You are on page 1of 26

Paghahambing ng Nobela

sa Iba Pang Genre


Modyul sa Filipino 10
Ikalawang Markahan- Linggo 5

Nobela: Dakilang Sanhi

Elemento ng Nobela

Tagpuan Tauhan Banghay Pananaw Tema


Damdamin Pamamaraan Simbolismo

JOAN T. LAMATON
Debeloper

Dep.Ed. CAR. Schools Division of Mountain Province

Sadanga District. Betwagan National High School


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera
SANGAY NG MOUNTAIN PROVINCE
Bontoc, Mountain Province

Inilathala ng:

Learning Resource Management and Development System

PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG-ARI


2020

Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293:

“Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng


Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.”

Ito ay binuo para sa pagpapatupad ng K-12 kurikulum sa pamamagitan ng


Curriculum Implementation Division (CID-) Learning Resource Management and
Development System (LRMDS). Ito ay maaaring kopyahin para sa layuning
pang-edukasyon at ang pinagmulan ay dapat na kinikilala. Ang anumang gawa na
hango dito kabilang ang paglikha ng isang na-edit na bersyon, isang pagpapahusay o
isang pandagdag na gawa ay pinahihintulutan sa kondisyon na ibigay lahat ng
pagkilala sa orihinal na gawa at ang karapatang-kopya ay maiugnay. Walang gawa
ang maaaring makuha mula sa materyal na ito para sa komersyal at upang
pagkakakitaan.

ii
PAUNANG SALITA

Ang modyul na ito ay proyekto ng Curriculum Implementation Division-Learning


Resource Management and Development Unit, Kagawaran ng Edukasyon, mga
Paaralang Pansangay ng Mountain Province bilang tugon sa pagsasakatuparan sa
implementasyon ng K-12 Kurikulum.

Ang Kagamitang Pampagkatuto na ito ay pag-aari ng Kagawaran ng


Edukasyon-CID, mga Paaralang Pansangay ng Mountain Province. Layunin nitong
mapaunlad ang pagganap ng mga mag-aaral lalo na sa Filipino.

Petsa ng Pagbuo Oktubre 2020


Lokasyon Mountain Province Schools Division Office
Sadanga District
Betwagan National High School
Asignatura Filipino
Baitang 10
Uri ng Kagamitan Kagamitang Pampagkatuto/Self-Learning Module
Lenggwahe Filipino
Karapatang-Ari 2020
Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng
mga bansang kanluranin
Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay nakapaglalathala ng sariling
akda sa hatirang pangmadala (social media)
Kasanayang Naihahambing ang akda sa iba pang katulad ng
Pampagkatuto/MELC/Code genre batay sa tiyak na mga elemento nito /
F10PB-IIf-78
Pokus na Kasanayan Pag-unawa sa Binasa

Kwarter/Linggo Ikalawang Kwarter/Linggo 5

iii
PASASALAMAT

Ang debeloper ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga taong tumulong


para sa pagkabuo ng modyul na ito. Ang pagkabuo ng materyal na ito ay hindi
magiging posible kung wala ang mahahalagang taong ito na sumuporta, tumulong at
nagbigay ng kanilang kooperasyon;
sa aking pamilya na laging umiintindi at nagbibigay ng inspirasyon para magawa
ito;
sa aking dalawang pinsan na sina Aubrey Tayab at Rochelle Tayab na laging
handang tumulong sa pagguhit ng kinakailangang mga larawan at imahe para sa
magandang ayos ng materyal na ito at;
higit sa lahat, sa Poong Maykapal na nagbigay ng talino sa lahat para matapos ito.
Maraming salamat!
JOAN T. LAMATON

Debeloper
PANDISTRITONG TAGASURI
CAROLINE A. KEYA ANTHONY A. MANISIM
District Coordinator School Head

PANDIBISYONG PAMATNUGUTAN NG LRMS

NIKKI T. MACABEO ANDRES M. CUYASAN


Librarian II Project Development Officer II

DOROTHY L. CHAKIWAG JOCELYN P. SAMIDAN


EPSvr- Filipino EPSvr-LRMDS

MGA KONSULTANT

KHAD M. LAYAG, EdD


Chief, Curriculum Implementation Division

VIRGINIA A. BATAN, CESE


OIC, Assistant Schools Division Superintendent

SALLY B. ULLALIM, CESO V


Schools’ Division Superintendent

iv
TALAAN NG MGA NILALAMAN

Karapatang-Ari…………………………………………………………………….…….……ii

Paunang Salita ……………………………………………………………………..…..……iii

Pasasalamat ……………………………………………………………………….….…..…iv

Talaan ng mga Nilalaman ……………………………………………………….……..…...v

Dahong Pamagat…………………………………………………………………..…………1

Alamin………………………………………………………………………………...………..2

Subukin…………………..………………………………………………………...………..3-4

Aralin……………………………………………………………………………….…..………5

Balikan…………………………………………………………………………….…..……….5

Tuklasin……………………………………………………………………………..………5-6

Suriin……………………………………………………………………………..……...…7-10

Pagyamanin……………………………………….…………………………………...…….11

Gawain 1……………………….………………………………….…………………….11

Pagtatasa 1…………………………...…………………………………….…………..12

Gawain 2………………………………………………………………………….……..13

Pagtatasa 2……….……………………………………………………………………..13

Gawain 3……………………………………………………………………….….…….13

Pagtatasa 3 ..………………….……………………………………………..…………14

Isaisip………………………………………………………………………………...……….15

Isagawa………………………………………………………………………………..….….15

Tayahin………………………………………………………………………..….…....…16-17

Karagdagang Gawain……………………………………………………………..….…18-19

Susi sa Pagwawasto…………………………………………………………….….………20

Bibliyograpiya….……………………………………………………………………....….…21

v
Paghahambing ng Nobela
sa Iba Pang Genre
Modyul 20 sa Filipino 10
Ikalawang Markahan-Linggo 5

