You are on page 1of 18


10







Redeveloped Division Initiated Self-Learning Module

Kagawaran ng Edukasyon– Sangay na Palawan


Filipino – Ikasampung Baitang
Redeveloped Division Initiated - Self-Learning Module
Unang Markahan – Modyul 5: Pagtukoy ng Salitang Magkaugnay, Paggamit
ng Angkop na Pahayag sa Pagbibigay ng Sariling Pananaw,
Pagtatala ng Impormasyon sa Napapanahong Isyung
Pandaigdig
Ikalawang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Palawan


Pansangay na Tagapanimahala ng mga Paaralan:
Roger F. Capa, CESO VI
Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Rufino B. Foz
Arnaldo G. Ventura

Bumuo sa Muling Pagsulat ng Modyul


Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Marlon M. Montante, Manunulat: Jheziel M. Usop
Katherine S. Tercero, Jheziel M. Usop Editor: Maricel G. Cordero
Maria Cristina M. Delos Santos Tagaguhit:
Editor: Iryn M. Ilagan
Tagalapat: Ryan Christopher Acosta
Tagasuri: Iryn M. Ilagan, Maricel M.
Tagasuri: Iryn M. Ilagan, Nora A. Nangit
Cordero, Nora A. Nangit
Tagapamahala: Aurelia B. Marquez
Tagaguhit:
Rosalyn C. Gadino
Tagalapat: Nora A. Nangit
Rodgie S. Demalinao
Tagapamahala: Aurelia B. Marquez
Nora A. Nangit
Rodgie S. Demalinao
Nora A. Nangit

Department of Education: MIMAROPA- Sangay ng Palawan


Office Address: PEO Road, Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City
Telephone Number: (048) 433-6392
Email Address: palawan@deped.gov.ph
Website: www.depedpalawan.co

ii
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi
na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman


ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat
ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit
ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

iii
Pagtukoy ng Salitang Magkaugnay, Paggamit
Filipino 10 ng Angkop na Pahayag sa Pagbibigay
Unang Markahan ng Sariling Pananaw, Pagtatala
Ikalimang Linggo
ng Impormasyon sa Napapanahong
Isyung Pandaigdig

MELC: Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang


kahulugan. (F10Pt-Ic-d-63)

Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling


pananaw. (F10WG-Ic-d-59)
Naitatala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa napapanahong isyung
pandaigdig. (F10PU-Ic-d-66)

Layunin: 1. Nakapagtutukoy ng mga salitang magkakapareho o


magkakaugnay ang kahulugan sa pamamagitan ng iba’t ibang
gawain;
2. Nakagagamit ng angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng
sariling pananaw; at
3. Nakapagtatala ng mga impormasyon tungkol sa isa sa
napapanahong isyung pandaigdig.

Subukin Natin

Panimulang Pagtataya

Panuto: (Para sa mga bilang 1-5) Tukuyin ang mga salitang magkakapareho o
magkakaugnay ang kahulugan sa pangungusap sa pamamagitan ng pagpili ng titik
ng wastong sagot.

1. Nalugod ang mga diyos nang makita nila si Bugan kaya naman natuwa rin siya sa
mga ito.
A. Bugan-diyros C. nalugod-natuwa
B. makita-natuwa D. natuwa-makita

2. Ang mga sinabi niya ay tumulig sa kanya na halos bumingi sa kanyang


tainga.
A. bumingi-tumulig C. halos-sinabi
B. kanya-sinabi D. sinabi-tainga

1
3. Sa lakas ng pagkapalo ay halos matumba ang higante kaya nang siya ay
bumangon ay parang mabuwal siya.
A. bumangon-halos C. mabuwal-matumba
B. Higante-lakas D. mitumba-pagkapalo

4. “Hindi man lang tayo magkaroon ng anak; bingi ang diyos sa atin, mukhang hindi
dininig ang ating panalangin.
A. anak-bingi C. diyos-panalangin
B. bingi-hindi dininig D. dininig-magkaroon

5. May taglay siyang alindog kung kayat ang kanyang ganda ay nakaakit sa
marami.
A. alindog-ganda C. nakaakit-taglay
B. marami-nakaakit D. taglay-marami
Panuto: (Para sa mga bilang 6-10) Gamitin ang mga angkop na pahayag sa
pagbibigay ng sariling pananaw sa pamamagitan ng pagpili ng wastong sagot.

