You are on page 1of 7

Pangalan: Galang, Steve Brian S.

_____________Marka:______________
Kurso/Seksiyon: BSIT-1L___________________Petsa: Mayo 27, 2021___
 
 
A.  Ipaliwanag ang iyong mga ideya para sa mga sumusunod aytem. 
(Limang puntos bawat isa)

1. Sa palagay mo, bakit kaya marami sa mga akda sa unang bahagi ng


Panahon ng Kastila ay natutok sa mga akdang panrelihiyon kalakip ang
mangilan-ngilang akdang hinggil sa kagandahang-asal?

Dahil noong dumating ang mga kastila sa Pilipinas, nawala at


pinasunog ang mga sinaunang akda ng ating mga ninuno na ang
karamihan ay nakatuon sa kagandahang asal. Kasabay ng pagbabago
ng pamumuhay at panitikan ng mga Pilipino sa Panahon ng Kastila,
naghangad din ang mga mananakop na ipalaganap ang kanilang
relihiyon na Kristiyanismo sa pamamagitan ng mga akdang
panrelihiyon.
 
2. Sa iyong palagay, makatwiran kaya na ang isa sa mga hiniling ng
mga propagandista ay gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas
noong Panahon ng Kastila? Bakit?

Sa aking sariling opinion, makatwiran ang hiniling ng mga


propagandist na gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas dahil ang
hangarin nilang ito ay magreresulta pantay na pagtingin sa mga Pilipino
at mga Kastila sa harapan ng batas at naglalayon din ito ng kalayaan
sa matiwasay na pagpupulong, paglalathala, pagsasabi ng mga pang-
aabuso at ano mang problema sa pamahalaan, sa madaling salita ay
bibigyan ito ng pantay na kalayaan ang mga Pilipino.
 
 
Gumawa ng isang kasabihan hinggil sa kagandahang asal o relihiyon. 
Pagkatapos, ipaliwanag sa ibaba nito kung anong klaseng impluwensiya o
implikasyon ang dulot ng nabuo mong kasabihan sa mga makakabasa nito. 

Ang tunay na karangalan ay nag-uumpisa sa paggalang sa mga magulang.

Malaki ang magiging impluwensya at implikasyon nito sa mga kabataang upang


mapagtanto nila na nagsisimula sa pagiging mabuting anak ang pagiging isang
makatao na magbibigay ito ng karangalan at gaan ng loob sa magulang dahil iisipin
nila na kahit na mababa lang ang narating ng kanilang anak, alam nilang ito ay hindi
gagawa ng masama at ipagpapatuloy lang ang kanilang mabuting pamumuhay.
 
B.   Basahing mabuti ang mga tanong at sagutin ang mga ito nang
komprehensibo sa mga inilaang linya.
 
1. Sa palagay mo, ano ang mga karunungang kailangang matutuhan ng mga
lingkod-bayan sa aral ito ni Urbana kay Modesto? “Pag-aakalain ang sariling
karunungan, kabaitan at lakas, itimbang sa kabigatan ng katungkulan, at
kung ang lahat ng ito'y magkatimbang-timbang, sa kapahinuhod ang
loob sa pagtanggap ng katungkulan…”

Ang ibig sabihin lang nito ay ang karunungan ay nakalaan para sa lahat
ng tao ngunit ang tamang karunungan ay natatamo lamang ng taong may
puso. Sa mundong ito, may dalawang uri ng paggamit ng karunungan. Ang
karunungan na para sa masama at ang isa naman ay para sa mabubuti. Ang
tamang karunungan ay nasa taong may mabuting puso lamang. Ang
karunungan na inaangkin ng mga masasamang loob ay hindi maituturing na
karunungan dahil hindi ito nakakatulong sa marami. Ito ay kasakiman na dulot
ng makitid na utak.

2. Sa tatlong katangiang binanggit sa itaas na karunungan, kabaitan at lakas,


alin sa tingin mo sa tatlong ito ang kapos na kapos ang maraming politiko sa
kasalukuyang pamahalaan?  Bakit mo ito nasabi?

Sa aking palagay, ang kabaitan ang kapos na kapos na katangian ng


mga nanunungkulan sa kasalukuyang pamahalaan dahil sa ating panahon
ngayon, samot-sari ang mga balita patungkol sa pangungurakot at
pananamantala ng karamihan ng politico sa Pilipinas, is ana rito ang sika na
sikat na “extrajudicial killings” ng administrasyong Duterte at ang pagnanakaw
ng mga opisiyal sa departamento ng PhilHealth na15 bilyon na galing mismo
sa kabay ng bayan na pinaghirapang pagtrabahuhan at bayaran ng mga
mamamayang Pilipino.

