You are on page 1of 68

Basilio

Makalipas ng labintatlong taon ay hindi niya parin


nakalilimutan ang sakit ng pagkawala ng kanyang
ina at ang kapatid. Dahil dito, ninais niyang
wakasan ang kanyang buhay sa pagsasagasa sa
mga dumadaang karwahe. May isang huminto at
ito'y si Kapitan Tiyago. Tinulungan niya si Basilio.
 
Si Basilio'y pinag-aral ni Kapitan Tiyago sa kapalit na pagiging
alilang kanin nito. Siya'y nag-aral sa Letran para sa highschool
niya. Pagdating niya sa kolehiyo, ito'y nag-aral ng medisina sa
Ateneo kahit na ang hiling ni Kapitan Tiyago ay mag-aral siya
ng abogasiya.
Parati siyang tinutukso ng kanyang mga kaklase dahil sa luma
niyang damit, di kakayahan na magsalita ng wikang Kastila, at
iba pa.
Pumunta si Basilio sa puntod ng kaniyang ina.
Pagkadating niya doon ay nakita niya si Simoun.
Nalaman niya na si Simoun at Ibarra ay iisa. Papatayin
dapat ito ni Simoun ngunit nag-alok ng proposisyon si
Simoun na kapalit ng kaniyang buhay ay ang pagsama
niya kay Simoun sa himagsikan. Hindi pumayag si
Basilio.
 
Nakulong si Basilio at ang kanyang mga kaklase dahil sa
napagbintangan sila ng isang krimen. Makalipas ang ilang
araw, ang mga estudyante ay isa-isang nakalaya maliban kay
Basilio.
Nang makalaya si Basilio, nabalitaan niya na ang pagkamatay
ng kaniyang kasintahan na si Huli. Pinuntahan niya si Simoun
at sinabihan ito na gusto niyang bumahagi sa himagsikan.
Natuwa nito si Ibarra, ang pagsabog ng lamparang may
pulbura ang simula ng himagsikan.
Pinuntahan ni Basilio ang matalik na kaibigan na si
Isagani at binalaan ito sa himagsikan na
magaganap. Hindi nakinig ang binata at dumalo
parin sa kasal nina Paulita at Juanito. Hinagis niya
ang lampara sa ilog at iniligtas ang mga bisita.
Nagsimula ang himagsikan ngunit si Basilio ay
nawala parang bula.
 
El Filibusterismo
Ikaapat na Pangkat
6, 7, 23, 26, 31, 33, 34
El Filibusterismo
Basilio Tauhan
• Isang estudyanteng nag-aaral ng medisina
El Filibusterismo
Simoun Tauhan
Buhay Mayamang manghahalahas
El Filibusterismo
Isagani Tauhan
• Isang makata, pamangkin ni Padre Florentino
El Filibusterismo
Ben Zayb Tauhan

• Ang manunulat na may paniniwalang siya


lamang ang nag-iisip sa Maynila
El Filibusterismo
Quiroga Tauhan
El Filibusterismo
Iba pa Tauhan
El Filibusterismo: Kabanata 6
Si Basilio Tauhan

*Basilio-
*Lalaking tumulong sa kanya sa paghuhukay
*Isa pang di kilalang lalaking tumulong sa pagsindi ng
apoy upang sunugin ang bangkay ng kaniyang yumaong
ina
El Filibusterismo: Kabanata 6
Si Basilio Talasalitaan

bunton- tumpok
Magparikit-magpakasal
tigib sa takot- punong-puno sa
takot
El Filibusterismo: Kabanata 6
Si Basilio Buod