6. (Sa paniniwala ko, dahil sa) sapat ang pondo ng pamahalaan upang
tugunan ang pangangailangn ng mga Pilipino ngayong panahon ng
pandemya.

7. (Ayon sa, batay sa) mga taga Departamento ng Edukasyon; “No one should be left
behind;” subalit sa ganang akin, hindi ligtas ang mga mag-aaral na bumalik sa
eskwelahan hangga’t walang bakuna laban sa COVID-19.

8. Bilang pag-iingat sa pandemya, gagamit ang DepEd ng modyular na


pamamaraan ngunit (sa tingin ng, kung gayon) maraming mga magulang,
mahihirapan sila sa paggabay sa aspetong akademiko ng kanilang mga anak.

9. (Ayon kay, ayon sa) Pangulong Duterte, papayagan lang ang limited face to face
classes sa mga low risk area.

10. (Sa palagay ng, batay sa) mga netizen, hindi pa ligtas ang sitwasyon para
pumasok ang mga estudyante ngayong Agosto 24, 2020.

Panuto: (Para sa mga bilang 11-15) Magtala ng mga impormasyon tungkol sa isa sa
napapanahong isyung pandaigdig mula sa piling bahagi ng sanaysay sa pamamagitan
ng pagpili ng titik ng wastong sagot.

“Samantala, habang ang kaniyang mga mata ay kumukurap bago siya mahirati
sa kadiliman, siya ay mapipilitang lumaban sa korte o sa ibang lugar, tungkol sa
anino ng imahe ng katarungan at magpupunyaging maunawaan nang ganap ang
katarungan”.
Mula sa Alegorya ng Yungib

11. Anong mahalagang impormasyon ang nais iparating ng isyung pandaigdig


sa teksto?
A. Lagi mong isaisip ang kabutihan at magpursige sa buhay.
B. Gumawa ng mabuti sa kapwa at maghintay ng kapalit.
C. Tumulong lamang sa mga nangangailangan.
D. Pakikipaglaban para makamit ang hustisya.

2
Para sa mga bilang 12-13
At ngayon, sinasabi ko na hayaan mong ipakita ko ang isang anyo
kung gaano dapat mabatid o hindi mabatid ang tungkol sa ating kalikasan.
Pagmasdan! May mga taong naninirahan sa yungib na may bukas na bunganga
patungo sa liwanag na umaabot sa kabuuan nito. Sila’y naroroon mula pagkabata,
at ang kanilang mga binti at leeg ay nakakadena kung kaya’t hindi sila makagalaw,
ito’y hadlang sa pagkilos pati ng kanilang mga ulo. Sa di kalayuan, sa taas at likod
nila ay may apoy na nagliliyab, sa pagitan ng apoy at mga bilanggo may daang
papataas. Kung ang paningin mo ay dadako sa mababang pader nito,
maihahalintulad ito sa isang tabing na pinagtatanghalan ng mga puppet.
“Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon.” At
matututuhang tiisin ang mga bagay kaysa isaisip ang kanilang ginagawa at
mamuhay katulad ng kanilang gawi?
Mula sa Alegorya ng Yungib

12. Anong impormasyon tungkol sa isyung pandaigdig ang maiuugnay mo sa


kasalukuyan sa ikalawang talata?
A. mapagsamantala pinuno
B. humihingi ng pagbabago
C. mga Pilipinong ayaw ng pagbabago
D. Mga Pilipinong pinipiling mangibang bansa.