Nobela: Dakilang Sanhi

Elemento ng Nobela

Tagpuan Tauhan Banghay Pananaw Tema


Damdamin Pamamaraan Simbolismo

JOAN T. LAMATON
Debeloper
A L A M I N

Pigura 1 Pigura 2

Magandang araw sa iyo! Sana ay nasa mabuti kang kalagayan.


Ngayon naman ay gagalugarin mo ang mundo ng nobela. Bahagi nito ang pagbasa ng
buod ng isang natatanging nobelang pinamagatang Dakilang Sanhi ni Julian C. Balmaceda.
Sa iyong masusing pagbasa at pagsunod sa mga panuto ay sigurado akong maging
kapakipakinabang ang iyong pagkatuto.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, masasagot mo nang may pag-unawa ang mga tanong
na: Paano naiiba ang nobela sa iba pang uri ng akdang tuluyan ayon sa elemento nito.

Para sa Mag-aaral:

Ano-ano ang dapat mong gawin upang matuto sa modyul na ito?

1. Basahin at unawain ang mga aralin.


2. Magsaliksik sa ibang mga aklat o internet para sa karagdagang kaalaman o
pagsasanay.
3. Sagutin ang mga pagsubok nang may katapatan.
4. Sundin ang mga panuto at tagubilin sa bawat gawain.
5. Magsanay.

Para sa Tagagabay:
Magandang araw po sa inyo! Alam kong kayang-kaya mong gabayan ang iyong
anak para sa kanyang pagkatuto. Ano-ano ang dapat mong gawin?
1. Sundin lahat ang mga panuto sa bawat gawain.
2. Hayaang ang iyong anak ang sasagot sa mga pagsasanay para mas
epektibo at makabuluhan ang kanyang pagkatuto.

Layunin:
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang:

a. nasusuri ang akda batay sa elemento nito;

b. naihahambing ang binasang nobela sa iba pang akdang pampanitikan; at

____________
1
Larawang kuha at ilustrasyon ni Joan T. Lamaton
2
Iginuhit ni Rochelle W. Tayab

2
S U B U K I N

Pigura 3

Bago tayo magpatuloy ay iyong subukin ang iyong kaalaman sa araling tatalakayin sa
modyul na ito. Huwag kang mag-alala kung hindi mo masagot nang husto ang ilan sa mga
katanungan dito dahil masasagot mo rin ang mga ito dahil alam kong magiging masigasig
ka sa pagbasa at pag-intindi sa laman ng modyul na ito.
Simulan mo na!

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Itinuturing itong makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng panitikang tuluyan
na binubuo ng mga yugto na nagbibigay-aliw sa mga mambabasa.
A. dula
B. epiko
C. maikling kuwento
D. nobela

2. Ano ang pagkakaiba ng nobela at maikling kuwento?


A. Mas maikli ang nobela kaysa sa maikling kuwento.
B. Ang dalawang akda ay may banghay, tema o aral na mapupulot.
C. Mas maraming pangyayari sa nobela kaysa sa maikling kuwento.
D. Ang nobela ay walang tema at paksa, sa maikling kuwento lang mayroon.

3. Ang mga sumusunod ay ilan sa katangian ng nobela maliban sa:


A. malinis at maayos ang pagkakasulat
B. maraming ligaw na tagpo o kaganapan
C. naglalarawan sa lahat ng aspeto ng buhay
D. nakalilito dahil sa haba nito at marami ang tauhan

4. Ang mga sumusunod ay layunin ng nobela maliban sa isa, ano ito?


A. magsilbing aral sa mga tamad at mahihirap
B. magbigay ng inspirasyon sa mga mambabasa
C. pukawin ang kaalaman ng mga tao sa pagsulat ng nobela
D. magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan

5. Ang mga sumusunod ay pagkakatulad ng maikling kuwento at nobela maliban sa


isa, ano ito?
A. may tunggalian
B. may mga tauhan
C. binubuo ng kabanata
D. may wastong pagkasunod-sunod
________________
3
Iginuhit ni Rochelle W. Tayab

3
6. Sa iyong palagay, gaano ba kahalaga ang tunggalian sa isang nobela?
A. Magiging maayos ang banghay ng nobela.
B. Mas nagugustuhang basahin kung may tunggalian
C. Malilito ang mga mambabasa kung walang tunggalian.
D. Hindi ito magkakaroon ng buhay kung walang tunggalian.
7. Ito ay tumutukoy sa lugar at panahon ng mga pinangyarihan ng mga kaganapan
sa akda.
A. oras
B. petsa
C. pook
D. tagpuan
8. Sila ang nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela.
A. direktor
B. manonood
C. tagapagsalaysay
D. tauhan
9. Ito ay tumutukoy sa wastong pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa akda.
A. balangkas
B. banghay
C. pag-eedit
D. pagsusuri
10. Ito ang paksang-diwang binibigyang-diin sa nobela.
A. paksa
B. pamagat
C. pananaw
D. tema
11. Ito ang nagbibigay-kulay sa mga pangyayari sa isang akda.
A. banghay
B. damdamin
C. tauhan
D. tema
12. Ito ay tumutukoy sa estilo ng manunulat o awtor sa pagsulat ng isang akda.
A. pagbabanghay
B. pag-eedit
C. pamamaraan
D. pananaw
13. Ito ay tumutukoy sa diyalogong ginamit sa isang nobela.
A. pag-arte
B. pamamaraan
C. pananaliksik
D. pananalita

