SAGADA Naimbitahan ang aking pamilya upang masaksihan at makisalu-salo sa isang magarbong kasalan ng aming tiyahin sa Bontoc, Mountain Province na inaasahan nila na sana ay dumalo ang aking mga magulang upang mabigyan ng karampatang basbas ang pag-iisang-dibdib nila. Bilang isang kabataan, nais kong pumunta sa iba’t ibang lugar dito sa ating bansang Pilipinas na may iba’t ibang tanawin. Lalong lalo na ang mga lugar na talaga namang tinatangkilik ng mga lokal at dayuhang turista, mapa-dugong banyaga man o yung mga katutubong doon na mismo sa lugar na iyon lumaki at nagkaisip. Tumpak naman na sa Bontoc, Mountain Province kami dadalo sa isang okasyon. Sa kabutihang palad, nagbigay pahayag ang aking ama na pagkatapos ng kasalan sa araw na iyon ay dadalo kami sa lalawigan ng Sagada Bontoc, Mountain Province upang mamasyal at bisitahin ang mga kaakit-akit na mga tanawin at mga tanyag na tourist spots sa iilang araw lamang. Tamang-tama at isa sa mga tauhan ng aking ama sa kanyang pinamumunuan ay kabilang sa tribo ng Kankanaey sa Sagada. Tandaang mabuti na hindi ko ginawa ito upang magbakasyon lamang at magmuni – muni kundi para malaman ko kung saan at paano nga ba ganoon ang tawag sa lugar na iyon. Kalahating oras ang biyahe mula sa Ifugao papuntang Bontoc, Mountain Province pero kahit na malayo at mahaba ang biyahe ay sulit parin dahil sa magagandang tanawin na aking nasusulyapan at dito ko talaga masasalamin ang tunay na kagandahan ng kalikasan. Isa pang kadahilanan kung bakit kalugud-lugod ang biyahe naming ay dahil kasama ko ang aking mga mahal sa buhay, ang aking buong pamilya. Pagkatapos ng okasyon at pakikihalubilo, kami ay namaalam at pumadpad na sa lugar na tinagurian noong “Best Kept Secrets of the North”, pero hindi na masyadong sekreto ngayon. Makalipas ang ilang oras at pagsapit ng dapit-hapon, kami ay maligayang dumating sa lalawigan ng Sagada! Ang bayang ito’y nasa ikalimang klase sa lalawigan ng Mountain Province sa Pilipinas. Pagdating namin doon ay dumalaw muna kami sa “THE EPISCOPAL CHURCH OF SAINT MARY THE VIRGIN” na matatagpuan sa bandang Staunton Road. Nagpahinga kami doon at nagbigay na rin ng panalangin bilang pasasalamat sa ligtas at masayang paglakbay. Pagpasok ko pa lamang sa mala-antigong pinto nito na gawa sa kahoy ay makikita na ang mga disenyo, nakaukit na larawan at Episcopal Church, Sagada, Mt. Province Tilan, Ma. Helen Ruth C. FILIPINO 12 HUMSS A Ma’am Esther Nuarin, Activity 9 Lumingay, Gallangi’s Residence arkitektura na may pinagsanib na mga elementong pang-kultura at impluwensiya ng mga Amerikano at mga Kastila sa panahon nila. Para sa karagdagang kaalaman, ang Church of St. Mary the Virgin ay ang pangunahing simbahan ng Episcopal sa Sagada. Ito ay itinayo noong 1904 ng mga Amerikanong misyonaryo sa ilalim ng pangangasiwa ng Episcopal Church sa Estados Unidos na pinangunahan ni Rev. John Staunton. Isang kagiliw-giliw na katotohanan ay ang Amerikanong historyador na si William Henry Scott ay inilibing sa bakuran nito noong Oktubre 10, 1933. Makikita rin sa labas ng simbahang ito ang nakaladlad na sinaunang kampana ng mga banyaga noong taong 1921. May Antique Bell, A.D. 1921 mga iba ring makasaysayang artipakto ang nakapaligid sa simbahan na may taglay na mayamang kasaysayan. Bago lumubog ang araw, kami