You are on page 1of 14

University of Perpetual Help System Laguna - JONELTA

Main Building - College of Business and Accountancy

aaral na sumunod sa takbo ng isang predetermined curriculum kung sila ay mayroong plano na

nasa isipan para sa sarili. Ayon kay Dela Cruz (2016), kung ang mga mag-aaral ng ABM ay

kukuha ng BSBA-Business Management, sila ay magtatapos na handa sa kanilang karera sa

negosyo ng may baong kakayahan sa accountancy. Pag-aaralan nila sa kolehiyo ang Financial at

Management Accounting kasama ang mga legal, negosyo, at organisasyunal na konteksto na

maari nilang patakbuhin.

Ang mga mag-aaral ng ABM ay maaaring magkaroon ng mas malalim na kaalaman sa

pagnenegosyo na may posibilidad na magaral ng Human Resource, International Business,

Entrepreneurship, Marketing, at iba pang mga may kaugnayan sa pagnenegosyo na mga kurso.

Wika rin ni Dela Cruz, kung ang mga mag-aaral ng ABM ay napiling magpakadalubhasa sa

Accountancy, maaaring magtapos bilang 'part qualified' accountant na may malalim na

pagpapahalaga sa mas malawak na konteksto ng pagnenegosyo. Pag-aaralan nila ang

professional practice requirements at mas mapalaki ang bilang ng kanilang akreditasyon at

pagkagampala na makukuha nila sa kanilang pagtatapos. Ang kanilang natapos ay mabibigyanng

akreditasyon ng Institute of Chartered Accountants England and Wales (ICAEW), Association of

Chartered Certified Accountants (ACCA), Chartered Institute of Management Accountants

(CIMA) at Association of International Accountants (AIA).

Ang ABM track o Accountancy, Business and Management ay para sa mga estudyante na

nais kumuha ng mga kursong Economics, Business Administration, Marketing at Accountancy

sa kolehiyo. Ang ABM strand curriculum ay nagbubukas ng oportunidad para sa mga estudyante

upang masmapahalagahan ang likas na elemento na bumubuo sa Accounting at Busniess

Management Courses sa Pilipinas. Ang mga paksang nakapaloob sa ABM strand ay dinisenyo at

12
University of Perpetual Help System Laguna - JONELTA
Main Building - College of Business and Accountancy

ginawa upang magkaroon ang mga estudyante ng angkop na kaalaman upang magamit sa

tatahaking landas sa corporate world. (Gubalane, 2016)

Ang Accountancy, Business and Management (ABM) strand ay nakatuon sa pangunahing

konsepto ng financial management, corporate operations, business management at iba pang

konsepto na nakapaloob rito. Ang strand na ito rin ay makatutulong sa pagkuha ng trabaho sa

larangan ng management at accounting na maaaring maging human resource, project officer,

sales manager, bookkeeper, marketing director at iba pa. (Webdev, 2015)

Sa University of Cordilleras, isang estudyante sa unang taon ng kolehiyo ay kumuha ng

Accounting 101, isang kurso na may isang yunit na tungkol sa General introduction to

Accounting. Ngunit ayon sa 2 specialized subjects in Senior High School (SHS) na

Fundamentals of Accountancy, Business and Management ay hindi na ito kailangan kunin ng

mga estudyanteng nagtapos ng SHS dahil ang mga asignatura na ito ay nakapaloob na sa K-12

Curriculum at ito ay tinanggal na sa General Education Curriculum (GEC). Ang mga

pangunahing paksa sa ABM ay Oral communication, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wik at

Kulturang Pilipino, Reading and Writing, Pagbasa at Pagsuri ng iba’t ibang Teksto tungo sa

Pananaliksik, General Mathematics, at Physical Science, 21st Century Literature from the

Philippines and the World, Media and Information Literacy, Statistics and Probability, Earth and

Life Science, Philosophy of the Human Person, Personal Development, Understanding Culture,

Society and Politics, and Contemporary Arts from the Regions. Ang kalamangan ng pagkuha ng

K-12 ay ang hindi na pagkuha ng mga asignaturang natapos na sa SHS (Formoso, 2016).

