You are on page 1of 13

Mga Pang-ugnay sa

Pagsusunod-sunod ng
Ginoong Jerome mga Pangyayari
Pang-ugnay
Ang Pang-ugnay (Connectives) ay mga salitang
nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap na
maaaring mga salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.

Mga Pang-ugnay
a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng
dalawang salita, parirala o sugnay
b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa
panuring at salitang tinuturingan
c. Pang-ukol (preposition) - mga salitang nag-uugnay sa
isang pangngalan sa iba pang salita
Mga Pang-ugnay na ginagamit sa pagsusunod-sunod ng
mga pangyayari.

1. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga


impormasyon

2. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal


Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon.

 Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng


pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o pag-iisa-isa ng mga
impormasyon.
 Kabilang dito ang mga salitang: pagkatapos, saka,
unang,sumunod na araw, sa dakong huli, pati, isa pa at gayon
din.
Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon.

Halimbawang Pangungusap:
a. Unang tinawag ng tusong katiwala ang lalaking
may utang na 100 tapayan ng langis sa kaniyang
amo, at saka niya tinawag ang lalaking may utang
na 100 kabang trigo.

Ang Pang-ugnay na Unang, at At Saka ay ginamit


upang magdagdag at mag-isa-isa ng mga
impormasyon ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa pangungusap.
Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon.

Halimbawang Pangungusap:
a. Unang tinawag ng tusong katiwala ang lalaking
may utang na 100 tapayan ng langis sa kaniyang
amo, at saka niya tinawag ang lalaking may utang
na 100 kabang trigo.

b. Matapos tambakan ng Dolomite Sand ang Manila


Bay, umani ng samu’t saring reaksyon ang
pamahalaan tungkol rito.
Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal
 Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng
dahilan at bunga, paraan at layunin, paraan at resulta, maging
sa pagpapahayag ng kondisyon at kinalabasan.

 Kabilang na mga pang-ugnay sa bahaging ito ang dahil sa,


sapagkat, kasi, sa pamamagitan ng, bungsod ng at dulot ng.

 Samantala, sa paglalahad ng bunga at resulta ginagamit ang


pang-ugnay na kaya, kung kaya, kaya naman, tuloy at bunga.
Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal
Halimbawang Pangungusap:

a. “Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga


kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng
tunay na kayamanan?”

Ang Pang-ugnay na Kaya kung ay ginamit upang ipahayag


ang kondisyon at kinalabasan na siyang isang aspeto sa
pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal sa pangungusap.
Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal
Halimbawang Pangungusap:

a. “Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga


kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng
tunay na kayamanan?”
b. Hindi pinapasok ng gwardiya sa mall si Jhay-jhay sapagkat
wala siyang suot na face shield.
Tukuyin ang mga pang-ugnay na ginamit sa pagsasalaysay.

1. Si Mayor Isko Moreno ang kinikilalang pinakamahusay na pinuno sa Maynila kaya naman
karapat-dapat lamang na siya ang nabigyan ng parangal.
2. Mataas na ang bilang ng mga nasasawi sa COVID-19 sa Estados Unidos dahil sa hindi
pakikiisa ng mga mamamayan dito na manatili sa kanilang tahanan.
3. Nang ianunsyo ni Pang. Duterte ang Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon ay
maraming nabahala kung paano sila makakaraos sa pang araw -araw na buhay, sa dakong
huli ay ang pangulo pa ang kanilang sinisisi.
4. Ang ibang tao ay ipinagwawalang-bahala ang paalala ng mga opisyal ng barangay na bawal
lumabas ng tahanan, bunga nito ay marami ang nahuhuli ang barangay at dinadala sa
pulisya.
5. Nag-self quarantine si Senador Zubiri nang nagpositibo siya sa COVID-19.
Susi sa Pagwawasto

1.kaya naman
2.dahil sa
3.kung
4.bunga nito
5.nang

You might also like