You are on page 1of 40

 Dalawang batong itim

malayo ang mararating


 May tainga ang lupa,
may pakpak ang balita
 Di mahulugang karayom
KARUNUNGANG-BAYAN

Ang karunungang-bayan ay isang sangay

ng panitikan ng nagpapahayag ng mga kaisipan

o paniniwala.
Mga Bugtong,Salawikain o
Kasabihan at Sawikain
Bugtong (Riddles)
 Ayon kay Damiana L Eugenio sa kaniyang
akdang “Philippines Folk Literature: An
Anthology (2007) ay isang palaisipang
nagbibigay ng naiibang paglalarawan
kaysa sa bagay na talagang pinapahulaan
nito.
 Ayon kay Georges at Dundes (1963)
naglalaman ang isang bugtong ng mga
paglalarawang maaring magkasalungat: ang
tinutukoy ng salungat ang paglalarawang ito
ang siyang dapat hulaan.
 Ayon kay William Hugh Jansen na sinipi ni
Eugenio (2007), ang tunay na layunin ng
isang bugtong ay pataasin ang tingin sa sarili
ng nagpapabugtong o ng kaniyang kalaban
o ng mga manonood.
 Isa pang layunin ng bugtong ay ang
pagtuturo, pagbibigay-aliw, at pagbibigay-
daan sa komunikasyon ng mga nakatatanda
at nakababata.
Halimbawa ng Bugtong

 Matanda na ang nuno, hindi pa naliligo


Sagot: Pusa
 Nang batakin ang baging, nagkagulo
ang matsing

Sagot: Kampana
Halimbawa ng Bugtong

 Isang bayabas,pito ang butas.


Sagot: Mukha
 Isang prinsesa,nakaupo sa tasa
Sagot: Kasoy
 Heto na si bayaw,dala-dala’y ilaw
Sagot: Alitaptap
 Nagtago si Pedro, nakalabas ang ulo
Sagot: Pako
Salawikain o Kasabihan (Proverbs)

 kasabihang sinipi ni Eugenio (2007)

 isang pahayag na naglalahad ng


katotohanan sa pamamagitan ng talinghaga
at nagsisilbing butil ng karunungan
 Worcester isang pahayag na maikli
at alam ng marami: naglalaman ito
ng ng isang kagandahang asal o
pinaniniwalaang katotohanan.
 Taylor at Whiting paglalarawan ng
isang sitwasyon at paggawa ng
desisyon batay sa karunungang
ibinibigay ng sitwasyong iyon.
Salawikain o Kasabihan (Proverbs)

 Taglay nito ang karunungang bunga ng


karanasan. Sinasalamin nito kung ano
ang ideal---- ang tama, mabuti o
karadapat-dapat.
Salawikain o Kasabihan (Proverbs)

 Nagagamit ito ng mga nakatatanda


upang magturo ng aral sa mga
nakababata.
Ayon kay Eugenio ang Salawikain ay
napapangkat sa Pilipinas
 Nagpapahayag ng pananaw sa buhay o mga
tuntuning gumagabay sa buhay.

 Mga etikal na salawikain na nagmumungkahing ng


mga birtud (virtues) na dapat taglayin at nagtatakwil
sa tiyak na mag bisyo.
 Mga salawikaing nagpapahayag ng isang
Sistema ng mga pagpapahalaga.

 Nagpapahayag ng panlahat na katotohanan at


obserbasyon tungkol sa buhay at kalikasan ng
tao.

 Mga nakatatawang salawikain


Halimbawa ng Salawikain o Kasabihan (Proverbs)
Salawikain o Kasabihan Kahulugan
(Proverbs)
Ang hindi lumingon sa Hindi maabot ng isang
pinanggalingan hindi taong walang utang na
makararating sa loob ang tunay na
paroroonan. tagumpay.
Ang pagsasabi ng tapat Nagtatagal ang relasyon
ay pagsasama nang ng mga taong tapat sa
maluwat. isa’t-isa.
Halimbawa ng Salawikain o Kasabihan (Proverbs)
Salawikain o Kasabihan Kahulugan
(Proverbs)
Kung walang tiyaga Walang bagay na
walang nilaga. madaling makamit kaya
dapat ito ay
pinagsusumikapan.
Aanhin pa ang damo kung Pagkasayang ng isang
patay na ang kabayo. bagay dahil ito ay huli na
at hindi na kailangan.
Ang lumalakad nang
matulin, kung matinik
ay malalim.
Kapag may isinuksok
ay may madudukot.
Kung ano ang puno siya
ang bunga.
Kapag binato ka ng
bato, batuhin mo ng
tinapay.
Kapag maikli ang
kumot, matuto kang
mamaluktot.
Sawikain (Idioms)

 Ito ang mga salita o pariralang hindi


literal ang pagpapakahulugan na
ginagamit sa masining na
pagpapahayag.
Sawikain (Idioms)

 Upang maunawaan ito hindi lamang


dapat bumatay sa aktuwal ng mga
salitang sinabi.
Sawikain (Idioms)

 Kailangan pag isipan ang mas malalim


na kahulugan ng mga ito sa pagsusuri sa
metaporang ginamit, kontekstong
pinagbatayan, o paralelismo sa kultura.
Halimbawa ng Sawikain
Sawikain Kahulugan Gamit sa Pangungusap

Butas ang Walang Pera Umuwi ang


Bulsa empleyado butas ang
bulsa matapos
bayran ang lahat ng
bayarin ngayong
buwan.
Magsunog Mag-aral Magdamag siyang
ng kilay mabuti nagsunog ng kilay
para sa mahabang
pag susulit bukas.
Pinag-isang dibdib
Kamay na bakal.
Ilaw ng tahanan.
May bulsa sa balat
Matigas ang ulo
Nagsusunog ng kilay
Bahag ang buntot
Butas ang bulsa
Malikot ang kamay
Ang sawikain ay:

 Hindi tuwiran at matalinghaga

 Pagpapaganda ito ng paraan ng


pagpapahayag
 Binubuo lamang ito ng ilang salita o
parirala
1. Batay sa iyong pagkakaunawa ano
ang kahulugan ng…
 Bugtong

 Salawikain o kasabihan

 Sawikain
2. Ano ang pagkakaiba ng bugtong,
salawikain o kasabihan at sawikain?
Ipaliwanag.
Salamat sa inyong pakikinig
at partisipasyon sa ating
klase. 

You might also like