You are on page 1of 8

TXTBK + QUALAS

SANAYANG PAPEL Blg.1


Textbook based instruction
SA FILIPINO 10
paired with MELC-Based
Quality Assured Learner’s
Activity Sheet (LAS) Kwarter 2 Linggo 1

Pangalan: _______________________________ Baitang at Pangkat: _____________________

Guro: ___________________________________ Petsa ng Pagpasa: _______________________

MELC 1: Nailalahad ng mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang usapan ng mga tauhan
(F10PN-IIa-b-71)
2: Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan (collocation)
(F10PT-IIa-b-71)
3: Nakabubuo ang sistematikong panunuri sa mitolohiyang napanood (F10PD-IIa-b-69)
4: Naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang kanluranin sa mitolohiyang Pilipino
(F10PU-IIa-b-73)
Aralin: Mitolohiya
Sanggunian: Batayang Aklat - Panitikang Pandaigdig Filipino 10 Pahina: 165-166
Pinagyamang Pluma 10 Pahina: 169-178

Layunin: Naisasama ang salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan (collocation)

Kasanayan Bilang:2 Pagsasama ng mga Salita sa ibang Salita Araw:1

KONSEPTO:

Ang mga salita kapag nadagdagan o sinasamahan pa ng isang salita ay makabubuo ng ibang kahulugan? Ito ay
tinatawag na kolokasyon.

KOLOKASYON
 Ito ay ginagamit bilang isa sa mga pamamaraan sa pagpapaunlad ng talasalitaan.
 Higit na mapapalitaw ang kahulugan ng isang salita kung ito’y kasama ng iba pang salita. May mga salitang
nagsasama-samang palagi sa isang konstruksyon at mayroon namang nagsasama-sama paminsan-minsan.
 Ito ay ang pag-iisip ng iba pang salita na isasama sa isang salita o talasalitaan upang makabuo ng iba pang
kahulugan.

Halimbawa:
1.

basag ulo
BASAG-ULO
Basag (pagkasira ng isang bagay) + ulo (bahagi ng katawan)
Kapag pinagsama ay nagiging basag-ulo na nangangahulugang gulo o away

2.

Puso Mamon
PUSONGMAMON
Puso (bahagi ng katawan ng tao) + Mamon (isang uri ng pagkain)
Kapag pinagsama ay nagiging pusongmamon na nangangahulugang may malambot na puso o maawain

1
3.

Puso Bato
PUSONGBATO
Puso (bahagi ng katawan ng tao) + Bato (isang bagay na matigas)
Kapag pinagsama ay nagiging pusongbato na nangangahulugang may walang awa, malupit o walang
Pakiramdam

TANDAAN

GITLING (-)

 Maikling guhit na inilalagay sa pagitan ng dalawang pantig na pinaghahati sa pagitan ng


tambalang salita o sa dalawang salitang pinagkabit
 Ginagamit ang gitling (-) kapag may katagang nawawala sa pagitan ng dalawang salitang
pinagsama

Halimbawa:

Pamatay ng insekto : pamatay-insekto

Dalagang tagabukid : dalagang-bukid

abot-kaya sulat kamay lakas-loob takdang-aralin


hatinggabi balitang kutsero ulilang-lubos bagong luto

Pagsasanay 1
Panuto: Isulat sa patlang ang tambalang salita na bubuo sa bawat pangungusap. Pumili sa mga
tambalang salita sa kahon.

1. Ang dating mamahaling gamot ay ________________ na ngayon.


2. _______________ na ang uwi ni Ron mula sa kanyang trabaho sa call center kaya matulog ka na.
3. May ginataan na ____________________ sa kusina kaya magmerienda muna tayo.
4. Natapos mo ba ang ating ____________________ sa Sibika at Kultura?
5. Huwag kang maniwala sa tsismis dahil mga _______________________ ang maririnig mo.

Pagsasanay 2
Panuto: Magbigay ng dalawang salitang maisasama sa punong salita upang makabuo ng iba pang kahulugan at bagong
salita.

1. Yaman
2. Kapit
3. Mata
4. Silid
5. Bahay

2
Layunin: Nailalahad ng mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggang usapan ng mga tauhan

Kasanayan Bilang:1 Paglalahad ng Pangunahing Paksa at Ideya Araw:2

KONSEPTO:

Alam mo ba na….
Ang Mitolohiya ay isang tradisyunal na salaysay na isinilang mula sa sinapupunan ng kultura ng tradisyong
oral.
Ang salitang mitolohiya ay hango sa salitang griyego na “myhtos” na ang ibig sabihin ay kuwento. Ang mitolohiya ay
natatanging kuwento na kadalasang tumatalakay sa kultura, sa mga diyos o bathala, at ang kanilang mga karanasan sa
pakikisalamuha sa mga tao. Maaring nagsimula ang mitolohiya mula nang magsimulang magtanong ang tao tungkol sa
pagkakalikha ng mundo at ano ang tungkulin nila dito. Sa pamamagitan ng mitolohiya ay nabibigyan ng kalinawan ang
mga kababalaghang pangyayari at ang mga nakatatakot na puwersa sa daigdig tulad ng pagbabago ng panahon, apoy,
kidlat, pagkagutom, pagbaha at kamatayan.