Ang Kursong Bachelor of Science in Accountancy (BSA)

13
University of Perpetual Help System Laguna - JONELTA
Main Building - College of Business and Accountancy

Ang Bachelor of Science in Accountancy ay isa sa mga pinakilala at di maikakaila na isa

sa mga mahirap na kurso. Limang taon ang kailangan upang makapagtapos dito. Layunin nitong

mapag aralan at maging bihasa sa larangan ng pamamahala sa financial resources ng isang tao,

grupo ng mga tao, kumpanya, organisasyon at maging sa gobyerno. Bagamat basic mathematical

operation lang ang ginagamit sa kursong ito,marami pa rin ang nahihirapan ng husto dahil

ginagamitan ito ng lohikal at masuring pag iisip.

Ayon sa CHED Memorandum Order (CHO) No. 03 series of 2007), ang Accountancy ay

isang propesyon na mayroong mahalagang bahagi sa ating lipunan dahil sa mabilis na pagusad

ng Global Market Economy, kinakailangan ng ating mga unibersidad na makapagproduce ng

mga Accountants na kayang sumabay sa mabilis at modernisadong galaw ng pinansyal na aspeto

ng lipunan.

Ayon sa blog ni Jasmine (2016), Accountancy o Accounting ay isa sa mga pinakamahirap

na kurso. Ito ay kinapapalooban ng pag-awdit, pangangasiwa, batas pang negosyo, at

pagbubuwis. Hindi lamang tungkol sa negosyo ang pokus nito meron din sa pananalapi,

gobyerno, serbisyong panlipunan, sa edukasyon at iba pa. Ito ang madalas na kursong kinukuha

ng mga kabataan ngayon dahil sa malawak na sakop ng propesyong ito.

Sa bigat ng responsibilidad na nakaatang sa mga Accountants, mahalaga sa sakanilang

pag aaral pa lamang ay mahasa na ang kanilang kakayahan at talino. Kailangan ay bihasa sila sa

intelektwal na aspeto at gayun din ang kanilang kakayahang gumawa o kumilos bilang bahagi ng

isang Team, Hindi lamang ito trabaho kundi isang propesyon kung saan ang bahagi ng talino at

gawa ng isang taon ay naibabahagi nya para sa ikabubuti ng lipunan. Ayon kay Macatangay et. al

(2016) sa mga naisulat ni Cordial, naituturo ang pagiging responsible sa pagkuha ng strand na ito

na isa sa mga natatanging katangian ng isang mahusay at epektibong negosyante. Lalo na at ito

14
University of Perpetual Help System Laguna - JONELTA
Main Building - College of Business and Accountancy

ay nakahanay sa mga in- demand na trabaho dito sa ating bansa. Halimbawa nito ay ang

napakaraming negosyante dito sa ating bansa, at isa sa pinakamalaking kinukuhang trabaho ng

mga mamamayan ng Pilipinas, lalo na ang may mga kaalaman ukol dito.

Ang Kursong Bachelor of Science in Business Administration (BSBA)

Ang Batsilyer ng Agham sa Pangangasiwa ng Negosyo (Bachelor of Science in Business

Administration) ay kilala noon bilang Batsilyer ng Agham sa Komersiyo (Bachelor of Science in

Commerce.) Ito ay isang malawak na larangan na tungkol sa iba't ibang uri ng mga posisyon sa

pamamahala ng isang negosyo.

Ito ay dinisenyo upang makabuo ng mga nagtapos na nagtataglay ng isang pamilyar sa

mga operasyon ng negosyo at tinutustusan ang mga ito sa mga kritikal na desisyon sa paggawa

ng mga kasanayan para sa estratehikong at tagapagpaganap na gawain na kinakailangan para

makikipagkumpitensya sa patuloy na pagbabago ng mundo ng pandaigdigang negosyo. Mula sa

mga malalaking korporasyon hanggang sa mga independyenteng o maliliit na negosyo, ang

bawat operasyon ay nangangailangan ng mga empleyadong dalubhasa sa pangangasiwa upang

magtagumpay.

Ang Pangangasiwa ng Negosyo ay nakikipagtulungan sa higit pa sa araw-araw na

accounting at gawaing isinusulat na nagpapatakbo sa isang negosyo. Kapag nagtatrabaho sa loob

ng larangan na ito, responsibilidad mo ang pagtulong sa isang kumpanya sa pamamahala sa

pang-araw-araw na operasyon ng kanilang negosyo upang matiyak ang tagumpay ng pag-abot sa

kanilang target na mga layunin (Legaspi, 2018).

