You are on page 1of 65

Ma g a n da n g

B u h ay !

Mardeeh Joy B. Andres


Joana T. Ballad Rhea A. Wanawan
LAYUNIN
a. Nabibigyan ng kahulugan ang mga idyomatikong
pagpapahayag,

b. Nakasusulat o nagagamit sa pangungusap ang mga


idyomatikong pagpapahayag; at

c. Nakapagbibigay ng iba pang halimbawa ng


idyomatikong pagpapahayag.
Panuto: Basahin ang maikling tula at bigyan ng kahulugan ang mga
nakasalungguhit na salita. 
ANG ANGHEL: MINSANG PAGLUHA
Ni: Mi L Cah
 Anghel ng tahanan, ito ang aking kinagisnan,
Maaliwalas na mukha kung iyong pagmamasdan.
Ngunit sa pagkagat ng dilim, naroon ang mumunti kong hiling.
Sana'y marinig- sigaw ng nagdadalamhating tinig.
 
Hindi ko kayang sumama sa agos ng buhay,
Sariwa sa alaala ang iyong patnubay at gabay.
Nagpasan ng Krus habang hawak ang aking kamay.
Walang oras na ika'y hindi naghanap-buhay.
 
Guhit ng tadhana man ay ngayon,
Kahit durugin ang puso't lumipas ang panahon.
Inay, kailanman ay 'di iguguhit sa tubig,
Ang pangalan mo, paulit-ulit isasatinig.
 
IDYOMANG GINAMIT:
 
ANGHEL NG TAHANAN - maliit na bata
GUHIT NG TADHANA - itinakdang kapalaran
MAALIWALAS ANG MUKHA - masayahin
PAGKAGAT NG DILIM - paglubog ng araw
SARIWA SA ALAALA - hindi makalimutan
NAGPASAN NG KRUS - nagtitiis
SUMAMA SA AGOS - sumang-ayon
IGUHIT SA TUBIG - Kalimutan
DURUGIN ANG PUSO - Pasakitan
o m a t i k on g
Idy
p ap a h a y a g
Pag
IDYOMA
Ang mga idyoma ay di-tahasan o di-direktang
pagpapahayag nang gustong sabihin, ang mga
ito ay nagbibigay ng matalinghagang
kahulugan na malayo sa literal na kahulugan
ng salita.
Tinatawag din itong sawikain o idyomatikong
pagpapahayag. Ang mga ito ay ginagamit mula
noon hanggang ngayon na nagpapakulay,
nagpapabisa, nagbibigay talinghaga sa
pagpapahayag.
Mga Halimbawa
“NAGSUSUNOG NG KULAY - nag – aaral ng mabuti.

Halimbawa ng paggamit ng idyoma sa pangungusap:

1. Nagsusunog ng kilay ang batang ito sapagkat nais


niyang hanguin sa kahirapan ang kanyang
pamilya.
2. “Walang kahihinatnan ang iyong kinabukasan!”,
sigaw ng kanyang ama. Bakit di mo subukang
magsunog ng kilay hangga’t ikaw ay bata pa.”
Halimbawa ng paggamit ng idyoma sa
tula:

Ang mga pangarap na nais abutin,


Mahahawakan mo’t kayang sungkitin,
Magsunog ng kilay sa gabing madilim,
At gawin ang lahat ng takdang aralin
Mga Halimbawa
“LIGAW – TINGIN” – hindi maipahayag ang tunay na
damdamin sa nililigawang dalaga, torpe, hindi
nagsasabi ng nasasaloob.

Halimbawa ng paggamit ng idyoma sa pangungusap:

1. Paano ka makakapag-asawa, hanggang ngayon ay


ligaw-tingin lamang ang iyong nalalaman?

Halimbawa ng paggamit ng idyoma sa tula:

Ang dalagang liyag ng puso mo’t dibdib


Iyong pagtapatan ng luksong pag-ibig,
Hindi makukuha ang oong matamis,
Kung ligaw tingin lang ang ‘yong ihahatid!
Mga Halimbawa
Si Diego ay putok sa buho at walang kinikilalang ama.
- ANAK SA PAGKADALAGA

Nagtataingang kawali ang aking kasintahan dahil ayaw


niyang marinig ang mga natuklasan ko sa kanya.
- NAGBIBINGI-BINGIHAN

Walang tulak kabigin sa mga magagandang binibining


kalahok sa mutya ng bayan 2022.
-PARE – PAREHO ANG KATANGIAN

Sinasabing bukas palad ni Don Timothy sa lahat ng taong


nangangailangan ng kanyang tulong.
-GALANTE/HANDANG TUMULONG
Mga Halimbawa
Si Jhon ay bukas ang palad lalo na sa mga taong
nangangailangan..
- MATULINGIN

Amoy pinipig ang bulaklak na sampaguita.