Madilim ang gabi at si Basilio ay patuloy na naglalakad


tungo sa kadiliman, makalipas ang kalahating oras
sumapit siya sa isang batis kung saan may nakatindig na
tila punso sa kabilang pampang nito at isang maitim at
walang hugis na bunton na mistulang isang bundok sa
kadiliman. Tumawid si Basilio tungo rito sapagkat sa tabi
ng gumuhong pader ay ang isang puntod na sadyang
banal para kay Basilio –ang puntod ng kanyang ina.
El Filibusterismo: Kabanata 6
Si Basilio Buod
13 taon na ang nakalipas nang mamatay ang kanyang ina sa
gitna ng matinding pagdaralita. Sugatan at iika-ika itong
nakarating sa pook na ito sa paghahabulan nila. Hibang at tigib
sa takot, dito ito binawian ng buhay at may dumating na lalaking
nag-utos na lamang kay Basilio na kumuha ng mga panggatong.
Sumunod siya at nagbalik, at nakita niya na may isa pang di
kilalang lalaki na nasa tabi ng bangkay ng nauna. Tinulungan
siya nitong magparikit ng apoy na pagsusunugan nila ng bangkay
ng di kilalang lalaking namatay, at humukay sa libingan ng
kanyang ina. Matapos ay inabutan siya ng salapi at inutusang
tumakas.
El Filibusterismo: Kabanata 6
Si Basilio Tanong
El Filibusterismo: Kabanata 7
Si Simoun Tauhan

*Simoun
*Basilio
El Filibusterismo: Kabanata 7
Si Simoun Talasalitaan

Huwad-peke o hindi totoo


Alila- alipin
nagbabalat-kayo-
nagkukunwari
El Filibusterismo: Kabanata 7
Si Simoun Buod

Sa kabanatang ito masisilayan ang talas ng kaisipan ng


dalawang tauhan na sina Simoun at Basilio. Pagkatapos ng
labing-tatlong taon ay muling nakita ni Basilio ang
misteryosong lalaki na tumulong sa paglilibing sa kanyang
inang si Sisa. Ito ay ang nagbabalat-kayong mag-aalahas
na si Simoun. Si Basilio ang unang nakatuklas ng lihim ni
Simoun. Bukod sa kanyang huwad na katauhan ay batid
din ng binata ang binabalak ni Simoun na himagsikan
laban sa mga mapang-aping kasapi ng pamahalaan.
El Filibusterismo: Kabanata 7
Si Simoun Buod
Inalok siya ni Simoun na makiisa sa kanyang layunin, ngunit
ito ay kanyang tinanggihan. Ang pangarap ni Basilio ay
makatapos ng medisina at matubos sa pagiging alila ang kanyang
kasintahan na si Huli. Ang mga layunin na ito ay pinagtawanan at
kinutya ni Simoun. Sinabihan niya ang binata na walang
kabuluhan ang buhay na hindi inuukol sa dakilang layon. Ayon sa
kanya ay dapat na maging malaya muna sila sa mga mang-aalipin
para makamit nila ang mapayapang buhay. Hindi naging sapat
ang mga pangaral ni Simoun upang tuluyan niyang makumbinsi
ang binatang si Basilio.
El Filibusterismo: Kabanata 7
Si Simoun Tanong
G
El Filibusterismo: Kabanata 23
Isang Bangkay Tauhan
*Simoun
*Basilio
*Kapitan Tiyago
*Maria Clara
El Filibusterismo: Kabanata 23
Isang Bangkay Talasalitaan

Si Basilio ay abala sa pag-aalaga kay


Kapitan Tiyago na noo’y lubos nang
nahuhumaling sa opyo.
El Filibusterismo: Kabanata 23
Isang Bangkay Talasalitaan

Sa pagkakabanggit na ito ay nagitla


si Simoun at walang imik na umalis.
El Filibusterismo: Kabanata 23
Isang Bangkay Talasalitaan

Sa kabilang banda, si Maria Clara


naman daw ay babaeng sing-ganda ng
isang pangarap, malinis, lipos ng
pananalig at walang kamalayan sa
lakad ng kamunduhan.
El Filibusterismo: Kabanata 23
Isang Bangkay Talasalitaan