13. Sa ikalawang talata, anong impormasyon ang may kaugnayan sa isyung


pandaigdig?
A. Kawalan ng tiwala sa sarili.
B. Maling paniniwala ng isang tao
C. Pag-unlad ng edukasyon ng tao.
D. Ang mga tao ay itinuturing na alipin.

Panuto: (Para sa mga bilang 14-15) Basahin at unawing mabuti ang kaugnay na
sanaysay, pagkatapos ay magtala ng dalawang (2) impormasyon tungkol sa
napapanahong isyung pandaigdig na nakapaloob dito.

Sa katunayan ng masamang kaugalian: Nagdaraan ang isang karuaheng


maningning na hinihila ng kabayong matulin. Tayo’y magpupugay at ang isasaloob ay
mahal na tao ang nakalulan. Datapua’y marahil naman ay isang magnanakaw, marahil
sa isang malalim ng kaniyang ipinatatanghal na kamahalan at mga hiyas na tinataglay
ay natatago ang isang sukaban.
Nagdaraan ang isang maralita na nagkakanghihirap sa pinapasan. Tayo’y
napapangiti, at isasaloob. Saan kaya ninakaw? Datapua’y maliwanag nating nakikita
sa pawis ng kaniyang noo at sa hapo ng kaniyang katawan na siya’y nabubuhay sa sipag
kapagalang tunay. Ay! Sa ating naging ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa
ningning at pagtakwil sa liwanag. Ito nga ang dahilan kung kaya ang mga loob na
inaakay ng kapalaluan at ng kasakiman ay nagpupumilit na lumitaw na maningning,
lalong-lalo na nga ang mga pinuno na pinagkatiwalaan ng ikagiginhawa ng kanilang
mga sakop at walang ibang nasa kundi ang mamalagi sa kapangyarihan sukdang ikainis
at ikamatay ng bayan na nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan. Ang
Ningning at Ang Liwanag (Mula sa Liwanag at Dilim) ni Emilio Jacinto

14. ________________________________________________________________________________
15. ________________________________________________________________________________
3
Ating Alamin at Tuklasin

Ang Modyul 5 tatalakay sa mga salitang magkaugnay/magkapareho ang kahulugan,


paggamit ng angkop na pahayag at pagbibigay ng sariling pananaw, at pagtatala ng
mga napapanahon at isyung pandaigdig. Gayundin inaasahang masasagot mo ang
pokus na tanong na: Paano nakatutulong ang mga salitang magkapareho o magkaugnay
ang kahulugan, paggamit ng angkop na pahayag at pagbibigay ng sariling pananaw, sa
pagtatala ng mga impormasyon ng ideya o kaisipan na may kaugnayan sa mga isyung
tinatalakay sa sanaysay?
Upang mas lalong maunawaan at mapalawak ang iyong pag-unawa at
pagpapahalaga sa sanaysay, halina’t ating alamin at tuklasin ito.

Alam mo ba na…

ang sanaysay ay isang uri ng akda na nasa anyong tuluyan? Makikita sa salitang
“sanaysay” ang mga salitang “sanay” at “salaysay.” Kung pagdurugtungin ang dalawa,
puwedeng sabihin ang “sanaysay” ay “salaysay” o masasabi ng isang “sanay” o eksperto
sa isang paksa. Karaniwang ang paksa ng mga sanaysay ay tungkol sa mga kaisipan
at bagay-bagay na maaaring kapulutan ng mga impormasyon na makatutulong sa
pagbuo ng sariling pananaw. Bukod dito, ang mga magkapareho/magkakaugnay na
kahulugan ay nakatutulong din upang mapalawak ang kaisipan ideya. Magkakaugnay
o magkakapareho ang kahulugan kung may dalawang magkaibang salita na pareho o
magkatulad ang kahulugan o ibig sabihin.