4
14. Ito ang nagbibigay nang mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari.
A. idyoma
B. paksa
C. tema
D. simbolismo
15. Ito ang karaniwang tema ng nobela.
A. edukasyon
B. kahirapan
C. kriminalidad
D. pag-ibig

B A L I K A N

Pigura 4

Alam kong may dati ka nang kaalaman sa depinisyon ng nobela pero kailangan pa rin
nating balikan kung ano ito.

Ang nobela ay itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng


panitikang tuluyan. Binubuo ito ng mga kabanata na nagsasalaysay ng mga
kawing-kawing na pangyayari ng buhay ng mga tao na bukod sa nagbibigay-aliw ay
nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mga mambabasa.

T U K L A S I N

Pigura 5

Ngayong may kaalaman ka na sa kung ano ang nobela ay iyong basahin ang isang
kapanapanabik na buod ng isang nobela.

Ang kadalasang tema ng nobela ay pag-ibig na siyang tema ng babasahin mong


buod ng nobela.

Alalahanin mo na sa masigasig mong pag-unawa sa akdang ito nakasalalay ang


kawastuhan ng iyong magiging sagot sa ilang mga katanungan sa modyul na ito. Ang
mga initimang bahagi ng buod ang iyong magiging gabay para mas maintindihan ang
daloy ng mahahalagang pangyayari sa akda.
_________________
4
Iginuhit ni Rochelle W. Tayab
5
Iginuhit ni Rochelle W. Tayab

5
Dakilang Sanhi
ni Julian C. Balmaceda

Si Dinda ay pinalaking parang tunay na anak ng mag-asawang Aling Engracia Guzman


at G. Fernando Penaflor. Nang mamatay si G. Penaflor, sina Dinda at Aling Asyang ay
umuwi sa tahanan ni Don Ramon na ipinakilalang amain ng bata.

Nang siya’y dalaga na, nagustuhan sinasabi ng matanda subalit pinigil siya ng
niyang mag-artista at pinayagan naman ito Don at ang bilin sa kanya ay ipadala ang
ni Don Ramon. Siya’y naging sikat kaya’t kanyang kasagutan sa loob ng dalawampu’t
maraming binata ang naghandog ng apat na oras. Matamang inisip ni Nikanor
kanilang pag-ibig subalit si Nikanor ang sinabi ng matanda subalit nanaig sa
Monserrat na anak nina Donya Serafian kanya ang tapat na pag-ibig kay Dinda
delas Alas at Don Alvaro Monserrat ang kaya’t ang sagot niya kay Don Ramon ay
nakagaanan niya ng loob at sila’y ikinararangal niyang hingin ang kamay ni
nagkaibigan. Dinda sapagkat ito ang tunay na itinitibok ng
kanyang puso at ang pasyang ito ay hindi
Hindi nalingid kay Don Ramon ang na mababago pa.
kanilang pag-iibigan kaya’t ipinatawag
kaagad si Aling Asyang upang siya’y Hinintay niya ang sagot ng Don na
matulungang pigilin sina Dinda at Nikanor inaasam niyang kanyang kaligayahan
subalit bago dumating si Aling Asyang ay subalit matigas din ang pasya nito na kahit
nakiusap si Dinda kay Don Ramon na siya’y ano ang gawin nito ay hindi maaaring
tulungan upang si Nikanor at siya ay makasal ang dalawa.
magkaisang-palad. Hindi nakatutol nang
hayagan si Don Ramon sapagkat ayaw Ang magsing-irog ay patuloy sa
niyang magdamdam si Dinda. Ang ginawa paghahatiran ng liham at ang lahat ng ito ay
lamang niyang paraan upang mawala ang sinusubaybayan ni Don Ramon. Hanggang
pagtingin nito sa binata ay pinintasan niya si sa sila’y magtatanan sa ika-11 ng gabi.
Nikanor na maraming nobya at maaaring Alam ito ng Don kaya’t inabangan niya si
siya’y hindi nito pagtatapatan. Nikanor. Nabigla ang binata pagkakita sa
matanda subalit ipinagtapat niyang kahit
Ang pagpintas na ito ay hindi sino ang humadlang ay itutuloy nila ang
nakapagpabago ng pasiya ni Dinda at ang kanilang balak. Sa paano mang paraan ay
ugaling ito ni Dinda ay alam na alam ni Don nakahanda siya, matupad lamang ang
Ramon kaya’t ipinasya niyang si Nikanor na kanilang balak at sinabi pa rin ni Nikanor na
ang kausapin. Hinanap niya ito at nang sa ngalan ng kanyang ina’y malinis at tapat
sila’y magkita, ipinagtapat ni Don Ramon ang hangarin niya kay Dinda.
na si Dinda ay tunay niyang anak sa
isang babaing ang asawa’y nangibang Dahil nga raw sa ina ang dakilang
bansa at upang maitago ang kahihiyan sanhi ng pagtanggi ni Don Ramon.
ay ipinahingi na kay Aling Asyang ang Ipinaliwanag niya na ang ina ni Dinda ay
bata. Itinanong ni Nikanor kung patay na ang kanya ring ina kaya’t siya’y tutol na
ang ina ni Dinda at ang sagot ni Don Ramon sila ay magkatuluyan. Nawalan ng imik
ay malaon na. ang binata at siya’y umalis na hindi na
hinintay ang pagpanaog ni Dinda.
Isinunod na sabi ni Don Ramon na Sinalubong ng Don si Dinda at sinabing si
layuan nito si Dinda sapagkat napakaliit Nikanor ay umalis na at hindi na babalik.
daw para maging asawa at napakalaki Hindi na ipinagtapat ng Don kay Dinda ang
naman kung magiging kerida niya. Nag-isip Dakilang Sanhi at marahil ay panahon na
si Nikanor at nais niyang sagutin ang lamang ang makapagsasabi.