ay sumadyang namasyal sa pinakatanyag na pook-pasyalan sa lugar, ang “HANGING COFFINS” na matatagpuan sa Echo Valley. Kami ay naglakbay pababa ng mahigit-kumulang tatlumpung minuto bago namin masulyapan ang mga daan-daang mga kabaong na kahoy na nakalawit o nakabitin mula sa mga bangin at kuweba. Akin ring napansin na ang unang mga nadaanan ko ay mga nakalibing sa puntod na gawa sa semento ngunit habang ako’y naglalakad ng tuwiran pababa ay may mga nakapreserbang mga bungo at buto na naisuksok sa Isang artifact na gulong ng kalesa noong sinaunang puwang ng mga bato at lupa. panahon Kasiya-siya ang aking nararamdaman sapagkat maraming mga turista pa rin ang bumibisita kahit malapit na ang takipsilim at marami rin sa grupo na may tour guide ang bumisita upang mag-alay ng biniyayaang dasal sa mga matagal nang namayapa. Pagpunta roon ay kailangang hindi gawing maingay ang paligid at manatiling manahimik bilang respeto sa kapayapaan ng kanilang mga ninuno. Tilan, Ma. Helen Ruth C. FILIPINO 12 HUMSS A Ma’am Esther Nuarin, Activity 9 Lumingay, Gallangi’s Residence Para sa karagdagang kaalaman, ang mga mamamayan ng Sagada Mga nakalibing sa sementadong puntod ay sumusunod sa isang natatanging rituwal ng paglilibing. Ang mga matatanda ay umuukit ng kanilang sariling mga kabaong mula sa walang guwang na mga troso. Ang mga tao doon ay nagsasanay ng gayong klaseng paglilibing sa loob ng higit na 2000 taon, at ang ilan sa mga kabaong ay mahigit isang daang gulang na. Sa paglaon, ang mga kabaong ay lumalala na ang kondisyon at nahuhulog mula sa kanilang walang katiyakan na posisyon. Ayon sa tauhan ng aking ama, ang dahilan kung bakit Hanging Coffins nakasabit ang mga kabaong ay dahil sa paniniwala na kapag mas mataas ang isinabit na mga kabaong ng mga patay, mas malaki ang tsansa ng kanilang mga espiritu na makapasok sa isang mas mataas na kalikasan sa kabilang buhay. Sa madaling araw, amin namang matutunghayan ang bundok na naiiba sa bulubundukin ng rehiyon ng Cordillera, ang “BLUE SOIL HILLS”. Naghanda kami ng mataimtim upang maglakbay ng halos tatlo hanggang apat na oras ng trekking at sa temperaturang hindi tataas ng 15 degree celcius. Alas kwatro ng umaga nagsimula ang aming trek na kung saan maputik ang daan paakyat kaya kailangan ng kibayong pag-iingat. Kanya-kanyang diskarte naman ang inisagawa para kontrahin ang lamig. Madadaanan rin dito ang Marlboro Hills at ang picture perfect na limestone formation na kung saan mapapawi ang pagod sa kagandahan nitong mga tanawin. Dito na bubungad ang sinadya nating bundok na tinawag ng mga residente na “Kaman- utek”, na inihawig sa utak na may kulay na asul, salitang minana na sa mga sinaunang ninuno. Ayon sa lokal na pamahalaan ng Sagada, nananatili pa ring misteryo ang dahilan ng kulay nito. Pagdating pa lamang doon ay makikita na sa malayuan ang nakakabighaning mga pine trees na pinaligiran ang natural at pinong blue soil. Para sa akin, ito ang pinakamagandang tanawin na Blue Soil Hills aking na nakita dito sa Sagada dahil dito ako labis na kumuha ng mga magagandang litrato kabilang na ang aking pamilya. Ang panghuli naming dinayo sa masagana at pinagpalang lupain ng Sagada bago kami tuluyan ng umuwi sa aming probinsiya ay ang Sumaguing Caves. Ang pag-aalala sa aking ulo ay nagsimulang lumaki