You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

CAPIZ STATE UNIVERSITY – MAIN CAMPUS


College of Education
Fuentes Drive, Roxas City
Tel: No. (036) 6214-578 loc. 118 or (036) 6211-905

Pagsusuri ng Tula

Halina sa Ibang Daigdig


Teodoro S. Baylen
I. Sipi ng tula

Lunting Guniguni: tayo na umibis


Sa sasakyang ito na lubhang mabilis;
Dali! Baka tayo’y kasamang mapalis
Sa kabubulirang malalim na libis.

Nakalulan dito’y madlang kasakiman


Na wala nang hindi pinag-aagawan;
Pati ng pahiyas na kapayapaan
Ay sutlang ginutay at pinagyapakan!

Sa kabi-kabila’y may bahid nang dugo,


Sa maraming dako’y naggulong ang bungo!
Nagkalat ang apoy na pag di nasugpo,
Ito ay magiging abo o guguho.

Dito’y yumuyukod ang lahat ng mithi


Sa bagsik na haring sandata’t salapi;
Ang sasakyang ito ay nagmamadali
Sa dulo ng isang landas na maikli.

Ibong Guniguni: hayo na’t ikampay


Ang mga bagwis mo at tayo’y maglakbay;
Pailanlang kata at kusang patangay
Sa pa-ibang dakong malayang agay-ay.

Ilapag mo ako sa ibang daigdig


Na sasakyang tungo di sa pagkabulid;
O, doon ang aking magiging kaniig
Ay katahimikan ng magkakapatid.
II. Paksang diwa

Ang paksang diwa ng tulang “Halina sa Ibang Daigdig” ay ang paghahangad ng


katahimikan at kapayapaan ng may-akda sa buhay na lubhang magulo. Halina sa
ibang daigdig na ang ibig sabihin ay pagnanais na makalayo sa mapait at pangit na
buhay.

III. Mga Kagandahang Pampanulaan

A. Tayog ng Isipan
Nagsasaad ang tula sa mapait na realidad na ayaw harapin ng pangunahing tauhan. Ang
nasabing tula ay mataas ang tayog ng imahinasyon na dinagdagan pa ng matatalinhagang salita
na nagbigay ng kasiningan sa mga saknong ng tula. Isinaad din sa mga saknong ng tula ang
walang kalayaan sa panahon ng may-akda at masamang estado ng lipunan na puno ng paghahari
ng kasamaan at pagdanak ng dugo at bungo na sumisimbolo sa kamatayan. Isinaaad din sa tula
ang walang pagkakapantay-pantay ng mga nilalang na ang nakararami ay lumalabag sa
karapatang pantao at hindi na sumusunod sa utos ng Diyos na bawal pumatay.

Sa kabi-kabila’y may bahid nang dugo,


Sa maraming dako’y naggulong ang bungo!
Nagkalat ang apoy na pag di nasugpo,
Ito ay magiging abo o guguho.

Ang paglabag sa karapatang pantao ay idinidiin namin na isinaad ng may akda ng


lubusan dahil tayo bilang mga anak ng Diyos ay nilikha na kaniyang kawangis na ang ibig
sabihin ay pantay lamang tayo bilang tao kaya’t ang mga saknong na ginamit sa pangyayari sa
tula ay isang kasalanan . Ang sasakyang nagmamadali sa ikaapat na saknong ay sumisimbolo sa
hindi magandang kinabukasan dahil alam naman natin na kapag matulin ang isang sasakyan ay
lapitin ito sa panganib at maibabatay naman namin iyan sa aming karanasan.
Dito’y yumuyukod ang lahat ng mithi
Sa bagsik na haring sandata’t salapi;
Ang sasakyang ito ay nagmamadali
Sa dulo ng isang landas na maikli.
Isinaad din ng tula ang pagkakaroon ng sakit ng lipunan dahil na nga sa mga
pangyayaring kahindik-hindik. Ang pag-ayaw ng pangunahing tauhan at pagmamadaling
makaalis kasama ang guni-guni upang hindi maabutan ng sasakyang lubhang mabilis sa tula ay
sumisimbolo sa hindi mabuting nagaganap sa kaniyang buhay at pamumuhay. Isinasaad ng may
akda sa gawa niyang tula ang gustong pagkawala nito sa hirap na para bagang gustong makawala
sa kontrol ng isang dikdator na mahahagilap sa ikaapat na saknong. Ang pagnanais sa
kaginhawaan ay isinaad din sa tula. Ang tula ay matatawag namin na nagsasaad ng isang
paglalakbay tungo sa tagumpay na kung saan ang lahat na pagdaraanan kasabay ng mga gabay sa
buhay ay sadyang hindi napakadaling malagpasan ngunit kung talagang nanaisin mo itong
makamtan ay gagawin mo talaga ang lahat para sa maginhawang hinaharap.

