Professional Documents
Culture Documents
“Romeo at Julieta”
ni William Shakepeare
salin ni Gregorio C. Borlaza
(Darating si Romeo)
Romeo:
ang sugat ay pinagtatawanan ng di pa nasusugatan
(Lilitaw si Julieta sa isang bintana sa itaas)
Ngunit hin!tay anong liwanag ang sa bintanang iyon ay sumilang
Yaon ay silangan at si Julieta ang araw!
Bumangon ka, marikit na araw at patayin ang buwang nahihili,
Na ngayo’y maysakit at maputla sa pighati
Pagkat ikaw na kanyang utusa’y maganda sa kanya
Huwag kang maging utusan pagka’t nahihili siya
Ang kanynag pagkadalaga’ykasuota’y berde’t may sakit
‘Yon ang aking binibini ; o iyon ang aking minamahal!
O kung kanya lamang nalalaman!
Nangungusap siya’y hindi umiimik
Maano’ yon?
Mata niya’y nangungusap; ako ay tutugon
Ako ay pangahas; hindi ako ang kinakausap
Dalawa sa pinakamarikit na tala sa itaas
Na may pinuntahan ang nakisuyo sa kanyang mga mata.
Na kumislap sa kanilang tao hanggang sa magbalik sila.
Kung ang mata niya’y nasa langit at tala’y sa kanyang ulo
Mahihiya ang mga tala sa liwanang ng pisnge nito,
Gaya ng araw sa isang ilaw; mga mata niya
Sa langit ay magdudulot sa himpapawid ng liwanag na
Aakit sa iba upang isispin na lipas na ang ang gabi.
Tignan ang paghilig sa kamay n’ya niyong kanayng pisngi,
O, kung ako sana’y nagging gwantes na suot sa kanyang kamay
At ang mha pisnging iyon ay aking masalang!
Julieta: aba, ng buhay ko!
Romeo: umimik siya:
Uimik ka uli, maningning na angel!! Pagka’t ikaw
Ay kasing ningning sa gabing ito, sa ibabaw
Ng ulo ko, ng isang angel na sugo niyong kalangitan
Sa tumitingalang matang natitigilan
Ng mga taong nahinto upang siya ay malasin.
Habang lumalakad sa ulap na matamarin
At lumalayag sa puso niyong papawirin
Julieta:
Pangalan mo lamang ang masasabi na kaaway ko,
Ikaw ay ikaw rin kung hindi ka man Montague
Ano ang Montague? Hindi kamay, hindi paa
Ni braso, mukha o anumang bahagi pa
Ng katawang tao, O, Magpalit ka na ng pangalan!
Ano ang nasa pangala’y mananaytiling mabango
Gayundin si Romeo kung hindi tatawwaging Romeo.
Mananatilibg nag-angkin ng kaganapan
Ng kanya kahit wlaang pangalan, romeo pangalan mo ay iwanan;
At kapalait noon, na hindi bahagi ng pagkatao mo,
Ay lubusnag kunin mo ako
Romeo:
Susundin ko ang wika mong binitanwn
Tawagin mo akong mahal at pamuli akong bibinyagan;
Buhat ngayon hindi na ako magihging Romeo
Juleita:
Sino kabaang nakakubli sa gabing madilim
Na nakatuklas sa aking lihim?
Romeo:
Sa pangalan
Hindi ko malaman kung ano ang aking ipapakilala yaring katauhan.
Ang ngalan ko, santang mahal ay kinasusuyuan ko
Pagkat ya’oy isang kaaway mo
Kung nasususulat’ yon ay pupunitin ko
Julieta:
Hindi ko pa nalalalnghap, sn=andaan katag
Ng sinabi ng dilang’ yan ngunit alam ko na yata
Hindi ka ba si Romeo at isang Montague
Romeo:
Hindi kahit alin, o snatang butihin, kung kamukuhian mo rin
Julieta:
Paano ka naparito, sabihin sa akin at saan nanggaling?
