You are on page 1of 8

Banghay Aralin

Ang kuwento ni Solampid


( Maikling Kowento ng Mindanao )
(Unang Araw)

I. Layunin

F7PB-If-g-4

Naisa-isa ang mga element ng maikling kwento mula sa Mindanao

II. Nilalaman

A. Paksang-Aralin: “Ang Kwento ni Solampid” (Maikling Kuwento)

B. Sanggunian: Rex Interactive : The Online educational portal for teachers, students and parents

C. Kagamitang Pampagtuturo: Kagamitang multimedia

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain (Balik-Aral)

Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral kung ano ang tinalakay noong nakaraang araw.

1. Pagganyak/Motibasyon

a. Magpapanood ang guro sa kanyang mag-aaral ng vidyu tungkol sa isang anak na may balak
lumayas/gusting layasan ang kanyang mga magulang.

b. Magtatanong ang guro base sa napanood na vidyu.

B. Panlinang na Gawain (4 A’s)

1. Mga Gawain (Activity)

a. Paglalahad ng Gawain

Magpapakopya/magdidikta ang guro sa mga mag-aaral tungkol sa kahulugan ng element ng


maikling kuwento. Tatalakayin ng guro ang kinopya/idinikta

2. Pagsusuri (Analysis)

 Pangkatang Gawain
Ipapangkat ang mga mag-aaral sa apat na grupo. Susulat sila ng repleksiyon base sa
vidyung kanilang napanood.
3. Paghahalaw o Paghahambing (Abstraction and Comparison)
Gamit ang Venn Diagram, paghahambingin ang mga kabataan noon at ngayon.

4. Paglalapat (Application)

Magtatanong ang guro kung ikaw ang nasa vidyu, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa?

IV. Ebalwasyon

Magkakaroon ng maikling pagsusulit tungkol sa kahulugan at element ng maikling kuwento.

V. Takdang Aralin

Pag-aralan ang maikling kuwento na pinamagatang, “Ang Kuwento ni Solampid.”


Banghay Aralin
Ang Kuwento ni Solampid

I. Layunin

F7PS-Id-e-4

Naisasalaysay nang maayos at wasto an gang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

II. Mga Nilalaman

A. Paksang Aralin: “Ang Kuwento ni Solampid,” (Maikling Kuwento)

B. Sanggunian: Rex Interactive : The Online educational portal for teachers, students and parents

C. Kagamitang Pampagtuturo: Sipi ng teksto

III. Pamamaraan

A. Panimulang-Gawain (Balik-Aral)

Ipapanood ng guro sa kanyang mga mag-aaral ang tinalakay noong nakaraang araw.

1. Pagganyak

Ipapangkat ang mga mag-aaral sa apat na pangkat. Ipabubuo sa bawat pangkat ang jigsaw puzzle.
Magtatanong ang guro.

B. Panlinang na Gawain (4 A’s)

a. Paghahawan ng Sagabal

Panuto: Pagtapatin ang Hanay A at Hanay B

Hanay A Hanay B

1. sadaka
2. Qur’an
3. lamin
4. bai
5. torongan

b. Pagpapabasa ng Tahimik
magbabasa ang mga mag-aaral nang tahimik.

2. Pagsusuri (Analysis)
Sasagutin ng mga mag-aaral ang gabay na tanong na inihanda ng guro sa kanila.
 Pangkatang Gawain
Hahatiin ang mga mag-aaral sa apat na pangkat.
Unang Pangkat: Ilarawan si Solampid sa pamamagitan ng pagguhit.
Ikalawang Pangkat: Isadaula ang kasukdulang bahagi ng kuwento.
Ikatlong Pangkat: Bumuo ng tula tungkol sa mga kabataan sa kasaluyang panahon
Ikaapat na Pangkat: Bumuo ng hugot/pick-up-lines base sa kuwentong nabasa.

3. Paghahalaw at Paghahambing (Abstraction and Comparison)


May isang mag-aaral na naglalahad/magbubuod ng lahat na natutuhan sa klase.

