You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Caraga Administrative Region
Surigao del Norte
MAINIT NATIONAL HIGH SCHOOL

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7


IKATLONG MARKAHAN

Pangalan:____________________________________ Iskor:_________________
Baitang at Seksyon :____________________________

I.Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang nakadiin ayon sa pagkakagamit nito sa pangungusap.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Sa isang iglap lang at siya’y naging isang magandang diwata.


a. kumpas b. lingon c. saglit d. sigaw
2. Upang di mahalata na baguhan siya sa isang lugar ay di siya nag-aatubiling magtanong sa mga taong
nakakasalubong niya.
a. may alinlangan b. nagdadalawang-isip c. natatakot d. umiimik
3. Ang lahat ng mamamayan ay nagpakita ng positibong tugon sa ipinapatupad na kuwarantin ng gobyerno.
a. aksyon b. bayad c. tulong d. welga
4. Tinanggap na lamang niya ang kabiguan sa pag-ibig na may pagtitimpi.
a. galit b. kasiyahan c. lungkot d. pagpasensiya
5. “Oh mahal, bumalik kana sa piling ko! Kung wala ka, di ko na alam ang sasapitin ng sugatan kong puso”.
a. kawakasan b. lalakbayin c. pagdating d. patutunguhan
II. Panuto: Piliin mula sa kahon at isulat sa patlang ang tamang salitang pupuno sa diwa ng pangungusap.

/ bu.kas / / bukas / / bu.hay / / buhay / / sa.yah / / sayah /


/ pa.so? / / paso? / /tuboh / / tu.bo? /

6. ____________ na tayo pumunta ng bahay para sa paggawa ng ating proyekto.


7. ____________ pa ang mga malls ngayon kaya bilisan mo at nang makahabol ka.
8. ____________ ang diwa ng pagdadamayan dito kaya karaniwan na lamang ang makakita ng mga taong
nagtutulungan kahit di magkakilala.
9. Ang ____________ ng tao ay nakasalalay sa sakripisyo at pagsisikap nito.
10. Wala na akong nakikitang kakabaihang nagsusuot ng ____________ dito sa aming lugar.
11. Hindi mapigilan ang kanyang ____________ nang makita ang mahal niya.
12. Ginamot ni nanay ang ____________ niya sa binti.
13. Mahilig sa halaman ang aking ina kaya reregaluhan ko siya ng ____________ sa kaarawan niya.
14. Abnormal ang ____________ ng saging tuwing tag-init.
15. Nangunguna ang Mindanao sa pag-aani ng palay at produksiyon ng asukal mula sa ____________.

III. Panuto: Pumili at Isulat sa patlang ang tamang salita na may wastong diin ayon sa wastong gamit nito sa
pangungusap. Mga salitang pagpipilian Pangungusap

Mga Salitang Mga Pangungusap


Pagpipilian
/pala/, /pa.lah/ 16. Dumating na _____________ siya kagabi na may dalang maraming
____________.
/da.ting/, 17. ________ matamlay na ang bata noong bagong _________ pa lamang ito.
/dating/

/la.mang/, 18.Ako___________ dapat ang maging _____________ sa amin.


/lamang/

/tagah/, /taga?/ 19. Ang lalaking ___________ probinsiya ay may __________ sa kanyang mukha.

/yaya?/, /ya.ya/ 20. Ang aming __________ay nag-______________ nang mamasyal.