Pero ditto ay mataas, mahirap akyatin,
At kung ang iisipin, ang pook ay kamatayan
Pagnatagpuan ka rito ng sinuman aking samahan
Romeo:
Nilundag ko yaong pader sa pakapak ng pagmamahal;
Pagkat ang pag-ibig ay di mapipigil niyong batong humhadlang
Ginawa ng pa-ibig ang abwat kaya niyang gawin,
Kaya’t ang ma pinsan mo’y hindi sagabal sa akin
Julieta:
Pag nakita nila ya ay papatayin ka.
Romeo:
Naku, lalong mas Malakai ang mata mong nasa panganib
Kaya sa dalawampu nilang espada! Tamisan mo la’ng ang titig.
At ligtas na ako sa kanyang pagkagalit
Julieta:
Mawala na ang mundo, huwag kalang Makita rito
Romeo:
Nariyan ang talukbong ng gabing tatakip sa akin;
hindi baling matagpuan nila ako, iyo lamang mamahalin.
Mabuti pang buha’y ko lagutin ng kanilang galit
Kaysa pahabaing sa pag-ibig mo ay nananabik
Jlulieta:
Sinong nagtuo sa iyo ng lugar na ito?
Romeo:
Ang pag-ibig nagturo sa akib magmatyag
Binigyaban ako ng payo’t binigyan s’ya ng pangmalasa
Ng malaking pampang na hinaghagkan ng kalayuan dagat
Julieta:
Batid mong mukha ko ay ntatakpan ng dilim
King hindi ay mmumula ang pinge ko dahil
Sa nirining mong sinabi ko kangina.
Mais kong masunod ang ugali- nais bawiin na
Ang aking sinabi; subalit paalamn na kaugalian
Iniibig mo ako? Alam kong sasabihin mo’y “Tunay”
At ako’y maniniwala, ngunit kung ika’y susumpa
At maaaeing magtaksil. Pag ang manginhibiug ay sumira
Sabi nila’y tumawata si Jupiter, O mabait na Romeo
Kung iikaw ay umiibig at tatapatin mo
O kung akala mo ako’y napakadaling mahuli
Ako’y sisimangot, magpapakasama at tatangi
Upang ligawan mo, at kung hindi’y hindi kailanagan
Ang totoong butihing Montague, labis akong mapagmahal
Dahil diyo’y maaari mong sabihin kilis ko’y buhalhal;
Ngunit maniwala ka, ginoo, magiging lalong matapat ako
Kaysa mga mukha mahiwaga dahilan sa tuso
Dapat akong nahging mahiwaga, aking tatanggapin
Kundi lamang narining mo. Bago ko ikaw mapansin,
Ang tunay kong dinaramdam , hingi ko’y patawad
At h’wag ipalagay na ang pagsuko’y dahil s ahindi wagas
Ang apg-ibig kng sa dilimng gabi;y iyong natuklas.
Romeo:
Binibini ako’y nanunumpa sa ngalan ng buwang iyon
Na nagpuputong ng pilak sa lahat ng nariritong punong kahoy
Julieta:
Huwag kang manumpa sa ngalan ng buwang di matimtiman
Na buwan-buwan ay nagbabago sa kanyang ligiran
Baka ang pag-ibig mo ay lagging kasing salawahabn
Uri ng Dula
Pamagat
Layunin ng may-akda
Ang nais ipabatid nito sa mga mambabasa ay kahit ano mang pagsubok
ang tatahakin sa isang relasyon ay kinakilangan mo itong ipaglaban na
walang inaapakang tao. Ang layunin ng may akda ay ipabatid sa mga
mambabasa ang pag-iibigan nina Romeo at Julieta sa murang edad na
kahit alam nila na ang kanilang mga pamilya ay magkagalit sa isa’t-isa
at tutol sa kanilang pagmamahalan ay ipinagpatuloy parin nila ito.