3. Sa iyong pagsusuri ng mga ideyang itinampok sa tulang “May Bagyo Ma’t


May Rilim”, ano-anong kaisipan sa akda ang nakapaghulma sa kamalayan ng
mga Pilipino na paborable para sa layunin ng mga Kastilang sakupin ang ating
bayan? Ipaliwanag ang iyong mga punto.

Ang mga Kastila, na siyang nagdala ng Kristiyanismo sa ating kapuluan


ay may pansarili ring motibo sa kanilang pananatili dito at ito ang “Three G”
kung tawagin ay “God, Gold and Glory”. May kaisipan rin sa akda na ang nais
itatak ng may-akda sa kanyang mga mambabasa na silang mga Kastila ang
nagdala ng liwanag sa kapuluan. At dahil dito, napakalaking pagkakautang
ang dapat na pagbayaran ng mga katutubo. Maaaring isa lamang ito sa
kanilang mga paraan upang tuluyang mahimok ang mga Pilipino na yakapin
ang relihiyong kanilang ipinakikilala.
4. Sa iyong obserbasyon, paano nasasamantala ang pagiging relihiyoso ng
mga Pilipino sa kasalukuyan? Magbigay ng ilang konkretong senaryo upang
higit na luminaw ang iyong mga ideya.

Sa gitna ng mga kaganapan sa ating kasalukuyan na panahon, hindi


natin maitatanggi ang mahalagang gampanin ng ispiritwalidad at relihiyon sa
ating buhay bilang isang bansa. Ginagampanan ng bawat tao ang kanilang
tungkulin bilang miyembro ng isang relihiyon at may kanya-kanya silang
pamamaraan ng pananampalataya. Masakit isipin na may mga bumabatikos
sa ikinamulatan mong pananampalataya. Kaya hindi maiiiwasan na may ibang
talagang ipinagtatanggol nila ang kanilang relihiyon. May mga pagkakataon pa
na nagkakasakitan ang mga tao dahil sa diskriminasyon sa relihiyon at
nagdudulot rin ito ng panloloko at pagsasamantala sa ibang mga Pilipino
upang mahingan sila ng donasyon na sinasabi ng iba na makakatulong sa
kanila upang mapalapit sa kaharian ng Diyos.
 
 
 
Repleksiyon
Magsulat ng isang maikling replektibong sanaysay hinggil sa tanong na ito:

“Ano sa tingin mo ang iba pang malalalim na implikasyon o naibungang mga akdang
panrelihiyon at pangkagandahang asal noong Panahon ng Kastila sa paghubog sa
kaisipan at mga gawing mga Pilipino sa kasalukuyan?”  Magbigay ng ilang tiyak na
halimbawa.

Sa aking palagay, masasabi kong nagkaroon ng malaking impluwensya at


implikasyon ang akdang “May Bagyo ma’t may Rilim” sa mga mamamayang Pilipino
sa kasalukuyang panahon sapagkat Kung ang ating mga ninuno ang sumulat ng
tulang ito, mababasang matayog ang ating pagtingin sa bagong paniniwala at lubos
din ang ating pagbibigay pugay sa paring nagdala sa atin nito. Nagbigay rin ito ng
kaisipan na nakaimpluwensya sa atin na ang ating bagong relihiyon o
pananampalataya ang siyang nagdala sa atin ng katahimikan ng loob at kaligtasan.
Tiniwalag tayo nito sa dating sakit at dusa na ating tinamasa at ito ay binigyang
sagisag ng mga salitang ‘bagyo’, ‘dilim o rilim’ at ‘ola o ulan’.

:Ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang ibig sabihin ng akdang ‘HulingPaalam” na isinulat ni Dr. Jose Rizal?

Ang akdang ito ay may nais iparating na mensahe hinggil sa


pagbubuwis ng buhay para sa bayang Pilipinas, nais ni Dr. Jose Rizal
iparating na ang mamamatay para sa bayan ay may dulot na kaginhawaan,
para sa mga henerasyong magmamana nito, nais niyang maging aral ito sa
atin upang mamulat at huwag matakot manindigan at magbuwis ng buhay
para sa bayan. Para kay Dr. Jose Rizal, ang mamatay para sa bayan ay isang
malaking karangalan at isa sa pinakamagiting na paraan ng pagpapakita ng
pagmamahal sa Inang Bayan, hindi dapat ito pagsisihan sa halip ay maging
hamon at inspirasyon sa lahat ng mga Pilipino na mahalin at paglingkuran ang
bayan ng walang pag-aalinlangan.

