You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Eastern Visayas State University


Tacloban, City

KONSEPTONG PAPEL
(PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK)

Ipinasa nina:

AFABLE, SAMUEL JR. A


CATINDOY, RYAN J.
MONECILLO, RONALD D.
SABANGAN, JEFFREY G.

Ipinasa kay:

Bb. JEREMIAH S. SUMILANG


NEGOSYO BILANG PARAAN SA PAG-UNLAD
NG PAMUMUHAY NG BAWAT
PILIPINO

RASYUNALE:

Sa pananaliksik na ito, nais ipabatid ng mananaliksik sa mga mag-aaral


ang kagandahan ng pagkakaroon o ang pagtatayo ng isang sariling negosyo. Sa
ganitong pamamaraan malalaman nila na ang pagnenegosyo ay isang
epektibong daan tungo sa pagpapaunlad ng ating pamumuhay. Ang konseptong
Papel na ito ay makakatulong din sa pagpapaunlad ng lipunan ng bansa dahil
madadagdagan ang mga estudyante na gugustuhing pag-aralan ang pagiging
negosyante. Ang ibig sabihin nito ay dadami rin ang mga negosyante dito sa
Pilipinas at mas uunlad pa ang ating bansa.

Ang isang negosyo ay isang grupong panlipunan na naiiba sa ibang mga


grupo ng panlipunan sa isang paraan lamang: Ang mga negosyo ay dapat
magkaroon ng mga customer. (Dr. Drucker,2018).

Ayon pa nga kay Drucker (2018), ang negosyo ay


mayroon lamang isang wastong kahulugan ng layunin, ito ay ang paglikha ng
isang customer, na kung saan ang customer ay ang tumutukoy kung ano ang
isang negosyo dahil ang customer ay ang pundasyon ng isang negosyo at kung
paano ito mananatili.

Sa panahong ito, hindi na daw sapat yung nangangamuhan ka lang.


Kailangan na mayroon ka pang ibang pinagkakakitaan o source of income bukod
sa iyong sweldo. Sa taas ng bilihin, sa mahal ng mga serbisyo – kapos ang
hinihintay natin tuwing kinsenas at katapusan para pagkasyahin ang gastusin sa
araw-araw. Ang masaklap pa, kapos na nga, may utang pa na dapat bayaran
(Domato,2015)

Hindi talaga nakasasapat ang magkaroon ng 9 to 5 job o pagiging


karaniwang empleyado na may trabaho ng walong oras isang araw. Ang
kailangan natin ay extra kita. Maaaring negosyo o ibang mapagkakakitaan gaya
ng investment. Hindi naman kailangan na bonggang-bongga ang sisimulan mong
business. Siguro sa umpisa, pweding barya-barya lang ang kita. At least may
simula (Bengco,2015).

Dagdag pa ni Bengco, lahat ng negosyo ay kailangang may sinasagot na


pangangailangan, problema at kakulangan. At dapat nating tandaan, na lahat ng
matagumpay na negosyante ay hindi sila minsan lang nabigo

Ayon naman sa sinabi ng founder ng pinaka-malaking Chinese E-


commerce na si Jack Ma (2015). “The very important thing you should have is
patience. Today is cruel. Tomorrow is crueler. And the day after tomorrow is
beautiful.” Na ibig sabihin, kailangan ay matiyaga tayo kung nais nating
magtagumpay hindi lang sa negosyo kundi maging sa ibang bagay. Huwag rin
asahan ang biglaang tagumpay dahil hindi mawawala sa negosyo ang kabiguan.
Ang magiging tagumpay mo ay nakasalalay sa kung paano mo ito pinaghandaan
at pinagplanuhan.
LAYUNIN:

 Mahikayat ang mga mag-aaral na pag-aralan ang


pagnenegosyo;

 Magbigay ng impormasyon ukol sa kahalagahan ng


pagnenegosyo;

 Malaman ang pananaw ng kabataang Pilipino ukol sa


pagnenegosyo;

 Magsagawa ng interbyu o sarbey sa mga pilipinong negosyante;


KATAWAN

Ang Pagnenegosyo ay isang organisasyon kaugnay ng


pakikipagpalitan ng produkto at serbisyo sa mga consumers.
Ang pagnenegosyo ang pangunahing pinanggagalingan ng kita ng
mga mamamayan na kung saan halos lahat ng mga negosyo ay
pagmamay-ari ng pribadong sector.

Ang layunin nito ay ang pagbebenta ng mga produkto para sa


pagunlad ng ekonomiya ng isang lipunan o isang mamayan. Ito din ay
nakakatulong sa mga taong nangangailangan ng pera para sa araw-araw
na gastusin. Ang pagnenegosyo ay isang paraan upang makalikom ng
pera ang isang pamilya at isang manggagawa. Ang isang negosyo din ay
maaaring makatulong sa pagdagdag ng trabaho para sa mga
mangagawang walang mapasukang trabaho.