IV. Basahin at unawaing mabuti.Isulat sa iyong sagutang papel ang titik ng wastong sagot sa bawat bilang.
21. Tumutukoy sa makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat.
Sa halip, sinisimbolo ito ng mga notasyong ponemiko upang matukoy ang paraan ng pagbigkas.
a. ponemang suprasegmental b. ponemang segmental c. ponema d. morpema
22. Kung ang pagpapantig ay tumutukoy sa bilang ng bigkas ng salita, ilang pantig ang mayroon sa salitang
KADAKILAAN?
a. 2 b. 3 c. 4 d. 5
23.Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ipinahahayag.
a. antala b. diin c. haba d. tono
24.Kung ang ponema ay mga tunog na sinisimbolo ng mga titik ng ating alpabeto, ano naman ang morpema?
a. pagpapantig ng salita b. pinagsama-samang tunog c. walang katuturang mga tunog
d. pinagsama-samang salita upang makabuo ng salita makabuo ng pangungusap
25. Ito ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita, na maaaring maghudyat ng kahulugan ng
pahayag.
a. antala b. diin c. haba d. tono
26.Tumutukoy sa pinagsama-samang tunog upang makabuo ng salita. Ito ang pinakamaliit na yunit ng salita.
a. morpema b. ponema c. suprasegmental d. tunog
27. Anong simbolo na nagpapahiwatig ng pagpapahaba ng bigkas ng pantig?
a. / b. ? c. . d. //
28. Anong simbolo naman ang nagpapahiwatig ng katapusan nang pagbasa ng pahayag o pangungusap.?
a. // b. . c. ? d. /
29. Tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita
a. diin b. haba c. antala d. tono
30. Kung ang /ba.kah/ ay nangangahulugang cow, ano naman ang kahulugan ng /bakah/?
a. cow b. maybe c. always d. horse

V. Piliin sa Hanay B ang tamang tugon o kahulugan ng mga salita o pahayag sa Hanay A. Isulat sa sagutang
papel ang iyong sagot.
HANAY A HANAY B
___31. Magandang gabi po. a. afternoon
___32. /ha.pon/ b. Si Jose ang tinutukoy, hindi ang ibang tao
___33. /hapon?/ c. Ang taong tinutukoy ay hindi si Jose
___34. Hindi siya si Jose. d. Japanese
___35. Hindi siya/ si Jose. e. pagbati
VI. Tukuyin ang ibig sabihin ng matalinghagang pahayag na ginamit ng may-akda sa tula. Bilugan ang titik ng
tamang sagot

36. Ang sariling wika ng isang lahi ay mas mahalaga kaysa kayamanan.
a. Napakahalaga ng wika ng isang bansa, higit na mahalaga sa anumang uri o halaga ng kayamanan.
b. Ang wika ay tulad ng kayamanang naibibilang na tunay na yaman ng bansa.
c. Magiging mayaman ang isang bansa kung ito ay may wika.
37. Sapagkat ito’y ( wika ) kaluluwang lumilipat mula sa henerasyon patungo sa iba.
a. Ang wika, kagaya ng kaluluwa, ay maaaring maglakbaysa iba’t ibang lugar sa bansa at sa mundo.
b. Ang wika kagaya ng kaluluwa, ay buhay na maaaring ipamana sa susunod na mga salinlahi o
henerasyon kung ito ay patuloy na gagamitin.
c. Ang wika ay nagagamit na behikulo upang marating ang iba’t ibang pangyayari sa bawat henerasyon
at dako.
38.Minanang wikang tinanim sa isipan, iniwan ng ninuno, tula ng iniingatang yaman.
a. Mahirap iwaglit sa isipan ang ating mabuting natutuhan mula sa ating mga ninuno .
b. Mayaman ang taong may natanggap na yaman mula sa kanilang mga ninuno.
c. Ang wika ay pamanang ibinigay sa atin ng ating mga ninuno na kailanman ay manatili sa ating isipan.
39.Para sa kaularan ay hindi dapat masayang tulad ng halamang natuyot at nangalagas sa tangkay.
a. Kagaya ng halaman, ang wika ay kailangang diligin at alagaan dahil mawawala ito kung hindi
aalagaan at babantayan.
b. Mawawala at maglalaho ang wika kung hindi magkakaisa ang mamamayan.
c. Dapat magamit ang wika bilang kasangkapan sa pagkakamit ng kaunlaran kaya huwag ito hayaang
mabalewala tulad ng natuyong halaman.
40.Wikang Kapampangan ikaw ay mahalaga, sa lahat ikaw ay maikokompara.
a. Ang Wikang Kapampangan, gaya ng wikang Filipino ay mahalaga at natatangi.
b. Ang wikang Kapampangan ay higit sa anupamang wika sa bansa.
c. Ang wikang Kapampangan ay natatangi at mahalaga kaya sa lahat – ito ang pinakadakila.
41. Ito ay tumutukoy sa makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa
pagsulat. Sa halip, sinisimbolo ito ng mga notasyong ponemiko upang matukoy ang paraan ng pagbigkas.
a. ponemang suprasegmental b. ponemang segmental
c. ponema d. morpema
42. Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ipinahahayag.
a. antala b. diin c. haba d. tono
43. Ang pagpapantig ay tumutukoy sa bilang ng bigkas ng salita, kung gayun ilang pantig ang bumubuo sa
salitang MAYAMAN?
a. 1 b. 2 c. 3 d. 4
44. Ito ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita na maaaring maghudyat ng kahulugan ng
pahayag.
a. antala b. diin c. haba d. tono
45. Kung ang ponema ay mga tunog na sinisimbolo ng mga titik ng ating alpabeto, ano naman ang morpema?
a. pagpapantig ng salita b.pinagsama-samang tunog
c. walang katuturang mga tunog
d. pinagsama-samang salita upang makabuo ng salita upang makabuo ng pangungusap
VII. Tukuyin ang kasingkahulugan ng salitang nakasulat nang pahilig sa pangungusap. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang.

