You are on page 1of 5

JENICA V.

SANTOS
BSBA-HRM / 1A
III. Teaching and Learning Materials and Resources

Libro: Sipat: Araling Filipino Wika, Edukasyon, Kultura at Midya

IV. Learning Task

A. Basahin at Suriin ang katanungan: Isulat ang saloobin sa nakalaang espasyo sa ibaba. Tiyakin
na may maayos at maliwanag na paliwanag sa bawat pahayag. Huwag maging paligoy ligoy ang
sagot.

1. Paano nagbibigay - dunong, kaalaman at kasiyahan ang panonood ng mga palabas sa


telebisyon?

Sa pamamagitan ng panonood, nagbibigay ito ng mas malawak na pag-unawa at


kamalayan sa mundong ating ginagalawan. Ito rin ay naghahatid ng kaagarang impormasyon
ukol sa mga napapanahong isyu at pangyayari. Halimbawa na lamang sa panahon ngayon ng
pandemya na halos lahat ng tao ay nasa bahay lamang na ang isang libangan ay panonood ng
telebisyon, isa ito sa nagsisilbing libangan sa mga tao upang maibsan ang kanilang kalungkutan.

2. Sa pamamagitan ng panunuod ay nalilinang ang mapanuring pag - iisip sa mga palabas.


Magbigay ng isang palabas na napanuod at suriin kung paano nito nabuksan ang inyong
kaisipan at kamalayan na humubog sa iyo bilang isang tao.

“Enola Holmes”

Sa palabas na ito, natutunan kong minsan sa buhay ay kailangan mong mapag-isa para
makilala ang sarili at malaman ang kakayahan mo bilang isang tao.

3. Sa kababaihan, Ano ang inyong saloobin sa mga kababaihan na ginagamit ng mga


pelikula, palabas o advertisement bilang palamuti sa mga usaping pangsekswal? Paano
nito binago ang inyong pananaw hinggil sa identidad ng pagkababae?

Ang paggamit ng kababaihan sa pelikula, palabas o advertisement bilang palamuti ay


nagsisilbing paraan upang mapukaw ang atensiyon ng manonood at mamimili. Isa rin itong
paraan upang mas maging kapani-paniwala sa mga manonood ang mga produktong kanilang
ineendorso.

Binago nito ang aking pananaw hinggil sa identidad ng pagkababae sa pamamagitan ng


pagbibibgay ng respeto sa aking sarili at kahalagahan sa aking katawan.

4. Sa kalalakihan: Ano ang inyong saloobin hinggil sa mga kalalakihan na ipinakikita ang
mga hubog ng kanilang mga katawan sa mga produktong ine - endorse sa telebisyon?
Paano nito nababago ang kultura ng pagkamaginoo ng isang lalaki?
JENICA V. SANTOS
BSBA-HRM / 1A
Ang pagpapakita ng hubog ng katawan ng mga kalalakihan sa mga produktong ine -
endorse o advertisement ay nagsisilbi ring paraan upang mapukaw ang atensiyon ng manonood
at mamimili. Isa rin itong paraan upang maging mas kapani paniwala ang produkting kanilang
ineendorso.

5. Sa pamamagitan ng panonood ay unti - unti nitong inaalipin ang kaisipan ng mga tao sa
makabagong mundo na puno ng karahasan, paano ang isang kabataan ay kakawala sa
ganitong uri ng kaganapan sa mga palabas sa telebisyon?

Sa ganitong uri ng kaganapan sa mga palabas sa telebisyon, ang gabay at striktong


patnubay ng magulang ang kailangan upang mapigilan at maibsan ang kaisipan ng mga kabataan
sa makabagong mundo na puno ng karahasan. Mas mainam ring maituro ng mga nakakatanda sa
mga kabataan ang ganitong uri ng isyu upang alam nila sa kanilang mga sarili ang limitasyon sa
panonood sa mga ito.
JENICA V. SANTOS
BSBA-HRM / 1A
B. Panuto: Sa mga napakinggang programang pantanghalan sa radyo. Pumili ng isang
programang pantanghalan sa telebisyon. Sa pakikinig at panonood, pag - ukulan ng pansin ang
paraan ng pagkakagamit ng wika na nasa programa. Pagkatapos nito, punan ang sumusunod na
kahon sa pamamagitan ng paglalarawan kung paano natamo ng programang napanood ang mga
kahalagahan ng wika sa lipunan.

Radyo Telebisyon

1. Nagpapadaloy ng kaisipan

2. Nagpapabago ng sistema
JENICA V. SANTOS
BSBA-HRM / 1A

3. Nagbubuklod sa mga tao

4. Nag - iingat ng kasaysayan


JENICA V. SANTOS
BSBA-HRM / 1A

5. Nagtataguyod ng kultura

V. References

Saguinsin, Israel DC. et. al, Sipat: Araling Filipino Wika, Edukasyon, kultura at Midya, St
Andrew Publishing House, Inc, 2007

You might also like