You are on page 1of 1

Ang BUHAY NG ISANG ACCOUNTANCY STUDENT

Bakit ka kukuha ng kursong accountancy? Siguro magaling ka pagdating sa matekamatika,

Madali lang yan plus at minus lang naman.

Ito ang mga katanungang lagi ko naririninig na itinatanong sa isang accountancy student

Ano nga ba ang buhay ng isang accountancy student?

Magandang araw sa inyong lahat ako nga pala si Mary Jane Esporsado isang mag-aaral na nag-aaral din sa kursong
accountancy.

Ang accountancy ay isang kursong maaaring may patungkol sa matematika, ngunit hindi lamang ito nakapatungkol
sa mga ito, sapagkat ito rin ay umiikot sa pagiging magaling ng isang mag aaral, sa pamamagitan ng pag aanalisa ng
mga transaksyon.

Certified Public Accountant o CPA, masarap matawag hindi ba, ngunit bago mo maabot ito kailangan mo munang
paghandaan at pagsikapan na makarating sa pangarap na ito, huwag matakot sa mga sinasabi ng iba patungkol dito
sapagkat walang hindi mahirap na kurso may ibat iba tayong espesyalidad, focus at taglay na kagalingan o talino na
meron tayo.

Masasabi ko bilang isang accountancy student mararanasan mong isakripisyo lahat mula sa mga maliliit na bagay
hanggang sa mga malalaki.

Una mawawalan ka ng social life dahil mas pipiliin mong nasa bahay ka na lang kesa sumama sa barkada sa
kadahilanang marami kang kailangang pag-aralan o basahin, takdang aralin at pagsusulit na kailangan mo ding
paghandaan.

Pangalawa may mga pagkakataon na malilipasan ka ng gutom at unti unti ka ng makakaramdam ng tamlay dahil
kailangan mong tapusin ang iyong mga ginagawa muna, ng dahil may pagkakataon na hindi mo mabalanse kahit
nakailang ulit kana, mapupuyat ka at magmukhang zombie na o sabog dahil kailangan mong matapos at mapag
aralan lahat ng kabanatang sakop ng inyong aaralin o magiging pagsusulit.

Dagdag pa dito may ibang mga paaralan na may maintaining grade para sa major subjects at qualifying exams, pero
dito sa pasig catholic college wala namang tinitignan na kelangan mataas ang grado, basta asahan na lamang na
makakapasa, alam naman nating na sa bandang huli lahat ng pagod at puyat ay mapapalitan din ng kaginhawaan.

Hindi sa pinang hihinaan ko kayo ng loob sa mga kumuha ng kursong ito at baka yung mga iba ay nagbabalak na
magshift na dyaan, sinasabi ko lang ang realidad para may kamalayan tayo tungkol dito.

Bakit accountancy, bakit naman hindi, alam nating lahat na maraming opportunidad kapag nakapagtapos tayo sa
kursong itong accountancy maaari kayong maging cpa, bookkeeper, cost accountant, internal auditor, financial
analyst, at marami pang iba.

Alam kong nagsisimula palang ang aking paglalakbay, konti pa lamang ang aking nalalaman at natitiyak kong
marami pang aking mapagdadaanan, manalig lamang tayo at balang araw maidudugtong din sa ating mga pangalan
ang tatlong letrang pinaka inaasamasam, ayon lamang at maraming salamat padayon future CPA’s

You might also like