Basahin ang Sipi ng isang Mitolohiya mula sa Iceland na pinamagatang “Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante”

Sinabi ni Utgaro-Loki, “Ngayong palabas ka na sa aking kuta ay ipagtatapat ko sa iyo ang katotohanan,
kung ako ay mabuhay at may kontrol sa mga mangyayari, hindi mo na kailangang bumalik pa ritong muli. Sa
aking salita, ni hindi ka makakapasok dito kung alam ko lang kung gaano ka kalakas, muntik ka nang magdulot
ng kapahamakan sa aming lahat. Ngunit nilinlang kita gamit ang aking mahika. Noong una tayong magkita upang
ipagtanggol ang aking kuta.
- mula sa Sina Thor at Loki sa lupain ng mga higante

Maaring tingnan at basahin ang buong kwento sa aklat (Batayang Aklat – Panitikang Pandaigdig Filipino 10, pahina
174-177) upang lubos na maunawaan ang aralin at masagutan ang sumusunod na pagsasanay.

TANDAAN

Pangunahing Paksa
 Ito ay sentro o pangunahing tema at ang batayan ng mga detalyeng inilalahad sa teksto. Kadalasan
makikita sa unang talata at huling talata.
Pangunahing Ideya
 Ito ay ang pinakakaraniwang ideya na nais ipahayag ng manunulat. Ito ay binubuo ng isang buong
parirala o pangungusap na nagpapahiwatig ng pangunahing pag-iisip ng pangungusap o talata.

Pagsasanay 1
Panuto: Upang lubusan mong maunawaan ang kuwento sagutin ang mga tanong sa ibaba.

1. Saan naglakbay sina Thor at Loki?


Sagot:
_________________________________________________________________________________________

2. Ano ang dahilan ng pagkagalit ni Thor sa magsasaka at sa pamilya nito? Pinarusahan ba sila ni Thor? Paano?
Sagot:
_________________________________________________________________________________________

3. Ilahad ang pangunahing paksa o ideya batay sa napakinggang usapan ng mga tauhan.

3
a. May ipinagtapat si Utgaro-Loki kay Thor nang sila’y paalis na sa lupain ng mga higante.
Pangunahing paksa o ideya: ___________________________________________________________________

b. Nagalit si Thor nang hindi sinunod ng anak ng magsasaka ang iniutos nito sa kanya.
Pangunahing paksa o ideya: ___________________________________________________________________

c. Binigyan sila ni Skrymir ng mabuting payo na huwag silang magpapakita ng pagmamataas kay Utgaro-Loki.
Pangunahing paksa o ideya: ___________________________________________________________________

Pagsasanay 2
Panuto: Tukuyin mula sa mga nakalahad na kaisipan ang mga pangunahing paksa at ideya batay sa napakinggan.
Lagyan ng titik K ang kahong katapat ng bawat isa. Pumili ng isa sa mga pangunahing paksa at ideyang nilagyan mo ng
titik K at ipaliwanag kung bakit mahalaga rin itong maging panuntunan sa pang-araw-araw na buhay.

Ang labis na pagtingin sa angking kakayahan ay nagdudulot ng sariling kapahamakan.

Nagiging sanhi ng pagbibigay ng maling desisyon ang labis na pagkamainitin ng ulo ng isang tao.

Magagawa ng isang pinuno ang kahit na anong paraan para lang maging ligtasang kanyang nasasakupan.

Ang maayos na pagtanggap ng panauhin sa isang tahanan ay isang magandang kaugaliang dapat taglayin.

Ang maluwag na pagtanggap ng pagkatalo ay isang magandang katangiang dapat taglayin ng isang tao.

Ang pangunahing paksa at ideya mula sa mga sagot ko na sa tingin ko’y makabubuti rin sa akin ay
______________________________________________________________________________
dahil _________________________________________________________________________.

Layunin: Nakabubuo ang sistematikong panunuri sa mitolohiyang napanood

Kasanayan Bilang: 3 Pagbubuo ng Sistematikong Panunuri Araw:3

KONSEPTO:

Bakit mahalaga ang mitolohiya?