6
S U R I I N

Pigura 6

Alam kong may naintindihan ka sa bahagi ng nobelang binasa. Kung kinakailangang


basahin muli ay iyong balikan ang akda.
Ngayon naman ay iyong suriin ang ating aralin, kung ano ang pagkakaiba ng nobela
saiba pang mga akdang pampanitikan at ang elemento nito. Ang bahaging ito ang
magiging gabay mo sa mga susunod na Gawain at Pagtatasa.
________________
Tara na at simulan ang pagtuklas ng kaalaman!

Alam mo ba na…
Sa nobela, maraming pangyayari ang inilalahad, samantalang sa maikling
kuwento, iisang pangyayari lamang ang inilalahad kaya’t maaaring tapusin ito sa
isang upuan lamang.
Ang isang nobela ay may mga katangiang dapat taglayin. Ito ay ang sumusunod:
a.) maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan, b.)
pagsaalang-alang sa kailangang kaasalan, c.) kawili-wili at pumupukaw ng
damdamin, d.) pumupuna sa lahat ng larangan sa buhay at sa mga aspekto ng
lipunan tulad ng gobyerno at relihiyon, e.) malikhain at may dapat maging
maguni-guning paglalahad, at f.) nag-iiwan ng kakintalan.
Nauukol sa pag-ibig ang karaniwang tema sapagkat ito ang kinalulugdan ng mga
bumabasa bagamat mayroon ding nauukol sa tunggalian ng puhunan at paggawa,
mahirap na laging naaapi ng mayaman at iba pa.
Elemento ng Nobela
a. Tagpuan- Ito ang lugar at pinangyarihan ng mga kaganapan.
b. Tauhan- Sila ang nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela.
c. Banghay-Ito ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa akda.
Limang mahalagang bahagi ng banghay

1. Panimula- Ito ang simula ng kuwento kung saan ipinakilala ang tauhan, ang tagpuan at
suliraning kakaharapin. Ito rin ang nagbibigay ng pahiwatig kung ano ang nagaganap.

2. Saglit na kasiglahan-Ito ang bahagi kung saan naging kumplikado ang mga pangyayari
at inilalahad ang tunggalian sa kuwento. (pangyayari sa pagitan ng simula at kasukdulan)

3. Kasukdulan-Ito ang pinakamataas o pinakamatinding bahagi ng kuwento kung


saan haharapin ng pangunahing tauhan ang kanyang suliranin.
___________________
6
Iginuhit ni Rochelle W. Tayab

7
4. Kakalasan - Ito ang pangyayari kung saan ang tunggalian ay bibigyan ng
kalutasan; matatamo ng pangunahing tauhan ang layunin.

5. Wakas-Ito ang resulta ng mga pangyayari.

d. Pananaw- Ito ang panauhang ginamit ng may-akda (a. una-kapag kasali ang
may-akda; pangalawa-ang may-akda ang nakikipag-usap; c. pangatlo-batay sa
nakikita o obserbasyon ng may-akda)

e. Tema-Ito ang paksang-diwang binibigyang-diin sa nobela.

f. Damdamin-Ito ang nagbibigay-kulay sa mga pangyayari sa akda.

g. Pamamaraan- Ito ang estilo ng manunulat/awtor.

h. Pananalita- Ito ang diyalogong ginamit.

i. Simbolismo-Ito ang nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay, at


pangyayari.

Ngayon, ating suriin ang binasa mong buod ng nobela batay sa elelmento nito.
Ang mga initimang pahayag sa buod ng akda ay magiging gabay mo sa pag-intindi sa
mahahalagang pangyayari sa akda gaya ng binanggit sa una.

Bigyang-pansin ito nang husto dahil ito ang magiging gabay mo sa pagsagot sa
mga gawain sa Pagyamanin.

A. Tagpuan- sa bahay ni Don Ramon


B. Tauhan

1. Dinda- Siya’y naging sikat dahil sa pag-aartista kaya’t maraming binata ang
nais makaisang-palad siya.
2. Aling Engracia Guzman (Aling Asyang)- Siya ang kinilala at kinalakhang ina ni
Dinda.
3. Fernando Penaflor-Siya ang kinilalang ama ni Dinda.
4. Don Ramon- Siya ang amain ni Dinda, ang tunay niyang ama.
5. Nikanor Monserrat- Siya ang kasintahan ni Dinda.
6. Donya Serafian delas Alas-Siya ang kinilalang ina ni Ramon.
7. Don Alvaro Monserrat- Siya ang kinilalang ama ni Ramon.