Ang Papel ng Edukasyon

Ukol kay Connelly (2013), ang mga paaralan ay palaging may mahalagang papel na

naninigurong ang mga mag-aaral ay may mga kakayahan na kinakailangan para sa propesyon o

15
University of Perpetual Help System Laguna - JONELTA
Main Building - College of Business and Accountancy

trabaho na kanilang mapipili sa hinaharap. Ang pinakamahalagang tungkulin ng edukasyon ay

ang lubusang maihanda ang mga mag-aaral sa kanilang hinaharap para sa pagpasok sa mundo ng

trabaho. Habang ang ating lipunan at komunindad ay tuloy-tuloy na umuusbong, maaring ito na

ang oras upang pagisipang muli kung paano ang pampublikong edukasyon na mabigyang tulong

ang mga mag-aaral na epektibong makapili ng kanilang karera at mga tatahaking kurso sa

pagpapatuloy ng edukasyon. Karagdagan, dahil sa kasalukuyang pagbabago sa ekonomiya at

lipunan, kadalasang naiisip ng mga mag-aaral na magtrabaho dahil sa hirap ng buhay. Sa pag-

aaral na ginawa ni Belo (2012) sa Nigeria, ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng mga

estudytante sa ikaapat na taon sa sekondarya ito ay dahil sa kulang o kawalan ng mga sapat na

pasibilidad at kagamitan na kailangan ng mga estudyante na makakatulong sa pagtaas ng

kanilang marka at mas matuto ng asignaturang Siphayan na kinakailangan sa larangan ng

negosyo saan mang bahagi ng mundo nais pasukin ng isang tao.

Pagpili ng Propesyon

Ang pagpili ng propesyon ay isa sa maraming mahalagang desisyon na gagawin ng mga

estudyante sa pagtukoy ng mga hinaharap na mga plano at tagumpay. Ang desisyong ito ay

huhubog sakanila at magsisilbing daan sa buong buhay nila. Ang kahalagahan ng pagiging

estudyante nila ay iikot sa kung ano ang napili nilang karera at panghabang-buhay na gawain.

Ayon kay Basavage (2016), mula sa kanyang pagaaral, “Ano ang umiimpluwensya sa mga

kabataan sa kahit anong paraan?” May kasabihan sa Rindge School of Technical Arts na naka-

paskil sa harap ng kanilang pintuan na sinasabi, “Ang trabaho ay isa sa pinakamalaki naming

pagpapala. Lahat ng tao ay dapat magkaroon ng tapat na hanapbuhay” (Rosenstock & Steinberg,

1996). Bawat tao ay may sariling kasaysayan sa buhay na nakakaapekto sa kasalukuyan at sa

hinaharap. Ang kasaysayang nilikha na bahagi sa kapaligiran, personalidad, at oportunidad ng

16
University of Perpetual Help System Laguna - JONELTA
Main Building - College of Business and Accountancy

estudyante, ang magpapasiya kung paano sila magdedesisyon pagdating sa pagpili ng karera.

Ukol kay Edwards (2011), ang pagpili ng karera ay isang kumplikadong desisyon para sa mga

mag-aaral dahil ito ay tumutukoy sa uri ng mga propesyon na balak nilang ituloy sa buhay. Ang

mga estudyante ay dapat magsimulang pumili ng trabaho habang nasa secondary school, upang

makayanan nilang harapin ang mga problema sa pagtutugma ng napiling karera at abilidad at

kakayahan nila sa eskwelahan. Dahil sa pagpapabago-bago ang proseso ng trabaho, ito ay

mahalaga para sa mga estudyante para malaman lang kung ano ang kanilang maaaring

oportunidad, pakinabang nito sa kanila at pagkatapos ay magpatuloy. Pagdating sa mga gastusin

kumpara sa mga benepisyo ng edukasyon, ito ay kung saan ang mga estudyante ay nakagagawa

ng pagkakamali sa overestimating o under estimating ng kanilang pang-ekonomiyang sitwasyon.

Ang mga estudyante ay hindi dapat manatili sa iisang oportunidad lamang, kahit ang tumigil sa

pagkilos kung ang isang oportunidad ay nawala sakanila. Kung ang pagkakataon na ito ay wala

sa kasalukuyan, kailangan nilang gumawa ng sariling oportunidad at magpatuloy.