Opyo-
Nagitla-nabigla
lipos ng pananalig- puno ng pananalig
El Filibusterismo: Kabanata 23
Isang Bangkay Buod
Si Simoun at Basilio ay wala sa pagtatanghal. Si Basilio ay abala sa
pag-aalaga kay Kapitan Tiyago na noo’y lubos nang nahuhumaling sa
opyo. Nagtatalo ang damdamin ni Basilio kung bibigyan niya ba o hindi
si Kapitan Tiyago sapagkat sinasaktan siya nito kapag kakaunti ang
ibinigay niya ngunit makasasama naman kung patuloy niyang bibigyan.
Nag-aaral si Basilio ng kanyang mga aralin sa medisina ngunit ang ilan
sa mga aklat na nasa tabi niya ay hindi man lamang niya binubuklat.
Maya-maya ay dumating si Simoun na matagal ng hindi dumadalaw kay
Kapitan Tiyago. Nabanggit dito na si Simoun ang nagbigay kay Basilio
ng ilang mga aklat na pang-rebolusyonaryo na hindi naman binabasa ni
Basilio. Dito ay muling naungkat ang pinag-usapan nila sa kagubatan,
ang paghihikayat ni Simoun na sumali si Basilio sa himagsikan.
El Filibusterismo: Kabanata 23
Isang Bangkay Buod
Ngunit matigas pa rin sa pagtanggi si Basilio. Binanggit ni
Simoun na kung si Basilio ay tutulong, siya raw ang aatasang
kumuha kay Maria Clara sa kumbento. Ngunit sinabi ni Basilio na
kamamatay lamang ni Maria Clara kaninang umaga. Sa
pagkakabanggit na ito ay nagitla si Simoun at walang imik na
umalis. Sa kabanatang ito, tinukoy ni Basilio si Simoun bilang
isang binatang mayaman, bihasa, malaya, nakapagpapasya sa
sariling kabuhayan at may magandang kinabukasan. Sa kabilang
banda, si Maria Clara naman daw ay babaeng sing-ganda ng isang
pangarap, malinis, lipos ng pananalig at walang kamalayan sa
lakad ng kamunduhan.
El Filibusterismo: Kabanata 23
Isang Bangkay Tanong
1. Anong klaseng mga aklat ang ibinigay ni Simoun kay Basilio?
2. Sino ang tinutukoy ni Basilio na babaeng sing-ganda ng isang
pangarap, malinis, lipos ng pananalig at walang kamalayan sa
lakad ng kamunduhan?
3. Sino naman ang tinutukoy niya na isang binatang mayaman,
bihasa, malaya, nakapagpapasya sa sariling kabuhayan at may
magandang kinabukasan?
El Filibusterismo: Kabanata 26
Pasquinadas Tauhan
*Simoun
*Basilio
*Makaraig
*Tadeo
*Sandoval
*Isagani
*Guwardiya Sibil
El Filibusterismo: Kabanata 26
Pasquinadas Talasalitaan

Pagsapit niya sa San Juan de Dios, nalaman


niya ang tungkol sa pagkakadiskubre ng mga
paskin sa Unibersidad at sinasabing ang
Asosasyon ang may kagagawan nito.
El Filibusterismo: Kabanata 26
Pasquinadas Talasalitaan

Si Isagani ay nagsabi na
wala siyang alam at walang
pakialam, tila naghugas
kamay.
El Filibusterismo: Kabanata 26
Pasquinadas Talasalitaan

Patungo si Basilio sa ospital upang


dalawin ang kanyang mga pasyente,
ayusin ang kanyang lisensyatura sa
Unibersidad at puntahan si Makaraig.
El Filibusterismo: Kabanata 26
Pasquinadas Talasalitaan

Paskin-haplos
naghugas kamay-
Lisensyatura- lisensiya
El Filibusterismo: Kabanata 26
Pasquinadas Buod
Patungo si Basilio sa ospital upang dalawin ang kanyang mga
pasyente, ayusin ang kanyang lisensyatura sa Unibersidad at
puntahan si Makaraig. Pagsapit niya sa San Juan de Dios,
nalaman niya ang tungkol sa pagkakadiskubre ng mga paskin sa
Unibersidad at sinasabing ang Asosasyon ang may kagagawan
nito. Natakot si Basilio dahil akala niyang si Simoun ay kasangkot
rin. Nang kanyang makita si Sandoval ay tinawag niya ito ngunit
parang walang itong narinig, si Tadeo naman nang kanyang
makausap ay masayang-masaya dahil walang klase, si Isagani ay
nagsabi na wala siyang alam at walang pakialam, tila naghugas
kamay.
El Filibusterismo: Kabanata 26
Pasquinadas Buod

