You are on page 1of 13

PANANAW SA SOLE PROPRIETORSHIP AT KORPORASYON NG MGA

PILING NEGOSYANTE

Ipinasa nina:

Bautista, Mark Russel M.


Buenaventura, Josedech Moriel DC.
Gonzaga, John Paul T.
Bathan, Michaella M.
Cabarle, Roselle R.
Mayor, Archelle Lyn N.
Roberto, Ernette Joyce C.
Natividad, Charisse Joanne B.
Sistoza, Jhenrish Mae N.
Tolentino, Princess Goyeth D.

Taong Panunuran
2018-2019
Kabanata I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Ang pagkakaroon ng negosyo sa lipunan ay napakahalga. Sa pamamagitan

nito nakalilikha ng mga bagong hanapbuhay na nakapagbibigay oportunidad sa

mga manggagawa. Ayon kay Parra (2016), ang negosyo ay isang paraan kung

saan ka kikita ng salapi kapalit ng magandang serbisyo na ibinibigay mo sa tao,

kustomer o mga mamimili. Ito ay maaaring makatulong sa iyo upang maging

matagumpay ka sa hinaharap. Sa pagnenegosyo, dapat ay marunong kang

makisama sa mga tao, dapat na matiyaga ka at hindi ka nanlalamang.

"Ang Pagnenegosyo ay isang organisasyong kaugnay ng pakikipagpalitan ng

produkto at serbisyo sa mga consumers. Ang pagnenegosyo ang pangunahing

pinanggagalingan ng kita ng mga mamamayan na kung saan halos lahat ng mga

negosyo ay pagmamay-ari ng pribadong sektor." (Aquino, 2011). Mayroong

dalawang klase ng pagnenegosyo. Una ay ang pagnenegosyo dahil sa

kapakinabangan kung saan nagnenegosyo sila upang kumita, at ang pangalawa

naman ay ang pagnenegosyong hindi dahil sa pakinabang. Maaring ang dahilan

ay makatulong o maari din upang hindi magbayad ng tax. Halimbawa nito ay ang

Red Cross.

Ang pagnenegosyo ay maaaring Sole Proprietorship, Partnership,

Korporasyon, at Kooperatiba. “Ang sole proprietorship ay ang isahang pagmamay-


ari ng isang negosyo, at isang uri ng entity ng negosyo na pag-aari at pinapatakbo

ng isang indibidwal at kung saan walang legal na pagkakaiba sa pagitan ng may-

ari at mga negosyo. Natatanggap ng may-ari ng lahat ng mga kita (nakabatay sa

pagbubuwis partikular sa negosyo) at may walang limitasyong pananagutan para

sa lahat ng mga pagkalugi at mga utang.” (Santos, 2017). Ayon kay Labayne

(2016) ang Partnership ay ang pagnenegosyo na pagmamay-ari ng dalawa o higit

pang katao na pantay-pantay ang karapatan at responsibilidad. “Samantalang ang

Korporasyon naman ay ang pagnenegosyo na pagmamay-ari ng dalawa o higit

pang katao, ngunit hindi pantay-pantay ang karapatan at responsibilidad.

Mayroong pwedeng magdesisyon at mayroong hindi maaring magbigay ng

desisyon na miyembro.” (Aquino, 2011). “At ang Kooperatiba naman ay ang

pagnenegosyong naiiba sa korporasyon sa pamamagitan ng karapatang

magdesisyon lahat ng miyembro.” (Labayne, 2016).

Ang pagnenegosyo ang isa sa mga nagpapataas sa ekonomiya ng ating

bansa. Kaugnay sa kakayahan ng bawat indibidwal sa pagnenegosyo ay kasabay

ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Ang mga negosyante o entrepreneur ang

siyang makapaghahatid at makapagbabahagi ng sapat na kaalaman ukol sa

pagkakaiba ng partnership at korporasyon. Kung ano ang kanilang pananaw

tungkol dito. Mga impormasyon na maaaring makalap ng mga mananaliksik upang

mas mapalawak ang kaalaman ng bawat isa sa larangan ng pagnenegosyo. At sa

pamamagitan ng pagkalap ng mga impormasyon mula sa mga piling negosyante

ay inaasahang malaman ng mga mananaliksik ang kaibahan ng kanilang mga

pananaw sa sole-proprietorship at korporasyon.