2. Paano mo maihahalintulad ang mga pangyayari noong panahon ng


paghihimagsik sa mga isyung panlipunan sa kasalukuyan? Maaaring pumiling
isang akda at ibatay ito sa kasalukuyang pangyayari sa ating lipunan.

Maihahantulad ko ang katamaran nating mga Pilipino noong unang


panahon at ngayong kasalukuyan dahil sa mga akdang “Sobre la indolencia
de los filipinos” at “La Solidaridad”, Tinalakay ni Rizal ang mga dahilan kung
bakit pinaratangan tamad ang mga Pilipino. Ipinaliwanag ang mga maaaring
dahilan na nakita ng mga Kastila na naging tamad ang mga Pilipino at sa “El
Progreso de Filipinas”, inamin ang katamaran ay laganap sa mga Pilipino. Ang
mainit na klima ang pinakaunang naging sanhi ng katamaran. Ang isang oras
sa ilalamin ng araw ng Pilipinas ay parang maghapanunang gawa sa mga
temperate regions. Ginawang sakit ang katamaran at mas magiging malubha
ito kapag maling lunas ang binigay. Ang lahat nito ay nagpatunay na ang
Pilipino ay hindi likas na tamad.

1. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga sumusunod na akdang nailimbag ng


ating mga bayani sa kasalukuyan?

Sa kasalukuyang panahon, nakakalimutan na ng lipunan ang mga


bayani at ang kanilang mga isinulat na mga akda. Ang pinakabantog na mga
akda ay galing kay Dr. Jose Rizal, ang mga gawa niya ay isa sa mga
nagbukas sa mga mata ng Pilipino para hindi abusuhin ng mga Kastila. Kung
tatanggalin man ng kagarawan ng edukasiyon ang pag- aaral tungkol sa mga
gawain ni Jose Rizal, tutol ako dito. Ito ay dahil palagay ko ay marami maaring
matututunan ang mga tao dito at maaaring gamitin sa ating buhay.

Mahalagang pag-aralan ang mga akda ng ating mga bayani. Ito ay


dahil marami siyang mga itinuturo na pwedeng magamit sa ating pang- araw
araw na mga gawain. Ang isa sa mga ipinakita na pwedeng magamit sa ating
buhay ay ang pagiging matatag. Maari nating gayahin ang mga kaisipan ni
Rizal na maging matatag at pagkakaroon parin ng tiwala kahit lumok na ang
mga Pilipino sa ilalim ng mga Kastila. Ang pangalawang dahilan kung bakit
importante ang pag-aaral ng mga sulatin ng mga bayani ay dahil malalaman
natin kung ano ang kaisipan nila sa panahon ng mga Kastila na nagbigay
daan at isipan sa ating mga ninuno upang lumaban at lumaya sa mga
banyagang mananakop.
2. Ano ang ipinahihiwatig ng akdang “Sa Kabataang Pilipino “na isinulat ni Dr. Jose
___Rizal?

Ang tulang ito ang kauna-unahang lantarang pagpapahayag ni Rizal ng


kaniyang damdaming makabansa. Hinihimok niya ang kabataang Pilipino
upang mamukadkad at linangin ang kaniyang masisining na katalinuhan,
tinatawag itong Magandang Pag-asa ng Bayan Kong Mutya, na ngayo’y isang
pariralang malimit banggitin. Sa tula’y ipinahahayag na ang Pilipinas ay bayan
ng mga Pilipino at ang salitang Pilipino ay unang ginagamit upang tawagin
ang mga katutubo ng Pilipinas, hindi ang mga kastilang ipinanganak sa
Pilipinas, na siyang gamit ng salitang ito. Nakapaloob sa tulang ito na ang
mga Kabataang Pilipino ang bida, matatalino at napaka henyo at sa
pamamagitan ng edukasyon, kaya nilang hulmahin ang kanilang kinabukasan

Repleksyon :

Panuto: Bilang isang kabataang mapagmasid, ano sa tingin mo ang mga


makabuluhang silbi ng pagbibigay ng puna ng mga mamamayan laban sa mga
kapalpakan at pagmamalabis ng mga nasa poder ng kapangyarihan (hal. 
pamahalaan)? 
Maglahad ng mga espisipikong senaryo sa Pilipinas na kung saan nagkaroon ng
magandang resulta ang mga pagpunang ito lalo na ngayong pandemya.

Ang isa sa mga halimbawa ng magandang resulta ng pakikibaka o pagpuna ng


sambayanang Pilipino ay noong ginaganap ang Batas Militar sa pamamalakad ni
Ferdinand Marcos. Bilang isa sa mga institusyong itinatag upang magbantay at pigilan
ang muling pagsasailalim natin sa mapanupil na pamamalakad, matinding pakikiisa ang
ipinaparating ng Komisyon sa mga Karapatang Pantao sa bawat Pilipino na patuloy na
naninindigan laban sa paninikil ng ating mga karapatan at kalayaan.

