You are on page 1of 13

KARUNUNGAN

G BAYAN
KARUNUNGANG
BAYAN
•Tumutukoy sa salawikain, sawikain,
kasabihan, alamat at iba pang anyo ng
katutubong panitikan na mapaghahanguan
ng sinaunang paniniwala at halagahan.
(bagay na mahalaga sa buhay)
1. SALAWIKAIN – Ay matatalinhagang pahayag na
ginagamit ng matatanda noong unang panahon upang
mangaral at akayin ang kabataan tungo sa kabutihan
at kagandahang asal.
Halimbawa:
•Ang katotohana’y kahit na ibaon, lilitaw pagdating
ng takdang panahon.
•Kung hindi ukol, hindi bubukol.
2. SAWIKAIN – Ay salita o pahayag na
nagtataglay ng talinhaga at mayroong nakatagong
kahulugan; tinatawag din itong idyoma o
eupemistikong pahayag.
Halimbawa:
•Mapurol ang utak – mahina ang pag-intindi
•Malawak ang isip – maraming nalalaman
3. KASABIHAN – Ay mga pahayag hinggil sa
paniniwala na may kaugnayan sa mga pangyayari
sa buhay ng tao na dapat tanggapin o iwasan. Ito
ay payak dahil di nagtataglay ng talinhaga
Halimbawa :
kasama sa gayak, di kasama sa lakad
Ubus-ubos biyaya, bukas nakatunganga
4. BUGTONG – Ay pahulaan sa pamamagitan ng
paglalarawan. Ito’y binibigkas ng patula.
Halimbawa :
•Bungbong kong liwanag, kung gabi ay dagat –
sagot (banig)
•Hinila ko ang baging, nag-iingay ang matsing
sagot (kampana)
GAWAIN 1 (Panuto: Basahin ang tula at sagutin ang mga
sumusunod na mga katanungan.)
Nakikita ang butas ng Munting kapintasan
karayom, Ng kapwa niya taong laging
Hindi ang butas ng palakol pinapansin
Mayroon pang taong Ang kamalian niya’t
Sobrang palapuna at Mga kasamaan ay ayaw
palapintasin aminin
Sa mukha ng kapwa’y Dungis sa mukha mo’y pahirin
Nakikita agad ang dumi o muna
dusing: Bago ka mamintas ng mukha
ng iba
1. Ano ang pinapaksa ng tula?
2. Alin sa mga kasabihan ang pinakaangkop sa pandemiyang
nararanasan sa kasalukuyan?
3. Ano ang kaugnayan ng kasabihang ito, “Nakikita ang butas ng
karayom, Hindi ang butas ng palakol” sa buhay mo?
4. Bilang mag-aaral, paano mo isasabuhay ang kasabihang “Dungis
mo sa mukha mo”y pahirin mo muna, bago ka mamintas”?
5. Bilang kabataan, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga
karunungang-bayan na iyong napag-aralan?
GAWAIN 2 (Panuto: Suriin mabuti ang bawat bilang at magbigay
ng isang pangyayari sa kasalukuyan na may kaugnayan sa
karunungang-bayan na makikita sa kahon.)
1. Sa kaibigan
Ang tunay na kaibigan,
nakikilala sa oras ng
kagipitan.
2. Sa kalusugan
Ingatan ang kalusugan
dahil ito ay ating
kayamanan.
3. Sa pagtulong sa kapwa
Kung nagbibigay ma’t
mahirap sa loob, ang
pinakakain ay ‘di mabubusog.

4. Sa Social Media
Anuman ang gagawin,
pitong beses pakakaisipin.
5. Sa edukasyon
Maliit na parang sibat,
sandata ng mga patas.
GAWAIN 3 (Panuto: Suriin mabuti ang mahalagang kaisipang
nakapaloob sa mga karunungang-bayan at lagyan ng tsek kung ikaw
ay sumasang-ayon o hindi sumasang-ayon. Pagkatapos, maglahad
ng sariling karanasan hinggil dito.)
Karunungang-bayan Sang- ‘Di Sariling Karanasan
ayon Sang-
ayon
1. Nasa Diyos ang awa,
Nasa tao ang gawa.
2. Ang kalusugan ay
kayamanan
3. Anak na ‘di paluhain,
Ina ang patatangisin
REPLEKSIYON: ISABUHAY NATIN! (Panuto: Anong larawan o
imahe ang tumatak sa iyong puso, isipan, at buong katauhan? Iguhit
ito sa pamamagitan ng picture map. Ang itsura ng larawang
mabubuo ay nakasalalay sa iyo. Maaaring gumamit ng colored pens
sa pagguhit.)

You might also like