8
C. Banghay

Dakilang Sanhi

Panimula

Si Dinda ay lumaki sa piling ng mag-asawang sina Fernando Penaflor at


Aling Engracia Guzman (Aling Asyang). Nang pumanaw ang kanyang
kinikilalang ama na si Fernado ay lumipat ang mag-ina sa bahay ni Don Simon.
Si Don Simon ang sinasabing amain ni Dinda.

Saglit na Kasiglahan

Sa pag-aartista ni Dinda’y naging sikat siya. Dahil dito, maraming gustong


makaisang-palad siya ngunit tanging si Nikanor Monserrat ang bumihag sa
kanyang puso hanggang ito’y mauwi sa isang tunay na pag-iibigan.

Ang bagay na ito’y hindi lingid kay Don Ramon. Ginawa niya ang lahat

Kasukdulan

Dahil sa matinding pagtanggi ni Don Ramon sa relasyon nina Dinda at


Nikanor ay napagkasunduan nilang magtanan sa ika-11 ng gabi. Alam ito ni
Don Ramon kaya’t inabangan niya ang binata.

Wala na siyang siyang magagawa kundi ipagtapat ang katotohanan sa

Kakalasan

Tanging ang katotohanan ang nagpalubag sa puso ni Nikanor para itigil


ang pagsinta niya kay Dinda. Umalis ito na hindi nagpaalam sa kasintahan.

Wakas

Hindi na muling nagkita sina Dinda at Nikanor. Hinayaang huwag nang


ipagtapat ni Don Ramon ang katotohanan. Tadhana na lamang ang
makapagsasabi.
D. Pananaw- Ang may-akda ay gumamit ng pangatlong pananaw sa kanyang akda.
E. Tema- Ang tema ay hinggil sa pag-ibig.
F. Damdamin- kalungkutan
G. Pamamaraan- Maayos na isinalaysay ng awtor ang pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari.

9
H. Pananalita- Ang awtor ay gumamit ng mga simpleng pananalita sa kanyang
akda. Hindi siya gumamit ng maligoy at matatalinhagang pahayag sa nobela.
I. Simbolismo
1. Ang pamagat ng akda, Dakilang Sanhi ay nangangahulugang ang dahilan
kung bakit hindi puwedeng magkatuluyan ang magsing-irog na sina Dinda at
Nikanor dahil pareho ang kanilang ina. Ito ang dakilang sanhing tinutukoy.

2. Hinanap niya ito at nang sila’y magkita, ipinagtapat ni Don Ramon na si


Dinda ay tunay niyang anak sa isang babaing ang asawa’y nangibang bansa
at upang maitago ang kahihiyan ay ipinahingi na kay Aling Asyang ang
bata.
Ang kahihiyang tinutukoy ay ang pagkakaroon ng bawal na relasyon ni Don
Ramon at ng isang babaeng may asawa na na nagbunga ng isang supling na
walang iba kundi si Dinda.

Paalala: Ang mga nasalungguhitan sa bilang 1 at 2 sa itaas ay may malalim na nais


ipakahulugan o simbolismo.

May naintindihan ka na ba sa ating aralin? Kung mayroon ay saludo ako sa iyo,


pero kung may di pa klaro ay muling balikan at basahin ang bahaging Tuklasin at
Suriin.
Ngayon, ihanda ang sarili sa pagsagot sa mga katanungan sa Pagyamanin. Ito na
ang aplikasyon ng iyong natutunan.
Alam kong kaya mo ‘to!

10
PAGYAMANIN

Pigura 7

Ngayon ay natitiyak kong handa ka na sa pagbasa ng isang halimbawa ng dagli mula


sa rehiyon ng isa sa mga isla ng Carribean. Sikaping basahin at intindihin upang masagot
mo kung paano ito naiiba sa nobela

Gawain 1. Basahin dagli para masagutan ang mga inihandang katanungan sa


Pagtatasa 1 at Pagtatasa 2.

Ako Po’y Pitong Taong Gulang


Hello. Ang pangalan ko po ay Amelia at nakatira ako sa isang isla sa Carribean.
Ako po’y pitong taong gulang. Noon po’y ibinigay ako ng aking mahihirap na
magulang sa isang mayamang pamilya na nakatira sa lungsod.

Ngayon pong araw na ito, gaya ng bakuran, labhan ang mga damit at
ginagawa ko araw-araw, gumigising po hugasan ang pinagkainan at linisin ang
ako ng alas singko ng umaga, Umiigib kusina. Hinuhugasan ko rin po ang mga
ako ng tubig sa isang balon na malapit paa ng aking among babae. Galit na
sa amin. Napakahirap pong balansehin galit po siya ngayong araw na ito at
ang mabibigat na banga sa aking ulo. sinampal po niya ako dahil sa galit.
Pagkatapos po ay naghanda na ako ng Sana’y hindi na po siya galit bukas.
almusal at inihain ko po iyon sa
pamilyang pinaglilingkuran. Medyo Ipinakain po sa akin ang kanilang
nahuli nga po ako ng paghahain ng natirang pagkain, mas mabuti na rin po
almusal, kaya pinalo po ako ng sinturon ito kaysa giniling na mais na kinain ko
ng aking amo. po kahapon. Gulagulanit po ang aking
damit at wala akong sapatos. Hindi po
Pagkatapos po ay inihatid ko sa ako kailanman pinayagan ng aking amo
paaralan ang kanilang limang taong na ipaligo ang tubig na iniigib ko para sa
gulang na anak na lalaki. Sumunod po, pamilya. Kagabi po ay sa labas ako
tumutulong ako sa paghahanda at natulog, kung minsan po ay pinatutulog
paghahain ng tanghalian ng pamilya. nila ako sa sahig sa loob ng bahay.
Kung hindi pa po oras ng pagkain, Nakalulungkot pong isipin na hindi ako
kailangan ko pa pong mamili ng pagkain ang mismong sumulat nito. Ayaw po nila
sa palengke at gawin ang mga utos nila, kasi akong payagang mag-aral.
asikasuhin ang apuyan, walisan ang
-Mula sa Filipino 2 Pagbasa at Pagsulat Tungo
sa Pananaliksik.2011.Lorimar Publication