Narinig rin niya si Isagani na nagtatalumpati sa


kanyang mga kaklase hinggil sa pangyayari.
Pinupuri niya ang sinuman gumawa ng mga iyon
na siya namang ikinatakot ni Basilio para sa
kanyang kaibigan. Pagdating niya sa bahay ni
Makaraig ay may guwardiya sibil na nakabantay,
hinuli siya ng mga ito kasama na si Makaraig na
tila hindi nag-aalala sa pagkakadakip sa kanya.
El Filibusterismo: Kabanata 26
Pasquinadas Tanong
1. Saang unibersidad si Basilio pumunta sa kabanatang ito?
2. Sino ang hinuli ng mga guwardiya sibil?
3. Sino ang kaibigan ni Basilio na masayang-masaya dahil
walang klase?
El Filibusterismo: Kabanata 31
Ang Mataas na Empleyado Tauhan
*Basilio
*Makaraig
*Isagani
*Ben Zayb
*Heneral
*Kawani
*Kutserong katutubo
El Filibusterismo: Kabanata 31
Ang Mataas na Empleyado Talasalitaan

Nabalita sa tulong ni Ben Zayb, ang pagiging


mahabagin ng Heneral.
El Filibusterismo: Kabanata 31
Ang Mataas na Empleyado Talasalitaan

Lalong napahamak si Basilio dahil lahat ng


sabihin ng Kawani ay tinututulan ng
Heneral.
El Filibusterismo: Kabanata 31
Ang Mataas na Empleyado Talasalitaan

Makaraan ang dalawang oras ay nagbitiw sa


tungkulin ang Kawani at nagsabing siya’y
uuwi sa Espanya lulan ng kasunod na koreo.
El Filibusterismo: Kabanata 31
Ang Mataas na Empleyado Talasalitaan

Mahabagin-may habag na kayang patawarin


ang isang nagkasala
Tinutulan- hindi pinayagan/ sumalungat
Koreo-isang tanggapan na inihanda at
pinahintulutan ng isang sistemang postal
El Filibusterismo: Kabanata 31
Ang Mataas na Empleyado Buod
Hindi man lamang nabalita sa mga pahayagan ang nangyari kay Huli.
Nangakalaya ang mga estudyanye. Una’y si Makaraig. Pinakahuli si
Isagani. Nabalita sa tulong ni Ben Zayb, ang pagiging mahabagin ng
Heneral. Ang tanging di nakalaya ay si Basilio. Ipinagtanggol ng Mataas
na Kawani si Basilio. Mabuting bata raw at matatapos na ng
panggagamot. Lalong napahamak si Basilio dahil lahat ng sabihin ng
Kawani ay tinututulan ng Heneral. At kailangan daw magkaroon ng
halimbawang di dapat tularan ang mga mahilig sa pagbabago. Si Basilio
ay pinagbintangan ng Heneral na gumamit ng bawal na aklat sa
medisina. Sinabi ng Kawani na dapat matakot ang Heneral sa bayan.
Natawa ang Heneral wala raw siyang pakialam sa bayan dahil ang
naghalan sa kanya ay ang bayang Espanya hindi ang bansang Pilipinas.
El Filibusterismo: Kabanata 31
Ang Mataas na Empleyado Buod

Kapag itinanggi sa isang bayan ang liwanag, tahanan,


katarungan at kalayaan ituturing ng bayan na magnanakaw ang
nagtanggi ng mga ito. Nang nasa kanyang sasakyan na ang
Mataas na Kawani ay nasabi niya sa kanyang kutserong katutubo:
“Kapag dumating ang araw ng inyong pagsasarili ay alalahanin
mong sa Espanya’y hindi nawalan ng mga pusong tumitibok dahil
sa inyo”. Makaraan ang dalawang oras ay nagbitiw sa tungkulin
ang Kawani at nagsabing siya’y uuwi sa Espanya lulan ng kasunod
na koreo (bapor).
El Filibusterismo: Kabanata 31
Ang Mataas na Empleyado Buod
G
El Filibusterismo: Kabanata 31
Ang Mataas na Empleyado Tanong
G
El Filibusterismo: Kabanata 33
Ang Huling Katwiran Tauhan
*Simoun
*Kapitan Heneral
*Basilio
*Quiroga
*Artilyero
El Filibusterismo: Kabanata 33
Ang Huling Katwiran Talasalitaan

