You are on page 1of 15

PAGLALABAN NI

SOHRAB AT
ROSTAM
“Sa Larangan ng tunggalian, nararapat
nating kilalanin ang ating kaaway,
dahil ang minsang itinuturing nating
kalaban ay siya palang dapat natin
kaagapay”
■ Manunulat: Hakim Abu l-Qasim Mansur (935–1020) 
■ isang  Iranian  makata.  Siya ang kilalang may-akda
ng Shahnameh (Ang Libro ng mga Hari) na mula
sa Kabihasnang Persiya. Ang kanyang gawa ay kinikilala
bilang  ang
pinakamahabang epikong isinulat ng iisang manunulat at 
pambansang epiko ng Iran (dating Persiya). Ang kanyang
gawa ay kinikilala na  pinaka maimpluwensiyang akda sa
panitikan ng Persiya. Ang Shahnameh ang tanging
akdang kaniyang naisulat, na naglalarawan sa konsepto ng
kabayanihan ng mga Persiyano.
MGA TAUHAN
■ Rostam- isang prinsipeng may kagila-gilalas na kakayahan,
siya raw ay magiging bayani at paksa ng mga alamat at epiko
■ Sohrab- ang anak ni Rustam kay Prinsesa Tahmina, isa ring
magiting na mandirigma
■ Rakhsh-ang magiting na kabayo ni Rustam
■ Tahmina- ang prinsesa ng Samangan, ang minamahal ni
Rustam at ina ni Sohrab
■ Rudabeth- Ang ina si Rustam na dumanas ng matinding sakit
sa pagsilang kay Rustam
■ Zal- ang ama ni Rustam
TAGPUAN
■ Nagmula sa bansang Iran (dati ay Persiya) sa
gitnang silangan.  Ito ay simula ng sibilisasyon
ng Persiya hanggang masakop ito ng Arabo (977
AD-1010AD).  Sa panahon na iyon, mas
malawak ang Persiya, kaya madami at iba’t iba
ang kultura na naka-apekto sa epikong ito.
BUOD
Nasa sinapupunan pa lamang si Rostam ay
hinulaan nang magiging magiting na bayani siya
sa kanyang paglaki. Siya raw ay magiging paksa
ng mga alamat. Hindi naging madali ang pagsilang
kay Rostam sapagkat ang kanyang inang si
Rudabeth ay dumanas ng matinding sakit.
Nailabas lang siya sa tulong ng mapaghimalang
ibong kumupkop sa kanyang ama na si Zal. Bago
lumisan ang ibon, sinabi niya kay Zal na ang
batang isinisilang ay kasinlaki ng isang sanggol na
leon. Kagaya ng sabi ng ibon, isinilang nga si
Rostam na kasinlaki ng sanggol ng Leon.
■Nang tumuntong si Rostam sa edad na
pwede na siyang magsanay bilang
isang mandirigmang ihahanda upang
ipagtanggol ang kanilang bansang
Iran, napagtanto ng kanyang ama na
kailangan niya ng espesyal na kabayo.
Nakuha niya ang kabayong si Raksh.
■Isang beses habang nangangaso si
Rostam, nawala ang kanyang
kabayo. Sa pagsunod niya sa mga
bakas ng nawalang kabayo, siya ay
pumapasok sa kaharian ng
Samangan kung saan siya ay
buong-pusong tinanaggap ng hari.
■Dito nakilala ni Rostam si Prinsesa
Tahmina, ang kaisa-isang anak na
babae ng hari ng Samangan.
Nahulog ang loob nila sa isa’t isa, at
nang gabing iyon ay napatunayan
nilang sila’y nagmamahalan.
■Kinabukasan ay natagpuan na ang kabayo ni
Rostam at kinailangan na niyang lisanin ang
lugar. Naghiwalay silang dalawa ni Prinsesa
Tahmina. Lumipas ang ilang buwan na hindi
nagkikita ang dalawa at hindi naglao’y
nagsilang si Prinsesa Tahmina ng isang
batang lalaki na nagngangalang
Sohrab. Lumaki si Sohrab kagaya ng
kanyang amang si Rostam.
■ Isang araw ay nagkaharap sa isang digmaan
ang mag-ama at sa umpisa ay hindi nila
nakilala ang isa’t isa. Nagtuos ang dalawa at
nasaksak ni Rostam si Sohrab hanggang sa
siya’y namatay. Napatingin si Rostam sa
pulseras na nakapulupot sa braso ng nag-
aagaw buhay na si Sohrab. Naalala niya na ito
ang pulseras na kanyang binigay kay Prinsesa
Tahmina at nalaman niya ang katotohanan na
anak niya si Sohrab.
■Nayanig ang buong pagkatao ni
Rostam. Parang pinagsakluban
siya ng langit at lupa. Hindi niya
ito ninais na mangyari, ngunit
malupit ang tadhana.
TEMA

Ang pagmamahal ng isang mamamayan sa kanyang


lupang sinilangan ay kahanga-hanga.  Ngunit, itong
pagmamahal ni Rostam sa Persiya ay siya rin naging
sanhi sa  kanyang dalamhati sa pagkawala ng kanyang
anak.  Ang walang katapusan na digmaan ay
napapahamak lamang pati ang mga walang muwang.
Walang maganda ang maidudulot ang tagisan ng
lakas.
■ ARAL NA TAGLAY SA AKDA
■ Maraming mahahalagang kaisipan at mga aral na taglay ng
akda. May mga bagay at pagkakataon na hindi natin inaasahan
darating at mawawala sa ating buhay.  Tulad ng pagmamahalan
nina Rustam at Prinsesa Tahmina at ang  pagkikita ni Sohrab at
Rustam.
■ PANGWAKAS NA KAISIPAN
■ Mayroon mga bagay at pangyayari na hindi natin inaasahan.
Ang buhay natin ay nababalot ng mga misteryo na pilit natin
inaalam . Ang kadugo ay nagiging kaaway dahil sa salapi.  Ang
mga katunggali natin ay magiging kapartido sa kinabukasan. Si
Rustam at Si Sohrab ay isang klasikong halimbawa ng epiko na
kahindik hindik ang katapusan.

You might also like