You are on page 1of 8

Pangalan: Galang, Steve Brian S.

Marka: ____________

Kurso/Seksyon: BSIT-1L Petsa: Junyo 14, 2021

A. Para sa “Sa Pula sa Puti”

May mga taong dahil sa pagkalulong sa bisyo ay halos isugal na pati


kaluluwa. Masahol pa rito, minsan hindi lamang sarili ang nasisira kundi pati
ang mga mahal sa buhay ay naaapektuhan.
Sa tsart, magtala ng uri ng bisyong nasaksihan, nabasa, napanood o
narinig sa kasalukuyan. Ilagay ang suliraning nalikha nito. Ilahad din kung
paano ito nalutas. At kung hindi man ito nalutas, magsulat ng mungkahing
solusyon.
Tumingin ka lang sa iyong paligid, tiyak mayroon kang makikita. Makinig
ka lang sa radyo o magbasa sa dyaryo,mayroon kang mababalitaan.
Simulan mo nang maging mapagmasid!

Bisyong Suliraning Nalikha Paano Nalutas/ Mungkahing


kinasangkutan Solusyon

1. Pagkalulong sa Kasama sa mga pinsalang Pagkaraang maresetahan ang


bawal na gamot o naisasanhi ng paggamit ng pasyente, ang botikaryo o
adiksyon sa droga mga ipinagbabawal na drugista ang nagbibigay o nag-
gamot ay ang pagkakaroon aabot sa tao ng niresetang
ng problema sa katawan, sa gamot. Maaaring itabi ng
kalusugan, sa mga relasyon parmasyotiko ang reseta upang
sa kaibigan, mag-anak, at hindi na muling makakuha ng
maging sa pamayanan. gamot ang pasyente ng higit pa
Maidaragdag din dito ang sa sinasaad ng manggagamot na
pinsala na nagaganap sa nagreseta. Sa gayon,
kanyang pamumuhay dahil kinakailangan makipagkitang muli
sa paggamit ng bawal na ang pasyente sa doktor upang
gamot, pati na ang sa kumonsulta.
hanapbuhay, pag-aaral, at
akomodasyon.
Humahantong din ang
paggamit ng bawal na
gamot sa anumang
paglabag sa batas ng tao at
lipunan.
2. Lubusang Maraming negatibong Ang pag-angat sa buhay ay
Pagsusugal epekto at resulta ang kailangan ng pagpupursigi at
naidudulot ng pagsusugal. paniniwala na kaya natin itong
Isa na dito ang pinansiyal labanan at lagpasan. Maaari
kung saan maraming nating matigil ang lubusang
pagkakautang at pagkaubos pagkahumaling sa pagsusugal sa
ng mga naipong pera. Ang paraang pagtuon ng pansin sa
mga lulong na sa sugal ay marami pang ibang libangan at
nasa ilalim din ng panganib maaari natin itong magawa
na mawalan ng trabaho, tuwing tayo ay may libreng oras.
dahil nagsimula na itong Ito ay maaring mga bagay na
gamitin lamang ang oras sa kinagigiliwan natin tulad ng
pagsusugal. Nawalan din isports, pagbabasa o
sila ng konsentrasyon at pagsasayaw.
determinasyon na tapusin
ang kanilang trabaho.
Maaring din sumubok sila
na magnakaw ng pera para
gamitin sa pagsusugal.
Makakaapekto din ang
kalusugan pisikal at ang
pag-isip dahil sa kaba, takot
at matinding depresyon na
hindi maipaliwanag. Ang
pinaka-matinding epekto ng
pagsusugal ay ang
pagkasira ng mga relasyon
sa pamilya, mga kaibigan at
ibang tao.

