You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
STO. ROSARIO NATIONAL HIGH SCHOOL
Minalin, Pampanga
S.Y. 2021-2022

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7


Ika-21 ng Abril, 2022

I. LAYUNIN:

Kasanayang Pampagkatuto:
Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may akda sa bisa ng binasang bahagi ng akda.
(F7PB-Iva-b-2)
a. Natutukoy ang nakapaloob na motibo ng may akda mula sa binasang saknong.
b. Naibibigay ang sariling pananaw mula sa binasang saknong ng Ibong Adarna.
c. Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa motibo ng may akda sa pamamagitan ng pagguhit ng poster.

II. PAKSANG ARALIN:

Ikaapat na Markahan : Modyul1 (Unang Linggo)


Paglalahad ng Sariling Pananaw sa Motibo ng may Akda
Manunulat: Regene M. Baysa

Sanggunian: Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto (Modyul sa Filipino-7)


Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales

Kagamitan: Powerpoint Presentation, Video clip mula sa youtube,

Quizizz, Kahoot (interactive educational application)

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain
• Pambungad na Panalangin (Panalangin ng ROSARIANS)
• Pagtatala ng Liban
• Kumustahan
• Mga Panuntunan sa Online Class (Netiquette)

B. Balik-Aral
• Ang guro ay gagamit ng interactive educational application na QUIZIZZ

C. Motibasyon
• Manonood ng video clip ng awiting-bayan ng taga-Pampanga na may pamagat na
“Atin Cu Pung Singsing”
• Magbibigay ng mga pokus na tanong ang guro hinggil sa awit.

D. Pagpapayaman ng Talasalitaan
• Ang guro ay magpapahula ng mga salita gamit ang mga numero na may katumbas na alpabeto
upang masagot ng mag-aaral ang mga talasalitaan

E. Pagtalakay sa Paksa

• Manonood ng video clip tungkol sa unang bahagi ng Ibong Adarna


( Ang Panawagan ng May-Akda-Saknong 1-6)
• Sasagutin ng mag-aaral ang pag-unawa sa binasa
• Pag-uugnayin ng guro ng ginawang gawain sa kasalukuyang aralin
(Ang guro ay gagamit ng pasalita(verbal) at di-pasalitang( non verbal) komunikasyon sa
pagtatakay)
• Pagtalakay ng paksa tungkol sa pagbibigay ng sariling pananaw sa motibo ng may akda
• Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong sa aralin (gamit ang HOTS)
(hal. Bakit mahalaga ang pagbibigay ng sariling pananaw sa motibo ng may akda?)
• Pagsagot sa mga Gawain sa modyul
(Pinatnubayang Pagsasanay 1 at 2 gamit ang interactive educational application na KAHOOT)

F. Paglalahat

• Ang guro ay magbibigay muli ng paglalahat sa paksang natalakay

Ang motibo ay nangangahulugang dahilan para gawin ang isang bagay na ninanais. Ito ay kaparehas ng
salitang layon, pakay o punto. Samantalang ang paglalahad ng sariling pananaw ay isang paraang ng pagpapahayag
na pagbibigay –linaw sa sariling ideya o opinyon ukol sa paksang pinag- uusapan.

Ang iyong ideya ay isang paraan ng pagbibigay ng sariling pananaw, ngunit alam mo bang may paraan sa
paglalahad ng sariling pananaw? Anu-ano ang mga ito?

D. Paglalapat

• Ang mga mag-aaral ay sasagot ng gawain sa modyul (Pang–isahang Pagsasanay)


Isulat ang sariling pananaw na makikita sa sumusunod na saknong.
Hal.

IV. EBALWASYON:

• Ang mga mag-aaral ay guguhit ng poster na nagpapakita ng sariling pananaw tungkol sa maaring
motibo ng may akda sa binasang bahagi ng Ibong Adarna.

• Ang guro ay magbibigay ng Pamantayan sa Pagmamarka


V. KASUNDUAN :

• Ang mga mag-aaral ay magsusulat ng natutuhan sa araling ito. Gagamitin ang pormat at isusulat
ang sagot sa sagutang papel.

Ika-21 ng Abril, 2022


( Petsa ng Classroom Observation )

Inihanda ni:

Leny S. Ocampo
(Guro sa Filipino 7)

Iniwasto ni:

Merlie E. Lumanog
(Master Teacher I)

Ipinagtibay ni:

JAYSON M. FLORES
(Principal III)

You might also like