ni Juliet. Masugid na manliligaw ni Juliet.

Padre Lawrence- ang pari na nagkasal sa dalawang nagmamahalan na si Romeo at Juliet. Ang
paring handang tumulong sa dalawang nagmamahalan.

Pamilyan Montague at Pamilya Capulet -ang dalawang pamilyang may alitan.

D. BUOD:
Habang nagaganap ang kasiyahan sa bulwagan at habang si Juliet ay nakikipagsayaw ay nakita
siya ni Romeo mula sa hanay ng mga kababaihan. Nabihag ng kagandahan ni Juliet ang puso ni
Romeo. Si Romeo naman ay hindi napigilan ang sarili at nilapitan si Juliet at hinagkan ang kamay
nito at mula noon ay palihim na nagpupunta si Romeo sa tahanan ng mga Capulet para makita
ang sinisintang dalaga na nabighani na rin sa taglay na katangian ng binata. Nagpasya ang
magkasintahan na magpakasal sa kabila ng pagkakaalit ng kani-kanilang pamilya.
Ipinagkasundo ng mga magulang si Juliet sa ibang lalaki at sa ganitong kadahilanan kaya naman si
Juliet ay naisipang magkunwaring patay para makatakas sa kanyang pamilya subalit ito ay hindi
nakarating sa kaalaman ni Romeo na dahil sa labis na kalungkutan sa inaakalang kamatayan ng
dilag na minamahal ay kinausap niya ang isang butikaryo para sa isang lason na kikitil din sa
kanyang buhay. Kaya naman sa muling pagmulat ng mata ni Juliet at nakita ang walang buhay na
si Romeo ay kinuha ang isang balaraw at tinarak sa kanyang dibdib.

You might also like