You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-A CALABARZON
SANGAY NG LUNGSOD NG ANTIPOLO

LEARNERS ACTIVITY SHEET IN FILIPINO BAITANG 10


IKATLONG MARKAHAN – IKATLONG LINGGO
ARALIN 3.5 - SANAYSAY

Pangalan :_________________________________________________________________________________
Bilang at Pangkat: __________________________ Petsa: Abril 7-8, 2021______________

UNANG ARAW – Abril 12, 2021

PANIMULA

Ang Aralin 3.5 ay nakatuon sa isang sanaysay, partikular ang isang talumpati na binigkas ni G. Nelson
Mandela sa kaniyang inagurasyon o pasinaya bilang pangulo ng Africa. Nilalayon ng talumpati niyang ito na
gisingin ang damdamin ng mga taga-Africa sa pagsulong ng kapayapaan, katarungan, at kalayaan.
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang :
 Naibibigay ang katumbas na salita ng ilang salita sa akda (analohiya) F10PT-IIIf-g-80
 Naipaliliwanag ang likhang sanaysay batay sa napakinggan F10PN-III-g-80
 Naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng sanaysay sa ibang akda F10PB-IIIf-g-84
 Naibibigay ang sariling reaksiyon sa pinanood na video na hinango sa youtube F10PD-IIIf-g-78
 Nagagamit ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paghahatid ng mensahe
ALAM MO BA…?
F10WG-IIIf-g-75
Ang sanaysay ay ginagamit upang makapagbigay ng mahahalagang kaisipan tungkol sa paksang nais
 Naisusulat ang isang talumpating pang SONA F10PU-IIIf-g-82
nitong talakayin. Tumutukoy sa mahahalagang impormasyon ang mahalagang kaisipan na ibinibigay nito
sa mambabasa. Ito ay maaaring isulat nang pabalangkas. Isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan
ang sanaysay na ipinahahayag ang sariling kaisipan, kuro-kuro, saloobin, at damdamin na kapupulutan
ng aral, at aliw ng mambabasa. Isang halimbawa ng sanaysay ang talumpati.
Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang sanaysay ay “pagsasalaysay ng isang sanay.” Isinilang ito sa
Pransiya noong 1580 at si Michel de Montaigne ang tinaguriang “Ama ng Sanaysay.” Ito ay tinawag
niyang essai sa wikang Pranses na nangangahulugang isang pagtatangka, isang pagtuklas, isang
pagsubok sa anyo ng pagsulat. Ang dalawang uri ng sanaysay ay pormal at di-pormal o personal.
Naririto ang pagkakaiba ng dalawa:

C. Uri ng Teksto: Naglalahad

C. Uri ng Teksto: Naglalahad


PAGPAPAUNLADD

Basahin at unawain ang isang talumpati na binigkas ni G. Nelson Mandela noong Mayo 10, 1994 nang
siya ay pasinayaan bilang pangulo. Naging instrumento ang talumpati/sanaysay sa paglalahad ng
pagnanais ng kalayaan ng bansang Africa. Nakapaloob sa talumpati ang pagkauhaw sa kalayaan,
karapatan, at katarungan na naging bahagi ng kanilang buhay at kultura.