Mayroong dalawang klase ng Pagnenegosyo. Una ay


ang pagnenegosyo dahil sa kapakinabangan kung
saan nagnenegosyo sila upang kumita, at ang pangalawa naman
ay ang pagnenegosyong hindi dahil sa pakinabang.

Ang mga karaniwang anyo ng pagnenegosyo ay ang mga sumusunod:

1. Sole Proprietorship – Ang negosyo ay pagmamay-


ari lamang ng iisang tao.

2. Partnership – Ang negosyo ay pagmamay-ari ng dalawa o


higit pang katao na pantay pantay ang karapatan at
responsibilidad.
3. Korporasyon – Ang negosyo ay pagmamay-ari ng dalawa o
higit pang katao ngunit hindi
pantay pantay ang karapatan at responsibilidad.
Mayroong pwedeng magdesisyon at mayroong hindi
maaring magbigay ng desisyon na miyembro.

4. Kooperatiba– Ang negosyong ito ay naiba sa korporasyon sa


pamamagitan ng karapatang magdesisyon lahat ng
miyembro.

MGA ESTRATEHIYA UPANG MAGING MATAGUMPAY ANG ISANG


NEGOSYO

Hindi basta basta ang pagpapatayo ng negosyo dahil ang sapat na


kaalaman at sapat na estratehiya ay kinakailangan. Ang estratehiya ay
isang mahusay na pamamaraan upang mapatakbo ng maayos ang
negosyo.

Ayon kay Dave Ramsey, “People are in such a hurry to launch their
product or business that they seldom look at marketing from a bird’s eye
view and they don’t create a systematic plan.” "Ang mga tao ay
nagmadali upang ilunsad ang kanilang produkto o negosyo na bihira
nilang tinitingnan ang pagmemerkado mula sa pananaw ng mata ng
ibon at hindi sila gumagawa ng sistematikong plano." Ito ay madalas
na nangyayari sa panahon ngayon kaya tila dumarami ang mga negosyo
na hindi nagtatagal at hindi nagiging matagumpay. Ang pagpaplano ay
isa sa mga pinakaimportanteng estratehiya sa pagnenegosyo dahil dito
matutukoy kung saang lugar mas tatangkilikin ang negosyo, kung ito
nga ba ay nakapanahon at magiging patok sa mata ng mga tao, kung
sino ang magiging target market at kung ano nga ba ang mga sistema na
dapat sundin upang ito ay mahusay na maibenta.

Tila sobrang importante ng pagpaplano dahil ito ay makakatulong


upang mas maging maganda ang resulta ng negosyo at impresyon ng
mga kostumer sa produktong kanyang binili. Ayon nga kay Natalie
Massenet, “Never forget that you only have one opportunity to make a
first impression- with investors, with customers, with PR, and with
marketing.” "Huwag kalimutan na mayroon ka lamang isang
pagkakataon na gumawa ng isang unang impression - sa mga
mamumuhunan, sa mga customer, sa PR, at sa marketing." Ang
unang impresyon ng mga taong tatangkilik sa isang negosyo ay ang daan
sa pag-unlad o pagkalugi ng negosyo kaya marapat na bago simulan ang
negosyo ay nakaorganisa lahat at dumaan lahat ng produkto sa isang
pagsusuri. Ang tama at magandang impresyon ay siyang magpapaunlad
sa negosyo dahil kapag ito ay nagustuhan ng isa malaki ang posibilidad
na sasabihin niya ito sa iba pa at patuloy itong makikilala ng ibat-ibang
tao at ito ang sagot sa pagtaas ng sales. Subalit ang unang impresyon
din ay ang maaaring maghatid ng negatibong resulta sa negosyo dahil
ang mga kostumer ay hindi na tatangkilikin ito at negatibo pa ang mga
sasabihin nila sa ibang tao tungkol sa produkto at sa negosyo.

KONKLUSYON:

Ang pagkakaroon ng sariling negosyo ay makatutulong sa ating


pang araw-araw na pangangailangan lalo na sa sistemang pinansyal. Ito
rin ay makatutulong sa pagpapalago ng ekonomiya ng ating bansa.
BBIBLIOGRAPIYA:

https://pinoynegosyo101.wordpress.com/2011/12/02/ano- ba-ang-
negosyo-at-pagnenegosyo/

https://mykhaelamariemanuel.wordpress.com/2016/02/03/mabisang-
estratehiya-kapalit-ay-maunlad-na-negosyo/

https://brainly.ph/question/420074#readmore
http://deltanet-
consultants.com/core_beliefs/business/about_business.htm

http://radyo.inquirer.net/39983/praktikal-na-tips-para-magsimula-ng-
negosyo-sa-problema-lang-yan-ni-brenda-domato

You might also like