You are on page 1of 29

Anong pagpapakahulugan ang ibinibigay sa

pagsusuot ng korona?Ano-ano ang mga


salita na may kaugnayan sa korona?
LIONGO
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Mula sa bansang Kenya


TALASALITAAN
MATRILINEAR
• ang tawag sa pamamahala ng kababaihan.

PATRILINEAR
• ang tawag sa pamamahala ng kalalakihan.
TALASALITAAN
LANGITNGIT
• impit na tunog na gawa ng pagkikiskisan o
paglalapat ng dalawang bagay
DAGITAB
• ang tawag sa elektrisidad.
TALASALITAAN
AGIMAT
• anting-anting o kapangyarihan.

MITOLOHIYA
• Kalipunan ng mga mito.
PANONOOD/
PAGBASA NG AKDA
Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang nasa
baybaying- dagat ng Kenya. Siya ang nagmamay-
ari ng  karangalan bilang pinakamahusay na
makata sa kanilang lugar. Malakas at mataas din
siya tulad ng isang higante, na  hindi nasusugatan
ng ano mang mga armas.
Ngunit kung siya’y tatamaan ng karayom sa
kaniyang pusod ay mamamatay siya. Tanging si
Liongo at ang kaniyang inang si Mbwasho ang
nakaaalam nito.Hari siya ng Ozi at Ungwana sa
Tana Delta, at Shangha sa Faza o isla ng Pate.
Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono ng
Pate na unang napunta sa kanyang pinsang si
Haring Ahmad (Hemedi) na kinilalang  kauna-
unahang namuno sa Islam. Ang pagbabago ay
naging mabilis mula sa Matrilinear  na
pamamahala ng mga kababaihan tungo sa
Patrilinear na pamamahala ng kalalakihan sa 
pagsasalin ng trono.
Nais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo
kaya ikinadena at ikinulong siya nito. Nakaisip
si Lionggo ng isang pagpupuri. Habang ang
parirala (Refrain) nito ay inawit ng mga nasa
labas ng bilangguan, bigla siyang
nakahulagpos sa tanikala na hindi nakikita ng
bantay.
Nang makita ito ng mga tao, tumigil sila sa pag-
awit. Tumakas siya at nanirahan sa Watwa
kasama ang mga taong naninirahan sa
kagubatan. Nagsanay siyang mabuti sa
paghawak ng busog at palaso na kinalaunan ay
nanalo siya sa paligsahan ng pagpana. Ito pala’y
pakana ng hari upang siya ay  madakip at muli
na naman siyang nakatakas.
Kakaunti lang ang nakaaalam tungkol sa
matagumpay na pagwawagi ni Liongo sa digmaan
laban sa mga Gala (Wagala). Kaya naibigay ng hari
ang kaniyang anak na dalaga upang ang bayaning
si Liongo ay mapabilang sa kaniyang pamilya.
Nang lumaon si Liongo ay nagkaanak ng isang
lalaki na nagtraydor at pumatay sa kaniya.
1.Ano-ano ang mga kahanga-hangang katangian ang
mayroon si Liongo?
GABAY NA TANONG

2.Sa iyong opinyon, bakit itinago ng mag-ina ang


natatanging dahilan ng ikinamatay ni Liongo?
3.Anong posibleng dahilan ng pagkakulong ni Liongo?
Nararapat ba ito sa kaniya?
4.Bakit madalas pinag-aawayan ang kapangyarihan sa
isang angkan?Anong naidudulot nito sa pagkatao?

5.Ano kaya ang posibleng dahilan ng pagpatay kay Liongo


ng kanyang anak?
6.Maituturing bang isang bayani ng kaniyang lahi sa
Liongo ?Patunayan.
“Ang bawat kalakasan
ay may
limitasyon"
KAISIPANG TAGLAY NG LIONGO

“Don’t trust anyone”

Kung sino pa ang akala


mong tutulong sa iyo ay
siya pang tratraydor sayo.
KAISIPANG TAGLAY NG LIONGO

“Hindi lahat ng tao ay


magugustuhan ka”

Ang dapat mo lang


pagkatiwalaan ay ang
iyong sarili
WIKA : PAMANTAYAN SA
PAGSASALING-WIKA
I will be the happiest person if I
saw your face.
Ingles

a. Ako ang magiging pinakamasayang tao kapag


nakita ko ang iyong mukha.
b. Ako ang magiging pinakamasayang tao kapag
nilagari ko ang iyong mukha.
Filipino
You are the apple of my eye

Ingles

a. Ikaw ang mansanas sa aking mata


b. Ikaw ang natatangi sa aking paningin.
Filipino
Kapag ikaw ay pipili sa
pagitan ng pagiging
mahabagin o pagiging
tama, piliin mo ang
pagiging mahabagin at
ikaw ay laging tama.

-Malayang Salin
Huwag kayong magbago
para lamang magustuhan
kayo ng iba.

Maging iyong sarili at ang


mga tao ay mamahalin
kung sino ka talaga.

-Malayang Salin
Ang edukasyon ay ang
pinakamakapangyarihang
sandata na magagamit mo
para mabago ang mundo.

-Malayang Salin
PAGTATAYA
1.Sleep soundly.
a.Matulog nang mahimbing.
b.Matulog nang matunog.
c.Matulog nang maingay
d. Lahat ng nabanggit
PAGTATAYA
2.Sing softly.
a.Umawit nang malambot.
b.Kumanta nang malambot
c.Umawit ng mahina
d. Wala sa nabanggit
PAGTATAYA
3.Fall in line.
a.Mahulog ka sa linya.
b.Hulog sa linya
c.Pumila nang maayos
d. Wala sa nabanggit
PAGTATAYA
4.Take a bath.
a.Kumuha ng pagliguan.
b.Kuhain ang banyo.
c.Maligo
d. Wala sa nabanggit
PAGTATAYA
5. Sleep tight
a.Matulog nang mabuti.
b.Matulog nang masikip.
c.Matulog nang mahigpit
d. Wala sa nabanggit

You might also like