You are on page 1of 26

UNANG MARKAHAN-

Ikatlong Linggo-Aralin 2
Parabula Mula sa Syria
 Magandang araw sa inyo mga mag-aaral!
Sabik ka na bang magpatuloy sa iyong pag-aaral?
Marahil ay oo...kaya humanda ka na, sapagkat ang pag-
aaralan nating aralin ay susubok sa iyong malalim na
pag-unawa sa iyong babasahin. Ang Aralin 2 ay
tatalakay sa Parabula mula sa Syria.
 Ang Syria ay isang bansa sa Timog-Kanlurang Asia. Nasa hangganan ng Lebanon, Israel, Jordan,
Iraq at Turkey. Sa Ingles, ang pangalan “Syria” ay dating magkasingkahulugan sa Levant (kilala
sa Arabic bilang al-Sham) habang sumasaklaw sa mga modernong estado ang katatagpuan ng
ilang mga sinaunang kaharian at imperyo.
Kasanayang Pampagkatuto

 Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang

 Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang


parabula na naglalahad ng katotohanan,
kabutihan at kagandahang-asal
 F10PN-Ib-c
PANIMULA
 Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:
PANUTO: Suriin ang bawat larawan. Pagkatapos, sagutin
ang mga tanong sa iyong kuwaderno.
Mga Tanong
1. Ano-ano ang ipinakikita ng bawat
larawan?
2. Anong makabuluhang mensahe ang
hatid ng bawat larawan?
3. Paano makatutulong ang mensaheng
nakapaloob sa larawan sa ugali ng
isang tao?
 Ipinakikita ng mga larawan ay PAGMAMANO,
PAGTULONG SA KAPWA HIGIT ANG MATATANDA.
 Ipinararating ng mga larawan ang katotohanan, kabutihan
at kagandahang-asal.
 Makatutulong ang mga larawan sa ugali ng tao sa
pamamagitan ng pagsasabuhay nito.

Marahil ay ganito rin ang iyong mga naging sagot.


Binabati kita. Maaari mo nang ipagpatuloy ang araling ito.
PAGPAPAUNLAD
ALAM MO BA?
Ang pangyayari ay may:
 Katotohanan kung ito ay totoo o ibinatay sa karanasan ng tao.
 Kabutihan naman kung nagpapakita ng pagiging mabuti o
kahusayan sa isang bagay tulad ng pakikisama ng maayos sa
kapwa, pakikibahagi, at paggalang sa mga nakakatanda
 Kagandahang asal- ay mga kondisyon ng mga katangiang
nakasisiya sa isipan o pamantayang moral halimbawa ay ang
respeto at disiplina.
 GAWAIN SA PAGKATUTO BILANG 2
Makinig sa akdang pinamagatang “Puasa: Pag-
aayunong Islam. Pagkatapos, punan ang talahanayan sa
inyong kuwaderno ng bahaging naglalahad ng
katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal.
https://www.youtube.com/watch?v=X_tVcYRIRGI&t=15s

KATOTOHANAN KABUTIHAN KAGANDAHANG-ASAL


 Paghambingin ninyo ang kasagutan sa nakatala sa talahanayan.

KATOTOHANAN KABUTIHAN KAGANDAHANG-ASAL


Ito ay nangyayari sa ikasyam na Pagkatuto ng disiplina bilang isang Pakikibahagi sa tradisyon
buwan sa kalendaryong Islam. tao.

Ang pag-aayuno ay hindi lamang sa Pagbibigay respeto sa mga turo ng Pagpapatibay ng paniniwala
pagkain at pag-inom kundi sa Qu'ran.
paggawa din ng masama.
Maraming paghahanda ang ginagawa Pagsasakripisyo para kay Allah at Ang pagiging disiplinadong tao.
tulad ng Peggang. para na rin sa sarili.

Ang Puasa ay isang mabutingturo sa pagbibigay sakripisyo sa mga simpleng bagay na araw-araw nating
ginagawa, nagpapakita ng dedikasyon , nagmamahal sa relihiyon, at pagiging disiplinado. Lahat ng ito ay turo ng
bibliya, mga salitang ibinahagi ng Diyos sa ating mga tao. Ito man ay maging isang lumang paniniwala na
ginawa ng mga ninuno natin, magandang ito'y panatiling buhay sa ating mga isipan at gawi.
 Magaling! Batay sa naunang gawain, napaunlad mo
ang iyong pag-unawa sa pagsusuri sa bahagi ng akda
na nagpapakita ng katotohanan, kabutihan at
kagandahang –asal.
PAGLALAPAT
 PANUTO: Makinig o panoorin ang isa pang akda. Pagkatapos,
sagutin ang mga tanong sa inyong kuwaderno.
1. Paghambingin ang butil ng kape sa carrot at itlog nang ang
mga ito ay inilahok sa kumukulong tubig.
2. Paano mo maiuugnay ang reaksiyon ng butil ng kape, carrot at
itlog nang inilahok sa kumukulong tubig sa buhay ng tao?
3. Aling bahagi ng binasa ang nagpapakita ng katotohanan? ng
kagandahang –asal at ng kabutihan ?
https://www.youtube.com/watch?v=y2pT-zH51bw
PAGTATAYA
PANUTO: Suriin ang mga pangyayari mula sa parabulang “Ang parabula ng Sampung Dalaga”.
Isulat kung ito ay nagsasaad ng katotohanan, kabutihan o kagndahang –asal sa ikaapat na bahagi ng
papel (1/4 sheet of paper).
https://www.youtube.com/watch?v=4jnzh46qsmY
PAGTATAYA
PANUTO: Suriin ang mga pangyayari sa ibaba mula sa parabulang “Ang parabula ng Sampung
Dalaga”. Isulat kung ito ay nagsasaad ng katotohanan, kabutihan o kagndahang –asal sa ikaapat na
bahagi ng papel (1/4 sheet of paper).
https://www.youtube.com/watch?v=4jnzh46qsmY
1. Bilang pagpapakita ng paggalang, ang kasalan ng mga Hudyo ay nagsisimula sa pag-uusap at
pagkakasundo ng ama ng binata at ama ng dalagang ikakasal.
2. Pagkatapos ng kasunduan ay pansamantalang lumalayo ang binata upang ihanda at buuin ang
kanilang magiging tahanan at upang mapatunayan ang katatagan ng kanilang pag-iibigan sa isa’t isa.
3. Ang limang matatalinong dalaga ay naging handa kaya’t nagbaon sila ng sobrang langis para sa
hindi inaasahang pagkakataon.
4. Ang hindi paghahanda lalo na sa panahon ng mahahalagang pangyayari ay makapagdudulot ng
suliranin at kabiguan.
5. Dahil sa kapabayaan ay hindi na nakapasok pa sa tahanan ng binatang ikakasal ang limang hangal
na dalaga.
Susi sa Pagwawasto
 1. kagandahang-asal ( nagpakita ng kasiya-siya bagay-
pagiging magalang)
 2. katotohanan-( nakabatay sa karanasan)
 3. kabutihan – ( nagpapakita ng pagiging handa)
 4. katotohanan ( pangyayari ay nakabatay sa karanasan)
 5. katotohanan( pangyayari ay nakabatay sa karanasan)
 Binabati kita sa sipag at tiyaga na iyong
ipinakita sa mga gawaing ito. Ipagpatuloy mo
pa ang paglinang sa kasanayan at kahusayan
sa parabola.

You might also like