Nelson Mandela: Bayani ng Africa


Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum

Sa mga kapita-pitagan, kataas-taasang mga panauhin, mga kasama, at mga kaibigan…

Ngayon, lahat tayong naririto ay pagkalooban nawa ng pagpapala at pag-asa sa kasisilang na kalayaan
gayundin naman sa mga nagdiriwang sa iba pang bahagi ng mundo. Mula sa mga karanasan ng di-
pangkaraniwang kapahamakan ng tao na namayani nang matagal, isisilang ang lipunang ipagmamalaki ng
sangkatauhan. Ang ating mga nagawa bilang ordinaryong mamamayan ng Timog Africa ay kailangang magbunga
ng tunay na mamamayan nito na magpapalawak sa paniniwala ng sangkatauhan sa katarungan, magpapalakas
sa tiwala sa kadakilaan ng kaluluwa, at magtutustos sa lahat ng ating pag-asa sa kapakinabangan ng buhay ng
lahat. Ang lahat ng ito ay utang natin sa ating mga sarili at sa mga taong naririto ngayon. Sa aking mga
kababayan, wala akong alinlangang sabihin na ang bawat isa sa atin ay kasinlapit ang puso sa lupa ng
napakagandang bansang ito, sa tanyag na puno ng jacaranda sa Pretoria, at sa mga puno ng mimosa.
Sa bawat oras,bawat isa sa atin ay dadamhin ang lupang ito,mararamdaman natin ang pansariling
pagbabago.Ang kalagayan ng bansa ay magbabago tulad ng panahon.
Tayo ay kumilos nang may kaligayahan at kagalakan sa paglunti ng kapaligiran at sa pagbukadkad ng
mga bulaklak.
Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na ating ibinabahagi sa lupaing ito ay nagpapaliwanag sa lalim ng
sakit na dala-dala ng ating mga puso sa tuwing makikita natin ang ating bansa na unti-unting nalulugmok ng di
pagkakasundo, at sa tuwing makikita natin ang pagtanggi, ang paglaban sa batas, at paghihiwalay ng mga tao sa
mundo. Ito ay dahil sa naging pambansang batayan ang nakamamatay na ideolohiya at pagkakaroon ng rasismo.
Tayo, ang mga mamamayan ng Timog Africa, ay nakadama ng kapayakan nang ibinalik sa sangkatauhan
ang pagkakaibigan. Tayo, na pinagkaitan ng batas kamakailan lang, ay binigyan ng bihirang pribilehiyong
mamahala sa mga bansa sa sarili nating lupain.
Pinasasalamatan namin ang aming mga pinagpipitaganang panauhin sa pagparito upang angkinin,
kasama ang mamamayan ng aming bansa, ang tagumpay para sa katarungan, para sa kapayapaan, at para sa
dignidad.
Naniniwala kami na ipagpapatuloy ninyo ang pagtulong sa amin sa pagharap sa mga pagsubok sa
pagbuo ng kapayapaan, kaunlaran, pagkakapantay-pantay ng mga lalaki at babae, walang diskriminasyon sa
lahi, at demokrasya.
Malugod naming tinatanggap ang tungkulin na ang aming mamamayan at ang kanilang kalayaang
politikal, pananampalataya, kababaihan, kabataan, negosyo, tradisyunal, at mga pinuno na isagawa ang
kongklusyong ito. Hindi mawawala riyan ang aking Second Deputy President, ang Kagalang-galang na si F. W.
de Klerk.
Pinasasalamatan din namin ang lahat ng bumubuo sa hukbong panseguridad sa pagganap sa kanilang
tungkulin na pangalagaan ang ating unang malayang eleksiyon at ang transisyon sa demokrasya, mula sa
“hukbong uhaw sa dugo” na nagaalangan pa ring makakita ng liwanag.
Ang panahon para sa paghilom ng sugat ay naririto na.
Ang panahon upang pag-ugnayin ang pagkakaiba-iba ng opinyon na nagiging dahilan ng pagkakahati-
hati ay dumating na.
Ang panahon upang bumuo ay nasa atin na.
Sa wakas ay naabot na natin ang emansipasyon sa politika. Nangako tayong palalayain ang ating
mamamayan sa kahirapan, kakulangan, pagdurusa, kasarian, at iba pang diskriminasyon.
Nagtagumpay tayo sa ating huling hakbang sa pagkakaroon ng kapayapaan. Itinalaga natin ang ating
sarili sa pagbuo ng kumpleto, makatarungan, at panghabambuhay na kapayapaan.
Tayo ay nagtagumpay na magtanim ng pag-asa sa milyon-milyong mamamayan.Pumasok tayo sa
kasunduan na bubuo tayo ng lipunan kung saan ang lahat ng mamamayan ng Timog-Africa, itim man o puti, ay
maglalakad na walang takot sa kanilang mga puso, tiyak ang kanilang karapatan sa pagkakaroon ng dignidad –
isang bansang may kapayapaang pansarili at pambansa.
Bilang simbolo ng pagbabago sa ating bansa, ang bagong Interim Government of National Unity ay sa
panahon ng biglaang pangangailangan, bibigyang-pansin ang isyu ng amnestiya ng mga taong kasalukuyang
nakakulong.
Inaalay namin ang araw na ito sa lahat ng mga bayani ng bansang ito at sa iba pang bahagi ng mundo na
nagsakripisyo at isinuko ang kanilang mga buhay upang tayo ay lumaya.
Ang kanilang mga pangarap ay naging makatotohanan. Kalayaan ang kanilang handog.
Tayo ay may pagpapakumbaba at pagmamalaki sa karangalan at pribelehiyo na ikaw, mamamayan ng
Timog Africa ay iginagawad sa atin, bilang unang Pangulo ng nagkakaisa, malaya, walang diskriminasyon ng lahi,
at pamahalaang naniniwala sa pagkakapantay-pantay ng kasarian.
Nauunawan naming walang madaling daan para sa kalayaan.
Batid naming kung nag-iisa ay hindi maaabot ang tagumpay
Kailangan nating kumilos nang sama-sama bilang nagkakaisang mamamayan para sa pambansang
pagkakasundo-sundo, para sa pambansang pagkakabuo-buo, para sa pagsilang ng bagong mundo.
Magkaroon nawa ng katarungan para sa lahat. Magkaroon nawa ng kapayapaan para sa lahat.
Magkaroon nawa ng hanapbuhay, tinapay, tubig, at asin para sa lahat. Malaman nawa ng bawat isa na ang
katawan, ang isip, at ang kaluluwa ay dapat lumaya upang mabigyang kasiyahan ang kanilang mga sarili.
Hindi, hinding-hindi na muling makararanas ang magandang lupaing ito ng kawalang-katarungan at
sakripisyo sa kawalang dignidad at kahalagahan ng pagiging katutubo sa mundo.
Maghari nawa ang kalayaan. Pagpalain ka ng Diyos, Africa! Salamat. –
Mula sa http://www.anc.org.za/show.php?id=3132