B. Hatak sa Damdamin
Ang mga damdamin na aming naramdaman sa sinuring tula ay takot halimbawa na baka
maabutan ang tauhan sa tula ng malalim na libis na maghahatid sa kaniya ng mapait na
karanasan.
Lunting Guniguni: tayo na umibis
Sa sasakyang ito na lubhang mabilis;
Dali! Baka tayo’y kasamang mapalis
Sa kabubulirang malalim na libis.

Sa pagsasalaysay ng tauhan sa tula ay nakaramdam kami ng awa sa kondisyon na


kaniyang nararamdaman dahil para sa aming pagsusuri ay mayroong dinaranas na trauma ang
tauhan sa tula. Kami’y naaawa sa takot na kaniyang nararamdaman. Batay sa kaniyang
pagsasalaysay sa bawat saknong ay nakaramdam kami ng galit sa masasamang ugali ng madla sa
ikalawa hanggang ikaapat na saknong tulad ng poot at himutok.
Nakalulan dito’y madlang kasakiman
Na wala nang hindi pinag-aagawan;
Pati ng pahiyas na kapayapaan
Ay sutlang ginutay at pinagyapakan!

Sa kabi-kabila’y may bahid nang dugo,


Sa maraming dako’y naggulong ang bungo!
Nagkalat ang apoy na pag di nasugpo,
Ito ay magiging abo o guguho.

Dito’y yumuyukod ang lahat ng mithi


Sa bagsik na haring sandata’t salapi;
Ang sasakyang ito ay nagmamadali
Sa dulo ng isang landas na maikli.
Kami ay nanghihinayang sa mga pangyayari sa tula sapagkat pati kapayapaan na
mahalaga sa katahimikan, kaayusan at kaunlaran ay gusto pang agawin ng madlang sakim!
Karagdagan pa ay sadyang namumuhi kami sa mga sakim na madla dahil sa wala silang puso
tulad sa ikatlong saknong na kaya nilang magbahid ng dugo at pumatay ng kapuwa tao na
maghahantong sa pagrami ng bungo na isang paglabag sa isa sa mga sampung kautusan ng Diyos
na bawal pumatay.
Ay sutlang ginutay at pinagyapakan!
Sa kabi-kabila’y may bahid nang dugo,
Sa maraming dako’y naggulong ang bungo!
Nagkalat ang apoy na pag di nasugpo,
Ito ay magiging abo o guguho.
Para sa amin ay masakit talagang isipin subalit isa itong realidad na ang kabutihan ay
hindi na nanaig kundi ang mapait na karahasan kung saan ang lahat ng batayan ng
pagkamapangyarihan ay ang kayamanan at sandata na matutunghayan sa ikaapat na saknong.
Dito’y yumuyukod ang lahat ng mithi
Sa bagsik na haring sandata’t salapi;
Ang sasakyang ito ay nagmamadali
Sa dulo ng isang landas na maikli.
Kami ay nanghihinayang sa hinaharap sa tula dahil ang kasalukuyan ay puno ng
kaguluhan na nangangahulugang isa itong hindi magandang resulta at bukas. Subalit kahit
ganoon ay nasisiyahan naman kami dahil kahit papaano ay natuto pa rin ang pangunahing tauhan
sa tula na mangarap ng katahimikan at kalayaan subalit lumalabas talaga ang pagkaawa kasi sa
kaniyang imahinasyon na lang ang mga yaon.
Ibong Guniguni: hayo na’t ikampay
Ang mga bagwis mo at tayo’y maglakbay;
Pailanlang kata at kusang patangay
Sa pa-ibang dakong malayang agay-ay.