3. Adiksyon sa Ang adiksyon sa paglalaro Mag bigay ng limitasyon kung


paglalaro ng video ng video games ay ang hanggang anong oras lang dapat
games o online naglalayo sa mga kabataan maglaro ng online games
games sa tunay na mundong sapagkat ang online games ay
kanilang ginagalawan. Mas parang droga na nakaka-adik
binigiyan nila ng atensyon dahil kapag binigyan ng gadgets
ang paglalaro kaysa sa ang ibang tao ay para na rin
kanilang pag-aaral at siyang binigyan ng droga kung
pamilya. Base sa pag-aaral, walang limitasyon ang paggamit
ang labis na paglalaro ng nito. Mag-enjoy sa ibang
video games ay nagdudulot pagkaka-abalahan, maaring
ng pagbaba ng grado ng maglaro sa labas ng bahay,
mga estudyante dahil mas manood sa telebisyon, magluto o
pinipili nilang lumiban ng
klase at maglaro na lamang kahit ano pa man na pwedeng
ng mga video games. pagka-abalahan.
Winawaldas din nilang ang
kanilang mga pera upang
ipambili ng tinatawag na
“Virtual Money” o perang
ginagamit sa ilang mga
video games. Ayon sa mga
eksperto, ang paglalaro ng
mga larong ito ay aksaya sa
oras at kinakain nito ang
oras ng mga kabataan
upang mapaunlad ang
kanilang mga sarili at
kanilang pag-aaral.
Pangalan: Galang, Steve Brian S. Marka: ____________

Kurso/Seksyon: BSIT-1L Petsa: Junyo 14, 2021

B. Para sa “Lupang Tinubuan”

Malimit nating naririnig sa mga taong nangibang-bayan ang mga


katagang ito, “wala nang mas sasarap pa sa kung ika’y mamumuhay sa
sariling bayan.” Bakit kaya?
Pagkakataon mo na ngayon na marinig mismo sa bibig nila kung
talagang totoo ang mga pahayag na ito.
1. Magpanayam sa isang (1) OFW na naghanapbuhay sa dayuhang bayan.
Itanong sa kanila ang sumusunod:

A. Bakit siya nagtrabaho sa ibang bayan?

Sagot: Pinilit kong magtrabaho sa ibang bansa dahil napakababa ng


binibigay na sweldo sa mga nurse dito sa Pilipinas at malaki din ang
pagkakaiba ng turing ng mga tao sa nurse sa ibang bansa, hindi kagaya
sa Pilipinas na mababa lang ang tingin ng ibang Pilipino sa mga nurse.

B. Kung mabibigyan ng pagkakataon na may magandang oportunidad na iaaalay ang


pamahalaan dito sa sariling bansa, aalis pa ba siya? Bakit?

Sagot: Hindi na siguro ako aalis kung ganoon ang mangyayari, dahil mas
sisigla kaming mga nurse na magtrabaho kung maraming oportunidad na
ibibigay sa amin at sapat ang sweldo para sa amin. Pero sa tingin ko
matagal pa bago ito mangyari, dahil hanggang ngayon, marami pa ring
corrupt sa Pilipinas at mayroon pang pandemya.

C. Ano ang kaniyang pananaw o damdamin sa pahayag na “Wala nang mas sasarap
pa sa kung ika’y namumuhay sa sariling bayan”.? Bakit?
Sagot: Siguro, sagot ito ng mga tao na hindi pa nararanasang magtrabaho
at wala sa laylayan ng lipunan dahil para sa akin na nabiyayaan na
makapag-aral upang maging nurse, nahihirapan pa rin ako ngayon
umasenso sa buhay. Magiging masarap lang mabuhay at magtrabaho sa
sariling bansa kung magiging maayos ang sistema sa bansa natin dahil
magiging masaya din kung araw-araw na may uuwian akong pamilya.

2. Gawan ng isang ulat –panulat ang nakalap sa ginawang panayam sa


isang malikhaing pamamaraan.

Ako’y nalulungkot para sa aking tita at kasabay nito ang aking


pagkadismaya sa pamamalakad ng pamahalaan sa Pilipinas. Labis ko
siyang ipinagmamalaki dahil sa kanyang katapangan at kasipagan sa
pagsuong sa ibang bansa at kung hindi dahil sa kanya, hindi ngayon
nakakakain ng tatlong beses ang aking mga pinsan at wala ako ngayong
laptop na ginagamit para sa aking online class. Sa sitwasyon ngayon na
siya ay naaksidente at nabalian ng buto sa balakang, pilit ko siyang
tinutulungan upang manumbalik ang kanyang lakas at pilit ko siyang
iniintindi, ngunit hindi matutumbasan ang kanyang pagmamalasakit at
tulong sa akin at sa aking pamilya.
Pangalan: Galang, Steve Brian S. Marka: ____________

Kurso/Seksyon: BSIT-1L Petsa: Junyo 14, 2021

C. Para sa “Uhaw ang Tigang na Lupa

Batay sa binasa at sinuring akda, nagkaroon ng suliranin ang


pamilyang nabanggit. Sa kasalukuyan, marami ring pamilya ang nakararanas
ng samu’t saring problema. Ano- ano kaya ang mga ito? Iyon ngayon ang
gagawin mo.
Magsaliksik ka ng suliraning kinaharap ng anak, ng asawang lalaki, ng
asawang babae, ng mismong mag-asawa na sa kasalukuyan ay kani-
kanilang hinahanapan ng solusyon.Pagkatapos, maghanap ng legal na
pamamaraan upang matulungan ang mga ito na mabigyan ng solusyon ang
naturang suliranin.
Itala sa tsart ang mga nakalap na impormasyon.

