You are on page 1of 7

Aralin 3.

Unang araw, Disyembre _, 2018

I. Layunin

A. Nasusuri ang nilalaman ng tula


B. Nailalahad ang mga Kultura ng bansang pinagmulan ng akda
C. Naibibigay ang matatalinghagang salita tungkol sa ina

II. Paksa

A. Panitikan: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay


(Tula mula sa Uganda)
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora mula sa Salin sa Ingles ni Jack H.
Driberg ng A Song of a Mother to Her Firstborn
B. Wika: Wastong Gamit ng Simbolismo at Matatalinghagang Pananalita
C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay
D. Kagamitan: Manila Paper, Scotch Tape
E. Sanggunian: Filipino 10 Modyul para sa mag-aaral

III. Yugto ng Pagkatuto

TUKLASIN:

Gawain 1: Ibahagi mo!


Base sa bahagi ng obra ni Gary Granada na “Magagandang Anak.” Ilahad sa kalahating
papel ang nais ipakahulugan nito.

Ang Aming ina’y masinop na maybahay


Adhikain niya’y kagaya ni itay
Kami ay pag-aralin, pakainin, bihisan at
Katulad ng inyong magagandang anak

Sana, sana ang kawalan ay malunasan


Sana, sana ang kapayapaa’y maranasan
Gawain 2: Pagtalakay sa Kultura ng Bansang Uganda

Gawain 3: Isa-isahin Mo!


Paramihan ng maibibigay na matatalinghagang pananalita at simbolismo sa salitang
nasa puso. Isulat ito sa sagutang papel at sumulat ng tulang may isang saknong gamit ang
simbolismo at matatalinghagang salitang ibinigay.

INA

Gawain 4: Paglalahad ng Pokus na Tanong

1. Paano naiba ang tulang Malaya sa tulang tradisyunal? Paano nasasalamin sa


tulang Malaya o tradisyunal ang kultura ng bansang pinagmulan nito?
2. Paano nakatutulong ang paggamit ng simbolismo at matalinghagang pananalita
sa pagiging masining ng pagbuo ng isang tula?

Gawain 5: Upang matiyak na naunawaan ang araling ito, ikaw ay gagawa ng isang rendisyon
ng tulang iyong kakathain na nagsasalaysay ng dakilang pag-aaruga ng isang ilaw ng
tahanan sa kanyang mga anak upang sila’y alayan ng natatanging pagpapahalaga.

Tunghayan ang pamatayan kung paano mamarkahan ang isinagawang pagganap.

Pamantayan Bahagdan
Kahusayan ng Tula 60 Bahagdan
(Kasiningan at Talinghaga)
Himig o Melodiya 30 Bahagdan
Kabuuang Pagtatanghal 10 Bahagdan
Kabuuang Marka 100 Bahagdan

IV. Kasunduan

Basahin ang Tulang Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.


Ikalawang araw, Disyembre _, 2018

I. Layunin
A. Nasusuri ang tekstong binasa batay sa uri ng tula
B. Naibibigay ang mensahe ng akdang binasa
C. Natutukoy ang mga Elemento ng Tula

II. Paksa

A. Panitikan: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay


(Tula mula sa Uganda)
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora mula sa Salin sa Ingles ni Jack H.
Driberg ng A Song of a Mother to Her Firstborn
B. Wika: Wastong Gamit ng Simbolismo at Matatalinghagang Pananalita
C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay
D. Kagamitan: Manila Paper, Scotch Tape
E. Sanggunian: Filipino 10 Modyul para sa mag-aaral

III. Yugto ng Pagkatuto

LINANGIN

Gawain 1: Pipili ng magiging kinatawan ang Babae at Lalaki. Ang dalawang


kinatawan ay bubunot ng isang salita na maaari lamang nilang bigkasin sa kanilang
mabubunot na kanta na ipahula sa mga kaklase. Ang bawat grupo ay mayroon
lamang na 1 minuto para sumagot.