Halimbawa:
mabango-mahalimuyak iniwan-nilisan
binabagtas-tinatahak namanglaw-nalungkot
magmaliw-mawala nagbadya-nagsalita

Bukod sa mga ito, upang maipahayag ang kaisipan or ideya, ginagamit sa


pagpapahayag ng pananaw at nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba iba ng paksa
ang mga sumusunod:

Mga ekspresyong nagpapahayag ng pananaw. Kabilang dito ang: ayon,


batay, para, sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/pananaw/akala ko,
ni/ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga ekspresyong ito ang iniisip, siinasabi o
pinaniniwalaan ng isang tao.
a. Ayon, Batay, Sang-ayon sa
• Sang-ayon sa
• Batay sa
• Alinsunod
b. Sa paniniwala, akala, pananaw, paningin, tingin, palagay ni/ng
• Sa paniniwala ko
• Sa aking pananaw
• Inaakala, Pinaniniwalaan, Iniisip
• Sa ganang akin, Sa tingin, Akala, Palagay ko

4
Sa pagsusuri ng sanaysay mahalagang masuri ang mga impormasyong may
kaugnayan sa mga isyung nangyayari sa bansa maging sa daigdig. Ano ba ang
pagtatala ng impormasyon? Ito ay isang napakahalagang paraan upang mas lalong
magkaroon tayo ng malawak na kabatiran hinggil sa isang isyu o paksang tinatalakay?
Sa pamamagitan nito malinaw na nalalaman natin ang mga impormasyon o datos na
magpapalawak sa ating kaalaman hinggil sa isang isyu o paksa na magsisilbing
pansuporta upang mabigyang linaw ang isyung tinatalakay.

Ano ba ang ibig sabihin ng pagtatala? Ito ay pag-iisa-isa ng mahahalagang


impormasyong kinalap o kinuha sa iba’t ibang sanggunian o teksto.

Ang mga isyung pandaigdig ay mga makatotohanang pangyayari o mga


suliraning nararanasan sa kasalukuyan. Ang mga halimbawa nito ay ang
mga sumusunod: pagbagsak ng ekonomiya, pagbabago ng klima,
suliraning pangkalusugan, diskriminasyon sa lahi, pagkakapantay-pantay
ng kasarian at iba pa.

Tayo’y Magsanay

Gawain 1: Tukoy-Tala

A. Panuto: Tukuyin ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang


kahulugan sa pamamagitan ng pagtatala sa ibaba ng pares ng salita na
magkapareho ang kahulugan. (1 puntos bawat bilang)

mabango humiyaw iniwan namanglaw


binabagtas mahalimuyak nilisan magmaliw
sumigaw mawala nalungkot tinatahak

1. __________________________, __________________________
2. __________________________, __________________________
3. __________________________, __________________________
4. __________________________, __________________________
5. __________________________, __________________________

5
Gamit-Pananaw
B. Panuto: Gamitin ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng
sariling pananaw sa pamamagitan ng pagpili ng wastong sagot sa kahon.

Sa ganang akin Batay sa Sa tingin ng


Sa palagay ng Ayon sa Pinaniniwalaan ko

1. _____Counsels on Diet and Food ay binanggit na ang mga tinapay na tatlong araw
nang nakaimbak ay mas mabuti sa ating katawan kung ihahambing sa bagong luto
at mainit na tinapay.
2. _____maraming Pilipino ang pagkapanalo ni Manny Paquiao sa sunod-sunod
niyang laban ay nangangahulugang maipagpapatuloy pa ni Pacquiao ang kaniyang
karera sa pagboboksing.
3. _____Ang mga Pilipino ay higit na magiging mapanuri sa mga proyekto ng
pamahalaan matapos mabatid ang matinding korapsiyon ng ilang politiko.
4. _____Department of Social Welfare and Development, mapanganib din sa mga bata
ang paglalaro ng mga marahas na internet game lalo na’t nasa developmental stage
pa lamang ang isang bata.
5. _____mga makakalikasan, kailangang mamulat kahit na ang pinakabatang
miyembro ng komunidad sa posibleng epekto ng climate change sa sangkatauhan
upang magkaroon ng kamalayan sa tamang pangangalaga ng mundo.
Gawain 2: Tala-Impormasyon

Panuto: Magtala ng mga impormasyong makukuha sa sanaysay na Alegorya ng


Yungib na may kaugnayan sa mga napapanahong isyung pandaigdig sa kasalukuyan.

