You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VIII
Sangay ng Lungsod ng Timugang Leyte
Mataas na Paaralan ng Anahawan

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10

ARALIN 3.4: Tula mula sa Uganda

YUGTO NG PAGKATUTO: Tuklasin

I. Kasanayang Pampagkatuto
1. Nagkakaroon ng hambingan at kontrast sa tulang tradisyunal at sa tulang
malaya.
2. Naipaliliwanag ang mga mahahalagang elemento ng tula.
II. Nilalaman
A. Panitikan: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
(Tula mula sa Uganda) Mula sa “A Song of a Mother to Her Firstborn”
salin sa Ingles ni Jack H. Driber
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora
B. Gramatika: Wastong Gamit ng Simbolismo at Matatalinhagang Pananalita
C. Uri ng Teksto: Tekstong Nagsasalyasay
D. Sanggunian: Gabay ng Guro pahina 110-111,Kagamitan ng mga Mag-aaral
sa Filipino pahina 274-281

III. Proseso ng Pagkatuto


Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagtatala ng liban
3. Balik-aral
Ano ang ipinabatid ng akdang Nelson Mandela: Bayani ng Africa?

A. Pagganyak
Awitin ang isang bahagi ng obra ni Gary Granada na “Magagandang Anak.”
Magkakaroon ng gawaing tatawaging Think Pair Share upang mapag-usapan
ang ang kadakilaan ng ina. Ang bawat pares ay magpaparamihan ng
maibibigay na matatalinhagang pananalita at simbolismo na ilalagay sa isang
puso.

Ang aming ina’y masinop na maybahay


Adhikain niya’y kagaya ni itay
Kami ay pag-aralin, pakainin, bihisan at
Katulad ng inyong magagandang anak.

Sana,sana ang kawalan ay malunasan


Sana, sana ang kapayapaa’y maranasan.
Ina

B. AKTIBITI
Suriin at paghahambing ng dalawang tulang “Ako ang Daigdig” ni Alejandro
Abadilla at “Gabi” ni Idelfonso Santos

C. ANALISIS

1. Ano ang sukat at tugma ng mga tula?


2. Paano naging marikit ang mga tulang binasa?
3. Ano ang talinhaga ng mga tulang binasa. Ipaliwanag.
4. Nasalamin ba sa dalawang tula ng kultura ng bansang pinagmulan nito?
Patunayan.

D. ABSTRAKSYON

1. Pangkatang Gawain

Pangkat I
Gumawa ng isang jingle tungkol sa pagmamahal sa “Ina” ng
tahanan.

Pangkat II
Magbahagi ng pinakamasaya, pinakamalungkot at pinakahindi
malilimutang karanasan sa piling ng iyong Ina.

Pangkat III
Ipakita sa pamamagitan ng maikling role play ang mensahe ng
bahagi ng kantang natalakay

2. Pagbibigay ng pokus na tanong


a. Bakit mahalagang maunawaan ang pagkakaiba ng malayang tula
sa tulang may sukat at tugma?
b. Ano ang kahalagahan ng pag-alam sa mga elemento upang
makabuo ng tula?

3. Paglalahad ng inaasahang pagganap at gagamitin sa pagmamarka.

 Pagbuo ng tulang tungkol sa Ina na lalapatan ng harmony at


kabuuang pagtatanghal.
Krayterya sa Pagmamarka
Nilalaman 20%
Presentasyon 20%
Kooperasyon 20%
Takdang Oras 20%
Preperasyon 20%
Kabuuan 100%
D.APLIKASYON

“Tren ng Karunungan”
TULA

Tulang may Malayang Elemento


Sukat at Tula ng Tula
Tugma

IV. Takdang Aralin

1. Basahin at unawain ang tulang “Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay”


2. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
a. Sino ang persona sa tula? Ano ang kanyang pangarap?
b. Sa ano-anong bahay inihambing ang sanggol? Bakit ito ang mga
ginamit sa paglalarawan sa katangiang taglay niya?
c. Makatwiran bang iugnay ang pagkakakilanlan at katangian ng
isang anak sa kaniyang ama? Sa poon?
d. Anong bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin ang
natutuhan pagkatapos basahin ang akda? Ipaliwanag.

You might also like