Nagulumihan-nalito
Paglilok-tumutukoy sa isang gawain
ng pagpoporma ng isang bagay
Mitsa-dahilan ng isang pangyayari
El Filibusterismo: Kabanata 33
Ang Huling Katwiran Buod
Araw ng pag-alis ni Simoun. Sasama na siya sa Kapitan Heneral. Nakahanda na
ang kanyang dadalhing mga alahas at lahat na. Paniwala ng marami na hindi
makapangahas magpaiwan si Simoun. Maaaring paghigantihan siya ng mga galit sa
kanya o pag-uusigin siya ng kahaliling Heneral. Nagkulong si Simoun sa kanyang
silid. Wala raw dapat tanggapin kundi si Basilio. Dumating ang binata. Pinatuloy
siya sa utusan. Kay laki ng ipinagbago ni Basilio. Payat na payat, gusot ang buhok at
walang ayos ang pananamit. Wala ang dating kaamuhan sa kanyang mga mata.
Matalim na ang mga iyon. Para siyang bangkay na nabuhay. Maging si Simoun ay
nagulumihan sa anyo ng kababayan. Sinabi ni Basilio kay Simoun na siya ay naging
masama na anak at kapatid na nilimot niya ang pagkapatay ng kapatid kaya siya ay
pinarusahan ng Diyos. Siya ngayon ay nakahanda ng gumanti ng sama-sama. Sinabi
niya na ang pag-iwas niya sa gulo na tulad ng pakikiisa kay Simoun ay nagbunga
lamang ng kanyang pagkabilanggo. Sasanib na raw siya kay Simoun.
El Filibusterismo: Kabanata 33
Ang Huling Katwiran Buod
Noon lamang nagsalita si Simoun . Nasa sa panig daw pala niyang talaga ang
katwiran. Ang kanyang usapin ay siyang usapin ng mga sawimpalad na tulad ni Basilio.
Tumindig si Basilio na maaliwalas na ang mukha. Sinabi niyang matutuloy na ang
himagsikan dahil hindi na siya nag-aatubili. Sinabi ni Simoun na ang mga ating
mapayapa at ayaw ng gulo ang siyang nagtulak sa kanya upang ipagtuloy ang kanyang
mga balak. Kung noon sana’y nagkatulungan na ang mga nasa mataas na lipunan at ang
mga nasa ibaba ang gawain sana ay mapagkawanggawa at hindi madugo at buktot. Sa
mga imbi niya natagpuan ang kanyang mga katulong. Kung sila man ay hindi makagawa
ng makinis na estatuwa sapat nang simulan nila ang paglilok at bahala na ang mga
susunod sa kanila. Di maunawaan ni Basilio si Simoun. Nagtuloy sila sa laboratoryo. Sa
mesa roon ay may isang kakaibang ilawan. Ang pinakalalagyan ay anyong Granada, may
bitak at naiino pa ang mga tila buto nito. Tinanggal ni Simoun ang mitsa. Bakal na may
dalawang sentimetro ang kapal na sisidlan na may isang litrong gas. Binuhusan ito ni
Simoun ng likido. Nabasa ni Basilio ang nakatitik sa lalagyan ng likido – nitroglisirina.
El Filibusterismo: Kabanata 33
Ang Huling Matuw Buod
Tumango si Simoun. Ipinaliwanag niya na ang granada ay hindi isang payak na
dinamita. Iyon daw ang mga tinipon na luha ng mga api na siyang panglaban nila
sa lakas at dahas. Noon lamang nakakita ng dinamita si Basilio. Hindi makakibo
ang estudyante. Tinurnilyuhan ni Simoun ang isang masalimuot na kasangkapang
inilagay sa ilawan.Sinabi ni Simoun na ang ilawan ay gagamitin sa isang pista.
Pagkaraan ng 20 minuto ang liwanag nito’y mangungulimlim at kapag ginalaw
ang mitsa ay sasabog ang Granada kasunod ang mga supot ng pulbura sa kainan
at walang makaliligtas sa mga bisita ng kapistahan. Nabigo ang pagkakagulong
katulong sana ang mga artilyero dahil sa kawalan ng pangangasiwa. Ngayon
kailangan niya si Basilio upang mangunguna sa labanan. . Kukunin nila sa
tindahan ni Quiroga ang mga baril at patayin ang lahat ng kalaban at ayaw
sumama at patayin. Hindi na sinuri ni Basilio ang narinig. Binulag na siya ng
tatlo’t kalahating buwang pagkabilanggo.Nais niyang maghiganti.
El Filibusterismo: Kabanata 33
Ang Huling Matuwid Tanong
G
El Filibusterismo: Kabanata 34
Ang Kasal Tauhan
*Basilio
*Simoun
*Kapitan Tiyago
*Paulita
*Juanito
*Isagani
*Sinong
*Kapitan Heneral
*Don Timoteo
El Filibusterismo: Kabanata 34
Ang Kasal Talasalitaan