Impormasyon:
1. _____________________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2. _______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
3. ______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

6
Ating Pagyamanin

Gawain 1: Tukoy-Pili-Sulat (TPS)


Panuto: Tukuyin ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang kahulugan
sa pamamagitan ng pagpili ng wastong sagot sa talata, pagkatapos ay isulat ito sa
patlang.

At ngayon, sinasabi ko na hayaan mong ipakita ko ang isang anyo na dapat mabatid o
hindi mabatid tungkol sa ating kalikasan: Pagmasdan! May mga taong naninirahan sa
yungib na may lagusan patungo sa liwanag na umaabot sa kabuuan nito. Sila’y
naroroon mula pagkabata, at ang kanilang mga binti at leeg ay nakakadena kung kaya’t
hindi sila makagalaw, hadlang ito sa pagkilos pati ng kanilang mga ulo. Sa di kalayuan,
sa taas at likod nila ay may apoy na nagliliyab, sa pagitan ng apoy at mga bilanggo may
daang papataas. Kung ang paningin mo ay dadako sa mababang pader nito,
maihahalintulad ito sa isang tabing na pinagtatanghalan ng mga puppet. Nasilayan ko.
At nasilayan mo rin ba ang mga taong dumadaan sa pagitan ng mga dingding na may
dala- dalang mga monumento at larawan ng mga hayop na likha sa kahoy at bato? Ang
iba sa kanila ay nagsasalita, ang iba ay tahimik. Naipakita mo sa akin ang kakaiba
nilang imahe. Sila nga ay kakaibang mga bilanggo.

Mga Sagot
1. ______________________, ____________________________
2. ______________________, ____________________________
3. ______________________, ____________________________
4. ______________________, ____________________________
5. ______________________, ____________________________

Gamit-Pangungusap

A. Panuto: Gamitin sa sariling pangungusap ang mga sumusunod na pahayag sa


pagbibigay ng sariling pananaw. 1 puntos bawat bilang.

ayon sa sa tingin ko sa aking palagay


sa ganang akin sa paniniwala ko

1. _____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. _____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

7
3. _____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
4. _____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
5. _____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
Gawain 2: Tala-2I’s

Panuto: Magtala ng dalawang (2) impormasyong kaugnay sa binanggit na isyung


pandaigdig sa sanaysay. (1 puntos bawat isa)

Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin. Ang liwanag ay


kinakailangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-
bagay. Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy ng sikat na araw ay
nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot. Ang
ningning ay maraya. Ating hanapin ang liwanag; tayo’y huwag mabighani sa
ningning.
Tayo’y mapagsampalataya sa ningning, huwag nating pagtakhan ang ibig
mabuhay sa dugo ng ating mga ugat at magbalat-kayong maningning. Ay! Kung
ang ating dinudulugan at hinahainan na puspos na galang ay ang maliwanag, ang
magandang asal at matapat na loob, walang magpapaningning pagka’t di natin
pahahalagahan. At ang mga isip at akalang ano pa man ay hindi hihiwalay sa
maliwanag na banal na landas ng katuwiran. Ang kaliluhan at ang
katampalasanan ay humahanap ng ningning upang hindi mapagmalas ng mga
matang tumatanghal ang kanilang kapangitan; nguni’t ang kagalingan at ang pag-
ibig na dalisay ay hubad sa ningning, mahinhin, at maliwanag na mapatatanaw sa
paningin.
Ang Ningning at Ang Liwanag (Mula sa Liwanag at Dilim) ni Emilio Jacinto