Ang Spiral Approach at ang K-12 Curriculum

Ang K-12 ay nangangahulugang ang pag-aaral ay mula sa kindergarten, anim na taon sa

elementarya, at anim na taon sa sekondarya Lahat ito ay nangangailangan ng partisipasyon ng

lahat. Bago ang implementasyon ng K-12 sa Pilipinas, Ang sekondarya sa Pilipinas ay mayroon

lamang apat na taon. Sa tuktok ng pagpapahaba ng siklo ng edukasyon, ang kurikulum ng mga

asignatura sa bagong programang ito ay naiiba sa lumang kurikulum. Sa kabuuan, ang Philippine

K to 12 curriculum ay learner-centered at inquiry-based. Ito ay nagbibigay empasis sa pag gamit

ng mga ebidensyang susuporta sa pagbuo ng paliwanag. Di-gaya sa lumang kurikulum na ang

pagkatuto ay nakatuon sa piyesa piyesang impormasyon, ang K-12 ay nakatuon sa pagpapaunlad

17
University of Perpetual Help System Laguna - JONELTA
Main Building - College of Business and Accountancy

ng kritikal na pag-iisip, malikhaing pag-iisip, paglutas ng mga suliranin, pagkakaisa, at pagiging

lantad sa impormasyon.

Ang K-12 curriculum ay itinulad sa spiral approach curriculum na katha ni Jerome Bruner

sa kanyang teorya na may mga prinsipyong hango kay John Dewey. Sa aklat na “The Process of

Education”. Ayon kay Macatangay et. al (2016), sinabi ni Bruner na ang kurikulum ay dapat

inayon ang disenyo sa paraan na kung saan ito ay patungo sa isang spiral na pag-usad na

naguiumpisa sa simple hanggang sa mga komplikadong detalye at nangangailangan ng

pagbabalik tanaw sa naunang kaalaman.

Career education

Ang Career education ay nakakatulong sa isang mag-aaral na magkaroon ng kaalaman at

makabuo ng mga desisyon sa bubuo sa kanilang karera. Sa halip na mag-pokus sa mga

akademikong asignatura, ang mga mag-aaral ay mabibigyan ng pagkakataon na matutunan ang

mga kinakailangang kakayahan at kaalaman bilang paghahanda sa pagpasok sa mundo ng

trabaho sa kanilang tatahaking karera. Ang career education ay naisasagawa sa tulong ng iba-

ibang mga programa tulad ng edukasyong tungo sa adulthood, mga pagsasanay sa trabaho,

pagmementor at edukasyong pang-komunidad. Ang career education ay natutulungan ang isang

tao na mahasa ang kanyang talion at kakayahan upang ipagpatuloy ang napiling karera.

Ayon kay Balana (2013) sa kanyang pananaliksik ay lumabas na isa sa mga

pinakaimportanteng hakbang sa pagkakaroon ng akmang trabaho ay ang masusing pagpa-plano

at mahusay na pagpili ng kurso na tatahakin. Ang isang mag-aaral ay dapat magkaroon muna ng

mabuting plano kung ano ang kurso na nais nyang kunin bago pumasok sa tersarya. Maraming

mga bagay ang dapat bigyang konsiderasasyon bago ang isang mag-aaral ay makabuo ng

desisyon sa kung anong kurso ang nais nyang kunin. Mas mabuti rin kung ang kukuning kurso

18
University of Perpetual Help System Laguna - JONELTA
Main Building - College of Business and Accountancy

ay naangkop sa kung saan ang kanyang talion at kakayahan ay mas mahahasa at mahal nya ang

kanyang mga gagawin. Ayon kay Creed (2009), maraming mga benepisyo ang career education

na maibibigay sa mga mag-aaral. Ito ay nabigyang pansin na mula pa noong nakaraang dekada at

ng ibat-ibang ministro ng edukasyon ay ipinakilala na ang pangkalahatang career education na

maihahandog sa mga mag-aaral. Ito ay kritikal na bahagi ng paghahanda ng isang mag-aaral

tungo sa kanyang inaasam na karera na tatahakin

Ang Sagot ng K-12 sa Career Education

Sa pagtatantya ng ganap ng career education sa programa ng K-12 ay ang sagot bilang

tugon sa kakulangan sa kakayahan at sa mataas na unemployment rate ng mga bagong

nagsipagtapos. Mahalagang mauanwaan ang ganap ng pampublikong edukasyon sa pag gabay sa

mga pasya ng mga mag-aaral. Ayon kay Macatangay et. al (2016), sinabi ni Cook na mula sa

isang ekonomikong perspektiba, ang mga bansa na may mas mataas na proporsyon ng mga mag-

aaral na nasa vocational na mga kurso sa sekondarya ay may mas mababang umemployment

rate.

