You are on page 1of 2

Tinatagong Yaman sa Kabukiran

ni G. Joel B. de la Torre
Likas sa ating mga tao ang maghanap
ng kayamanang hindi kayang hanapin ngunit
sinisikap abutin sa pag-asang makamit natin
ang ating mithiin. Lingid sa ating kaalaman,
nakakalimutan nating halughugin ang ating
paligid sa kabila ng ating paghahanap sa
malayo. Sabi nga nila’y maikli lang ang
buhay kaya hanapin mo ang kayamanang
nagpapasaya sa’yo. Hindi ko naman
inakalang ang kayamanang ito ay
nadiskubre’t naramdaman ko sa Café sa
Bukid.
Ika-14 ng Nobyembre 2021. Petsang hindi ko malilimutan sapagkat hindi ko inaasahang
magiging isa ito sa pinakamakabuluhan at hindi malilimutang pangyayari sa aking buhay. Alas
7:00 pa lamang ng umaga’y ginising na ako ng aking ina ngunit tinatamad akong gumising kaya
bumalik ako sa pagtulog; marahil ay pagod na pagod ako sa online class namin at pagsusulit
kahapon. Nang banggitin nina nanay at tatay na pupunta sila sa Barangay Kibanggay upang
bisitahin ang Café sa Bukid ay tila sumipag akong gumising at maligo agad. Abalang-abala
akong hinanap ang aking magarang kasuotan upang gwapong tingnan sa malayong paglalakbay.
Tatlo lamang kami ng aking nanay at tatay kaya motorsiklo ang sinakyan naming
papuntang Café sa Bukid. Mahaba ang aming binyahe at tila sumusuko na ang aking katawan sa
kalagitnaan ng paglalakbay sapagkat nagninyebe ang klima doon sa Barangay Kibanggay. Hindi
pa man kami nakakababa sa aming sinasakyang motorsiklo ay tanaw ko na ang mala-mansyon na
bahay-kubo. Kadalasan sa mga gamit at muwebles ay gawa sa magandang klaseng kahoy;
napapalibutan ng mga mamahaling halaman at iba-ibang uri ng antigong dekorasyon at palamuti.
Agad akong umakyat upang makita
ang magandang tanawin sa kabukiran at
naghanap ng komportableng lugar na
mauupuan. Si nanay ay nagpili ng aming
makakain, habang si tatay ay abala sa
kalalagyan ng motor dahil puno na ang
paradahan. Iba-ibang mukha ang aking
nakikita at tila nakakaantig na kahit ang mga
taga-ibang bansa ay napadpad sa lugar na ito.
Pagtingin ko sa kanan at kaliwa ay iba-ibang
eksena ang aking nakikita; may mga
nagkakatuwaan, nagkukwentuhan, kumukuha
ng larawan, at kumakain ng tahimik. Nang
dumating ang aming inorder na pagkain ay nagdasal ako kasabay ang aking pamilya at agad ko
itong kinain ng walang pag-aalinlangan. Habang busog sa gilid ay kumuha ako ng litrato kasama
ang aking pamilya at inanyayahan ko si nanay na kuhanan ako ng litrato kasabay ng masarap
kong pagkain para sa koleksyon ko at bilang alaala. Nagkuwentuhan kami pagkatapos ng kainan
at nagligpit ng aming mga gamit. Buong galak kong pinasalamatan ang aking nanay at tatay,
lalong-lalo ang Diyos na Maykapal.
Hindi natin pansin sa buhay na ang kayamanang hinahanap natin ay nasa gilid lamang.
Maituturing kong mayaman ako hindi sa pera kundi sa pagmamahal na binubuhos ng aking mga
magulang, katulad na lamang sa Café sa Bukid na kahit nasa kabukiran ay sinisisid talaga ng
mga turista dahil sa taglay nitong kayamanan at kagandahan. Lahat ng kayamana’y lumilisan,
ngunit ang mga alaalang nabuo kasama ang ating mga kayamanan sa buhay ay mananatiling
sariwa sa ating puso’t isipan. Higit sa lahat, hindi nakabase sa kung anong klase at kung gaano
man kalayo ang lugar na nais nating tunguhin. Hangga’t kasama mo ang mga taong importante’t
tinuturing mong kayaman, hindi mo ito malilimutan.

You might also like