You are on page 1of 5

AGUSAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Butuan City

Lesson Exemplar sa Filipino 7


2022-2023

Paaralan AGUSAN NATIONAL HIGH SCHOOL Baitang Ikapito


Guro FILIPINO 7 Asignatura Filipino
LESSON
EXEMPLAR Petsa Markahan Ikatlo
Aralin 3.4
Oras Bilang ng Araw

Lunes - Biyernes
Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
I. LAYUNIN • Masagot ang mga tanong, bakit at paano tungkol
napakinggang/nabasang: Sanaysay: Nang Maging Mendiola
Ko ang Internet Dahil Kay Mama
Naipamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang
A. Pamantayang Pangnilalaman pampanitikan ng Luzon
Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita
B. Pamantayan sa Pagganap (news casting) tungkol sa kanilang lugar
Naibubuod ang tekstong binasa sa tulong ng pangunahin at mga
C. Pinakamahalagang pantulong na kaisipan
Kasanayan sa Pagkatuto
(MELC) Naipaliliwanag ang kahulugan ng salitang nagbibigay ng hinuha
D. Pagpapaganang Kasanayan Nakagagawa ng isang dokyumentaryo.
Panitikan: Sanaysay: nang Maging Mendiola Ko ang Internet Dahil Kay
Mama
II. NILALAMAN

Gramatika: Pahayag na Ginagamit sa Paghihinuha ng mga Pangyayari


Videos, audio speaker, laptop/cellphone, yeso, pambura
III. KAGAMITAN PANTURO

A. Mga Sanggunian

a. Mga Pahina sa Gabay ng K to 12 MELC with Corresponding CG Codes: (pp. 71-72)


Guro K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino (pp. 144-145)
b. Mga Pahina sa Kagamitang Panitikang Rehiyonal (pp. 233-247)
Pangmag-aaral
Panitikang Rehiyonal (pp.)
c. Mga Pahina sa Teksbuk

c . Karagdagang Kagamitan mula


sa Portal ng Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Teksbuk
Panturo para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN

Paunang Pagtataya (Pre-Assessment)


Ipapangkat ng guro sa apat ang klase. Magpapakita ng larawan at
isasagawa ang pagtugon sa mga tanong na ibabahgai sa bawat pangkat.

A. Introduction (Panimula)
Pangkat 1: Ano ang nakita ninyo sa larawan? Suriin at ipaliliwanag sa
pamamagitan ng pagbuo ng isang saknong na tula.
Pangkat 2: Ano sa palagay ninyo ang dahilan bakit nagkaroon ng
ganitong uri ng pagtitipon? Ilahad ang sagot sa pamamagitan ng
isang rap.
Pangkat 3: Sa kasalukuyan, sa anong paraan ipinahahayag ng mga
kabataan ang kanilang mga saloobin? Ilahad ito sa pamamaraang
pa-Tiktok.
Pangkat 4: Paano tinutugon ng mga magulang ang hinaing ng
kanilang mga anak? Ilahad ang tugon sa pamaraang pa-Dula.
Ilalahad ng bawat pangkat ang kanilang nabuong gawain sa klase.
Paghahabi sa Layunin
Itatanong sa klase ang nasa ibaba ang isang palaisipan. Tatalakayin
ang kanilang mga hinuha.
Sabi ni Jose P. Rizal: “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”. Sa
inyong obserbasyon sa takbo ng pag-iisip ng ilang kabataan kung di
man lahat, masasalamin ba ang mensahe ng pahayag na ito ni Jose
P. Rizal?
Pagganyak
Ipanood ng guro ang isang video. Susuriin ang nilalaman nito sa
pamamagitan ng pangkatang gawain.
https://youtu.be/h6me4mFL8_I
Pangkat 1: Sa pagsusuri sa video, magbigay ng limang (5) magandang
dulot sa paggamit ng Internet, isulat sa manila paper. Ipaliwanag ang
bawat sagot sa klase.
Pangkat 2: Sa pagsusuri sa video, magbigay ng limang (5) masamang
dulot sa paggamit ng Internet, isulat ito sa manila paper. Ipaliwanag
ang bawat sagot sa klase.
Pagtalakay sa aralin
LINANGIN
Ipanonood/Iparirinig ang isang video/audio at ipasasagot ang mga
gabay ng tanong.
https://youtu.be/dSwrGxbVwLs
Mga Gabay na Tanong:
1. Tungkol saan ang napanood/narinig na video/audio?
Ipaliwanag.
2. Ano ang kaibahan ng pormal at di-pormal na sanaysay?
Ipaliwanag.
B. Development 3. Paano nakatutulong ang pagsulat ng sanaysay sa
(Pagpapaunlad) pagpapahayag ng saloobin?
Ipanonood/Iparirinig ang isang halimbawang sanaysay sa klase at
isasagawa ang talakayan ng nilalaman nito sa pamamagitan ng
pangkatang gawain.
https://youtu.be/SgRAYos3pwk
Panuto: Bumuo ng apat na pangkat. Suriin ng bawat pangkat ang
ibinigay na gawain, tatalakayin at ilahad ang mga sagot na nakasulat
sa manila paper.
Pangkat 1: Ipaliwanag ang pahayag sa tanong sa tulong ng Fish bone
graph.
1. 2. 3.

Ano-ano ang inilahad sa


sanaysay na
napanood/napakinggan?

4. 5. 6.
Pangkat 2: Sa pamamagitan ng sequence chart, ilahad ang tugon sa
tanong.

Paano ipinahayag ng may-akda ang kanyang saloobin?

Pangkat 3: Sa pamamagitan ng Web Chart, ilahad ang tugon sa


pahayag mula sa sanaysay. Tukuyin ang ibig ipahiwatig ng pahayag:

“Bibigyan tayo ng Diyos ng


bibig para makapagsalita at
utak para makapag-isip?”

