You are on page 1of 1

ABM: Dapat kunin ng mga kabataan ngayon

Ni: Jeremiah Cordial

Ang ABM o Accountancy, Business, Management ay isa sa mga strand na inaalok sa Academic Track ng
Senior High School. Layunin nitong mabigyan ng sapat ng kaalaman ang bawat mag-aaral na kukuha ng
Accountancy, Management, at iba pang business-related na mga kurso sa kolehiyo. Bukod sa
pagkakaroon nito ng mga espesyal na mga asignatura gaya ng Fundamentals of Accounting,
Organization and Management, Business Math at iba pa, nakatutulong din ito sa mga mag aaral upang
malaman ang iba't ibang kakailanganin kung ipagpapatuloy pa itong kurso pagdating ng kolehiyo. Ngunit
ano nga ba ang benepisyong makukuha mo sa strand na ito? paano naman ito makakatulong sa ating
sarili kumpara sa iba pang strand sa Senior High School? At bakit nga ba dapat ito ang iyong kunin para
sa Senior High School?

Unang una, ang ABM ay nakapokus sa pagnenegosyo at sa accounting. Alam naman natin na ang pag ne-
negosyo ay isa sa mga pinaka maraming trabaho sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Nakakatulong ito
sa pagpapalago ng isang bansa, lalong lalo na sa pang-ekonomikong kalagayan ng bansa. Ang benepisyo
mong makukuha sa pagpili ng ABM ay napakarami, at isa na rin dito ang pagkakaroon ng time
management o pamamahala ng tamang oras sa bawat bagay. Ang ideyang ito ay di-direktang naituturo
sa strand na ito. Ibig sabihin ay likas ang pagkakaroon nito dahil kinakailangan ang time management
lalong lalo na kung ikaw ay mayroon nang isang negosyo. Hindi lamang ito makakatulong sa iyong nga
gawain, ngunit pati na rin sa iyong sarili. Ayon sa itsmorefuninabm1.blogspot.com, ang mga mag-aaral
mula sa ABM ay maaaring matutunan at malaman kung paano magpatakbo ng isang negosyo. Ito naman
ay masasabing mahalaga sapagkat hindi lamang sa mga bagay na may konkesyon sa negosyo magagamit
ang pagpapahalaga sa oras, ngunit sa maraming bagay din, kung sakaling ang kursong iyong kukunin sa
kolehiyo ay wala nang koneksyon sa pagnenegosyo.

Naituturo din dito ang pagiging responsable. Ito ay isa ring katangian na dapat meron ang isang
negosyante. Ngunit katulad ng nabanggit ay hindi lamang diro nagagamit ang pagiging responsable.
Kung ABM ang pipiliin ng isang mag-aaral, mas marami pa siyang matututunan dito na magagamit hindi
lamang sa pagnenegosyo o pangangasiwa, ngunit kasama na rin ang lahat ng bagay na ating ginagawa.

Dapat itong kunin ng mga kabataang katulad mo para sa Senior High School dahil mas maraming
makikinabang sa pagaaral mo nito hanggang sa makapagtapos ka at makahanap ng trabaho o negosyo.
Isa pang magandang dahilan kung bakit mahalaga ang pagpipili ng ABM ay ito ay nakahanay sa mga in
demand na trabaho sa ating bansa. Katulad nga ng nabanggit, napakaraming negosyante sa ating bansa
at isa ito sa pinakamalaking trabahong kinukuha ng mga tao.

You might also like