46. Ang wika sa bansa ay dapat pagyamanin sapagkat ito ang kaluluwa ng lahi natin.
a. ituro sa mga banyaga palakasin c. panatilihin d. paunlarin
47. Mula sa ating puso ay bumubukal ang wagas na pagmamahal sa ating Inang-bayan gamit ang mga salitang
kaysarap pakinggan.
a. dumadaloy b. naririnig c. namamayani d. sumisigaw

48. Kailangang mabatid ng bawat Pilipino na ang wika ay tulad ng isang gintong pamana sa atin ng ating mga
ninuno.
a. maipagmalaki b. maipalaganap c. malaman d. pahalagahan
49.Ang sariling wika ng isang lahi ay may taglay na aliw-iw at himig na kahali-halina.
a. bigkas b. kahulugan c. katangian d. hugis
50. Ang himig ng ating wika ay kawangis ng pagaspas ng bagwis ng mga ibon sa himpapawid.
a. pagkampay ng pakpak ng lumilupad na ibon
b. matamis na huni ng mga ibon
c. bilis ng paglipad ng mga ibon
d. paglipad papaitaas ng mga ibon sa alapaap.

Inihanda ni:

Emma T. Mondano
Guro sa Filipino
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Caraga Administrative Region
Surigao del Norte
MAINIT NATIONAL HIGH SCHOOL

PANGALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7


IKATLONG MARKAHAN

Pangalan:____________________________________ Iskor:_________________
Baitang at Seksyon :____________________________

I.Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga salita batay sa pagkakagamit ng mga ito sa
pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

______1. Palaging napagsasabihan ang mga batang nakagawa ng mga kamalian. Ibigay ang kasingkahulugan
ng salitang may salungguhit.
a. napapalo b. nakukulong c. nasisigawan d. napaaalalahanan
______2. Dapat mong tanggapin ang katotohanan na ikaw ay wala pang alam. Ibigay ang kasingkahulugan ng
salitang may salungguhit.
a. realidad b. kamalian c. kasiyahan d. kasamaan
_____3. Naumid ang dila ng bata at pagkatapos ng ilang sandali’y nagwika, “Inay, igagalang ko ang gusto
mo.” Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.
a. di-nakaimik b. di-nakapagsalita c. di-nagulat d. di-nabahala
_____4. Lingid sa kaalaman ng marami, may kapangyarihan ang binatang makipag-usap sa mga hayop at
insekto. Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.
a. hindi alam ng lahat b. inilihim sa tao c. alam na alam ng lahat d. ipinagsabi sa tao
_____5. Mahigpit na ipinatupad ng reyna ang batas at kung sinumang lumabag ay pinarurusahan. Ibigay ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.
a. mabagsik b. malupit c. mapusok d. masungit
_____6. Masayang nagtatawanan ang mga mumunting-bata. Ibigay ang kasalungat ng salitang may salungguhit.
a. paslit b. sanggol c. maliit d. matanda
_____7. Makinig tayo sa payo ng ating mga magulang. Ibigay ang kasalungat ng salitang may salungguhit.
a. magbigay-atensiyon b. magsawalang-bahala c. pahalagahan d. isaisip
_____8. Ang mga taong walang-alam ay madalas masangkot sa gulo. Ibigay ang kasalungat ng salitang may
salungguhit.
a. matalino b. inosente c. tahimik d. manloloko
_____9. Namangha ang mga turista sa aking kagandahan ng lake holon sa T’boli, South Cotabato. Ibigay ang
kasalungat ng salitang may salungguhit.
a. nadismaya b. nabighani c. nabigla d. nagulat
_____10.Natuwa ang karamihan nang dumating na sa wakas ang bakuna kontra Covid19 sa Pilipinas. Ibigay
ang kasalungat ng salitang may salungguhit.
A . nasiyahan b. namangha c. nalungkot d. nagalak