- MABANGO

Maswerte si Sarah sa kanyang napakabait at


napakabuting kabiyak ng dibdib.
- ASAWA

Butas na ang bulsa ni Mik dahil nawala ang kanyang


pitaka habang naglalakad.
- WALANG PERA
Mga Halimbawa
Anak – dalita – Mahirap
Pantay na ang mga paa – patay na
Usad-pagong – Mabagal
Kapit – bisig – Nagtutulungan/pagtutulungan
Pinagbiyak na bunga – Magkahawig o magkamukha
Tulog – Mantika – Mahimbing ang tulog
Bukas Palad – Mapagbigay
Mababaw ang luha – Madaling maiyak
May bulsa sa balat – Kuripot
Ibaon sa hukay – Kalimutan
Bahag ang buntot – Duwag
Nagdidildil ng asin – Naghihirap
Nagbibilang ng poste – Walang trabaho
Amoy lupa – Malapit ng mamatay; matanda na
Laman ng lansangan – palaboy
Mga Halimbawa
May gatas pa sa labi – Bata pa
Utak biya – mahina ang ulo
Di mahulugang Karayom – masikip
Pusong mamon – Maawain
Alibughang anak – suwail o masamang anak
Di-makabasag pinggan – mahiyain o mahinhing babae
Kamay na bakal – marahas
Balat sibuyas – sensitibo
Nagpuputok ng butse – galit na galit
Kumakalam na sikmura – nagugutom
Boses ipis – mahinang boses
Tayo’y
Magsagot

15
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na
matatalinghagang salita o idyoma.

1. Huling baraha
2. Bakas ng kahapon
3. Alog na ang baba
4. Anak dalita
5. Kisapmata
6. Makapal ang palad
7. Tulog mantika
8. Lantang gulay
9. Luha ng buwaya
10. Maamong kordero
Sagot:
1. Huling baraha - natitirang pag - asa
2. Bakas ng kahapon – nakaraan, alaala ng kahapon
3. Alog na ang baba – matanda na
4. Anak dalita - mahirap
5. Kisapmata - iglap
6. Makapal ang palad - masipag
7. Tulog mantika – mahimbing na pagkakatulog
8. Lantang gulay - pagod na
9. Luha ng buwaya – di totoo/pakitang-taong
pagdadalamhati
10.Maamong kordero – mabait na tao
Wow! Napakagaling naman ninyo. Heto ang star
ninyo.
Maraming Salamat sa Pakikinig!
LAYUNIN
A. Natutukoy ang tayutay at iba’t ibang uri
nito;

B. Napapahalagahan ang mga uri ng tayutay


at gamit nito sa larangan ng pagsulat; at

C. Nakapagbibigay ng mga halimbawa sa


bawat uri ng tayutay batay sa sariling pang-
unawa.
Tanong ko ‘y sagutin upang ako’y mabuo rin.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na


katanungan. Ang mga katanungan ay may
koneksyon sa aralin na kung saan kapag pagsama-
samahin ang mga unang titik ng mga sagot ay
mabubuo ang araling tatalakayin.
1. Ito ay isang anyo ng panitikan kung saan
binubuo ito ng taludtod o verse at saknong o
stanza.

____ __U___ __L___ ______


1. Ito ay isang anyo ng panitikan kung saan
binubuo ito ng taludtod o verse at saknong o
stanza.

_T_ _U_ _L_ _A_


2. Isang uri ng tradisyonal na kwento tungkol
sa pinagmulan ng isang tao o lugar.

____ __L__ _____ ______ __A__ ____


2. Isang uri ng tradisyonal na kwento tungkol
sa pinagmulan ng isang tao o lugar.

_A_ _L_ _A_ _M _A_ _T_


3. Sinasabing ito ang pinakamahalagang
pinagkukunang-yaman ng isang bansa dahil
sila ang lumilinang at gumagamit ng mga likas
na yaman.

__ _A_ __ _ __ _G

____ __A___ _____


3. Sinasabing ito ang pinakamahalagang
pinagkukunang-yaman ng isang bansa dahil
sila ang lumilinang at gumagamit ng mga likas
na yaman.

_Y_ _A_ _M_ _A _N_ _G_

__T__ __A___ __O__


4. Ano-ano ang mga ito: Pasalaysay, Patanong,
Pautos, Padamdam?

__ _R_ __ __ _G_

_P_ __ __ _G __ __ __ _U_ __ __ __
4. Ano-ano ang mga ito: Pasalaysay, Patanong,
Pautos, Padamdam?

_U_ _R_ _I_ _N_ _G_

_P _A _N G U N G U S A _P
5. Ito ang nilalaman ng talata at tinatawag din
itong paksa.