Mahalaga ang mitolohiya upang maipaliwanag ang pagkakalikha ng mundo at mga natural na pangyayari. Sa
mitolohiya rin mababasa ang mga sinaunang paniniwalang panrelihiyon. Nagtuturo rin ito ng aral at nagpapaliwanag ng
kasaysayan. Mahalaga rin ito upang maipahayag ang takot at pag-asa ng sangkatauhan. Ang mitolohiya ay nilikha nang
dahil sa ibat-ibang kadahilanan subalit ang ilan sa pinakamagandang dahilan ng pagbabasa sa mga ito ay upang tayo ay
maaliw sa magandang kuwento, mamangha sa taglay nitong hiwaga, matuto sa mga taglay na mabubuting aral sa
buhay, at mapalawig pa ang imahinasyon sa mga pangyayaring kakaiba kaysa pangkaraniwan.

Mga Elemento ng Mitolohiya

1. Tauhan. Ang mga tauhan ng mitolohiya ay mga diyos o diyosa, makulay at puno ng imahinasyon ang
pagganap ng mga tauhan, may taglay na kapangyarihan at lahat ay kanilang magagawa.

2. Tagpuan. Sa tagpuan nasusuri ang kalagayan ng mga bansa noon at sa kasalukuyan. Nalalaman kung anong uri
ng komunidad mayroon ang kanilang ninuno at maiuugnay sa paraan ng kanilang pamumuhay ngayon at
pagpapahalaga sa kapaligiran sa kasalukuyan. Nasasalamin ang sinaunang lugar at kalagayan ng bansa kung
saan ito umusbong at may kaugnayan sa batis, ilog, parang, triguhan, palayan, kabundukan at iba pa.

3. Banghay. Ang banghay ay naglalahad ng mga mahahalagang pangyayari, pakikipagsapalaran ng isang tao

4
upang ipagtanggol ang kanyang bansa. Ito ay nagpapaliwanag ng mga pangyayari at kalagayan ng mga tao sa
bansang inilalarawan sa mitolohiya noon at sa kasalukuyan. Sa elemento ring ito makikita ang sunod-sunod na
kaganapan at pangyayari at dito rin masusuri ang pagiging makatotohanan o di-makatotohanan ng akda.

4. Tema. Naglalahad at nagpapaliwanag sa natural na mga pangyayari at ng ugali ng tao, mga kahinaan at
kalakasan ng tauhan at mga aral sa buhay

Pagsasanay 1
Panuto: Balikan ang binasa o napanood na Mitolohiya na “Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante. Pagkatapos ay
buuin ang balangkas at mga katanungan sa ibaba.

PANIMULA

KASUKDULAN

WAKAS

1. Anong mensahe ang nais iparating ng mitolohiya sa mga manunuod?

Sagot:
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

2. Ano ang paksa o tema ng pinanood na mitolohiya?

Sagot:
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

3. Paano mo maiuugnay ang mga pangyayari sa mitolohiyang nabasa sa pamumuhay ng tao ngayon?

Sagot:
________________________________________________________________________________________________
5
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________

Layunin: Naihahambing ang mitolohiya mula sa bansang kanluranin sa mitolohiyang Pilipino

Kasanayan Bilang: 4 Paghahambing ng mga Mitolohiya Araw: 4

KONSEPTO:

Alamin Natin

Ang mitolohiya ay naglalayong magbigay–liwanag sa mga bagay na mahirap ipaliwanag. Sa mitolohiya


kitang-kita ang pagiging likhang isip lamang ng mga kababalaghang taglay nito. Kapag binanggit ang salitang
mitolohiya agad pumapasok sa isipan ng mga tao ang mitolohiyang Griyego dahil sa pagiging tanyag ng mga ito sa
buong mundo. Gayunpaman marapat ding malaman na mayroon ding koleksyon ng mitolohiya ang iba’t ibang lahi sa
mundo.

Ang bansang Pilipinas ay mayroon ding mitolohiyang taglay. Tulad ng mga diyos at diyosa ng mga mitolohiya
ng ibang lahi, ang ating sariling mitolohiya ay may mga diyos at dyosa ring tulad ni Bathala, ang
pinakamakapangyarihang Diyos: si Idionale, diyos ng mabuting pagsasaka; si Apolaki, diyos ng digmaan, paglalakbay
at pangangalakal; si Mayari ang diyosa ng buwan, si Agawe ang diyos ng tubig; si Hanan diyos ng mabuting pag-aani;
si Tala, diyos ng pang-umagang bituin, at maramipang iba. Taglay rin ng ating Mitolohiya ang iba’t ibang mitikal at
mahiwagang mga tauhan tulad ng tiyanak, diwata, aswang, duwende, engkanto, mambabarang, mangkukulam, nuno,
kapre, tikbalang, engkanto, tiktik at iba pa. Bukod sa mga ito’y may mga kilalang tauhan din sa ating mitolohiya tulad
nina Malakas at Maganda, Mariang Makiling at iba pa.