`
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang kahulugan ng kalayaan na tinutukoy ni Nelson Mandela sa kaniyang talumpati? Bakit mahalaga
ito sa isang tao, sa isang lahi at sa isang bansa?
2. Ilarawan ang kalagayan ng mga taga-Timog Africa.
3. Maglahad ng mga katangiang taglay ni Nelson Mandela bilang isang namumuno ng bansa at magbigay
ng patunay nito.
4. Paano nakatulong si Nelson Mandela sa pagbabago ng pamumuhay ng taga-Timog Africa?
5. Ano ang iyong naging damdamin matapos basahin ang talumpati ni Nelson Mandela? Ipaliwanag.

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 1


PANUTO: Mula sa binasang talumpati, punan ang patlang ng hinihinging katumbas na kahulugan ng salita. Piliin
ang angkop na salita sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

nakapanlalambot hinanap nalaman pinuri itinaas

1. nakasusuklam : nakagagalit - nakapanlulumo:___________


2. paglabag : pagsunod - kinutya : ___________
3. inaresto : hinuli - tinugis: ___________
4. kumitil : bumuhay - minaliit : ____________
5. nagtipon:nagsama-sama - napagtanto:_____________

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 2


PANUTO: Ipabasa sa magulang o kasama sa bahay ang talumpati ni Nelson Mandela. Batay sa napakinggan,
ipaliwanag ang likhang sanaysay sa tulong ng mga tanong sa grapikong presentasyon na concept map. Kopyahin
ito sa sagutang papel at sagutin.

__________________________
Anong damdamin ang nangibabaw __________________________
sa sanaysay? __________________________
_____________________
__________________________
Ano ang nais iparating ng sanaysay __________________________
sa mambabasa o tagapakinig? __________________________
_____________________
__________________________
Ano-anong aral ang napulot
sa sanaysay? __________________________
__________________________
_____________________
GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 3
PANUTO: Balikan ang nakaraang aralin tungkol sa epikong SUNDIATA. Pagkatapos, gamit ang venn diagram,
ihambing ito sa nilalaman ng binasang Talumpati ni Nelson Mandela.

Ang Talumpati SUNDIATA: Ang Epiko ng


Nelson Mandela Pagkakapareho ng Sinaunang Mali
IKALAWANG ARAW – Abril 13, 2021

PAGPAPALIHAN

ALAM MO BA… ?

Ang pahayag, ayon sa Merriem Webster Dictionary, ay opinyon, komentaryo o puna , o mensahe
na ipinararating sa iba. Nagpapahayag ito ng isang deklarasyon ng katotohanan o opinyon na nagmula sa
isang tao na maaaring totoo o hindi.

Sa sanaysay o talumpati, sa pakikipagkuwentuhan, nagkakaroon ng tiyak na pag-unawa ang


tagapakinig/mambabasa o tagatanggap sa tulong ng ng mensahe.