Balangkas Pangkaisipan

Ang mga mananaliksik ay ginamit ang Coomb's System Approach na

nagpapakita ng input, proseso, awtput at pidbak ng isinagawang pananaliksik.

Nakapaloob sa Input ang pagbuo ng mga pamantayan na naging gabay ng

mga piling negosyante sa paglalahad ng kanilang pananaw. Nakapaloob din dito

ang pagsasagawa ng balidasyon sa ginawang pamantayan sa pamamagitan ng

talatanungang tseklis. Ipinasuri sa mga mga piling guro na dalubhasa sa

asignaturang Filipino ang pamantayan upang matukoy ang antas ng katanggapan

nito at simulan ang pagkalap ng impormasyon mula sa mga negosyante.

Makikita naman sa Proseso ang ginawang pamamaraan ng mga

mananaliksik sa pagkalap ng impormasyon gaya ng pagkuha ng profayl ng mga

tagatugon; paaralang pinagtapusan at kursong natapos sa kolehiyo upang

matukoy ang kakayahan nilang makapagbahagi ng kaalaman at kung may

makabuluhang impormasyon ang kanilang maihahatid base sa kanilang profayl.

Nakapaloob din dito ang pagbibigay pananaw ng mga piling negosyante tungkol

sa sole-proprietorship at korporasyon.

Lumabas sa Awtput ang resulta ng isinagawang pagkalap ng impormasyon

ng mga mananaliksik mula sa mga piling negosyante at pagsusuri nito sa

pamamagitan ng estadistika.

At sa huli ay ang Pidbak na nagpapakita ng pagkakaugnay-ugnay ng input,

proseso at awtput ng isinagawang pananaliksik


Modelong Pangkaisipan

INPUT PROSESO AWTPUT

• Pagbuo ng • Pagkuha ng • Pananatili sa

pamantayan pananaw ng mga sole-

• Balidasyon ng tagatugon porprietorship at

pamantayan • Tukuyin ang mga korporasyon ng

epekto ng mga piling


• makalap ang

mga datos at sosyohan sa negosyante

impormasyon pagtayo ng isang

tungkol sa negosyo

sosyohan • Pagbibigay suri

kalalabasang

negosyong

isinagawa sa

pamamagitan ng

sosyohan

PIDBAK

Pigura 1

Paradigma ng Pag-aaral
Paglalahad ng Suliranin

Ang mga mananaliksik ay naglalayong magkalap ng mga impormasyon

ukol sa pananaw ng mga piling negosyante sa sole proprietorship at korporasyon

sa pamamagitan ng mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang profayl ng mga tagatugon ayon sa:

a. Edad; at

b. Kasarian?

2. Ano-ano ang mga pananaw ng mga piling negosyante tungkol sa sole

proprietorship at korporasayon?

3. May makabuluhan bang pagkakaiba ang pananaw ng mga piling

negosyante tungkol sa sole proprietorship at korporasyon ayon sa kanilang

profayl?

Haka ng Pag-aaral

Ang haka ng pag aaral nito ay:

1. Walang makabuluhang pagkakaiba ang pananaw ng mga piling

negosyante tungkol sa sole proprietorship at korporasyon ayon sa kanilang

profayl.

2. Walang makabuluhang pagkakaiba ang pananaw ng mga piling

negosyante tungkol sa sole proprietorship at korporasyon ayon sa pamantayan.


Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tukuyin ang pananaw sa Sole

Proprietorship at Korporasyon ng mga Piling Negosyante sa isang negosyo.

Gumamit ang pag-aaral ng deskriptibong pananaliksik upang matukoy ang

pananaw sa sole proprietorship at korporasyon, na nanggaling sa mga piling

negosyante, kung saan “kadalasan itong naglalayon na makahingi ng opinyon o

mga bagay na relatibo o nagpapabago-bago sa iba’t ibang tao, pagkakataon,

lugar, o panahon.” (Nadunza, 2018).

Pinili ang ilang negosyante na nagmula sa kategorya na soleproprietorship,

maging sa korporasyon, upang magbigay pananaw sa nasabing kategorya.