Ang mitolohiya ay nilikha nang dahil sa iba’t ibang kadahilanan subalit ang ilan sa pinakamagandang dahilan
ng pagbabasa sa mga ito ay upang tayo’y maaliw sa magandang kuwento, mamangha sa mga taglay nitong hiwaga,
matuto sa mga tagalay na mabubuting aral sa buhay, at mapalawig pa ang imahinasyon sa mga pangyayaring kakaiba
kaysa sa pangkaraniwan.

Narito ang isang halimbawa ng mitolohiya mula sa Pilipinas


Rihawani
Sa isang kagubatang, maraming bundok sa isang lugar ng marugbu, isang liblib na pook, ang mga naninirahan doon
ay may pianiniwalaang isang diyosa o Diwata ng puting usa. Ito ang kuwento ng kanilang mga ninuno na unang
nanirahan doon.

Para sa buong kuwento, basahin sa batayang aklat (Panitikang Pandaigdaig Filipino 10, pahina179-180) upang
matuklasan mo kung paano naiiba ang mitolohiya ng Pilipino.

Pagsasanay 1
Panuto: Paghambingin ang mga binasang mitolohiya mula sa Iceland na “Sina Thor at Loki sa lupain ng mga higante”
at mula sa Pilipinas na “Rihawani.” Gamitin ang dayagram sa ibaba para sa gagawing paghahambing.
MITOLOHIYANG PILIPINO MITOLOHIYANG NG BANSANG KANLURANIN
_____________________________ __________________________________
Pamagat Pamagat

Mga Pagkakapareho
Mga Pagkakaiba Mga Pagkakaiba

6
Sistematikong Panunuri
Susi sa Pagwawasto
Pagsasanay 1
Pagsasama ng mga Salita sa ibang Salita
1. Ang mensaheng nais ipahiwatig sa Mitohiyang “Sina Thor
Pagsasanay 1 at Loki sa Lupain ng mga Higante” ay ang mayroong
1. Abot-kamay mabuting layunin ay hindi mapapangatwiranan sa masamang
2. Hating-gabi paraan.
3. Bagong luto 2. Ang paksa o tema na lumitaw sa binasang mitolohiya ay
4. Takdang-aralin tungkol sa katangian at kahinaan ng tauhan sa kuwento.
5. Balitang kutsero 3. Maiuugnay ang mga pangyayari sa mitolohiyang nabasa
sa pamumuhay ng tao ngayon lalo na sa panahon ng
Pagsasanay 2 pandemya na ang pagpapatunay na hindi sumusuko sina
1. Ingat-yaman Thor at Loki sa anumang pagsubok na kanilang naranasan sa
Tanging yaman kanilang paglalakbay.
2. Kapitbahay
Kapit-bisig Paghahambing ng mga Mitolohiya
3. Kisapmata
Pilikmata Pagsasanay 1
4. Silid-aklatan
Silid-aralan Mitolohiyang Pilipino: RIHAWANI
5. Bahaykubo Mitolohiyang ng Bansang Kanluranin: Sina Thor at Loki sa
Bahaybata Lupain ng mga Higante

Paglalahad ng Pangunahing Paksa at Ideya MGA PAGKAKAPAREHO:


Taglay ng mga tauhan ang mga mahiwaga at supernatural na
Pagsasanay 1 kapangyarihan
1. Utgaro
2. Inutos ni Thor sa magsasaka na paghiwalayin MGA PAGKAKAIBA:
ang buto ng kambing sa balat nito. Ngunit Sa Mitolohiyang Pilipino ang Rihawani ay nagpapakita ng
hindi ito sumunod ang anak na lalaki na si isang paniniwalang relihiyon na naniniwala sa mga Diyos at
Thjalfi sa halip ay kinuha ang bahaging pige Diyosa
at hinati ito gamit ang kutsilyo. Sa Mitolohiya ng Kanluraning Bansa na Sina Thor at Loki sa
3. A. Pagsasabi ng katotohanan Lupain ng mga Higante ay nagpapakita ng mga kakayahan at
B. Pagiging mainitin ang ulo kahinaan ng mga tauhan sa kuwento.
C. Pagbibigay ng payo (Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral batay sa
kanilang pag-unawa)

Pagsasanay 2
Ang pangunahing paksa at ideya mula sa mga
sagot ko na sa tingin ko’y makabubuti rin sa akin
ay ang maluwag na pagtanggap ng pagkatalo ay
isang magandang katangiang dapat taglayin ng
isang tao dahil hindi sa lahat ng bagay at laban
ay laging panalo minsan kailangan din natin
tanggapin ang pagkatalo na kung saan ito ay
magiging kalakasan natin sa pagharap sa hamon
ng buhay.

7
8

You might also like