Pagpili ng Karera

Ang pagpili ng tatahaking karera ay isa sa mga kritikal na pagpili ng mga desisyon na

isasagawa ng mga mag-aaral upang matukoy nila ang kanilang plano sa hinaharap. Ang

pagpapasyang ito ay makakatulong upang mahubog sila at magsilbing daan tungo sa kanilang

pangarap. Ang kahalagahan nito ay iikot sa kung ano ang nais ng mag-aaral sa kanyag buhay

bilang isang manggagawa at sa kanilang propesyon.

Ang bawat isa ay may kanya kanyang istorya na humubog sa kanilang kasalukuyan at sa

kanilang buhay sa hinaharap. Ang istoryang yon ay nakabuo ng isang kritikal na bahagi sa isang

mag-aaral sa kanilang pagkatao, kapaligiran, at isang pagkakataon na matukoy ang mga

19
University of Perpetual Help System Laguna - JONELTA
Main Building - College of Business and Accountancy

pagpapasyang gagawin ng mga mag-aaral. Ayon kay Edwards (2011), ang pagpili ng karera ay

isang kritikal na pagpapasya sa mhga mag-aaral dahil ito ay tumutukoy sa uri ng propesyon na

nais nilang tahakin sa kanilang buhay. Ang mga mag-aaral ay dapat bumuo na ng kanilang pasya

habang nasa sekondarya upang makatungtong ng handa sa kanilang pagpasok ng tersarya.

Ang proseso ng paghubog ng karera ay patuloy na umuusbong, mahalaga na matutunan

ng mga mag-aaral kung ano ba ang mga bukas na opurtunindad ang kakaharapin nila, kung

paano nila sasamantalahin ang mga opurtunindad na iyon, at kung ano ang opurtunidad ang

kanilang tatahakin.

Mga Salik sa Pagpili ng Karera

Ayon kay Macatangay et. al (2016), sinabi ni Basavage na ang unang salik sa pagpili ng

propesyon ay ang kapaligiran na nakakaimpluwensya sa propesyon na pinili ng mga estudyante.

Halimbawa, ang mga estudyanteng nakatira sa isang isla ay maaaring pumili ng isang trabaho na

nasasangkot ang tubig, o maaari nilang piliing lisanin ang isla, at hindi na makikipagugnayan sa

tubig kailanman. Maaaring isa tao sa buhay ng mga estudyante ay nakagawa ng epekto o

impresyon na humahantong sa pagpili ng isang tiyak na propesyon. Ang educational background

ng mga magulang ay maaaring maimpluwensyahan ang mga pananaw ng estudyante sa

pagpatuloy o hindi pagpatuloy ng kanilang edukasyon. Sa pag-aaral ni Perez (2013), tungkol sa

Factors Affecting Career Preferences ipinahiwatig na kasarian, lugar ng tirahan, paaralan na

pinasukan, ugali, self-employment, prestihiyo, seguridad sa trabaho, pinansiyal na suporta,

espesyalisasyon sa trabaho, career flexibility, personal na mga interes, pagkakaroon ng trabaho,

apply, advancement, kaalaman, at pagkatuto sa mga karanasan ay kabilang sa mga

nangungunang dahilan sa pagpili ng kanilang propesyon.

Marketability/Employability

20
University of Perpetual Help System Laguna - JONELTA
Main Building - College of Business and Accountancy

Ang employability ay isang mahirap na konsepto upang bigyang-kahulugan ang

succinctly at comprehensively. Sa binanggit nina Hillage at Pollard (2016), ito ay isang kataga na

ginagamit sa iba 't ibang konteksto sa isang hanay ng mga kahulugan at maaaring kulang sa

kalinawan at katumpakan bilang isang operational na konsepto. Ang literature review na ito ay

isang pagtatangka upang makagawa ng sama-samang mga konsepto ng employability may

kaugnayan sa edukasyon. Ito ay isang mabilis na lumalaking lugar para sa mga publikasyon at

literature review na ito ay hindi maaasahang matatanggap lahat ng publikasyon, ngunit ito ay

naglalayong ilagay ang mga pangunahing isyu sa konteksto. Ang mga estudyante ay pumapasok

sa paaralan upang makahanap ng mas magandang oportunidad sa trabaho o empleyo.