Ilapag mo ako sa ibang daigdig


Na sasakyang tungo di sa pagkabulid;
O, doon ang aking magiging kaniig
Ay katahimikan ng magkakapatid.
Kami naman ay nakaramdam ng pagkabigla sa mga pangyayari na makapanindig
balahibo sa tula tulad ng kasakiman at patayan na nagdagdag pa ng takot lalung-lalo na sa
ikalawa at ikatlong saknong na nagsasaad ng kasakiman at mga patayan.
Nakalulan dito’y madlang kasakiman
Na wala nang hindi pinag-aagawan;
Pati ng pahiyas na kapayapaan
Ay sutlang ginutay at pinagyapakan!

Sa kabi-kabila’y may bahid nang dugo,


Sa maraming dako’y naggulong ang bungo!
Nagkalat ang apoy na pag di nasugpo,
Ito ay magiging abo o guguho.
Kami ay lubhang nasaktan dahil wala ng pagmamahalan ang bawat isa sa tula at sila ay
nagpapatayan. Kami rin ay nakaramdam ng kaguluhan sa isip sa kung anong klaseng lipunan at
mga tao ang nasa panahon ng may-akda sa pagkakasulat niya ng tula.

C. Mga Simbolismo

Ang mga simbolismo na aming nakalap ay ang mga:


 Guni-guni – na tumutungkol sa imahinasyon ng may-akda upang takasan
ang pait ng realidad na masama at nakakatakot.
 Sasakyan – na isang kasangkapan sa tula upang makaalis at makalaya.
 Dugo – ito ay simbolo ng kamatayan at pighati.
 Apoy – ito ay simbolo ng kaguluhan.
 Abo – ito ay simbolo ng kawalan ng pag-asa.
 Guguho – ito ay sumisimbolo sa kabiguan.
 Hari – ito ay sumisimbolo sa isang namumuno.
 Sandata at Salapi – ito ay simbolo bilang isang instrumento sa
pagkontrol. Simbolo rin ito ng kapangyarihan.
 Kasakiman – ito ay sumisimbolo sa pagiging madamot sa sariling biyaya
at kasamaan ng ugali.
 Bungo – sumisimbolo sa isang wakas o kamatayan ng pag-asa.

IV. Mga Kaisipang Pampanulaan

A. Mga Kakintalan
Batay sa aming pagsusuri sa tulang “Halina Sa Ibang Daigdig ni Teodoro S. Baylen” ay
maraming naikintal sa aming isipan katulad na lamang na ang mga saknong sa tula ay
sumasaklaw talaga sa kung anong lipunan mayroon ang may-akda. Tumatak din sa amin ang
masalimuot na realidad na mahirap talagang mabuhay sa mundo, ito’y nagbigay lang talaga sa
amin ng aral hindi panghihina. Tumatak din sa aming isipan na ang pagtakas ay
nangangahulugang malala na talaga ang karamdaman sa lipunan ng tauhan kung kaya’t lubusan
na nitong ninanais na umalis.
Lunting Guniguni: tayo na umibis
Sa sasakyang ito na lubhang mabilis;
Dali! Baka tayo’y kasamang mapalis
Sa kabubulirang malalim na libis.
Nalaman din namin na ang kasakiman ay nagdudulot ng pagkasira ng kapayapaan at
kaayusan kaya’t masasabi namin na iwasan natin na maging sakim. Dapat ay panatilihin natin na
maging mabuti upang hindi tayo matulad sa mga taong sakim na may bahid ng dugo o mga
bungo.
Nakalulan dito’y madlang kasakiman
Na wala nang hindi pinag-aagawan;
Pati ng pahiyas na kapayapaan
Ay sutlang ginutay at pinagyapakan!

