You are on page 1of 1

Daruca, Abijane I.

Block 1102

“Bisyon at MIsyon, isang tulay upang maging mabuting


mamamayang Pilipino”

Misyon at Bisyon ng Paaralan…susi nga sa pagiging isang mabuting


mamamayan ng isang istudyanteng gaya ko? Marahil ngang ang bawat
kataga na nakapaloob sa bisyon at misyon ng Batangas State University ay
magiging isang yaman naming mga istudyante na kailan ay hindi
mananakaw ng kahit na sino man sa mundo lalo na kung ito ay
isasakatuparan at isasapuso araw araw. Ito ang pinakaimportante hakbang
upang maging isang mabuting mamamayan ngunit, anu-ano ang
kahalagan ng bisyon at misyon ng pamantasan at mga implikasyon nito
para makatulong sa ating bayan? Paano kaya ito makakatulong sa ating
buhay?
Ang kahalagahan ng mga katagang isinulat upang maging misyon at
bisyon ng mga mag aaral sa Batangas State University ay upang
mapaunlad ating sarili bilang isang mabuting mamamayan ng bansa.
Halimbawa na lang nito ay ang pagiging makabayan at pagiging tapatkaya
masasabi ngang ito’y mahalaga upang mapaunlad ang sarili. Halos lahat
naman tayo ay nag nanais na maging isang mabuting mamamayan sa
ating bansa at isa ako sa mga taong nag hahangad nito. Kung kaya’t sa
tulong ng bisyon at misyon na inilatad ng Pamantasan ay gagawin ko sa
paraan ko upang maisakatupadan koi to. Tutulong ako sa maliliit na paraan
kagaya ng pag laban sa pag bibigay ng aking opinion laban sa mga tiwali
sa gobyerno at oilit kong imumulat ang mga bulag sa korapsyon sa loob ng
gobyerno sa paraan na magalang at sa paraan na maiipaglaban ko ang
karapatan ng taong bayan.
Ang bisyon at misyon ng Batangas State University ay magiging
isang sangkap upang maging mabuting mamamayan ay pero dapat ay
tulungan din natin ang ating sarili upang makamit ito. Gawin natin ang mga
bagay na magdudulot ng kabutihan sa lahat at isa-isip at isa-puso ang
bawat salita na nakatala sa misyon at bisyon.

You might also like