You are on page 1of 2

Dona Ysabel M.

Pineda
BAPS 1 - 2

1. Ano ang naging epekto ng edukasyong kolonyal sa pag-iisip ng mga Filipino?


Ipaliwanag.

Ang naging epekto ng edukasyong kolonyal sa pag-iisip ng mga Filipino ay ang


pagkabulag natin sa kaisipan na ang mga dahuyan ay kakampi. Ang mga dayuhan ang
magliligtas sa atin mula sa pananakop ng nakaraang dayuhan. Ito ay sadyang ipinlano ng
mga dayuhan sa pamamagitan ng edukasyon kung kaya’t ang mga Filipino ay ganoon na
lamang ang pagpapasalamat at pagsunod sa mga Amerikano. Masasabing sila ay
nagtagumpay sa kanilang balak dahil ang mga Filipino ay hindi nagduda sa kung ano
man ang tunay na pakay ng mga Amerikano.

Hindi maipagkakaila na ang mga Filipino ay natutong magbasa at magsulat, ngunit


sa pagkatuto nila ay siya ring pagkalimot sa sariling wika, na kahit ang katutubong wika
ay bahagya nang maintindihan. Nagmistulang sunod-sunuran na lamang taaga tayo ng
mga dayuhan dahil ang mas naiintindihan na wika ay ang nasa wikang Ingles.

2. Magbigay ng halimbawa ng epekto ng nabanggit na sistemang pang-edukasyon


mula sa kasalukuyang panahon at ipaliwanag.

Unang halimbawa na pumasok sa aking isip ay patungkol sa politika. Mapapansin


natin na ang ating mga batas ay nakasalin sa wikang Ingles. Bukod pa roon ay malalalim
o hindi pang karaniwan ang mga salitang ginagamit kung kaya’t hindi agad ito
maintindihan ng mga karaniwang Filipino. Isang halimbawa ay kapag mayroong ipinapa-
aprubang batas na halimbawa ay para sa marginalized sector, ang iba ay tumututol agad
dahil bukod sa kanilang paniniwala ay hindi nila ito pinagkaabalahang basahin at
intindihin.

Pangalawa, hanggang ngayon, ang sistema ng edukasyon ay tila hindi napapahusay


sa paglipas ng panahon. Maraming pagbabago na ang naisagawa katulad na lamang
pagapatupad ng K-12 na sistema ng edukasyon sa kagustuhang mapa-unlad ito, ngunit
tayo ay bigo paring umangat base sa mga statistikong lumalabas. Isa rin ay ang
pagbabawas ng paggamit ng ating sariling wika sa mga asignaturang itinuturo. Maaaring
hindi nga nawawalan ng asignaturang Filipino ang mga mag-aaral bawat taon, mas
nalalamangan naman ito ng mga natirang asignatura na ang karaniwang ginagamit ay
wikang Ingles upang ito ay maituro.

3. Batay sa iyong pagkakaunawa, ano ang nakikita mong solusyon sa lisyang


edukasyon ng mga Filipino? Ipaliwanag.

Kagaya ng aking nabanggit na sagot sa naunang tanong, mas marami ang mga
asignaturang nakasalin sa wikang Ingles upang mas maituro ito, at ang mga asignaturang
nasa wikang Filipino ay bilang lamang sa isang kamay bawat taon ng pag-aaral. Ang
nakikita kong solusyon ay ang pagbaling ng ating atensiyon sa simula pa lamang.
Nagsisimula ang mga kabataang mag-aral ng elementarya sa edad na anim na taon
pataas, at sa murang edad na ito ay madaling mahuhulma ang kanilang isipan kung
kaya’t ang dapat na pinagtutuunang pansin na itinuturo sa mga kabataan ay wikang atin,
ang wikang Filipino.

Bukod pa roon, kahit ang mga nasa pang sekondarya at pang kolehiyo ay bigyan
parin ng panahon ang pagpapalago ng ating nasyonalismo at pagsasapuso ng adhikain ng
ng ating bansa. Ngunit ang hamon dito ay kung paano maisasagawa ng hindi sa paraang
pagpapataw dahil sa ating henerasyon ngayon, ang mga Pilipino ay nakayakap na sa
kolonyal na pag-iisip. Ilahad natin ang pagmamahal sa bayan nang may sinseridad,
malalim na pag-unawa, at kagustuhang mas umunlad pa at lumawak ito.

You might also like