Isinagawa ang pag-aaral sa pamamagitan ng pagkalap ng impormasyon o

datos na nagmula sa sarbey kwetyuner na ibinigay ng mga mananaliksik, upang

masagutan ng mga respondante na nauukol sa sole proprietorship at

korporasyon.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang bunga ng pag aaral na ito ay naglalayong tukuyin ang mga pananaw

ng mga piling negosyante patungkol sa pag hawak ng sole-proprietorship at

korporasyon na negosyo at makakatulong ito sa:

Mga Negosyante. Makakatulong ito sa pagpapalago ng kanilang negosyo

at mag sisilbi itong kalamangan sa kanilang katunggali.


Mga Guro. Upang madagdagan ang kanilang kaalaman sa nasabing

pagaaral at mapadali ang kanilang pagtuturo sa mga mag-aaral.

Mga Mag-aaral. Upang madagdagan ang kanilang kaalaman at

mapagbasehan sa darating nilang pag sasaliksik.

Sa Komunidad. Upang makamtan ang kanilang iisang hangarin, na

mapaunlad at mapagtibay ang pag nenegosyo.

Mga Susunod na Mananaliksik. Upang mapagbatayan at magamit nila ito

sa kanilang pananaliksik ukol sa nasabing titulo.

Katuturan ng mga Katawagan

Para sa malawakang pagkaunawa, narito ang mga sumusunod na

katawagan na ginamit ng mga mananaliksik sa pag-aaral:

Korelasyonal na Pananaliksik Isang uri ng maparaan pananaliksik na

ginagamit upang malaman ng mananaliksik kung ano ba ang relasyon ng dalawa

o marami pang bagay sa isa't isa.

Negosyante tao na nagsimula at nangangasiwa ng kanyang negosyo.

Pagbibigay suri Pagsasagawa ng pag-aaral sa isang partikular na

paksa na may layuning mahanap ang kasagutan at mabigyang linaw ang

kuryosidad ng mananaliksik ukol dito.

Pagnenegosyo isang organisasyon kaugnay ng pakikipagpalitan ng

produkto at serbisyo sa mga consumers.


Respondante tao na siyang tutugon sa katanungan ng sarbey, at

siyang sentro ng pananaliksik.

Sarbey isang kagamitan na kadalasang ginagamit sa mga

pananaliksik na naglalayong makakuha ng mga impormasyon, partikular na ang

bilang o dami ng mga tao sa isang partikular na kondisyon o may opinyon.

Sikolohiyang pampakikitungo Pag-aaral patungkol sa kung paano

nakikipaginteraksyon ang tao.


Kabanata II

REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-ARAL

Balangkas Teoretikal

Sa The Hawthorne Studies (1920), na naisagawa ng mga manggagawa at

ni Elton Mayo sa kanilang Hawthorne Plant of Western Electric Company ni Fritz

Roethlisberger noong 1920, tinukoy dito at pinokus ang mga stratehiyang nauukol

sa pangangasiwa, na nagsasama ng sikolohiyang pampakikitungo na aspeto ng

pag-uugali ng mga tao o manggagawa sa isa o mga organisasyon, na mauugnay

sa pag-aaral na ito: pananaw sa sole proprietorship at korporasyon ng mga piling

negosyante, kung saan nakabatay ang pananaw o perspektibo ng isang

manggagawa, sa kanyang nakakasama at nakakasalimuhang kapwa o may-ari ng

pagawaan na nagreresulta sa kanyang pinapakitang kilos at pag-uugali, at

nakakaapekto sa kanyang pananaw o perspektibo.

Mga Kaugnay na Literatura

Ayon kay Saura (2013), Ang pagnenegosyo ay nahahati sa tatlong Uri:

Isahang pagmamay-ari, Sosyohan at korporasyon. Para sakanya ang

pagnenegosyo ay isang mainam na gawain dahil sa gawi at ugali ng mga Pilipino

sa konsumerismo. Naniniwala siya na ang tagumpay ng mga prodyuser ay nasa

husay ng mga ito sa pagiging entreprenyur.