Pinatunayan ng mga pangunahing tauhan ang walang hanggang pag-
iibigan. Sa dulang ito pinatunayan din ng may-akda na ang pag-ibig ay
makapangyarihan, hahamakin ang lahat masunod ka lamang. Nais din
ipabatid ng may akda ang kasabihang “To much love will kill you” na
kung saan ang sobrang pagmamahal ay nakakamatay.
Tema o Paksa
Tauhan
Tagpuan
Kaisipan/Moral
Pag-iwas sa alitan ng pamilya- gaya ng pag-ibig kinakailangan ding
lutasin ang alitan sa pamilya upang mas lalo pa itong mapatatag. Pag
may alitan ay kinakailangan na lutasin ito kaagad habang wala pa itong
nasasaktan na iba.
Huwag natin hayaan na lamunin tayo ng ating sariling emosyon at wag
mag padala sa bugso ng damdamin
Igalang ang desisyon ng bawat isa upang di umabot sa punto na maging
resulta ng alitan.
SINAG SA KARIMLAN
ni Dionisio S. Salazar
Marami nang lubha ang mga pang pumasok at lumabas dito. Walang makapagsasabi
kung gaano pa karami ang tatanggap ng kanyang tatak…
May sala o wala, ang bawat pumasok dito ay kabuuan ng isang marikit at makulay na
kasaysayan…
Ernan: Ewan, Hatinggabi kagabi nang ipasok ‘yan dito. Kawawa naman. Dugu-dugun
siya.
Ernan: Salamat, Tony.
Bok : (Kay Tony) OXO? … Sigue – Sigue? … Bahala na? … Pawang iling ang itutugon ni
Tony.) Beri-gud Ginsama ka a ‘ming Batsi Gang, ha?
Tony: Salamat, Bok. Pero sawa na ‘ko sa mga gang, sa mga barkada. Dahil sa
barkada’y – heto, magdadalawang taon na ‘ko dito sa Big House.
Tony: (Tatango muna bago umayos ng upo) Pumuga sina Silver Boy kagabi. Nang
hindi ako sumama’y sinuntok ako. Mabuti kanyo’t nailagan ko’ng saksak ditto (sabay
turo sa kaliwang dibdib), kundi’y … nasirang Tony na ‘ko ngayon. Pero ang di nailaga’y
yung sakyod ni Pingas … Nagpatay-patayan lang ako kaya … Aruy!
Ernan: Sa narinig kong usapan ng nars at tanod kagabi ay tatlo ang napatay. Tila
lima ang patawirin. Ang iba’y nahuli. (Sa sarili) A, kalayaan, sa ngalan mo’y kay
dumaming humahamak sa kamatayan ! Kay Tony ) mabuti’t tumanggi ka, Tony, kundi’y
… ‘tay kung masakit ‘yan ay saka na.
Tony : Huwag kayong mag-alala, kaya ko ito … (Hihinga muna nang mahaba.) Mula
nang madala ko rito, e nag-iba na’ng takbo ng … Naisipkong walang ibubungang
mabuti ang kasamaan … Malaki’ng utang na loob ko ke Padre Abena … sa aking
pagbabago … Totoo nga naman, walang utang na hindi pinagbabayaran …. Me parusa
sa bawat kasalanan!
Tony: Pero, Mang Erman, ba’t tayo matatakot magtalo? Kung walang pagtatalo,
walang pagkakaunawaan. Kung walang pagkakaunawaan, walang pagkakaisa. Ang mga
taong di nagkakaisa’y pirming nag-aaway.
Ernan : Tama ‘yan. Ngunit ang pagtatalo’y dapat lamang sa taong malaki ang puso;
hindi sa mga maliit ang pinagkukunan. Pero … pinahahanga mo ako, Tony! Nag-aaral
ka ba ng batas? Ba, may kakaibang tilamsik ang iyong diwa.