Sinalat-kinapa o hinawakan
magagarang aranya-
chandelier
pulang pelus-red velvet
El Filibusterismo: Kabanata 34
Ang Kasal Buod
Nasa sa daan si Basilio. Ika-8 ng gabi. Makikituloy sana siya kina
Isagani nguni’t hindi umuwi ang kaibigan sa buong araw na iyon.
Dalawang oras na lamang at sasabog na ang ilawan ni Simoun. Maraming
dadanak na dugo. Marami ang mamamatay. Sinalat ni Basilio ang
kanyang rebolber at mga bala. Naalala niya ang babala ni Simoun na siya
ay lumayo sa daang Anloague. Naghinala si Basilio. Ang bahay ni Kapitan
Tiyago ay nasa daang iyon. May binanggit na kasayahan si Simoun. Sa
bahay na iyon idaraos ang piging sa kasal nina Paulita at Juanito. Nakita
niyang dumating ang sasakyan ng bagong kasal. Nahabag si Basilio kay
Isagani. Naisip niyang hikayating sumama sa kanya si Isagani. Siya rin
ang tumugon. Hindi papayag si Isagani sa gayong madugong pagpatay sa
marami. Hindi pa nararanasan nito ang nangyari sa kanya.
El Filibusterismo: Kabanata 34
Ang Kasal Buod
Nagunita niya ang pagkabilanggo, ang kabiguan sa pag-aaral,
ang nangyari kay Huli. Muling hinaplos ang puluhan ng rebolber
at ninasang dumating na sana ang sandaling hinihintay. Nakita
niyang dumating si Simoun. Si Sinong ang kutsero ni Simoun.
Sumunod ang sasakyan ni Simoun sa mga bagong kasal.

Nagtungo si Basilio sa Anloague. Doon ang tungo halos ng lahat –


sa bahay ni Kapitan Tiyago. Ang Kapitan Heneral ang ninong at
dadalo sa hapunan, dala ang isang tanging ilawang handog
naman ni Simoun.
El Filibusterismo: Kabanata 34
Ang Kasal Buod
Ang mga dingding ng bahay ay dinikitan ng magagarang papel
at magagarang aranya at mga bulaklak ang palamuti. Mga angkat
ang alpombra. Kurtinang pulang pelus na nabuburdahan ng ginto
at may unang titik ng pangalan ng mag-asawa. May tinuhog na
artipisyal na bulaklak ng suha. Magarang- magara ang bahay na
iyon. Parang hapag ng mga diyoses ang pagdarausan ng hapunan.
Ang mesa para sa mga dakilang panauhin at mga diyus-diyusan
ay sa asotea nakalagay. Pipito ang doon ay luluklok. Naroon ang
pinakamasarap at pinakamamahaling alak. Ubos-kaya si Don
Timoteo. Kung sinabi lamang ng Heneral na ibig nitong makain
ng tao, gagawin iyon ni Don Timoteo.
El Filibusterismo: Kabanata 34
Ang Kasal Tanong
G

You might also like