Ayon kay Dublin, A. (2013), milyun-milyong mga mag-aaral at mga

empleyado ang nangangarap na makapukaw ng isang ideya sa isang


matagumpay na negosyo. Sa pamamagitan ng isang mahigpit na kahulugan ng

negosyante na siyang tao na kayang patakbuhin ang isang makabagong negosyo.

Pagkatapos idebelop ng negosyante sa mas malakihang negosyo ay maaari itong

pamunuan ng nag-iisa o sa tulong ng mga ilang tao. Ang taong iyon ay maari o

maging isang punong tagapamahala.

Ayon kay Armstrong, G. at Kotler, P. (2013), ang pinaka-pangunahing

konseptong at pinagbabatayan ng pagbebenta ay ang pangangailangan ng tao.

Ang pangangailangan ng tao ay isang estado ng kailangan ng isang bagay. Isama

na ang pangunahing pisikal na mga pangangailangan para sa pagkain, damit,

tirahan at kaligtasan, panlipunang pangangailangan para sa pag-aari at

pagmamahal; at mga indibidwal na mga pangangailangan para sa kaalaman at

sariling ekspresyon.

Ayon kay Camposano J. (2006) ang pagnenegosyo ay simula sa wala ay

tinatawag na start-up. Ang start-up ay isang importanteng opsyon para sa mga

entrepreneur sa ilalim ng mga ilang pagkakataon. IAng Una ay ang merkado para

sa isang produkto ay lumago ngunit hindi sapat ang mga nagbebenta nito.

Pangalawa ay ang suplayer ay hindi nagtagumpay upang tugunan ang

pangangailangan ng ilang mamimili.

Ayon kay Fajardo (2010), ang negosyo ay isang organisadong abilidad ng

isang indibidwal upang lumikha at magbenta ng mga produkto at serbisyo upang

matugunan ang pangangailangan ng komunidad. Ang pagnenegsyo ay nahahati

sa dalawa: ang malaking pagnenegosyo at ang maliit na pagnenegosyo. Ang mga

katangian ng maliliit na negosyo ay maliit na kapital ngunit mataas na


pangangailangan sa paggawa. Ang maliliit na negosyo ay matagumpay sa maliliit

na bagay at nag-oopera ng mga ito sa malalapit na mga iba pang merkado at ang

kapital ay galling sa may-ari.

Gaya ng iniulat sa Ministry of Foreign Affairs’ business handbook (2011),

ang sole proprietorship ay isang negosyo na may nag-iisang may-ari na walang

limitasyong pananagutan. Kaya naman, ang sole proprietorship ay isang maliit na

organisasyon na ang sukat nito ay nagpapahirap na kumbinsihin ang mga

customer sa kanilang kita.

Ang sole proprietorship ay ang pinakasimpleng anyo ng samahang

pangnegosyo na kung saan ang may-ari ay ang negosyo, samakatuwid ang may-

ari ay nag-uulat ng kita sa kanyang sariling personal na income tax return at legal

na responsable sa lahat ng pagkakautang at obligasyon na natamo ng negosyo

(Miller at Jentz, 2008).

Ang isang korporasyon ay mahalagang isang entity na umiiral nang hiwalay

at bukod sa mga may-ari nito. Ang mga korporasyon ay kinakailangang

magkaroon ng hindi bababa sa isang may-ari, at ang mga may-ari ay tinatawag na

mga shareholder o stockholder; ang mga interes ng pagmamay-ari ay tinutukoy

bilang stock (Rianda, 2011).

Ang isang korporasyon ay itinatag kapag ang mga artikulo ng pagsasama

ay isinampa sa sekretarya ng estado. Ang dokumentong ito ay nagtatatag ng

dahilan para sa enterprise at sa ilang mga estado, ito ay tinutukoy bilang isang

sertipiko ng pagsasama o isang charter ng kumpanya (Arend, 1999).


Tulad ng ipinaliwanag ng Chonkrin (2008), ang isa sa kahinaan ng nag-

iisang pagmamay-ari ay ang karamihan sa mga negosyo sa ilalim ng

organisasyong ito ay walang organisadong sistema dahil ang may-ari ay

nagnanais na gawin ang negosyo nang walang anumang kaalaman sa

pamamahala.

You might also like