Tony: Iimbithin kita , Bok, isang araw, sa klase naming nila Padre Abena.
Marami kang mapupulot doon. At pakikinabangan. Tiyak.
Tony : (Magpapatuloy matapos ngitian si Bok) Namatay ang solo kong kapatid na
babae. Malubha si Nanay. Naospital siya… Naghahanapbuhay naman ako. Pero, kulang
din, kasi mahal ang lahat … Nakakahiya pero … dahil sa barkada’y natuto akong akong
mandurukot , mang – agaw, magsugal. Naglabas-masok ako sa Welfareville …
Inilipat ako ditto pagkatapos … Santaon na lang ang natitira sa senten’ya ko… A, ang
tatay ko ang may sala ng lahat! … Mabuti nama’t idinistino ako ni Direktor sa ‘ting
library. Nagpagbabasa ako roon. Mahilig akong magbasa ng –
Tony: Malaki ang inyong puso, Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng inyong puso.
Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng iyong tingin. Pambihira kayo.
Ernan: Salamat, iho. Ngunit alam mo bang ang pinakamabigat kong kasawian ay ang
di-pagkakaroon ng anak?
Tony : Biyudo kayo?
Bok: Tsiken pid! Ang akin lolo, sisenta na, gaaanak pa (Maikling tawanan.)
Ernan : Nakakaisang taon na ako. May isa pa. Alam n’yoy kuwestiyon de prinsipyo ang
ipinasok ko rito. Binayaran ko lang yung multa. – na sabi nga ni Bok ay tsiken pid lang
– ay ligtas na ‘ko sa pagkakabilanggo.
Tony : Maaari ho bang paturo senyo ng pagsulat? Kay dami kung ibig sulatin kasi, e.
Ernan : Tulad ng isang beteranong mag-aalahas, agad kong nakikilala ang batong may
mataas na uri … Ituturing kitang parang tunay na anak … Mapapamahal ka rin sa king
mabait na maybahay… Meron din kaming ilang ari-arian … pag-aaralin ka namin.
Tony: Ke buti n’yo! . . . Me pangako rin si Padre Abena. Pag – aaralin din daw ako.
Pero… nakakahiya na atang pumasok sa klase. Baka tawanan.
Ernan: Hindi naman.
Ernan :Ibig kong malaman mo na ang tulang iyo’y kasama sa lalabas kong aklat ng
mga piling tula… kabilang na roon ang mga sinulat ko rito.
Doming Hanong pamagat?
Ernan :inag Sa Karimlan.
Doming: Ako’y ahente ng seguro. Malakas ang aking komisyon. Sang haraw, buat sa
hisang prubins’ya hay muwi ako dail sa bagyo. Magugulat pero matutuwa ning asawa
o, sabi ko. Sa kusina hako nagdaan. Pero hanong nakita ko? Sus, hang asawa
ko’tmatalik na kebigan hay… Uling-uli ko sila . Nagdilim hang aking tingin … Binaril
ko’ng traydor nang tumalon sa bintana… Napatay ko siya. (Mapapasandal sa dingding
pagkatapos).
Doming: Hang sama, ng loob ko’y ‘yung pinakamatalik ko pang ko pang kebiganhang…
(Haharapin si Tony.) Binata ka pa, Tony, hano? … Ikaw, Bok, binata rin? ‘Wag kayong
pakakasal sa masyadongnapakaganda.
Bok : A, p’wee sa akon gano. Todas lahi sila lahat pag ako ginaliko, hm…
Ernan :Kaya nga salungat ako sa sinabi ni Keats na “A thing of beauty is a joy
forever.” Dahil sa kagandaha’y daming tahanan ang nawasak at patuloy na
mawawasak. Daming pagkakaibigang napuputol. Daming kataksilang nangyayari! ….
Kung totoong nagbibigayng inspirasyon ang kagandahan, totoo ring lumalason ito.
Pumapatay!