Pangkat 4: Sa pamamagitan ng graphic organizer, ilahad ang tugon sa


tanong: Paano nakatutulong ang sanaysay sa pagpapahayag ng
sariling hinuha tungkol sa sariling karanasan, sariling saloobin, opinion at
damdamin ng tao?

Sariling karanasan Sariling saloobin

SANAYSAY
Opinyon Damdamin ng tao

PAGSASANIB NG GRAMATIKA
May ipanonood/iparirinig na video/audio ang guro sa klase.
Tatalakayin ang mga gabay na tanong. Pagkatapos ay papangkatin
ang kalse sa apat at ibibigay ang kani-kanilang gawain.
C.Engagement
https://youtu.be/btdBtBNoJt0
(Pagpapalihan)
Mga Gabay na Tanong:
1. Ano ang tinalakay sa video na napanood?
2. Paano nakatutulong ang pagbuo ng hinuha sa pagpapahayag
ng saloobin at sariling karanasan?
Panuto: Bawat pangkat ay bibigyan ng iba’t ibang sitwasyon. Kaugnay
nito, sumulat ng sanaysay na di-pormal ayon sa inyong saloobin o
pag-unawa gamit ang mga salita sa paghihinuha.

Halimbawa: Medyo bumaba ang grado ng ilang mag-aaral sa


Ikalawang Markahan.
Sagot: Marami ang mga mag-aaral na halos bumaba ang grado sa
Ikalawang Markahan. Sa tingin ko, ang pinakadahilan ay naging
kumpyansa at hindi binigyang-pokus ang pag-aaral ng mga leksyon.
Tila nasa isip ng mga mag-aaral na pagbibigyan pa rin ng mga guro
kahit na hindi masyadong malalaki ang mga iskor sa mga pasulit.
Marahil rin ay madalas na pagliban sa klase at hindi nakasali sa pasulit
ng mga asignatura.

Pangkat 1: Sitwasyon: Lumiban sa klase ang tatlong mag-aral at


napag-alaman na sila ay nasa Internet Café.
Pangkat 2: Nagpadala ang isang dalaga ng larawan sa kanyang
chatmate na ipinakilala ng kanyang kaibigan.
Pangkat 3: Napagsabihan ang isang babaeng mag-aaral ng kanyang
guro dahil sa palaging pagsusuot ng “croptop” sa loob ng
klase.
Pangkat 4: Ang isang mag-aaral ay nagpost sa Fb ng isang mensahe
ng hindi magagandang pananalita laban sa isa sa
kanyang kamag-aral.
Bibigyan ng pagkakataon ang lahat ng pangkat ilahad ang mga nagawa.
Magbibigay ang guro ng karagdagang imporamsyon kaugnay sa paksa at sa mga
nagawa ng mga pangkat.
ILIPAT
Sa bahaging ito, isasabuhay ng mga mag-aaral ang kaalamang natutunan sa aralin
sa papamagitan ng sumususunod na gawain.

Bilang isang reporter, kasama ang iyong field reporter,


scriptwriter, researcher, at cameraman gagawa kayo ng isang
dokumentaryo tungkol sa Ang Mundo sa Hinaharap. Narito ang
mungkahing pamantayan sa pagsasagawa ng dokumentaryo.
A. Iskrip
D.Assimilation (Paglalapat)
Naglalaman ng napapanahong isyu ………….. 5 puntos
Nagmumungkahi ng solusyon …………………… 5 puntos
Maayos ang daloy ng iskrip ……………………… 5 puntos
B. Pagtatanghal
Tinig ……………………………………………………. 5 puntos
Teknikal na Aspeto …………………………………. 5 puntos
Dating sa manonood ……………………………… 5 puntos
KABUUAN …………………………… 30 puntos
V. PAGNINILAY Panuto: Dugtungan ang pahayag……
Dati ang alam ko sa paghihinuha ay _______________.
Ngayon ang kaalaman ko tungkol sa paghihinuha ay ____________.
VI. Sumatib na Pagsusulit Panuto: Basahin ang bawat aytem at ibigay ang tamang sagot.
A. Tukuyin ang impormasyong hinihiling sa sumusunod:
1. Akdang nagpapahayag ng sariling pananaw, opinion at
damdamin tungkol sa isang mahalagang paksa. Ano ito?
2. at 3. Ano-ano ang dalawang uri ng sanaysay?
4. Uri ng sanaysay na ang pananalita ay karaniwang himig
lamang at tungkol sa sariling karanasan.
5. Sanaysay na binubuo sa pamamagitan ng maingat na pagpili
ng paksa at ginagamitan ng matatalinghagang pahayag.

B. Lagyan ng ang patlang kung ang pangungusap ay nagsasaad


ng hinuha at X kapag ang isinasaad ay hindi naghihinuha.
____6. Sa palagay ko, makakakuha siya ng mataas na marka dahil lagi
siyang nag-aaral.
____7. Maaaring gumanda ang buhay ng taong may pera at masipag
magtrabaho.
____8. Laging sundin ang payo ng mga magulang upangmaging
maayos ang kinabukasan.
____9. Di malayong umabuso sa kapangyarihan ang taong may
mataas na posisyon sa pamahalaan.
___10. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
VII. Takdang-aralin Panuto: Sumulat ng isang sanaysay gamit ang mga salita sa
paghihinuha tungkol sa inyong sariling karanasan.
Pamantayan:
Nilalaman……… 4
Wika…………….. 3
Pagkakabuo….. 3
Kabuuan--------10

Naghanda: LAHAT NG GURO SA FILIPINO 7

Sinuri ni:
ANGELITO F. AGUSTIN
SSHT-III, Filipino

You might also like