Sa kabi-kabila’y may bahid nang dugo,


Sa maraming dako’y naggulong ang bungo!
Nagkalat ang apoy na pag di nasugpo,
Ito ay magiging abo o guguho.
Dahil sa tula ay pumasok din sa aming isipan na nasa kamay natin ang hinaharap kaya’t
mabuting iwasan ang kaugalian na may bahid ng kasamaan dahil ito’y magdudulot ng pagkasira
at kamatayan ng mga pangarap pati ng magandang hinaharap. Sadyang ipinakita rin sa tula na
hindi talaga maiiwasan na maghari ang kapangyarihan laban sa kabutihan kaya’t mas mabuting
mag-ingat tayo sa lipunan na ating ginagalawan dahil ito’y katulad na katulad sa tula kung kami
ang pasusuriin. Nalaman din namin na ang kalayaan ay makakamtan sa tulong ng guni-guni
sapagkat dahil sa guni-guni ay nakakabuo ng plano. Mas ugaliing mag-isip kesa maging estatwa
na lang sa paghihirap katulad sa tula na ang guni-guni ay pinagana upang kahit papaano ay
mapawi ang damdamin ng pangunahing tauhan na salat at luray-luray na sa paghihirap.

B. Gustong Itatak sa mga Mambabasa


Ang tulang “Halina Sa Ibang Daigdig” ay sadyang mayaman ang porma at paraan ng
pagkakagawa na isa sa mga sandigan upang tawaging dakilang makata si G. Teodoro S. Baylen.
Ang hangarin ng tula para sa amin na gustong itatak sa mga mambabasa ay katulad na lamang na
maging handa at maaga sa lahat ng bagay upang hindi maranasan ang hirap na dala ng
pagkakahuli na matutunghayan sa unang saknong.
Lunting Guniguni: tayo na umibis
Sa sasakyang ito na lubhang mabilis;
Dali! Baka tayo’y kasamang mapalis
Sa kabubulirang malalim na libis.
Gusto din na itatak ng tula sa mga mambabasa na tayo’y umunlad bilang mabubuting tao
na walang bahid ng kasamaan hindi katulad sa tula na pangit at nakakatakot isipin ang patayan at
dugo.
Nakalulan dito’y madlang kasakiman
Na wala nang hindi pinag-aagawan;
Pati ng pahiyas na kapayapaan
Ay sutlang ginutay at pinagyapakan!
Sa kabi-kabila’y may bahid nang dugo,
Sa maraming dako’y naggulong ang bungo!
Nagkalat ang apoy na pag di nasugpo,
Ito ay magiging abo o guguho.
Tumatak din ang halaga ng kapayapaan sapagkat sa kapayapaan ay walang masasaktan.
Ang tula ay nais tumuro at pumunla ng kaalaman sa mga mambabasa na maging mabuting tao na
nagmamahal sa kapayapaan dahil ipinakita sa tula na ang kapayapaan ay susi sa lahat ng
magagandang pangyayari katulad sa ninanais ng pangunahing tauhan. Tumatak din na ang
pagpatay ay hindi sandigan ng magandang repleksyon at ito’y isang pagkakasala na madumi. Isa
pa ay sadyang gustong ipaalam ng tula sa mga mambabasa ang importansya ng kalayaan na ang
lahat ng mithiin ay naaabot kung pananatilihin lamang ang nagkakapatirang kapayapaan para sa
kasiyahan. Tumatak din sa amin na masakit talaga ang buhay na hindi lang ito puro saya na
natural talagang makaranas ng kahirapan, ang kailangan lang ay tatag at pagpupursigi upang
makawala at mapagtagumpayan ang pagsubok. Karagdagan pa ay mas mainam sa buhay na
masayang mangarap dahil isa ito sa mga lunas sa sakit ng realidad. Sadyang ang tulang “Halina
Sa Ibang Daigdig” ay nais magbigay kabatiran na tao rin tayo na kailangang magpahinga,
kailangan ang imahinasyon upang managana. At talagang itinatak din ang pagpapakita sa tunay
na buhay na kailangan talaga ang tatag hindi kahinaan sapagkat kung paiiralin ang kahinaan ay
matutulad tayo sa bungo o apoy na nagkalat na kapag hindi nasugpo ay magiging abo o guguho.

Inihanda nina:
Pangkat Anim

Nerissa Gonzales Belo Ed An John Marquez Tuting Elen Mae Romano Horario
Ipinasa kay:

Anazel Vergara-Estilo, LPT MAT


Tagapaglinang ng Pagkatuto
(Spec. 320)

You might also like