Tony :Me kunwari’y nagkakawanggawa, pero saan ba’y ibig lang maperyodiko ang
kanilang retrato o pangalan.
Tony :Totoo po’ng sabi ni Bok, Padre. Ganon nga ‘ng ginawa ko kaya lang iniwan ng
mga tigasin.
Tony :Sadyang walang unang sisi, Padre, E-e-e- … pa’no po ngayon , Padre maaabsen
ako sa ‘ting klase?
P. Abena :Ow, huwag mong intindihin yun, anak. Ikaw naman ang pinakamarunong sa
lahat, a… Natutuwa ako’t hindi ka naganyak sumama kagabi.
Ernan :(Maagap) Totoo, padre, ang sinabi ni Tony. Gayunma’y kung may usapan na
kayo’y … Padre, kami ng maybahay ko’y labing limang taong umasa, nagnobena,
namintakasi upang mag-kaanak, subalit …. Aywan ko ba kung bakit agad akong
nagkaamor kay Tony.
Tony: (Mapapalakas ang tinig) Utang na loob, Padre Sinabi ko na seyong wala ‘na
akong Tatay!
P. Abena :Ikaw ang masusunod, anak. Alam kong alipin ka pa ng iyong nasugatang
damdamin. May lambong ka pa ng karimlang … A, di na nga bale. Maiba ako, malalim
bang naging sugat mo,Tony?
P. Abena: Diyan nga muna kayo at titingnan ko lang kung sino ang nagpapagibik na
‘yon. (Susundan ito ng alis .)
Lahat: Adyos, Padre.
Tony : ( Sa sarili) Ke bait niya. Salamat at nagkaroon ang bilibid ng paring tulad niya
… Matutupad din ang pangarap kong makapag-aral … kung sakali…
Ernan : Sadyang mabait si Padre Abena. Sana’y paris niya ang lahat ng alagad
ng panananampalataya … Pero, tingnan mo, Tony: sa karamihan ng kanyang gawain ay
hindi ko siya makakapiling sa lahat ng oros, samantalang ako … Tuturuan kita ng
pagtula. Ng pagsulat. Pananalumpati. Pag – aaralin kita hanggang ibig mo. Kailangan
naming mag-asawa ang tagapagmana.
Ernan :A, ako’y peryodista. Propesor din ako sa isang unibersidad sa Maynila. Kaanib
sa ilang samahamng pangwika, pangbayan, pangkultura … May malaki akong aklatan –
magugusthan mo …. Guro naman sa piyano ang aking maybahay. Magkakasundo kayo.
Teka, ayan na’ng ating butihing angel! (Titigil sa pagsasalita pagkatanaw sa
pumapasok na nars. Magbibigay galang ang lahat. Ilalapag ng simpatika’t
batangbatang nars ang lalagyan ng mga gamut. Isa-isa niyang titingnan ang
temperatura ng naroong apat na pasyente. Hindi iintindihin ang may
paghanga’t pagnanasang tinging iniuukol sa kanya – lalo na si Bok. Alam niyang sa
kaharian ng mga lalaki, ang pangit mang babae ay nagiging pulot gata. Aalis siya
pagkabigay ng kaukulang gamut sa mga may karamdaman)
Bok: (Matatangay na rin ng biruan) Tama ka Mang Ernan. San Bok (pagdadaupin ang
mga palad sa tapat ng dibdib, titingala ngbahagya at pipikit ) … santo santo gid ng
mga holdaper! .. Nakakahiya, yawa. (Tawanan na naman)
Ernan: P’wera biro, napansin kong may ibig sabihin ang tinginan ni Tony at Miss
Reyes. Lalaban ako ng pustahan na … (Haharapin si Tony.) Magtapat ka Tony, may
pagkakaunawan na kayo na kayo ni Miss Reyes, ano? (Ngingiti lamang ng makahulugan
si Tony at ang palihim na pag-sang-ayon sa pamamagitan ng pagtaas ng kilay ay
mapapansin din nina Bok at Doming.)