4. Paglalapat (Application)
Gamit ang estratehiyang Dugtungang Pagkukwento, ibubuod/isalaysay ang kuwentong nabasa.

IV. Ebalwasyon
Sa isang buong malinis na papel, ibubod ang kuwentong nabasa.

V. Takdang-Aralin
Pag-aaralan ang mga pag-uugnay na nagsasaad ng kondisyon (kung, kapag, at iba pa)

Banghay Aralin
(Ikatlong Araw)

I. Layunin
F7WG-If-g-4
Nagagamit nang wasto ang mga retorikal na pag-ugnay na ginamit sa akda

II. Nilalaman
A. Paksang-Aralin: “Ang Kuwento ni Solampid,” (Maikling Kuwento)

B. Sanggunian: Rex Interactive: The Online educational portal for teachers, students and parents

C. Mga Kagamitang Pampagtuturo: Sipi ng teksto

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain (Balik-Aralin)

Ipabubuod ng mga ang tinalakay noong nakaraang araw.

1. Pagganyak

Magpapatugtog ng isang awitin/awit na ginagamitan ng mga salitang pang-ugnay.


Magtatanong ang guro.

B. Panlinang na Gawain (4 A’s)

1. Paglalahad ng Gawain

Magpapaskil ang guro ng mga pangungusap na may salungguhit galing sa awit na


napakinggan.

2. Pagsusuri (Analysis)

Magtatanong ang guro kung ano ang kanilang napansin sa mga nabasang pangungusap.

3. Paghahalaw at Paghahambing (Abstraction and Comparison)

Ibubuod ng mag-aaral ang kanilang napansin. At kung meron ng panuntunan/batas


(Rule), ilalahad ng mag-aaral sa klase. Magdaragdag ang guro ng pagpapaliwanag.

4. Aplikasyon (Paglalapat)

Magbibigay ang mga mag-aaral ng mga halimbawang pangungusap na ginagamitan ng pang-


ugnay.
Ipahahanap sa mga mag-aaral ang mga pang-ugnay na ginamit sa kuwentong “Solampid.”

IV. Ebalwasyon

Gamit ang larawan, bumuo ng hindi kukulangin sa limang pangungusap na ginagamitan


ng pang-ugnay na kondisyunal.

V. Takdang-Aralin

Balangkasin ang kuwento gamit ang “Story Pyramid.”


Banghay Aralin

(Ikaapat na Araw)

I. Layunin

F7PU-If-g-4

Naisusulat ang buod ng binasang kuwento nang maayos at may kaisahan ng mga
pangungusap

II. Nilalaman

A. Paksang-Aralin: “Ang Kuwento ni Solampid,” (Maikling Kuwento)

B. Sanggunian: Rex Interactive: The Online educational portal for teachers, students and parents

C. Mga Kagamitang Pampagtuturo: Kagamitang Multimedia

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain (Balik-Aral)

Magtatanong ang guro tungkol sa tinalakay niya noong nakaraang araw.

1. Pagganyak

Magpapatugtog ang guro ng isang awitin na pinamagatang “Anak” ni Fredie Aguilar

B. Panlinang na Gawain

1. Mga Gawain

a. Paglalahad ng Gawain

Magkakaroon ng maikling talakayan tungkol sa kung bakit nagrerebelde o naglalayas


ang isang anak sa magulang.

2. Pagsusuri (Analysis)

Maglalahad ang mga mag-aaral ng kanilang sariling pananaw/opinion tungkol sa paksang pinag-
uusapan.
 Pangkatang Gawain

Ipapangkat ang mga mag-aaral sa apat na grupo.

Unang Pangkat: Ipaliwanag ang kasabihan nang patalumpati na hindi makatitiis ng magulang
sa kanyang anak.

Ikalawang Pangkat: Isadula ang awiting napakinggan sa pamamagitan ng movement


interpretation.

Ikatlong Pangkat: Magkaroon ng maikling dula-dualaan tungkol sa mapagmahal na


magulang sa kabila ng kanyang pasaway na anak.

Ikaapat na Pangkat: gumuhit ng limang bagay na matatagpuan na nagpapakita ng


pagmamahal ng magulang sa anak.

3. Paghahalaw/Paghahambing

Magbibigay ng pidbak ang guro sa kanyang mag-aaral.

Ibubuod ng mag-aaral ang kanilang natutuhan sa klase.

4. Paglalapat (Aplikasyon)

Magbibigay ang guro ng isang maliit na piraso na papel.

Isusulat nila doon ang kanilang repleksiyon sa “Kuwento ni Solampid” at ang napakinggang
awitin na “Anak”. Pagkatapos ididikit nila ito sa bulletin board na may hugis puso.

IV. Ebalwasyon

Gamit ang story pyramid, isulat ang pagkakasunod-sunod ng kuwento nang maayos sa isang
papel.,k

V. Takdang-Aralin

Magsaliksik ng kahulugan ng dula.

You might also like