Hindi nakasalalay sa mga institusyon lamang ang paggigiit ng karapatan at


pagbabantay sa pagmamalabis sa kapangyarihan. Bawat isa sa atin ay kinakailangang
maging kritikal at mapagmatyag sa mga ipinapalaganap na kasinungalingan ng mga
mapagsamantala at walang tunay na malasakit sa masa. Ngayong nasasadlak ang
bansa at buong mundo sa isang pangkalusugang krisis, mahalagang malasakit sa tao
at pagpapahalaga sa dignidad ng lahat ang gawing gabay natin bilang isang lipunan.
Hindi nakukuha sa dahas ang solusyon at kapayapaan. Hindi magagamot ng baril ang
mga may sakit, at hindi pagmamalupit ang mag-aahon sa atin mula sa hirap. Sa huli’t
huli, nakita na natin kung gaano kalakas ang puwersa ng taumbayan kapag sinabi
nating tama na, sobra na ang panggigipit. Kaya obligasyon mo bilang isang Pilipino na
huwag hayaang makuha ninuman ang kapangyarihang mayroon tayo bilang mga
mamamayan.
Panuto: Ibigay ang hinihingi na kasagutan ng mga sumusunod na katanungan.
Ilagay sa patlang ang sagot.

Dr. Jose Rizal______________ 1. Siya ang may akdang“Sobre La Indolencia de los


Filipinos” Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino.

Doctrina Cristiana___________ 2. Ito ang kauna-unahang aklat na panrelihiyon na


nalimbag saPilipinas.

Barlaan at Josaphat_________ 3. Ito ay isang salaysay sa Biblia na isinalin sa


tagalong ni Padre Antonio De Borja mula sa Griyego.

El Verdado Decalogo_________ 4. Ito ang ipinalalagay na pinaka “obramaestra” ni


Apolinario Mabini na ang pinakahangarin niya rito ay ang magpalaganap ng
nasyonalismong Pilipino.

Liwanag at Dilim______________5. Katipunan ng sanaysay ni Emilio Jacinto na may


iba’t ibang paksa, tulad ng kalayaan, panggawa, paniniwala, pamahalaan at pag-ibig
sa bayan.

El Consejo de los Dioses______6. Ito ay isang dulang patalinghagang


nagpapahayag ng paghanga kay Cervantes.

Amor a España o A las jovenes de Malolos 7.  Ito ay akdang tumatalakay sa Pag-ibig
ng Espanya sa mga kababaihan ng Malolos. Pag-aaral sa Kastila ng mga babae na
ang guro ay gobernador ng lalawigan ang magbibigay.

Ang Manipesto ni Rizal sa Taumbayan8.  Ito ay isinulat ni Rizal noong siya ay


nakakulong sa Fort Santiago isang gabi bago siya hatulan ng kamatayan.

Apolinario Mabini____________ 9.  Siya ang may akdang El Verdadero Decalago.

Noli me Tangere____________10. Ito ay nobelang nagpasigla sa Kilusang


Propaganda at nagbigay-diin sa himagsikan laban sa Espanya.

1593_______________________11. Taon kung kailan napalimbag ang pinakaunang


libro sa Pilipinas.
Senakulo___________________12. Akdang naglalaman ng pagmamahal at sakripisyo
ng Panginoong Hesukristo.

Relihiyon/ Kristiyanismo______ 13. Pinakamalaking naimpluwensiya ng mga dayuhang


Kastila sa mga Pilipino.

Paksang Panrelihiyon________14. Ito ang paksa ng lumaganap sa panahon ng Kastila


sa pagsulat ng akda.

Baybayin__________________15. Sinaunang sistemang pagsulat ng mga katutubong


Pilipino.

Ang Dalit kay Maria__________16. Akda noong panahon ng Kastila na isinulat ni Padre
Mariano Sevilla na tumatalakay sa pagpaparangal kay Birheng Maria.

Padre Modesto De Castro_____17. Siya ay kilalang manunulat na sumulat ng akdang


Urbana at Feliza.

Abbecedario________________18. Ito ang sistemang pagsulat na ipinahiram ng mga


Kastila sa mga Pilipino.

1521______________________ 19. Taon kung kailan dumating ang mga kastila ng


manlalakbay na pinangungunahan ni Magallanes.

Padre Antonio De Borja________20. Siya ang nagsalin ng akdang Barlaan at Josaphat


sa Filipino mula sa wikang Griyego.

You might also like