IMPORMASYON 1

ISYUNG PANDAIGDIG SA AKDA

IMPORMASYON 2

8
Ang Aking Natutuhan
A. Panuto: Batay sa iyong natutuhan, dugtungan ang pahayag upang mabuo ang
kaisipan.

Rubrik sa pagdurugtong ng pahayag


Puntos Pamantayan
5 Lahat ng pahayag ay nadugtungan nang wasto.
4 Dalawa (2) lamang sa mga pahayag ang nadugtungan nang wasto
3 Isa (1) lamang sa mga pahayag ang nadugtungan nang wasto.

Ang magkakapareho/magkakaugnay na kahulugan ay __________________


_______________________________________________________________________
Ilan sa mga halimbawa nito ay _______________________________________________
____________________________________________________________________________.
Sa pagbibigay ng mahalagang impormasyon mahalagang isaalang-alang ang
paggamit ng ____________________________________________________________
Maliban dito, mahalaga rin ang pagtatala ng mga impormasyong
may kaugnayan sa mga _________________________________________________.

B. Pagsagot sa Mahalagang Tanong


Panuto: Sagutin ang mahalagang tanong.

Rubrik sa pagsagot sa mahalagang tanong


Puntos Pamantayan
5 Nasagot nang wasto ang mahalagang.
4 Mahusay na nasagot ang mahalagang tanong.
3 Nakasulat ngunit ngangailangan ng pag-unlad.

Tanong: Paano nakatutulong ang mga salitang magkapareho o magkaugnay ang


kahulugan, paggamit ng angkop na pahayag at pagbibigay ng sariling pananaw, sa
pagtatala ng mga impormasyon ng ideya o kaisipan na may kaugnayan sa
mga isyung tinatalakay sa sanaysay?

Sagot: ______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________

9
Ating Tayahin
Panuto: (Para sa mga bilang 1-5) Tukuyin ang mga magkakapareho o
magkakaugnay na kahulugan ng mga salitang ginamit sa sa pamamagitan ng
paglalagay ng salungguhit sa mga ito.
1. Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahainan na puspos na galang ay ang
maliwanag, ang magandang asal at matapat na loob, walang magpapaningning
pagka’t di natin pahahalagahan.

2. Ang kaliluhan at ang katampalasanan ay humahanap ng ningning upang hindi


mapagmalas ng mga matang tumatanghal ang kanilang kapangitan; nguni’t ang
kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad sa ningning, mahinhin, at
maliwanag na mapatatanaw sa paningin.

3. Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin. Ang liwanag ay


kinakailangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-
bagay.

4. Sa katunayan ng masamang kaugalian: Nagdaraan ang isang karuaheng


maningning na hinihila ng kabayong matulin. Tayo’y magpupugay at ang isasaloob
ay mahal na tao ang nakalulan. Datapua’y marahil naman ay isang magnanakaw,
marahil sa isang malalim ng kaniyang ipinatatanghal na kamahalan at mga hiyas
na tinataglay ay natatago ang isang sukaban.

5. Saan kaya ninakaw? Datapua’y maliwanag nating nakikita sa pawis ng


kaniyang noo at sa hapo ng kaniyang katawan na siya’y nabubuhay sa sipag
kapagalang tunay.

Panuto: (Para sa mga bilang 6-10) Gamitin ang angkop na mga pahayag sa
pagbibigay ng sariling pananaw sa pamamagitan ng pagpili ng angkop na
pahayag sa kahon.

ayon sa pinaniniwalaan ko sa palagay ng


batay sa sa ganang akin sa tingin ng

6. _______________ Department of Social Welfare and Development, mapanganib din


sa mga bata ang paglalaro ng mga marahas na internet game lalo na’t nasa
developmental stage pa lamang ang isang bata.

