You are on page 1of 4

Accounting at Ako

College, ito ang panahon kung saan ang isang indibidwal ay kailangan nang
matutong tumayo gamit ang kanyang sariling mga paa, hindi literal na
pagtayo ha? Pagiging independent ika nga nila sa wikang Ingles. Ito din
ang panahon kung kalian kailangan mo nang pumili ng isang kurso na
gagapangin at aalayan mo ng sandamakmak na puyat at tiyaga para lamang
makatapos at upang makamit mo ang mga pangarap mo sa buhay. Batay sa
aking mga unang pangungusap, at syempre sa pamagat nitong essay ay
marahil nakabuo ka na ng isang hinuha kung saan papatungkol ito. Tama! Ito
ay tungkol sa akin na isang estudyante ng accountancy at sa aking napiling
kurso na accountancy. Ngunit tama nga ba ang kursong napili ko? (Lead in)
Sabi nila, kakaibang kurso daw ang accountancy, bakit? Lahat ng kurso
mahirap, lahat ay natututuhan sa mga libro, kailangan mong magbasa,
magmemorize, at kailangan pursigido ka. Kung nahihirapan ka man sa napili
mong kurso, maaaring maisipan mo ang pagshi-shift sa iba pang kurso.
Halimbawa kung ikaw ay nahihirapan sa medisina, maaaring hindi ka ganoon
kahusay sa siyensya, sa edukasyon naman maaaring naramdaman mo na
hindi para saiyo ang pagtuturo at pagsasalita sa harap ng maraming tao,
kung engineering ay problema naman sa asignaturang matematika, ganoon
din sa iba pang kurso, pero hindi sa accountancy. Ang accountancy ay hindi
lamang binubuo ng pagbabasa, pagmememorize, pagco-compute o
matematika, malaki rin ang parteng ginagampanan ng analysis sa kursong
ito. Marami ang mga salik na kailangan sa kursong accountancy, kaya kung
nahihirapan ka man rito, ay hindi ganoon kadaling tukuyin ang dahilan.
Ngunit gaya nga ng sinabi ko kanina, lahat ng kurso mahirap, malalaman mo
lang siguro ang kaibahan ng isa kung ikaw mismo ay isang estudyante nito.
Pero dahil nga ako ay isang estudyante ng accountancy, sasabihin ko saiyo
ang kaibahan ng kurso namin lalo na ang mga damdamin naming mga
accounting student. (Taga-ugnay) ibat-iba ang mga damdamin ng isang
accounting student, nariyan ang (1) hirap, (2) takot, (3) at syempre ang
kasiyahan.

Buti pa ang love at studies madaling ibalance basta magaling ka sa time


management, pero bakit sa accounting simpleng trial balance nalang, kahit
basahin mo pa ang buong libro, ang hirap paring ibalance?! gaya ng ibang
kurso hindi pwedeng mawala ang hirap sa mga damdamin ng mga
accounting student. Maaaring sabihin ng iba na hindi naman talaga mahirap,
nasa isipan mo lang iyon. Pero pagdating sa accountancy, aminin mo man o

hindi, mahirap talaga ito. Bilang mga freshmen, halos bago sa amin ang
lahat, ang mga salitang gaya ng debit at credit, accounts receivable, cost of
goods sold, at iba pa, ay bago sa aming mga pandinig. Masasabi ko na para
lang kaming nasa ibang planeta noong kakasimula palang namin. Habang
tumatagal ay unti-unti naman naming nakukuha ang konsepto ng
accounting, at sa paglipas din ng mga araw ay unti-unti din naming
napagtanto na hindi pala biro ang pinasok naming kurso. Sa una halos
mangiyak-ngiyak kami dahil sa mga bagsak naming grado sa mga
pagsusulit, pero ngayon ay parang normal nalang saamin ang mga ito.
Mahirap ang accountancy dahil madami ang mga bagay na dapat mong
isaalang-alang. Madaming libro na binabasa, madaming sinasaulo,
madaming oras ang kailangan, madaming analysis, at syempre
sandamakmak na tiyaga at konsentrasyon. Hindi lamang dahil sa dami kaya
ko nasabi na mahirap ang accountancy, isama mo pa kasi dyan ang
kadahilanang nakakalito ito. Dahil nga sa dami ng mga pinag aaralan mo,
minsan ay hindi mo na alam kung alin ang para dito at alin ang para doon.
Dito papasok ang isa pang dahilan kung bakit mahirap ang accountancy, dito
papasok si katamaran. Siguro kilala mo naman kung sino si kataaran, kung
hindi man, sasabihin ko sayo na isa siya sa mga nagpapahirap sa aming mga
accountancy student. Dahil nga madami at nakakalito ang accounting,
minsan si katamaran ang umiiral saamin, kaya naman kailangan namin
palagi sina motibasyon at disiplina para lang mapuksa si katamaran.
Kami ay nasa unang taon palang ng kolehiyo at nararamdaman na namin
ang hirap ng aming kurso na kung tutuusin ay wala pa sa totoong hirap na
pagdadaanan namin sa mga susunod pang taon kung saan papasok na ang
Financial Accounting, Cost Accounting, Auditing Theory, Law and tax, at
marami pang iba. Kung tatanungin mo ako kung tungkol saan ang mga
nabangit ko kanina, wala akong ideya, ang alam ko lang ay ito ay mas
mahirap, masmadami, masnakakalito, at syempre masnakakatamad.