“Karamihan sa mga pag-aaral sa employability ay nag-ugat sa mataas na edukasyon; ang ilan ay

talagang binigyang pansin ang secondary school employability. Kaya, inaasahang ang mga

education providers ay tumugon sa employability imperative sa lahat ng antas” (McGrath, 2012).

“Ang pag-aaral na ito ay pumupuno sa puwang sa pagbibigay ng pansin sa employability skills

sa junior high school level. Ang edukasyon sa antas na ito ay nilayon upang makabuo ng mga

magsisipagtapos na may all-round development (Nigerian Educational Research and

Development Council, 2008).

Ang graduate employability ay matatagpuan sa nagbabagong ugnayan sa pagitan ng

edukasyon at ang labour market. Ang pag-babago ng mass education ay ang paglipat nito

patungo sa isang tinatawag na knowledge-driven o post-industrial economy (Macatangay et.al

2016). Ang paniniwala ng employability ay hinahamon ang tradisyonal na konsepto ng

edukasyon at nagbabangon ng mga tanong kung ano ang punto ng kurikulum na ito; kaalaman sa

paksa at pag-unawa, o pagkatuto kung paano matuto. Pakiramdam ng ilang akademiko na ang

agendang ito ay masyadong inuudyok ng mga patakaran ng gobyerno at employers, sa halip na

21
University of Perpetual Help System Laguna - JONELTA
Main Building - College of Business and Accountancy

sa akademya, at ito ay maaaring humantong sa kaguluhan sa gitna ng mga akademiko na

inaasahan na magturo ng employability skills at katangian sa loob ng klase. Iminungkahi nina

Macatangay et al. (2016), mula kina Dela Harpe et. al na mayroong pag-aalala sa daigdig na mga

umiiral na undergraduate programmer ay hindi gumagawa ng mga nagtapos na may uri ng mga

kasanayan sa pagkatuto at propesyonal na mga kasanayan na kailangan nila upang maging

matagumpay sa kanilang karera. Sa pag-aaral ni Lee (2012), binigyang-diin niya ang

kahalagahan ng edukasyon para sa mga employability – ang pagtutuon ng pansin sa

pagpapaunlad ng mga pangunahing kasanayan at ang kahalagahan ng karanasan sa trabaho. Ang

literature review na ito ay bibigyang pansin ang una, ang employability agenda, pangalawa,

pagpapaunlad ng kurikulum at akademikong pananaw, pangatlo, employability attributes,

reflective learning, karanasan sa trabaho, pagkakaisa at pang-apat, Employability Performance

Indicators at Employer’s needs.

Sintesis ng Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Karamihan ng paaralan nuon ay mayroon ng asignaturang Basic Accounting sa kanilang

kurikulum na kung saan naka pokus lang ito sa mahahalagang konsepto at pagbibigay gabay sa

beginner’s guide a debit at credit. Ngunit sa pagkuha ng Accountancy, Business and

Management na strand, ang mga estudyante ay magkakaroon ng mas malalim na kaalaman sa

Applied Economics, Business Ethics and Social Responsibility, Fundamentals of Accountancy,

Business and Management 1, Fundamentals of Accountancy Business and Management 2,

Business Math, Business Finance, Organization and Management and Principles of Marketing.

Na ayon kay Gubalane (2016), Ang mga paksang nakapaloob sa ABM strand ay dinisenyo at

ginawa upang magkaroon ang mga estudyante ng angkop na kaalaman upang magamit sa

tatahaking landas sa corporate world.

22
University of Perpetual Help System Laguna - JONELTA
Main Building - College of Business and Accountancy

And kursong Bachelor of Science in Accountancy at Bachelor of Science in Business

Administration ay dalawa sa mga maaaring kunin ng estudyanteng nagtapos sa SHS na kumuha

ng ABM strand. Ang kursong Bachelor of Science in Accountancy ay isa sa mga

pinakakilalangng kurso na maaaring kunin sa kolehiyo. Ito ay 5-year degree program na

nakatuon sa epektibong pamamahala ng isang tao financial resources kabilang ang mga angkop

na paraan ng pagsubaybay at pagdodokumento ng daloy ng pera o mga bagay sa loob ng sistema

at ang naaangkop na mga batas na may kinalaman dito. Ang Kursong Bachelor of Science in

Accountancy naman ay mayroong 4-year degree program na makatutulong sa mga estudyante o

kanino man na matutuhan ang mga ins at outs ng pagpapatakbo ng isang negosyo at pati na ang

kinakailangan na mga katangian at mga kasanayan na kailangan ninyong taglayin upang maging

isang matagumpay na negosyante at lider.