Gawain 2: Paglinang ng Talasalitaan


Isaayos mula bilang 1-5 ang mga salita batay sa sidhi ng damdaming
pinahahayag ng bawat isa, ang 5 ang pinaka mataas na antas.

Gawain 3: Paglalahad ng Aralin sa pamamagitan ng pagtukoy sa Elemento ng


Tula.

ELEMENTO Hele ng Ina sa kanyang Panganay


Sukat
Tugma
Karikitan
Talinhaga

Gawain 4: Sagutin ang mga Tanong

1. Sino ang persona sa tula? Ano ang kaniyang pangarap?


2. Masining ba ang tulang tinalakay? Patunayan ang sagot?
3. Sa ano-anong bagay inihambing ang sanggol? Bakit ito ang ginamit sa
paglalarawan sa katangiang taglay niya?
4. Anong kaugalian at kultura ng mga taga-Uganda ang lumutang sa tula?
Ibigay ang iyong pananaw ukol dito?
5. Alin sa mga kaugaliang ito ang naiiba sa kaugalian ng mga Pilipino? Sang-
ayon ka ba rito? Bakit?

IV. Kasunduan
Basahin ang akdang Ang matanda at Batang Paru-Paro
Ikatlong araw, Disyembre _, 2018

I. Layunin
A. Naibibigay ang mensahe ng akda
B. Naihahambing ang nilalaman at mensahe ng dalawang akda
C. Nailalahad ang kaugnayan ng tula sa kultura ng bansang Uganda at sa Kulturang
Pilipino
II. Paksa

A. Panitikan: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay


(Tula mula sa Uganda)
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora mula sa Salin sa Ingles ni Jack
H. Driberg ng A Song of a Mother to Her Firstborn
B. Wika: Wastong Gamit ng Simbolismo at Matatalinghagang Pananalita
C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay
D. Kagamitan: Manila Paper, Scotch Tape
E. Sanggunian: Filipino 10 Modyul para sa mag-aaral

III. Yugto ng Pagkatuto

LINANGIN

Gawain 1: Sinungaling ka!

Pipili ng 6 na mag-aaral na magrerepresenta sa Lalaki at Babae. Bawat


Kinatawan ay mayroong isang pagkakataon para magsabi ng tatlong tungkol sa kaniyang
buhay. 2 ang katotohanan at 1 ang kasinungalingan. Huhulaan ng klase kung alin ang
kasinungalingan lang.

Gawain 2: Sagutin ang mga tanong

1. Nasasalamin ba sa tula ang kultura ng bansang pinagmula nito? Sa paanong


paraan? Patunayan.
2. Paano nakatutulong ang mga matatalinghagang salita at mga simbolismo sa
paglalahad ng katha?

Gawain 3: Paglalahad ng Aralin batay sa Nilalaman, Layunin at Elemento.


Gawain 4: Paghambingin ang Dalawang tula batay sa Elemento at Layunin

Hele ng Ina sa Ang Matanda


Kaniyang at Batang
Panganay Paruparo

IV. Kasunduan
Basahin at Unawain ang Matatalinghagang Pahayag o Pananalita at Simbolismo.
Ikaapat na araw, Disyembre _, 2018

I. Layunin
A. Nailalahad ang Matatalinghagang pahayag at simbolismo
B. Natutukoy ang iba’t ibang kaibahan ng matatalinghagang pahayag at simbolismo
C. Naibibigay ang kahalagahan ng tula

II. Paksa
A. Panitikan: Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
(Tula mula sa Uganda)
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora mula sa Salin sa Ingles ni Jack
H. Driberg ng A Song of a Mother to Her Firstborn
B. Wika: Wastong Gamit ng Simbolismo at Matatalinghagang Pananalita
C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay
D. Kagamitan: Manila Paper, Scotch Tape
E. Sanggunian: Filipino 10 Modyul para sa mag-aaral

III. Yugto ng Pagkatuto

UNAWAIN:

Gawain 1:

You might also like