nang kami na ay pumasyal dito. Hindi ito dahil mahirap umakyat at bumaba, ngunit dahil nagsisimula nang bukang-liwayway sa akin kung gaano katindi ito, magiging mas mahigpit na umakyat pabalik. Ngunit sa kalaunan ay labis naman akong nasiyahan sa pangkalahatang paglibot ko sa mapanghamong Rock formation sa Sumaguing Cave kwebang ito. Upang ibalik ka sa pinagmulan nito, ang Sumaguing Cave ang pinakamalaking kweba sa lahat ng animnapung kweba sa Sagada, na nakakuha ng palayaw na "The Big Cave." Sa loob ay Tilan, Ma. Helen Ruth C. FILIPINO 12 HUMSS A Ma’am Esther Nuarin, Activity 9 Lumingay, Gallangi’s Residence hindi mabilang na mga rock formations ang makikita na napakalikas sa paglipas ng libu-libong taon. Ang ilan sa mga pormasyon na ito ay kasama ang oso, elepante, ulo ng pagong, at tsokolate na cake. Marahil ang mga hugis na ito at ang pangkalahatang karanasan ang patuloy na umaakit sa mga turista upang balik-balikan ang Sagada. Ang Sumaguing Cave ay marahil ang pinakatanyag sa lahat ng mga atraksyon ng turista sa bayan. Mayroong isang hagdan na gawa ng tao mula sa tabing kalsada na patungo sa bibig ng Sumaguing Cave. Napakadali na maglakad sa mga hakbang na ito ngunit sa pagbalik mo ay ika’y magsisisi ngunit sa huli ay worth it naman ang karanasan dito. Parang walang katapusan ang ginawa naming pamamasyal dito pero sulit naman ang mga takot, tuwa at pagod dahil sa mga iba’t ibang karanasan at mga likas na impormasyong natutunan tungkol sa kasaysayan ng Sagada. Patang-pata ang katawan at nangangalumata na ang aming mukha ngunit sa likuran ng mga ito’y mga alaalang aming mamahalin at aalagaan hanggang sa aming muling pagbalik. Nakakawiling tignan ang mga tour guide na aktibong pinepresenta sa mga turista ang buhay ng kanilang mahal na bayan. Napakasarap rin ng mga pagkain na sa kanila lang matitikman tulad ng mga special delicacy nilang pinikpikan, creamy alfredo at etag. Napaka-hospitable, mababait at masayahin naman ang mga mamamayan doon na kanilang binibigyang-halaga ang pamumuhay ng simple ngunit busilak ang kalooban at puno ng kagandahang asal. Napakaganda talaga mamuhay sa probinsya dahilan sa napakapayapa nito, halos nandoon lahat at nakikita mo talaga ang kahalagahan ng kalikasan doon. Bago kami umuwi pabalik sa Ifugao, hinagip ko muna ang napakapreskong hangin pati na ang simoy ng mga masasayang alaala dito dahil pagbalik ko ay tiyak na babalik na naman sa dating gawi ang aking buhay. Dito ko nasilayan na ang aking paglalakbay na ito ay huwag kong kakalimutan lalo na ang mga lugar na talaga namang dapat kong ipagmalaki na sa kanila lang matatagpuan. Dahil ang mga lugar na ito ang nagpapatunay na masagana ang bansang Pilipinas sa likas na yaman. At huwag na huwag kong kakalimutan ang kahalagahan ng pamilya, napakasarap sa pakiramdam na maglibot sa iba’t ibang lugar kasama ang mga mahal sa buhay. At higit sa lahat ay magpasalamat sa Panginoon sa mga biyayang natanggap galing sa Kanya, kabilang na ang mga oportunidad na makalibot sa Kanyang mga nilikha. Akin ring napagtanto na bilang manlalakbay, kailangang sumunod sa patakaran kung paano ang daloy ng buhay sa Sagada, respetuhin ang kanilang mga kultura at tradisyon, at panatilihing malinis ang mga lugar na pinapasyalan doon. -Isinulat at ibinahagi ni Ma. Helen Ruth C. Tilan