You are on page 1of 40

PANALANGIN

Paalaala sa Kalusugan
 Siguraduhing magsuot ng mask lalung-lalo na
kapag may karamdamang iniinda kagaya ng ubo,
sipon at lagnat upang maiiwasan ang hawaan sa
klase.
 Ugaliing maghugas ng kamay bago at
pagkatapos kumain .
 Ugaliing magsipilyo pagkatapos kumain.
Paalaala sa Kalinisan sa Klasrum
Bago umupo ayusin muna ang mga
upuan at pulutin ang mga basura sa
tapat ninyo at itapon sa tamang
basurahan.
• Pagpuna sa Pumasok at Lumiban
Sa oras ng talakayan at mga aktiviti, gawin ang
sumusunod:

Makinig
Makilahok
Mag-enjoy
Balikan ang nakaraang leksiyon…
Sagutin ang sumusunod:

1. Ito’y mga salitang pampanitikan, isinatitik sa mga aklat.

2. Ito’y mga salitang karaniwang ginagamit sa isang partikular


na pook kung saan ito nagmula at ginagamit.

3. Ito’y mga salitang madalas na ginagamitan ng pagpapaikli o


pagkakaltas o di kaya’y pagbaligtad ng mga posisyon
ng pantig.
Balikan ang nakaraang leksiyon…
Sagutin ang sumusunod:

4. Sa anong antas napabilang ang mga salitang “werpa


at yorme”?

5. Sa anong antas napabilang ang mga salita


sa pahayag na “Napaligaya mo ang
nagdadalamhati kong kalooban”?
AKTIVITI
Panoorin ang Audio/Bidyo…
Pagkatapos mapanood/marinig ang
audio/bidyo, sagutin ang sumusunod
na mga katanungan kaugnay dito.
1. Anong uri ng pagdiriwang ang
pinag-usapan sa pakikipanayam?

2. Anu-ano ang mga layunin ng


pagdiriwang ng “National Women’s
Month” ngayong taon?
3. Sa iyong pananaw, sang-ayon ka ba
sa pagdaraos ng pagdiriwang na
nabanggit sa bilang 2?
Bakit Oo? Bakit Hindi?
PANGKATANG GAWAIN

Pangkat 1- Sa tulong ng FLOW CHART,


magbigay ng mga pangyayaring
nagpapakita ng diskriminasyon at pang-
aabuso laban sa mga kababaihan.
PANGKATANG GAWAIN

Pangkat 2- Sa pamamagitan ng Spider


Map magtala ng mga programa ng
pamahalaan para masugpo ang
diskriminasyon at pang-aabuso sa mga
kababaihan.
PANGKATANG GAWAIN

Pangkat3- Sa pamamagitan ng Umbrella


Organizer, isa-isahin ang mga bagay na
maaari mong gawin upang makatulong sa
pagsugpo ng diskriminasyon at pang-aabuso
sa mga kababaihan.
ANALISIS

Sagutin pagkatapos ng pangkatang


presentasyon o pag-uulat ng kani-kanilang
mga sagot sa pangkatang gawain.
1. Ano ang paksa ng bidyong napanood?
2. Sa anong buwan ipinagdiriwang ang
Pambansang Buwan ng mga kababaihan?
3. Kaya ba nating kontrolin ang mga
pangyayaring may kaugnayan sa
diskriminasyon at pang-aabuso sa mga
kababaihan? Papano?
4. May kakikilala ba kayo na nakararanas ng
diskriminasyon at pang-aabuso? Papaano nila ito
nalampasan at napaglabanan?
5. Papaano mo mahihikayat ang mga kabataang
tulad mo na nakarananas ng ganitong pangyayari
na magsalita at ipagpatuloy ang kanilang buhay?
ABSTRAK
Pagpapalalim sa Paksa
Mga Ekspresyon na nagpapahayag ng
Pananaw
(Pakinggan/Panuorin ang audio/bidyo
tungkol dito)
https://youtu.be/r4wnH3SpOP4
Mga Uri ng Ekspresyong nagpapahayag ng
Pananaw

1. ayon sa, batay sa, alinsunod sa, sang-ayon sa


2. Sa paniniwala, akala, pananaw, paningin,
tingin, palagay, ni/ng
3. inaakala, pinaniniwalaan, iniisip
4. Sa ganang akin, sa tingin, akala,
palagay ko

Halimbawa:
Sa tingin ko, nasa tao ang pagpapasiya kung
ano ang gusto niyang tatahaking landas.
Mga Uri ng Ekspresyong Nagpapahayag ng
Pangkalahatang Pananaw
1. Sa isang banda, sa kabilang dako