Solusyon sa Suliraning Pampamilya

Suliraning kinakaharap Legal na Solusyon/ Batas na


makatutulong

Ang ibang mga anak ay Sa ilalim ng R.A. 7610,


Anak kadalasang nakakaranas ng pinoprotektahan ng batas ang
pang-aabuso at mga kabataan mula sa pang-
pagmamaltrato sa kanilang aabuso. Batay naman sa
mga magulang. Sila ay Presidential Decree (PD) 603 o
napagbubuhatan ng kamay Child and Youth Welfare Code,
dahil ito daw ang tamang mapaparusahan ang isang
pagdidisiplina sa mga anak. magulang na maglalagay sa
Ang ibang anak naman ay panganib sa kaniyang anak.
iniiwanan at pinapabayaan
ng kanilang magulang at Narito ang nakasaad sa PD 603:
tinatalikuran ang kanilang
responsibilidad. "Every child has the right to
protection against exploitation,
improper influences, hazards,
and other conditions or
circumstances prejudicial to his
physical, mental, emotional,
social and moral development.”
May may mga pagkakataon Republic Act 9262 o ang Anti-
Asawang babae na ang mga kababaihan ay Violence Against Women and
niloloko ng kanilang mga their Children Act of 2004. Ayon
asawa sa pamamagitan ng sa batas, ang sikolohikal na
pakikipagrelasyon sa iba na karahasan ay tumutukoy sa mga
nagreresulta ng gawaing "sanhi o malamang na
pagkakawatak-watak ng magdulot ng mental o emosyonal
pamilya. na paghihirap ng biktima tulad
ng, ngunit hindi limitado sa,
pananakot, panggugulo,
pagnanakaw, pinsala sa ari-arian,
pangungutya o pangungutya sa
publiko, paulit-ulit na pang-
aabuso sa pandiwa at pagtataksil
sa kasal.

May mga pagkakataon Ayon sa SEK. 3. Mga


Asawang lalaki naman na ang mga Prinsipyong Gabay sa
kalalakihan ay naaabuso rin Implementasyon, ang
ng kanilang mga asawa sa pagkakapantay sa kasarian ay
paraang pananakit sa kanila tumutukoy sa prinsipyo ng
upang piliting magtrabaho pagkakapantay sa pagitan ng
nang magtrabaho at maging kababaihan at kalalakihan at ng
ulila sa pamilya dahil nasa pantay na mga karapatan upang
kanilang isipan na ang mga masiyahan sa mga kondisyon
kalalakihan lang ang dapat para sa kaganapan ng kanilang
na magtrabaho at kumita ng mga potensiyal bilang isang tao
pera para sa pamilya. at nang makapag-ambag sa, at
makinabang mula sa, mga
resulta ng pag-unlad. Kasama
rito ang pagkakapantay sa mga
oportunidad, sa alokasyon ng
mga yaman o benepisyo, o sa
akses sa mga serbisyo para sa
pagsusulong ng mga karapatan
sa kalusugan at sa
makapagpapatuloy na pag-unlad
na tao, maliban sa iba pa, nang
walang diskriminasyon.
Ang palaging problema sa Ayon sa Article 213 ng Family
pagkatapos ng diborsyo ay Code of the Philippines,
Mismong mag- kung saan mapupunta ang pagdating sa pagbibigay suporta
asawa awtoridad upang makuha sa isang bata, ito ay dapat hatiin
ang kustodiya ng anak at ng kanyang ama at ina. Sa kaso
ang iba naman ay nag- ng illegitimate child, bagama’t
aaway kung sino ang ang buong parental authority ay
magsusustento sa napupunta sa kanyang ina ay
pangangailangan ng maaari pa rin siyang mag-
kanilang anak. demand ng financial support
mula sa kanyang ama.

You might also like