______________
8
Iginuhit ni Rochelle W. Taya

11
Karagdagang kaalaman
Sinasabing sa mga anyong mga dagli, sa Ingles sketches, nagmula ang maikling
kuwento. Ang dagli ayon sa katuturang ibinigay ni Arrogante (2007) ay mga
sitwasyong may mga nasasangkot na tauhan ngunit walang aksiyong umuunlad, gahol
sa banghay at pawang mga paglalarawan lamang.
Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ang nauusong estilo ng maikling kuwento.
Mga kuwentong pawang sitwasyon lamang, plotless wika nga sa Ingles. Kakaiba ag
tema sa mga naunang dagli na nangangaral at nanunuligsa, itong bago ay hindi lagi.

Pagtatasa 1.A: Ang mga katanungang ito ay halaw sa binasang dagli sa Gawain 1.
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Siya ang pangunahing tauhan sa dagli.
A. ang may-akda C. ang among babae
B. si Amelia D. ang anak na lalaki
2. Dito nangyari ang mahahalagang pangyayari sa dagli.
A. sa tahanan ng amo C. sa isang di kilalang isla
B. sa bahay ni Amelia D. sa isang paaralan
3. Ito ang pananaw o panauhang ginamit sa akda.
A. una C. pangatlo
B. pangalawa D. pang-apat
4. Ito ang tema ng binasang dagli.
A. pag-ibig C. kahirapan
B. kriminalidad D. edukasyon
5. Ano ang damdaming mahihinuha sa binasa?
A. kasiyahan C. pagkasabik
B. kalungkutan D. pagmamaktol

Pagtatasa 1.B. Ang dagli at nobela ay may pagkakatulad at pagkakaiba.Pagtugmahin


ang nasa Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
Halimbawa:
Ang dagli ay maikling maikling kuwento A. gaya ng ibang akdang
samantalang ang nobela ay __B____. pampanitikan
1. Ang mga tauhan sa dagli ay maaring isa
lamang samantalang sa nobela ay B. mahaba, binubuo ng
_______. mga kabanata
2. Ang nobela ay binubuo ng mga kawing
kawing na pangyayari samantalang ang C. gahol sa banghay
dagli ay _______.
3. Ang dagli at nobela ay parehong may D. may sinusunod na banghay
mga elementong taglay ________.
4. Ang dagli at plotless samantalang ang E. nakasulat sa tuluyan
nobela naman ay _______.
5. Ang dagli at nobela ay halimbawa ng F. maaaring higit sa lima
mga akdang ______.

12
Gawain 2. Muling basahin ang dagli sa Gawain 1. Pagtuunan ng pansin ang
pagkasunod-sunod ng mga pangyayari para masagot ang Pagtatasa 2.

Pagtatasa 2. Gawan ng simpleng pagsusuri ang dagling pinamagatang Ako


Po’y Pitong Taong Gulang sa Gawain 1. Piliin ang titik ng tamang sagot
sa loob ng kahon.

Tagpuan Pangyayari
Ako Po’y Tauhan 1 Pangyayari
Pitong 2 Pangyayari
Taong 3
Gulang
1. _____ 2. _____ 3. _____ 4. _____ 5. _____

A. ang amo

B. si Amelia

C. sa isla

D. sa bahay ng pinaglilingkuran ni Amelia

E. Ginagawa ni Amelia ang lahat ng kanyang tungkulin pero siya’y inaabuso’t


minamaltrato ng kanyang amo.

Gawain 3. Basahin ang maikling kuwento sa ibaba para masagot ang Pagtatasa
3.
Ang Mahiwagang Lampara

Noong unang panahon sa kagubatan biglang lumitaw na isang higanteng usok.


ng Tabor, may tatlong manlalakbay patungo Nag-anyo itong malaking-malaking tao.
sa Melbar. Doon sila pansamantalang Bilang pasasalamat sa kanyang paglaya,
magtatrabaho para may maipantawid pinangakuan sila nito ng gantimpala-
gutom ang kani-kanilang pamilya. Lakad tig-iisang kahilingan.
sila ng lakad. Wala silang kamalay-malay Hiniling ng una na siya’y makabalik sa
na naliligaw na pala sila. Masukal, kanila na maraming dalang pera. Ito’y agad
maraming tuyong dahon at mga natupad. Ang pangalawa naman ay
naglalaglagang sanga galing sa matatayog humiling para sa kanyang pamilya ng
na puno. masaganang bahay at buhay. Ito’y natupad
Hindi na nila alam kung saan sila din. Ang pangatlo ay biglang nalungkot
patungo. Sa paghahanap nila ng daan, may dahil nag-iisa lamang siya kaya’t hiniling
nakita silang lampara. niyang ibalik sa dati ang kanyang mga
“Pwede nating gawing ilawan ito kasama. Nagpatuloy sila sa paglalakbay.
mamayang gabi,” sabi ng isa.
Nilinis nila ang lampara. Pinagkakaskas
nila ito. Sa di inaasahang pangyayari, may

13
Pagtatasa 3. A: Batay sa iyong nabasa, ihambing ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng nobela at maikling kuwento sa pamamagitan ng dayagram
sa ibaba.