7. _______________ mga makakalikasan, kailangang mamulat kahit na ang


pinakabatang miyembro ng komunidad sa posibleng epekto ng climate change sa
sangkatauhan upang magkaroon ng kaalaman sa tamang pangangalaga ng
mundo.

10
8. _______________Counsels on Diet Food ay binanggit na ang mga tinapay na tatlong
araw nang nakaimbak ay mas mabuti sa ating katawan kung ihahambing sa
bagong luto at mainit na tinapay.

9. _______________ maraming Pilipino ang pagkapanalo ni Manny Pacquiao sa sunod–


sunod niyang laban ay nagangahulugang maipagpapatuloy pa ni Pacquiao ang
kaniyang karera sa pagboboksing.

10. _______________ ang mga Pilipino ay higit na magiging mapanuri sa mga proyekto
ng pamahalaan matapos mabatid ang matinding korapsiyon ng ilang politiko.

Panuto: (Para sa mga bilang 11-15) Magtala ng mga impormasyon tungkol sa isa sa
napapanahong isyung pandaigdig sa pamamagitan ng pagpili ng titik ng wastong sagot.

“Samantala, habang ang kaniyang mga mata ay kumukurap bago siya mahirati
sa kadiliman, siya ay mapipilitang lumaban sa korte o sa ibang lugar, tungkol sa
anino ng imahe ng katarungan at magpupunyaging maunawaan nang ganap ang
katarungan”.
Mula sa Alegorya ng Yungib

11. Anong mahalagang impormasyon ang nais iparating ng isyung


pandaigdig sa teksto?
A. Lagi mong isaisip ang kabutihan at magpursige sa buhay.
B. Gumawa ng mabuti sa kapwa at maghintay ng kapalit.
C. Tumulong lamang sa mga nangangailangan.
D. Pakikipaglaban para makamit ang hustisya.

12. Nakakadena ang mga binti at leeg kaya’t di sila makagalaw. Anong
impormasyon tungkol sa isyung pandaigdig sa kasalukuyan ang
maiuugnay dito?
A. bilanggo B. diskriminasyon C. pandemya D. pang-aalipin

At ngayon, sinasabi ko na hayaan mong ipakita ko ang isang anyo


kung gaano dapat mabatid o hindi mabatid ang tungkol sa ating kalikasan.
Pagmasdan! May mga taong naninirahan sa yungib na may bukas na bunganga
patungo sa liwanag na umaabot sa kabuuan nito. Sila’y naroroon mula pagkabata, at
ang kanilang mga binti at leeg ay nakakadena kung kaya’t hindi sila makagalaw, ito’y
hadlang sa pagkilos pati ng kanilang mga ulo. Sa di kalayuan, sa taas at likod nila ay
may apoy na nagliliyab, sa pagitan ng apoy at mga bilanggo may daang papataas. Kung
ang paningin mo ay dadako sa mababang pader nito, maihahalintulad ito sa isang
tabing na pinagtatanghalan ng mga puppet.
“Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon.” At
matututuhang tiisin ang mga bagay kaysa isaisip ang kanilang ginagawa at
mamuhay katulad ng kanilang gawi?
Mula sa Alegorya ng Yungib

13. Anong isyung pandaigdig ang makikita sa unang talata?


A. bilanggo C. pandemya
B. diskriminasyon D. pang-aalipin

11
14. Anong isyung pandaigdig ang maiuugnay mo sa kasalukuyan sa ikalawang
talata?
A. pinunong mapagsamantala.
B. taong ayaw ng pagbabago.
C. Pilipinong humihingi ng pagbabago.
D. Pilipinong pinipiling mangibang bansa.