Halimbawa: Sa kabilang dako, dapat na


ipagpapatuloy ng pamahalaan ang pagsusubaybay
sa mga lokal na pamahalaan.
2. Samantala

Halimbawa: Samantala, nasa sa tao na


mismo ang desisyon kung sino ang
kandidatong kanilang pipiliin.
Pagsasanay
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto.
Gamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng
konsepto ng Pananaw ay sumulat/bumuo ng
sariling pangungusap batay sa tiyak na sitwasyon.
Tinawag na nakakakilabot ang nararanasang
pang-aabuso ng mga kababaihan. Sa buong
mundo, 31 porsiyento ng mga kababaihan na may
edad, 15 hanggang 49 o 850 milyong babae ang
nakararanas ng pisikal o seksuwal na pang-
aabuso.
Dahil karamihan sa mga biktima ay tikom ang
bibig dahil sa kulturang kinagisnan.

Ayon sa author na si Claudia Garcia


Mordeno ,kailangan bigyan ng pansin ng gobyerno ang
kahirapan ,na nagging sanhi para mabilanggo ang isang
babae sa isang mapang-abusong relasyon.
Ayon kay Howarth, simple lang ang
solusyon ng ganitong problema, kailangan
lang ipakita ng mga magulang sa mga anak sa
loob ng tahanan, ang tunay na pagmamahal at
respeto sa bawat isa na siyang kailangan sa
isang masayang relasyon.
1. Nais mong ilahad sa iyong kausap ang
pananaw ng isang eksperto tungkol sa
isyung inyong pinag-uusapan. (Ayon kay…)
2. Naisip mong mayroon pang ibang anggulo o
pananaw na dapat maipaliliwanag sa isyung
tinalakay.(Sa isang banda…)
3.Tinatanong ng iyong kausap kung ano ang iyong
sariling pananaw hinggil sa isyung inilahad. (Sa
ganang akin…)

4. Nais mong bigyang-diin ang pinagbabatayan ng


iyong pananaw mula sa ibang sanggunian. (Ayon
sa …)
5. Sa iyong pakikilahok sa matalinong
talakayan, nais mong ipahayag ang iyong
posisyon o panininindigan sa isyung
tinalakay o pinag-uusapan. (Sa aking
paniniwala/paninindigan…)
APLIKASYON
Bilang isang mag-aaral/kabataan, papaano ka
makatutulong sa mga kababaihang nakararanas
ng diskriminasyon at pang-aabuso?
Sumulat ng tatlong hakbang na kaya mong
maisakatuparan.
A. (sagot)
B. (sagot)
C. (sagot)
III.EBALWASYON
(Indibiduwal na Gawain)
Panuto: Kilalanin mula sa mga pangungusap
ang mga salita o pariralang nagpapahayag ng
konsepto ng pananaw sa pamamagitan ng
pagsalungguhit sa mga ito.
1. Ayon sa pahayag ni Senator Raffy Tulfo, sa
pagdinig sa kaso ng pagsunog at pagpatay sa
pinay na OFW, nananawagan siyang ihinto
pansamantala ang pagpapadala ng mga
kasambahay o domestic helper sa bansang
Kuwait.
2. Alinsunod sa Republic Act 9272 Anti-Violence
Against Women and Their Children or VAWC Act
of 2004, may kalakip itong parusang
pagkakakulong sa sinumang lalabag dito.
3. Sa isang banda, hindi lahat ng mga mapang-
abuso ay mga kalalakihan, may mga kaso ring
naiulat na ang naging biktima ay ang mga
kalalakihan.
4. Sa aking paniniwala,maraming mga naging biktima
ng pang-aabuso at diskriminasyon ang piniling
tumahimik dahil sa takot at hiya.
5. Sa akala ng karamihan, madali lang harapin ang
kalagayan ng isang biktima ng pang-aabuso at
diskriminasyon pero ang katotohanan ay kailangan pa
nitong sumailalim sa counseling ng isang eksperto at
matinding pag-unawa at suporta ng mga taong malapit
sa kanya.
Takdang–Aralin

Panuto: Sumulat ng tigdadalawang


pangungusap gamit ang apat na antas ng wika.
Maraming salamat at kasiyahan nawa
tayo ng Poong Maykapal…
Paalam na sa inyo at hanggang sa
muli…
Inihanda ni:
Marife M. Coco
03/22/2023

You might also like