Nobela Maikling Kuwento

Pagkakatulad

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Pagkakaiba

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Pagtatasa 3.B: Kumpletuhin ang banghay ng binasang maikling kuwento.


Puwedeng tig-iisang pangungusap lamang sa bawat pangyayari.

Ang Mahiwagang Lampara

Panimula

_______________________________________________________________

Saglit na Kasiglahan

_______________________________________________________________

Kasukdulan

_______________________________________________________________

Kakalasan

_______________________________________________________________

Wakas

_______________________________________________________________

14
I S A I S I P

Pigura 8

Sa wakas ay natapos mo na ang mga gawain at pagtatasa ng modyul na ito. Binabati


kita dahil dito. Ngayon ay ibuod mo ang iyong napag-aralan.

Panuto: Kumpletuhin ang mga pahayag.

1. Ang nobela ay isang akdang pampanitikan na ____________________________


__________________________________________________________________.
2. Ang pagkakatulad ng nobela at maikling kuwento ay _______________________
___________________________________________________________________
samantalang ang pagkakaiba naman ng dalawa ay __________________________
__________________________________________________________________ .

I S A G A W A

Pigura 9

Ang bahaging ito ang isa sa pinakamahalagang sangkap ng modyul na ito dahil iuugnay mo sa
totoong buhay ang iyong napag-aralan.

Panuto: Balikan ang nobelang pinamagatang Dakilang Sanhi at sagutin ang


mga sumusunod na tanong.

1. Ano-ano ang mga aral na mapupulot sa buod


ng nobelang binasa? Magbigay ng dalawa.

A.__________________________________________________

2. Kung ikaw si Dinda, ano ang gagawin mo kung


sa huli ay malalaman mong ang kasintahan mo ay
kapatid mo pala?

__________________________________________________

3. Ano-anong pangyayari sa nobela ang


makikitang nangyayari sa kasalukuyang
10
Pigura panahon? Maglahad ng dalawa.
______________
8
Iginuhit ni Rochelle W. Tayab _____________________________________________________
9
Iginuhit ni Rochelle W. Tayab
10
Iginuhit ni Rochelle W. Tayab

15
T A Y A H I N

Sa bahaging ito ay matatasa natin kung may napag-aralan ka sa ating aralin.

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng nobela at maikling kuwento maliban sa isa:
A. Ang dalawang akda ay nakasulat sa anyong tuluyan.
B. Mas maraming tauhan sa nobela kumpara sa maikling kuwento.
C. Ang nobela ay isang mahabang akda kumpara sa maikling kuwento na maikli.
D. Ang nobela ay may mas maraming pangyayari kaya’t marami ring tunggalian di gaya ng
maikling kuwento na hindi kumplikado ang pangyayari.

Para sa mga bilang 2-5, halaw sa buod ng nobelang Dakilang Sanhi


2. Siya ang pangunahing tauhan sa nobela.
A. Aling Asyang
B. Dinda
C. Don Ramon
D. Nikanor
3. Ang mga sumusunod ay maaring tema ng nobela maliban sa __________.
A. kahirapan
B. pag-ibig
C. pagmamahal ng magulang sa anak
D. tapat na pagsinta
4. Ang mahihinuhang damdamin ni Dinda sa wakas ng nobela ay ___________.
A. kasiyahan
B. pagkalungkot
C. pagmamalasakit
D. pagmamataas

5. Ano ang nais ipahiwatig ng pamagat ng nobela?


A. ang pagiging istrikto ni Don Ramon kay Dinda
B. ang dahilan kung bakit hindi sila dapat magkatuluyan
C. ang sanhi ng matinding galit ni Don Ramon kay Nikanor
D. ang tapat na pagmamahalan ng dalawang pangunahing tauhan
6. Ang mga sumusunod ay bahagi ng banghay maliban sa ____________.
A. kasukdulan
B. pananaw
C. panimula
D. wakas

7. Ito ang bahagi kung saan naging kumplikado ang mga pangyayari at inilalahad ang
tunggalian sa kuwento.
A. kakalasan
B. saglit na kasiglahan
C. simula
D. tunggalian

16
8. Ang mga sumusunod na pahayag ay pagkakaiba ng dagli at nobela maliban sa:
A. Maikling-maikling kuwento ang dagli kumpara sa nobela na napakahaba.
B. Ang nobela ay nakasulat sa anyong tuluyan samantang ang dagli ay patula.
C. Maraming pangyayaring inilahad sa nobela samantalang iisa lamang sa dagli.
D. Gahol sa banghay ang dagli samantalang ang nobela ay may simula at wakas.
9. Nauukol sa pag-ibig ang karaniwang tema ng nobela sapagkat ___________.
A. Ito ang akma sa akda.
B. Ito ang nauuso ngayon.
C. Ito ang hiling ng mga mambabasa.
D. Ito ang kinalulugdang basahin ng mga mambabasa.
10. Ang mga sumusunod ay layunin ng nobela maliban sa isa:
A. nagbibigay-aliw sa mga mambabasa
B. nagpapakilos sa kanyang mambabasa
C. nagbibigay ng panuto at babala sa kanyang mambabasa
D. pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mga mambabasa