15. Anong isyung pandaigdig sa pangungusap na may salungguhit ang


makikita rito?
A. Kahirapan C. problema sa kalikasan
B. Pagiging sunod-sunuran D. suliranin sa edukasyon

12
13
ATING TAYAHIN
1. dinudulugan-
ATING PAGYAMANIN hinahainan
Tukoy-Pili-Sulat (TPS) 2. kaliluhan-
Gawain 1 katampalasan
1. anyo, larawan, imahe TAYO’Y MAGSANAY 3. ningning-liwanag
2. hindi makagalaw-hindi A. Gawain 1: Tukoy- 4. magnanakaw-
makakilos Tala sukaban
3. pader, tabing, dingding 1. mabango-
4. likha sa kahoy o bato,
5. hapo-kapagalan
mahalimuyak 6. ayon sa
imahe 2. binabagtas-
5. daan-lagusan 7. sa palagay ng
tinatahak 8. batay sa
B. Gamit-Pangungusap
Iba-iba ang sagot ng mag-aaral,
3. sumigaw-humiyaw 9. sa tingin ng
pagbatayan ang rubrik 4. nalungkot- 10.sa ganang akin
Gawain 2: Tala-2I’s namanglaw 11.D
Impormasyon: 5. mawala-magmaliw 12.D
1. kahirapan 13.D
2. kurapsyon B. 14.A
1. Ayon sa 15.A
ANG AKING NATUTUHAN 2. Sa paniniwala ko
A. Dugtungan ang pahayag 3. Sa tingin ko
Posibleng sagot SUBUKIN NATIN
4. Sa palagay ng Panimulang Pagtataya
Ang
magkakapareho/magkakaugnay
5. Sa aking pananaw 1.C
na kahulugan ay mga salitang 2. A
magkaiba ngunit may iisang ibig Gawain 2 3. C
sabihin ro sinonimo. Ilan sa Tala-Impormasyon 4. B
halimbawa nito ay maganda- Mga Posibleng sagot 5. A
mari kit at mayabong-makapal. 1. nakakadena ang 6. sa paniniwala ko
Sa pagbibigay ng impormasyon mga binti at leeg
mahalagang isaalang-alang ang 7. ayon sa
kung kaya’t di 8. Sa tingin ng
paggamit ng susing salitang makagalaw
naglalahad ng pananaw. 9. ayon kay
2. Mas mabuting 10. Sa palagay ng
Maliban dito, mahalaga rin ang
pagtatala ng mga impormasyong
maging mahirap 11. D
may isyung pandaigdig. na alipin ng 12. B
dukhang 13. D
B. Pagsagot sa Mahalagang panginoon 14. -15. Kahirapan,
Tanong 3. Magtiis kaysa pang-aabuso sa
Iba-iba ang sagot. aliwin ang huwad kapangyarihan at
Pagbatayan ang rubrik. na akala kurapsyon
Gabay sa Pagwawasto
Sanggunian

Ambat, Vilma C., Ma. Teresa B. Barcelo, Eric O. Cariňo, Mary Jane R. Dasig,
Willita A. Enrijo, Shiela C. Molina, Julieta U. Rivera, Roselyn T. Salum,
Joselyn C. Sayson, Mary Grace A. Tabora, Roderic P. Urgelles. Kagamitan
ng Mag-aaral Panitikang Pandaigdig 10. Pilipinas: Vibal Group Inc., 2015.
Almario, Virgilio S., “UP Diksiyonaryong Filipino”. 2010

https://www.google.com.ph/search?q=manny+with+jinkee+pacquiao&prmd

https://www.slideshare.net/mobile/herculesvalenzuela/ang-bulag-at-ang-pilay

https://www.scribd.com

https://www.slideshare.net>mobile

rosiefilipino10.weebly.com>nobela

14
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO Palawan

Curriculum Implementation Division Office


2nd Floor Deped Palawan Building
Telephone no. (048) 433-3292

Learning Resources Management Section


LRMS Building, PEO Compound
Telephone No. (048) 434-0099

15

You might also like