Bok: Jackpot ka, Tony boy! Tsk, tsk, talaga man materyales pwerte si Miss Reyes.
Inggit ako sa imo.
Tony: Bisita? Asan Sir? Sino hu siya? Sino hu siya? Kilala bay n’yo sir?
Doming :Kuwarentay singko.
Tony: (Kunut-noo) Sino kaya ‘yon? … Ba, siya ang una kong dalaw sa loob ng dalawang
taon.
Tony :(Dahil sa pag-iisip ay hindi mauunaaan ang tanong ni Bok; sa sarili) Pa’no niya
malalamang narito ako? …. Anim na taon!… City Jail … Welfareville … Muntinlupa …
Imposible! Hindi. Hindi maaaring siya! (Halos pasalubong) Huwag Mo pong itulot,
Diyos ko!
Ernan: Sino man’yon ay may kapit siya. Kung di’y di siya makatutuloy dito … Ayun!
Siya na Siguro ‘yung dumarating! (Papasok si Mang Luis, ang ama ni Tony. Kasama
niya ang dating tanod. May kataasan si Mang Luis, nakasalamin siya ng may kulay.
Mababasa sa kanyan g anyo na siya’y dumanas o dumarana ng maraming suliranin.
Isang manhid na barong tagalog ang kanyang suot. Sunog ang kanyang balat,
gayunmay halata rinang kanyang kagandahang lalaki. Mag-aapatnapu pa lamang siya
subalit mukha nang lilimampuin.
(Hindi rin tutugon si Tony. Patuloy ang pananalim ng kanyang sulyap, ang panginginig
ng kanyang ugat sa kalamnan ng kanyang panga, ang paninikip ng kanyang dibdib.
Samantala’y walang kibuan ang lahat, bagaman mataman silang nagmamasid at
nakikiramdam)
Tony: (Palibak) Tatay? … Hm, ang nakilala kong ama’y anim na taon nang p-p patay !
Tony: Inuulit ko: wala na akong,, ama! …. (Lilingon sa gawi ng bintana) Mula nang iwan
n’yo kami dahil sa ‘sang –
Tony: (Hndi rin papansinin ang samo ng ama) Sa tulong ng mga kapitbahay e nailibing
din si Baby… Naospital si Nanay … Walang ibig kumupkop sa ‘kin … Baka raw me T. B.
rin ako … Ako’y naging kanto boy, nabarkada, hanggang … Natuto ako ng iba’t ibang
paraan ng pagnanakaw … Natikman kong matulog nang walang unan … magtago sa
ilalim ng tulay …
Tony: (Wawalaing – bahala si Bok) Subalit me wakas ang lahat … Mula sa city jail e
nalipat ako sa Welfareville. Naglabas-masok ako ro’n … Nang magdisiotso ako’y heto
… Magdadalawang taon na ‘ko rito … (Hihinga ng mahaba at malalim . Tutop pa rin ng
kaliwang kamay ang sugat. Biglang haharapin nang tuwiran ang lumuluha’t mistulang
korderong ama. Makapangyarihan.) Kayo na dapat kong tawaging ama ay tinatanong
ko: Mangyayari kaya ang nangyari sa ‘ming mag-iina kung kayo’y tumupad senyong
tungkulin?…
Luis: (Lipos pagpapakumbaba) Iniwan n’ya ako – ang taksil! – nang hindi ko nang hindi
ko na masunod ang kanyang kapritso … Salamat sa kanyang ginawa at naglianag ang
nalabuan kong isip. Nagyo’y –
Luis: (Hindi mapapansin ang sariwang dugo sa kamay ni Tony) Pinatawad na n’ya ako.
At nagkasundo nga kaming hanapin kita. Anak, magsamasama tayong muli!
