You are on page 1of 1

“Mga Hakbang na dapat isaalang-alang upang maging matagumpay na

mag-aaral sa strand na ABM”

Ang Senior HIgh School ay ang dagdag na dalawang taon na pag-aaral


upang mas mahasa ang kaalaman ng mga estudyante base sa gusto nilang
kunin na kurso pagdating sa kolehiyo. Ang Accountancy, Business, and
Management o mas kilala sa tawag na ABM ay isa sa mga strand na iyong
pagpipilian pagdating ng Senior High School. Ang strand na ito ay madalas
na pinipili ng mga mag-aaral na nais kumuha ng kursong Accountancy,
Marketing, Business Management atbp. Sa strand na ito hinahasa ang
kaalaman ng mga mag-aaral sa pagpapatakbo, o maaaring pagpapatayo ng
sariling negosyo.

Narito ang ilan sa mga hakbang na aking ibabahagi sa inyo upang


maging gabay sa pagiging matagumpay na mag-aaral. Una, kailangan na
sigurado ka na kinuha mo ang strand na ABM ng sa gayon ay maging
desidido ka na gawin ang mga nakaatas na aralin. Ikalawa, maghanda ng
mga kagamitan na gagamitin katulad ng columnar pad at journal. Ikatlo,
kailangan mong lakasan ang iyong loob dahil ang strand na ito ay hindi
madali. Ikaapat, kailangan mong makinig sa mga itinuturo ng mga guro
dahil siguradong magagamit mo ito bilang gabay sa kolehiyo, Ikalima,
Sundin ang mga gabay ng guro upang magawa ng maayos at tama ang mga
gawain. Ikaanim , magpasa sa takdang oras na ibinigay para sa mga gawain.
Huli, Gawin ang lahat ng makakaya at huwag sumuko.

Ang pag-aaral ay hindi madali kaya naman dapat tayong mag tiyaga sa
lahat ng oras at pagkakataon. Ang lahat ng strand ay mahirap sa kanya
kanya nitong major kaya naman kailangan makinig upang matuto. Ang mga
hakbang na ito ang aking ibinahagi sa inyo bilang isang mag-aaral din ng
ABM dahil sigurado akong makatutulong ito upang tayo ay maging
matagumpay.

You might also like