11. Sa bahaging ito mabibigyan ng solusyon ang suliranin sa nobela.


A. kakalasan
B. kasukdulan
C. papataas na pangyayari
D. wakas

12. Sa binasang buod ng nobela, ano ang mahihinuha mong dahilan kung bakit ganoon
kahigpit si Don Ramon kay Dinda?
A. dahil sa utang na loob niya sa dalaga
B. dahil ayaw niyang mapariwara ang buhayni Dinda
C. dahil ayaw niyang pagtaksilan ni Nikanor si Dinda
D. dahil sa labis na pagmamahal niya sa kanyang tunay na anak
13. Bakit umalis nang walang paalam si Nikanor sa huling bahagi ng akda?
A. Nalaman niya ang katotohanan.
B. Ayaw niya ng magulong buhay.
C. Matindi kasi ang galit ni Don Ramon sa kanya.
D. Napag-isip-isip niyang hindi na niya pala mahal si Dinda.
14. Ano ang pinakamatinding suliranin sa binasang nobela?
A. ang biglaang pagyaman ng pamilya ni Nikanor
B. ang pakialamerong ama na si Don Ramon sa relasyon ng anak
C. ang mapait na katotohanang magkapatid pala ang magkasintahan
D. ang pagkamatay ng kinikilalang ama ni Dinda noong siya’y bata pa
15. Ano ang masisiguro mong wakas ng nobela?
A. Mamamatay si Nikanor dahil sa matinding lungkot.
B. Hindi na magkakatuluyan sina Dinda at Nikanor dahil sa Dakilang Sanhi.
C. Magiging masaya ang buhay nina Dinda at Don Ramon dahil sa pangyayari.
D. Mas nanaisin ni Dinda na magmadre na lang gaya ng ginawa ni Maria Clara
sa Noli.

17
KARAGDAGANG GAWAIN

Pigura 11

Ito na ang panghuling gawain! Ngayon naman susubukin ang iyong pagkamalikhain sa pagbuo ng
isang banghay ng kuwento sa tulong ng mga larawan.

Panuto: Sa tulong ng mga larawan ay gagabayan ka sa pagsulat ng buod o banghay


ng isang kuwento o nobela. Lagyan ng sariling pamagat. Maaaring isa o
dalawang pangungusap sa isang larawan. Tatayain ang iyong banghay sa tulong ng
rubrik sa na nasa kasunod na pahina.

k a suk dul an
___________________________

Sa gl it na k a sigl ahan K a k al a sa n
___________________________ ___________________________

Panim ul a wa k as
____________________________ ____________________________
________________
Ang mga larawan ay iginuhit ni Rochelle W. Tayab

18
Mga Pamantayan 5 4 3 2 1 Kabuuan
Pagkamalikhain sa pagbibigay
kahulugan sa larawan sa
pamamagitan ng pagkukuwento
Mahusay ang pag-uugnay ng mga
pangyayari sa kuwento
Walang pagkakamali sa baybay at
pagkakagamit ng mga salita
5-Napakahusay 2- Di-gaanong Mahusay
4-Mahusay 1-Sadyang Di-mahusay
3-Katamtaman

Saludo ako sa iyo dahil napagtagumpayan


mong tapusin ang modyul na ito. Sana ay may
natutuhan ka.

Pigura 12

__________________
12
Iginuhit ni Rochelle W. Tayab

19
20
KARAGDAGANG
GAWAIN
ISAGAWA
-Nasa
pamamatnubay
ng guro ang
pagwawasto ng -Nasa
mga sagot. pamamatnubay
ng guro ang
BALIKAN
1. T
PAGYAMANIN ISAISIP
2. T
Pagtatasa 1A
3. M
1. B
4. M
2. A -Nasa
5. T
pamamatnubay
3. C
4. C
5. B
TAYAHIN
Pagtatasa 1B SUBUKIN
1. A
1. D
2. B
1. F 2. C
3. A
2. C 3. D
4. B
3. A 4. A
5. D
4. D 5. C
6. B
5. E 6. D
7. B
7. D
SUSI SA PAGWAWASTO
BIBLIYOGRAPIYA

AKLAT

Ailene G. Baisa-Julian, , Mary Grace G. del Rosario at Nestor S. Lontoc. Pinagyamang


Pluma 9. 927 Quezon Ave., Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc., 2014

Diana Gracia L. Lacano, et al. Bagong Likha III. Dalandan, Valenzuela City: JO-ES
Publishing House, Inc., 2011

INTERNET

Unknown. Mga Buod ng Nobela. Accessed October 3, 2020. https://books.google,com.ph

Unknown. Teoryang Realismo. Acessed October 3, 2020.https://www.courseher.com

Unknown. Twilight in Jakarta. Accessed October 3, 2020. https://book.google.com.ph

Para sa mga katanungan o puna, maaaring sumulat o tumawag sa:


Department of Education-Schools Division of Mountain Province
Bontoc, Mountain Province
Contact Numbers: 09773812905/09208194245
Email Address: andres.cuyasan@deped.gov.ph

21

You might also like