Tony: (Matapos pahirin ang likod ng palad and dumudugong bibig) Lalo lamang
ninyong pinalalayo ang ating daigdig! (Mabilis na tatalikod.) (Tigib-pagsisisi at
panunumbat sa sarili, walang malamanggawin o sabihin si Mang Luis. Naroong
pisilin ang mga kamao; naroong muling tangkaing lapitan Ang nagmamalaking anak;
Naroong pisilin ang mga kamao; naroong muling tangkaing lapitan ang nagmamalaking
anak; naroong tanawin sina Mang Ernan na parang nagpapahabag at nagpapatulong.
Wala namang imikan ang nangamamasid. Pagkuwa’y walang kibong lalabas. Titigil sa
may pintuan. Pagkuwa’y walang kibong lalabas. Titigil sa may pintuan upang
linguni’t pag-ukulan ng may pagmamahal sa titig si Tony.
Muling babalikan ni Mang Luis ang nakatungong bunso subalit hindi maisasagawa ang
balak na pagyapos dito. Mapapabuntunghininga na lamang at tiim-bagang na aalis.
Magkakatitigan sina Mang Ernan, Bok at Doming.
Nars: Sariwa pa’ng sugat mo, kaya huwag ka munang magsalita nang malakas. At
huwag kang magpapagalaw ha, Tony?
Tony: Paglabas ko rito’y pupunta ‘ko senyong bahay, ha, Lyd? A, Miss Reyes pala!
Nars: Sabi na’t puwera muna ang salita. Pag sinuway mo ‘koy … Sige ka, hm…
Nars: O, hayan , tapos na. Be good, ha, Tony? Promise? Tatango ang binata; hahanda
siya sa pag-alis.)
Tony: Maraming salamat, L-Ly – Miss Reyes. Hindi kita malilimot kelanman ! Alam mo
na iayan … matagal na. ( Hindi pa rin nakikita ni Tony ang ama sapagkat natatakpan
ito ng papalapit na pari.)
Pamagat
Sinag sa Karimlan
Dionisio S. Salazar
Tubong-Nueva Ecija na ipinanganak noong Pebrero 8,1919 si Dionision
Santiago Salazar. Nagtapos ng kolehiyo sa prestihiyosong Unibersidad ng
Pilipinas (kursong AB) at Unibersidad ng Sto. Tomas (para sa kanyang
MA). Isa siyang premyadong manunulat at hindi matatawaran ang kaniyang
husay at galing, patunay na rito ang siyam (9)na nobelang kaniyang isinulat
at nailathala na tunay namang maipagmamalaki natin. Nagtamo siya ng
iba’t ibang parangal gaya ng Carlos Palanca Award, National Balagtas
Award, Dangal ng Lahi sa Dula, Manila Cultural Heritage Award, TOFIL
Awardee for Drama and Literature at iba pa. Siya ay tunay na huwarang
manunulat ng makabagong panahon. Ang kaniyang mga dula ay isang obra
maestrang maipagmamalaki nating lahat. Isa siyang premyado at walang
katulad ang husay na manunulat na dapat ipagmalaki sa lahat. Ang
kaniyang mga isinulat ay dapat tangkilikin sapagkat ito’y sariling atin.
Layunin ng may-akda
Tema o Paksa
Ang tema o paksa ng dula ay mga gawaing taliwas sa Batas ng Diyos
Pagpapatawad
Tauhan
Tony-Binatang bilanggo
Luis – Ang ama ni Tony
Erman- Mga kapwa bilanggo
Doming-Mga kapwa bilanggo
Bok- Mga kapwa bilanngoi
Padre Abena -Isang pari ng bilibid
Miss Reyes -Isang Nars
Tanod
Tagpuan
Kaisipan/Moral
Matuto tayong magpatawad, lumimot sa nakaraan at ipagpatuloy
ang hinaharap na walang hinanakit sa kalooban
Kung alam mong walang maidudulot na kabutihan sayo, ay dapat na
iwasan mona ito habang maaga pa.
Huwag magtanim ng sama ng loob sa kapwa.