II.Panuto: Piliin ang letra ng pahayag na nagbibigay ng angkop na pagpapakahulugan sa salitang may
salungguhit batay sa pagkakagamit sa pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
11. Sadyang kaygaganda ng pulang rosas na paboritong ibigay sa babaeng sinisinta tuwing araw ng mga
puso.
a. uri ng bulaklak na kulay pula b. sumisimbolo ng pag-ibig
12. Mapait na karanasan ang sinapit ng ina sa pagtatrabaho sa ibang bansa.
a. isang uri ng panlasa b. kabiguan at paghihirap na dinanas sa buhay
13. Ubod ng hangin ang taong nakausap ko kanina.
a. mayroong mayabang na pag-uugali b. nararamdamang dumarampi sa balat ngunit hindi
nakikita.
14. Napakaganda ng panahon kapag kulay bughaw ang langit.
a. bahagi ng mundo na natatakpan ng ulap b. pakiramdam ng taong walang problema
15. Tadtad ng barya ang binti ng dalaga.
a. uri ng pera na yari sa tanso b. markang naiiwan sa balat matapos maghilom ng sugat.

III. Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan sa ibaba, pagkatapos, isulat ang titik ng tamang sagot sa
nakalaang patlang bago ang bawat bilang.

___ 16. Sa bahaging ito makikita ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
a. Banghay b. Simula c. Tagpuan d. Tauhan
___ 17. Alin sa mga sumusunod ang mahihinuha tungkol sa mga kwentong-bayan?
a. Tulang nagtataglay ng mga malayang paksa
b. Nobelang ang paksa ay kagitingan at pag-ibig
c. Nagtataglay ng mga iskolaryong impormasyon at datos
d. Sumusalamin sa kultura, pag-uugali ng mga tao noong unang panahon
___ 18. Ito ay ang pook, lugar at panahon kung saan nangyari ang kwento.mahalaga ito sapagkat masasalamin
dito ang kaangkupan ng banghay, tagpuan, at tauhan na gumaganap sa kwento.
a. Banghay b. Simula c. Tagpuan d. Tauhan
___ 19. Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng alamat?
a. Ang pinagmulan ng Apoy c. Florante at Laura
b. Indarapatra at Sulayman d. Si Prinsipe Bantugen3
___ 20. Isang kwentong-bayan na naglalahad ng pinagmulan ng mga bagay-bagay. Maari itong totoo o kathang
isip lamang.
a. Alamat b. Kuwentong-Bayan c. Mito d. Pabula
__ 21. Ang mga sumusunod ay mga tauhan sa isang kwento. Alin dito ang HINDI?
a. Katunggaliang tauhan c. Pantulong na tauhan
b. Pangunahing tauhan d. Tagamasid na tauhan
___ 22. Ito ang maiiwan sa isipan ng mga tagapakinig o mambabasa ng isang kwento.
a. Gitna b. Simula c. Tagpuan d. Wakas
___ 23. Ito ang tawag ng mga kathang- isip na mga kuwento noong unang panahon na nagpapakita o
nagpapahayag ng uri ng pamumuhay. Kasasalaminan ito ng mga pag-uugali, tradisyon at kultura.
a. Kuwentong-Bayan b. Kwento c. Mito d. Pabula
___ 24. Malaki ang papel na ginagampanan ng isang tagapagsalaysay sa paglalahad ng pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari sa isang kwento sapagkat nakasalalay sa kanya ang ____?
a. Wakas ng kwento c. Kalayuan ng kwento sa katotohanan
b. Pagiging kawili-wili ng kwento d. Pagkakaroon ng katatawanan ang kwento
___ 25. Tumatalakay sa huling pangyayari sa kwento.
a. Gitna b. Simula c. Tagpuan d. Wakas
___ 26. Sa bahaging ito pinapanatili ang ayos na pagkakasunod ng mga kawingkawing na pangyayari sa kwento
a. Gitna b. Simula c. Tagpuan d. Wakas
___ 27. Itinuturing ito ang pinakamasidling bahagi ng isang kwento.
a. Kasukdulan b. Panimula c. Resolusyon d.Pababang pangyayari
___ 28. Ang mga karakter na gumaganap o bida sa isang kwento.
a. Banghay b. Simula c. Tagpuan d. Tauhan4
___ 29. Makakapukaw ito sa interes ng nakikinig o mambabasa upang ipagpatuloy ang pakikinig o pagbabasa
a.simula b. Tagpuan c. Tauhan d. Wakas
___ 30. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng maayos na pagkasunod-sunod ng panimula, gitna at wakas ng
isang kwento?
a. Mayroong tunggalian sa kwento c. Nagiging kawili-wili at interesante
b. Maayos na paglalahad sa mga tauhan d. Tumatalakay sa isyung panlipunan