Tama nga ba talaga ang napili kong kurso? Siguro isa iyan sa mga
katanungang bumabagabag sa isipan ng isang accounting student. Hindi
naman kasi talaga ganoon kadali ang kursong ito kaya naman normal lang
na makaramdam kami ng takot. Takot na baka hindi para saamin ang
kursong ito. Sa bawat paglipas ng araw iniisip mo kung kakayanin mo pa ba,
kung kaya mo pa bang i-balance ang debit sa credit, kung kaya mo pa bang
intindihin lahat ng mga theories, at kung kaya mo pa bang lumaban at
harapin ang napakalawak na mundo ng accountancy. Minsan kaakibat ng
takot ay ang kaba na aming nararamdaman. Yoon bang tuwing may

pagsusulit ay hindi mo alam kung naiihi ka ba o ano, ang pagpapawis at


panlalamig ng iyong mga kamay, ang malalim na paghinga, ang matinding
konsentrasyon, at marami pang iba. Kaba na hindi mawala-wala tuwing may
pagsusulit, recitation, at syempre sa mga oras kung kailian titignan mona
ang marka mo sa iyong schoolbliz, pasado kaya o bagsak? Isa pang dahilan
ng pagkatakot naming mga accounting students ay ang pressure. Ang
pressure kapag mababa ang iyong marka, pressure na binibigay saiyo ng
iyong pamilya, mga kaibigan, kaklase, propesor, ang pressure kapag alam
mong kulang na kulang ang oras mo. Kaya minsan hindi din namin maiwasan
ang kawalan ng tiwala sa sarili. Sa accountancy kase kahit gaano ka
kapursigo sa pag a-aral, kahit napakadami mo nang binasa at sinaulo na
libro, kahit gaano ka pa ka sipag mag aral, minsan talaga darating ka sa
punto na mararamdaman mong parang hindi sapat ang lahat ng ito. Dahil sa
kawalan ng tiwala sa sarili napakadaming mga tanong ang pumapasok sa
aming mga isipan; makakatapos kaya ako sa kursong ito? Magiging 5 th year
kaya ako?, kaya ko bang maging CPA?. Oo, isa ang takot sa mga damdamin
ng isang accounting student pero kailangan naming itong labanan upang
makamit ang aming mga pangarap. Sabi nga ng isa naming propesor,
Ginusto nyo yan eh!.

Accounting is worth studying for. Natawa ako noong nakita ko ang sipi na
ito sa isang website, napaisip kasi ako, oo nga naman, kahit mahirap at
nakakatakot ang Accountancy, alam mo sa sarili mo na pagdating ng araw
ang lahat ng pagod, puyat, eyebags, sakripisyo, ay hindi mapupunta sa
wala. Iba kasi talaga ang accounting, oo mahirap at nakakatakot, pero kapag
nalagpasan mo ang lahat ng ito ay iba ang saya na iyong mararamdaman,
ang kasiyahan sa kabila ng kahirapan. Masaya ang accountancy, challenging
kumbaga, dahil nahahasa ang aming pagiisip at nasusubok dito ang aming
galing. Para bang isang pantasa ang accounting at kaming mga estudyante
nito ay and mga mumunting lapis, patuloy nitong pinapatalas ang aming
mga isipan. Hindi bat isa rin sa mga nabangit ko kanina ay maraming mga
kailangan sa kursong ito? Tulad ng; pagbabasa, pagmememorize,
pagcocompute, analysis, at iba pa. Sa accounting kasi hindi sapat na
magaling ka lang sa isa sa mga iyan, kailangan ay kaya mo din silang ibalance. Kaya naman masasabi ko na sinusubok talaga nito ang iyong galing
hindi lamang sa isang aspeto kundi sa lahat. Para saamin masaya ang
accounting dahil gusto namin ang aming ginagawa. Gaya ng sinabi ko
kanina, para saaming mga accounting students mas mahirap pang i-balance
ang trial balance kesa sa love at studies, pero kapag ang trial balance ay

nabalance mo, kulang nalang ay magpapamisa ka sa saya! Siguro hindi ka


masyadong makakarelate sa sinasabi ko kung hindi ka isang accounting
student pero nais ko pa ring ibahagi saiyo ang mga bagay na ito lalo na ang
kasiyahan na ibinibigay saaamin ng aming kurso. Tama nga ba talaga ang
napili kong kurso? Siguro kanina ay hindi ko masagot ang katanungan na
iyan, ngunit ngayon, alam ko na sa aking sarili ang sagot. Oo tama ang pinili
kong kurso, dahil alam ko na masaya ako dito.

Walang mga sikreto sa pagkamit ng tagumpay. Ito ay ang pawang resulta


ng preparasyon, sikap, at pagkatuto sa mga pagkakamali,(Colin Powell).
Talaga namang hindi biro ang kursong Accountancy, kaya naman kailangan
ng mga estudyante sa kursong ito ang matinding pagtitiyaga at pagsisikap.
Sabi nga sa sipi mula kay Colin powell, ang tagumpay ay makakamit sa
pamamagita ng preparasyon, sikap, at pagkatuto sa pagkakamali. Sa
pamamaraang accounting, kung nagkamali ka man sa pag re-record ng mga
transactions, okaya naman ay hindi mo na balance ang iyong trial balance,
wag kang mawalan ng pag asa, dahil may adjusting entries pa! Gaano man
kahirap, marami man ang sumuko, pero sa bandang huli marami parin ang
lalaban hanggang katapusan upang makamit ang minimithing titulo. Ang
titulo na magiging simbolo sa dugot pawis na inialay upang makatapos, ang
titulo ng pagiging isang CPA.

You might also like