Ang edukasyon ay hindi lang para magbasa at magsulat. Ito ay tungkol sa paggamit ng

edukasyon para sa kanilang sariling kapakinabangan at upang gamitin ang kaalaman ng sinuman

para sa kanilang pag-unlad. Na ayon kay kay Connelly (2013), ang mga paaralan ay palaging

may mahalagang papel na naninigurong ang mga mag-aaral ay may mga kakayahan na

kinakailangan para sa propesyon o trabaho na kanilang mapipili sa hinaharap na kung saan

kabilang na rito ang pagpili ng propesyon. Ang pagpili ng propesyon ay isa sa mahalagang

desisyon na gagawin ng mga estudyante sa pagtukoy ng mga hinaharap na mga plano at

tagumpay. Ang desisyong ito ay huhubog sakanila at magsisilbing daan sa buong buhay nila.

Kaya’t napakalaking tulong sa mga estudyante ang pagkakaroon ng k-12 kurikulum dahil

mayroon isang dalawang taon upang maghanda at mapagisipang Mabuti kung ano ang kanilang

tatahaking landas at kung anong trabaho ang babagay sa mga kakayahang mayroon sila. Ang K-

12 ay nangangahulugang ang pag-aaral ay mula sa kindergarten, anim na taon sa elementarya, at

23
University of Perpetual Help System Laguna - JONELTA
Main Building - College of Business and Accountancy

anim na taon sa sekondarya Lahat ito ay nangangailangan ng partisipasyon ng lahat. Bago ang

implementasyon ng K-12 sa Pilipinas at mayroon itong apat na pangunahing strand. Una ay ang

ABM strand o Accountancy, Business and Management, pangalawa ay ang STEM o Science,

Technology, Engineering, and Mathematics, pangatlo ay ang HUMSS o Humanities and Social

Sciences at ang panghuli ay ang GAS o General Academic Strand. Ang K-12 curriculum ay

itinulad sa spiral approach curriculum na katha ni Jerome Bruner sa kanyang teorya na may mga

prinsipyong hango kay John Dewey. Sa aklat na “The Process of Education”.

Ang pagpili ng tatahaking karera ay isa sa mga kritikal na pagpili ng mga desisyon na

isasagawa ng mga mag-aaral upang matukoy nila ang kanilang plano sa hinaharap. Ang

pagpapasyang ito ay makakatulong upang mahubog sila at magsilbing daan tungo sa kanilang

pangarap. Ang career education ay naisasagawa sa tulong ng iba-ibang mga programa tulad ng

edukasyong tungo sa adulthood, mga pagsasanay sa trabaho, pagmementor at edukasyong pang-

komunidad. Ang career education ay natutulungan ang isang tao na mahasa ang kanyang talion

at kakayahan upang ipagpatuloy ang napiling karera. Ayon sa pag-aaral nina Macatangay et. al

(2016), sinabi ni Cook na sa mula sa isang ekonomikong perspektiba, ang mga bansa na may

mas mataas na proporsyon ng mga mag-aaral na nasa vocational na mga kurso sa sekondarya ay

may mas mababang unemployment rate.

Ang mga estudyante ay pumapasok sa paaralan upang makahanap ng mas magandang

oportunidad sa trabaho o empleyo. “Karamihan sa mga pag-aaral sa employability ay nag-ugat sa

mataas na edukasyon; ang ilan ay talagang binigyang pansin ang secondary school

employability. Kaya, inaasahang ang mga education providers ay tumugon sa employability

imperative sa lahat ng antas” (McGrath, 2012). Sa pag-aaral ni Lee (2012), binigyang-diin niya

24
University of Perpetual Help System Laguna - JONELTA
Main Building - College of Business and Accountancy

ang kahalagahan ng edukasyon para sa mga employability ang pagtutuon ng pansin sa

pagpapaunlad ng mga pangunahing kasanayan at ang kahalagahan ng karanasan sa trabaho.

25

You might also like