You are on page 1of 3

Prologo

“Kung may sinuksok may maidudukot” ika nga nila.

Masasabing isang tagumpay ang Portfolio itong dahil naglalaman ito ng mga
kathang pinasumikapan. Mga orihinal na katha na maipagmamalaki. Ilan sa mga akdang
matatagpuan dito ay ang Buod ng "Wikang Filipino, Mahalagang Salik sa Pagpapahayag
ng Karapatang Pantao" na isinulat ni Lakandupil C. Garcia, EdD.

Ibinuhos ng may akda ang kanyang kaalaman, kakayahan at pagiging malikhain


upang magawa ng mga akda sa wastong pamamaraan. Ang dahilan ng may akda kung
bakit ang pamagat ng Portfoliong ito ang napili ay sa labis na kasiyahan na sa kanyang
paghihirap ng buong semester ay may mga bunga na siyang aanihin. Mga bungang
nagsasalamin sa kanyang paghihirap, pagkamalikhain at iba pa.

Mula sa simula hanggang sa huli, ginabayan ng guro sa Filipino sa Piling Larang


na si Gng. Cinthia San Diego ang may akda ng Portfoliong ito. Maraming salamat sa
walang humpay na gabay upang matapos ang mga gawain. Sa tulong din ng mga kapwa
mag-aaral ng may akda, sa suportang binigay at sa gabay din maraming salamat.
Epilogo

Ang kursong Accountancy, Business and Management ay hindi laman


tungkol sa pagiging businessman o manager sa hinaharap. Isa sa mga asignatura rito ay
ang Filipino sa Piling Larang. Ang Filipino sa Piling Larang ay masasabing isang
masayang asignatura kung saan nabigyan ng karanasan ang mga mag-aaral sa pag-susulat
ng mga akademikong sulatin. Sa mga orihinal na katha na ginawa mas napalawak nito
ang kaalaman ng may akda tungkol sa mga sulating pangakademiko at pagiging
malikhain. Sa kabilang banda, ang hirap sa pagsulat ng akademikong sulatin ay napalitan
ng kasiyahan ng makita ang kabuuan ng kanyang ginawa.

You might also like