IV. Panuto: Suriin kung saang bahagi matatagpuan ang mga sumusunod na mga pangungusap kung ito ay
Simula, Gitna o Wakas. Isulat ang iyong sagot sa espasyo bago ang bawat bilang.
_____ 31. Ito ang maiiwan sa isipan ng mga tagapakinig o mambabasa ng isang kwento.
_____ 32. Sa bahaging ito pinapanatili ang ayos na pagkakasunod ng mga kawingkawing na pangyayari sa
kwento.
_____ 33. Sa bahaging ito matutunghayan ang mga katunggaliang tauhan at iba pang pangyayari.
_____ 34. Sa bahaging ito maaring gumamit ng mga pandiwa, pang-uri, at pang-abay pagkatapos ng isang
pahayag ng pagsisimula.
_____ 35. Makakapukaw ito sa interes ng nakikinig o mambabasa upang ipagpatuloy ang pakikinig o
pagbabasa.

V. Panuto: Ibigay ang Denotatibo at Konotatibong Pagpapakahulugan sa mga salitang may salungguhit sa
bawat pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa kahon at isulat ito sa sagutang papel (3 puntos bawat bilang).
mineral bahagi ng isang halaman pagmamahal namatay
isinapuso kagandahan ipinunla
kayamanan nawala bumubuhay sa tao

36. Namumukadkad na bulaklak ang dalawang anak ni Aling Myrna.


Denotatibong Kahulugan:______________________
Kinotatibong Kahulugan:_______________________
37. Ang bawat butyl ng bigas ay ginto para sa pamilyang naghihikahos.
Denotatibong Kahulugan:_____________________
Konotatibong Kahulugan:_____________________
38. Itinanim sa isipan ng batang paslit ang payo ng kanyang mga magulang.
Denotatibong Kahulugan:_____________________
Konotatibong Kahulugan:_____________________

39. May puso para sa mahihirap ang aking kapatid.


Denotatibong Kahulugan:___________________
Konotatibong KAhulugan:__________________
40. Nangalagas ang pangarap ng binate nang malulong ito sa droga.
Denotatibong Kahulugan:___________________
Konotatibong Kahulugan:___________________

Inihanda ni:

Emma T.Mondano
Guro sa Filipino
SUSI SA PAGWAWASTO

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA IKATLONG MARKAHAN


I. II.
1. C 6. /bukas/ 12. /pa.so? /
2. B 7. /bu.kas/ 13. / paso? /
3.A 8. /bu.hay/ 14. / tu.bo? /
4.D 9. /buhay/ 15. / tuboh/
5.D 10. / sa.yah/
11. / sayah/

III. ( 2 puntos bawat bilang ) IV.


16. /pala/, / pa.lah/ 21. A 26. A
17. / da.ting / , / dating / 22. D 27.
18. / lamang / , / la.mang / 23. A 28.
19. / tagah / , taga? / 24. B 29.A
20. / yaya? / , /ya.ya / 25.D 30. B

V. VI. VII.
31. E 36.A 41. 46. D
32.A 37.B 42. 47.A
33.D 38.C 43.C 48.C
34.C 39.A/C 44.D 49.C
35.B 40.A 45.B 50.A

PANGALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT


I. II. 111.
1. D 6. A 11.A 16.
2.A 7.B 12.B 17.
3.B 8.B 13.A 18.
4.A 9.A 14.A 19.
5.B 10.C 15.B 20.

You might also like