You are on page 1of 1

ANG TRAHEDYA NI SOHRAB

Maraming taon na ang nakalipas at hindi pa rin alam ni Rustam na may anak sila ni Prinsesa
Tahmina hanggang sa araw ng isang trahedya.
Sa unang pagkakataon ay nagkaharap ang mag-amang Sohrab at Rustam sa isang digmaan. Sa
umpisa’y hindi man lang naghinala si Rustam na maaaring si Sohrab ay kanyang anak, habang si Sohrab
ay kinutubang maaaring si Rustam ay kanyang ama. Patuloy pa rin ang kanilang labanan hanggang
umabot sa punto na mag-agaw buhay si Sohrab dahil nasaksak siya ni Rustam. Habang siya’y
nakahandusay ay nagbalik ang kanyang alaala na ang nagtulak sa kanya upang mapadpad sa lugar na iyon
ay ang pagmamahal sa kanyang ama. Iiwanan na sana ni Rustam si Sohrab dahil malapit na siyang
mawalan ng buhay nang napansin niya ang isang pulseras na nakapulupot sa braso ni Sohrab. Biglang
naalala ni Rustam ang pulseras na ibinigay niya kay Prinsesa Tahmina maraming taon na ang nakalipas.
Hindi siya puwedeng magkamali, sigurado siyang iyon talaga ang nag-iisang pulseras na binigay niya sa
prinsesa nang sila’y nagkahiwalay. Naisip niyang maaaring ito’y ibinigay ng prinsesa sa kanyang
katunggali dahil ito ay ang kanyang anak kaya agad niyang niyakap si Sohrab. Nayanig ang buong mundo
ni Rustam. Naramdaman niya ang lukso ng dugo, ngunit huli na ang lahat dahil hindi na humihinga si
Sohrab. Isang mapait na kamatayan dahil namatay siya sa kamay ng taong dapat sana’y kakalinga at
magtatanggol sa kanya. Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Rustam, hindi niya ito ninais na
mangyari, ngunit naging malupit ang tadhana.

You might also like