You are on page 1of 3

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Sta. Mesa Manila


Filipinolohiya sa/at Pambansang Kaunlaran

Pangalan: Precious S. Ramos Kurso at Sek.: BSED MT 1-1D


Iskedyul (Oras at Araw): 12:00-1:30 Lunes at Huwebes Petsa ng Pagpasa: Oktubre 21, 2021

Takdang Aralin # 1:
Magbasa tayo at Magsuri

Basahin ang mga Tula na ibinigay ng inyong guro. Unawain ito at sagutan ang mga
sumusunod na katanungan.

1. Ilahad ang paksang-diwa (Main Topic) ng mga binasang Tula.

Ang paksang diwa ng mga binasang tula ay hinggil sa mga platporm na karaniwang
ginagamit sa larangan ng edukasyon na siyang nagiging instrumento ng komunikasyon at
pagkatuto na may positibo at negatibong naidudulot sa bawat indibidwal.

2. Ano ang kaligirang pangkasaysayan na mababasa sa akda? Hinuhain (bigyan ng


palagay) ang dahilan ng may akda sa pagkakasulat ng mga naturang tula? Ano ang kinalaman
ng kaligirang pangkasaysayan kung paano o bakit naisulat ng otor ang mga tula? Ipaliwanag.

Ang kaligirang pangkasaysayan na mababasa sa akda ay ang pandemyang


nagsimula noong taong 2020 na kung saan ayon sa aking palagay, ang dahilan ng may
akda sa pagkakasulat sa mga naturang tula ay dahil ito ang kaniyang nabanaag bilang
isang propesor sa sitwasyong naranasan at patuloy pang nararanasan. Dahil dito, ayon
sa mga tula, ang mga platporm na chat, zoom, at webinar ay ang siyang naging paraan
upang maipagpatuloy ang pag-unlad ng isang tao sa kabila ng pandemyang nararanasan
subalit ay nasaad din sa tula na mayroon itong hindi magandang resulta para sa mga
gumagamit nito.

3. Bilang bumabasa ng tula, husgahan ang “estetikal na dating” (pamantayan ng


kagandahan) sa inyo ng tula ayon sa mga sumusunod na pamantayan: porma ng
pagkakasulat, nilalaman o content, relevance o kahalagahan nito sa politikal, ekonomikal at
kultural na aspeto. Pangatwiranan.

Ang pagkakahanay ng tula ay lubos na nauunawaan sapagkat ang ginamit na mga


salita ay makahulugan at piling-pili maging ang mga pariralang ginamit na talagang
titimo sa isipan ng bawat babasa nito. Napapanahon ang ginawa ng may-akda sapagkat
matatalastas ang kasalukuyang kalagayan ng ating bansa dulot ng pandemyang
sinasalunga. Una, ang mga pamamaraan ng gobyerno sa iba’t ibang aspeto ng
pamumuhay ng tao. Lalo na sa kagawaran ng edukasyon na gumawa ng iba’t ibang
moda ng pagkatuto na magiging angkop sa pangangailangan ng mga estudyante, guro at
ng ibang mga tao. Bukod pa rito, sa pamamagitan ng tula ay ating mahihinuha ang
kasalukuyang kalagayan ng ekonomya ng ating bansa bagaman maraming mga naging
pagbabago at kakulangan ay patuloy na pinagsisikapang maitaguyod ng pamahalaang
namumuno ngayon ang mga pangangailangan ng bawat Pilipino maging sa punto ng
larangan ng edukasyon. Pagdating naman sa aspeto ng kultura, ay ating mababatid na
ang bayanihang kaugalian nating Pilipino ay patuloy pa ring umuusbong hanggang sa
panahon ngayon. Katangiang tumutulong, nagkakaisa sa kabila ng kahirapan, problema,
pagsubok at mga suliranin na hindi naghahanap o umaasa ng anomang kapalit.

4. Sa Tatlong Tula; humalaw ng pahayag na tumatak sa inyong isip. Ipaliwanag ito.

 Chat – “Sinasangkutsa ang utak ng birtwal na realidad, walang lutong ang halakhak sa
loob ng chat group”. Ito ang pahayag na tumatak sa aking isip dahil aking napaglimi-limi
ang nakaraang taong panuruan na mayroon pang pisikal na pagpasok sa paaralan. Na sa
kabila ng maraming mga gawaing akademiko ay nagiging maginhawa sa pakiramdam
sapagkat may nakakasalamuhang mga kaibigan at kaklase na nagbibigay ng aliw, saya at
halakhak kaya naiibsan ang pagod at pangamba.

 Zoom – “pinipipi ng mute icon ang aking kadaldalan, wala na ang huntahan wala nang
halakhakan”. Ito rin ay pahayag na pumukaw sa aking atensyon. Naging dahilan ng aking
pagbubulay-bulay hinggil sa kalagaya’t pangyayari nang nakaraan. Wala na ang
kwentuhan, tawanan at kung minsa’y may hampasan pa dulot ng labis na kasiyahan.
Ngunit akin namang naunawaan na ang lahat ng mga bagay na nangyayari ay may
dahilan. Bagaman nalimitahan at pansamantalang napigilan ang mga mass gatherings o
mga maramihang pagtitipon, ngunit natitiyak ko namang mayroong alternatibong
solusyon upang pagsasamaha’y patuloy na magkaroon ng pundasyon.

 Webinar – “Inaangat antas ng galing sa palihan ng talino, habang nakaselda katawang


lupa sa kulungang likha ng pandemya ang mahalaga busog ang isip; ehersisyo ng utak
makinig sa talamitang diwa ng mga henyo, doktorado masterado at ilang pang
pinagpalang edukado”. Ito ay pahayag na naglalarawan ng kasalukuyang pangyayari.
Dulot ng pandemya ay talagang katawan nati’y parang nakakulong ngunit huwag
nawang mangyaring maging ang daloy ng kaalamang maaari nating matamo ay mapigil.
Sa panahon ngayo’y maraming paraan ang maaaring maging alternatibo upang
pagkatuto ay huwag mahinto. Maraming mga doktorado, masterado, mga taong henyo
na pinagpalang edukado ang kakasangkapanin ng Poong Maykapal upang ang
kaalamang ating taglay ay lumago. Sikapin lamang natin na mataglay ang matalinong
pakikinig upang ang galing sa palihan ng talino ay patuloy na umusbong at manatiling
busog ang ating isip sa karunungang maibibigay at ipapahayag sa atin.

You might also like