You are on page 1of 3

Ako ang Daigdig ni Alejandro G.

Abadilla

Ito ay isang tula na isinulat ni Alejandro Abadilla na


nagpapahayag ng sandamakmak na maaaring maging kahulugan ng
tulang ito. ‘Ako ang Daigdig’ ay nagbigay ng daan tungo sa
modernisasyon ng estruktura ng tula.

Sa pagbabasa ko sa tulang ‘Ako ang Daigdig’ ay nakabuo ng


dalawang maaaring maging kahulugan ng mga salitang inilimbag ni
Alejandro Abadilla: pag-aaklas sa tradisyunal na sukat at tugma ng
isang tula at ang pag-aaklas laban sa mga mananakop sa bansang
Pilipinas.

1.) Pag-aaklas sa Estrukturang Patula

- Mula pa man sa matandang panitikan ay nakaugalian


na ng mga Pilipino ang pagbigkas ng tula na may sukat at tugma.
Ngunit ang tulang ‘Ako ang Daigdig’ ni Alejandro Abadilla ay
nagbukas ng maraming pinto tungo sa masining at malayang tula.
Nilabag nito ang nakasanayang porma ng isang tula. Ipinakita ng
tulang ito na maaaring walang sukat at tugma ang isang tula at
maaaring maging malaya ang mga Pilipino sa pagsulat ng diwang
gusto nating malaman ng mga tao.
Ito ang estruktura ng ‘Ako ang Daigdig’ ni Alejandro Abadilla

ako

ang daigdig

ako

ang tula

ako

ang daigdig

ang tula

ng daigdig

ako

ang walang maliw na ako

ang walang kamatayang ako

ang tula ng daigdig

2.) Pag-aaklas Laban sa Mananakop ng Ating Bansa


- Paminsan-minsan ay nakakaligtaan natin ang
mensaheng nakabaon sa isang tula at nahuhuli lamang ang ating
atensyon sa porma at mga salitang ginamit nito.
Ang ‘Ako ang Daigdig’, para sa akin, ay tila nagpapahiwatig sa mga
Pilipino na bumangon at huwag magpapa-api sa mga dayuhang
sumakop sa bansa. Sa linyang ‘Ako ang tula ng daigdig’, sinasabi ni
Abadilla na bawat isa sa ating, bilang tao, ay may karapatan sa
sarili nating buhay, na tayo ang bumubuo sa daigdig, tayo ang
sariling nating mga boses.Sa pamagat pa lamang ay nagpapakita
na ito ng pagiging masigasig ng awtor na ipaglaban ang kalayaan
hindi lamang ng panitikan kundi ng ating mga sarili. Bawat isa sa
atin ay ang daigdig na nagpapa-ikot nito. Kalian man ay hindi
dapat tayo matakot na isigaw ang dapat ay nararapat sa atin.

Hindi ko man sinasabi na ang puntong inilahad ko ay katulad ng


pag-intindi niyo sa tula ngunit ang bawat isa sa atin ay may
kanya-kanyang interpretasyon tungkol sa tulang ito at sa iba pa
mang panitikan. Ito ang nakakapagpaganda sa isang tula, walang
maling interpretasyon. Malaya tayong lahat na ilahad ang ating
nauunawaan.

You might also like