DALAWANG URI NG PAHAYAG

URI NG PAHAYAG HALIMBAWA


 Mariing sinabi ng pangulo, “Walang
1. Tuwirang Pahayag- ay ang pag-uulit ng wangwang sa ating administrasyon.”
mga tinuran ng isang tao. Madalas na  “Kayo po ba gusto ninyong makulong ang
gumagamit ng panipi sa pahayag na ito. lahat ng tiwali?’ tanong ng pangulo.
Walang labis o kulang.

2. Di-Tuwirang Pahayag – ay pagsasaad ng  Mariing sinabi ng pangulo na walang


pagpapakahulugan sa ibang pangungusap wangwang sa kanyang administrasyon.
kung saan mapapansin ang pagbawas ng  Tinanong ng pangulo, kung gusto nilang
ilang salita mula sa pahayag na hindi makulong ang lahat ng tiwali.
nawawala ang diwa. Gumagamit ito ng
prosesong paraphrasing sa Ingles.

Kapansin-pansin ang pagbabago sa mga panghalip na ginamit. Kung tuwirang pahayag, ang
panghalip na “atin at ninyong” na nasa Una at Ikalawang Panauhan ang ginamit. Samantala sa di
tuwirang pahayag, gumamit ng panghalip na “kanyang” at “nilang “ na nasa Ikatlong Panauhan.

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 4


A. PANUTO: Isulat sa patlang ang TP kung ang pangungusap ay TUWIRANG PAHAYAG at DTP naman
kung DI TUWIRANG PAHAYAG.

______ 1. Kailangan ko na raw maghanda sa isang paligsahan sa talumpati.

______ 2. “ Allysa! Bakit palagi ka na lang tanghali gumising? Maaaring hindi ka makagawa ng
iyong gawain sa pampaaralan kung lagi kang inaantok.”

______ 3. Hiling ng karamihan sa kasalukuyang pangyayari ang kaligtasan at malakas na


pangangatawan ng buong pamilya.

______4. Tinatanong ng guro sa mag-aaral kung handa ba sa anumang pagsusulit sa klase.

______ 5. “Handa na ba kayo sa ating pagsusulit, klase,” tanong ng guro.

B. PANUTO: Basahin ang sumusunod na pahayag sa GAWAIN PAGKATUTO BILANG 4. Pagkatapos,


kung pahayag ay tuwiran, isulat muli ito na tuwiran at kung ito naman ay tuwiran, isulat muli bilang
tuwirang pahayag.

1. ____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
2. ____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

3. ____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

4. ____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

5. ____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 5

PANUTO: Isiping may mga taong hindi nakapakinig, nakapanood o nakabasa ng SONA ng pangulo. Iparating ang
bahagi ng mensahe ng pangulo gamit ang TUWIRAN at ang DI TUWIRANG PAHAYAG.

Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik sa parusang kamatayan (death penalty) at
ipinaliwanag ang tindig niya ukol sa mga isyu sa West Philippine Sea sa kaniyang SONA ngayong
Lunes.Sa 18th Congress sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City,muling hinimok ni Duterte ang
mga mambabatas na magpasa ng panukala para ibalik ang death penalty para sa mga krimeng may
kinalaman sa illegal na droga at korupsiyon.

PAGLALAPAT

GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 6


PANUTO: Isiping ikaw ang kasalukuyang pangulo ng Pilipinas at kailangan mong sumulat ng iyong talumpating
pang-SONA na tatalakay sa kasalukuyang kalagayan ng mga Pilipino dulot ng pandemya. Mamarkahan ang
iyong isinulat na talumpati batay sa sumusunod na pamantayan.

PAMANTAYAN 5 3 1
NILALAMAN
- Kaugnay sa paksa
- Malinaw na paliwanag ng
mensahe
- Tatlong bahagi- simula,
gitna at wakas.
PAGKAKABUO
- Sangkap/elemento ng
talumpati/sanaysay
- Lohikal na pagkakahanay ng
mga ideya
- Paggamit ng tuwirang hanay
at di tuwirang pahayag.
Kabuuan
SANGGUNIAN

Dayos, Leo L. SIKHAY 10, Tomas Morato Ave., Quezon City: Sunshine South Triangle. 2020.

You might also like