Ang pagtalikod ba sa nakaraan ay ang pagyakap sa kasalukuyan?
Ngunit kailangan ba talagang talikuran ang nakaaran upang mayakap natin ang kasalukyan? Sinasabi nang ilan na kailangang pag-aralan ang kasaysayan o ang nakaraan upang magkaroon ng magandang kinabukasan ngunit ang ibang nakaraan o nakalipas na ay wala namang pakinabang sa kinabukasan. Magkakaiba ang pananaw natin tungkol dito dahil lahat tayo ay may sariling karanasan na maiuugnay natin sa nakaraan, kasalukuyan o hinaharap.
Ang nakaraan ay minsay ating ginagamit upang maging basehan o
kapulutan ng aral para sa ating nararansan sa kasalukuyan. Pinapagaralan natin ang kasaysayan upang ating muling balikan ang mga malalaking karangalang nagawa ng ating mga ninuno upang magkaroon tayo ngayon o sa susunod pang henerasyon ng magandang kinabukasan. Ating tandaan na kung wala ang nakaraan, wala tayong halaga ngayon kung hindi natin alam ang mga paghihirap ng ating mga ninuno, ang kanilang pagsisikap, paano natin sila mabibigyang respeto. Paano natin mapagtatanto at ipagmamalaki ang ating bansa, kultura, tradisyon at paniniwala.?
Ating nasaksihan kung paano pinaunlad at pinausbong ng panahon ang
ating pamumuhay sa pamamagitan ng agham at teknolohiya. Hindi maipagkakailang malaki ang naitulong nito sa pagpapaangat ng antas ng ating pamumuhay.
Ngunit nakalulungkot isipin na ang kapalit ng malawakang rebolusyon
para sa modernisasyon ay nagdudulot din rin sa atin sa paglimot at pagtalikod sa mga nakagisnang kaugalian. Sa patuloy na ratsada ng modernisasyon, naibabaon sa hukay ang mga pinaghirapang pamana sa atin ng ating mga ninuno. Nabago na pati ang tradisyong dapat ay ating iniiangatan. Hindi masama ang pag-unlad. Ito'y nagpapakita na tayo'y may kakayahan at talinong umangat sa ating pamumuhay. Ngunit ang pagbabago ay hindi paglimot sa mabuting asal at kaugalian o di kaya'y pagtalikod sa nakaraan. Bagkus ito ay pagpapatuloy ng tradisyon ng pakikipagbayanihan at pagiging kontento sa simpleng kabuhayan. Kaya't sa pagdating ng 21 st century, huwag hayaang matangay ang sarili sa pagbabago. Walang kabuluhan ang modernisasyon kung ang mga mamamayan ay di- nagpapahalaga sa mga mahahalagang kaugalian o kultura na naging pundasyon ng ating lipunan.