____ __E___ __M___ ______


5. Ito ang nilalaman ng talata at tinatawag din
itong paksa.

T_ __E___ __M___ ___A___


6. Ano ang katumbas ng subject sa Filipino?

__ _S_ __ G _ _ __ U __ __
6. Ano ang katumbas ng subject sa Filipino?

A _S_ _I_ G N A _T U _R _A_


7. Sa anong letra nagtatapos ang Ingles na
katumbas ng salitang “kwento”?

__
7. Sa anong letra nagtatapos ang Ingles na
katumbas ng salitang “kwento”?

_Y_
(STORY)
1. T U LA
2. ALAMAT
3. YAMAN G TAO
4. U R I N G PAN G U N G U SAP
5. TEMA
6. A S I G NAT U RA
7. Y (STORY)
A Y U T A Y
T
TAYUTAY
 Ito ay mas kilala bilang figure of speech sa wikang
Ingles. Ito rin ay salita o pahayag na ginagamit
upang bigyang-diin ang isang kaisipan o damdamin.
 Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa
karaniwang paggamit ng mga salita upang gawing
mabisa, matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang
isang pagpapahayag o mga sulatin.
Mga Halimbawa ng Tayutay

1. Ang ama ni Solomon ay leon sa bagsik.


2. Kaya kong sungkitin ang mga bituin mapasagot
lamang kita.
3. May anim na mga matang nakatingin sa iyo.
4. Ang buhay ay parang gulong ng palad.
5. Para kang tala na nagniningning sa gabing
madilim.
6. Napangiti ang langit sa iyong pagdating.
7. Hulog ng langit ang batang si Kendra.
8. Wala nang hihigit pa sa aming ilaw ng tahanan.
9. Ang iyong mga mata ay tila bituing maningning.
10. Sa Perlas ng Silangan ako isinilang.
Mga Uri ng Tayutay
1. Pagtutulad o Simili (Simile)
 Ginagamit ito sa paghahambing ng di-tiyak ng dalawang
magkaibang bagay, tao, pangyayari at iba pa. Ito’y
ginagamitan ng mga salitang tulad ng, gaya ng, animo,
kawangis, katulad ng, paris ng, tila, sing-, sim-, magkasing-,
at magkasim-.
Halimbawa:
1. Parang bituin sa langit ang ningning ng kanyang mga
mata.
2. Mamula - mula ang pisngi niyang tulad ng isang
mansanas.
2. Pagwawangis o Metapora (Metaphor)
 Ito ang tiyak o tuwirang paghahambing ngunit hindi
na kailangang gamitan ng pangatnig sa pangungusap.
Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa
mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na
inihahambing.
Halimbawa:
1. Bituin sa langit ang ningning ng kanyang mga mata.
2. Ang kamay ng manggagawa ay
bakal sa tigas.
3. Personipikasyon o Pagtatao
(Personification)
 Ito ay ginagamit upang pagtaglayin ng mga
katangiang pantao (talino, gawi, kilos) at bigyang
buhay ang mga bagay na walang buhay sa
pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng
kilos.
 Ginagamitan ito ng pandiwa sa pangungusap.
Halimbawa:
1. Lumuha ang langit nang masawi ang dakilang
bayani.
2. Sumasayaw ang mga puno sa tuwa.
4. Pagmamalabis o Hayperboli
(Hyperbole)
 Masidhing kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay,
pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian,
kalagayan o katayuan ang ipinapakita dito.
 Maaaring lagpas sa katotohanan o eksaherado ang mga
pahayag kung iyong susuriin. 

Halimbawa:

1. Namuti ang buhok ko sa kahihintay saiyo.


2. Bumaha ng salapi nang dumating ang kanyang ama
buhat sa ibang bansa.
5. Pagtawag o Apostrope (Apostrophe)
 ito’y pakikipag - usap sa karaniwang bagay o sa isang
dinaramang kaisipan na para bang nakikipag - usap sa
isang buhay na tao gayong wala naman ay parang
naroroo’t kaharap natin.
 Ito ay isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila
ito ay isang tao.
Halimbawa:

1. Tukso, layuan mo ako.


2. Liwanag, sumikat ka at patnubayan
mo ang nagdidilim kong landas.
6. Paghihimig o
Onomatopeya(Onomatopoeia)
 Ito ang paggamit ng mga salita kung saan ang tunog o
himig ay nagagawang maihatid ang kahulugan nito.

Halimbawa:

1. Labis na takot ang nadama ko matapos kong marinig ang


dagundong ng kulog.
2. Ang tik-tak ng relo ay tila nagsasabing ikaw ay parating
na.
3. Napalingon ako sa lakas ng pot-pot ng trak.
7.Pag-uyam (Irony)
 Isang pagpapahayag na may layuning makasakit ng
damdamin o mangutya ngunit ito’y itinatago sa paraang
waring nagbibigay-puri.
Halimbawa:

1. Ikaw ang pinakamaganda sa lahat kapag nakatalikod.


2. Ang ganda ng kamay mo, parang aspalto.
3. Sa sobrang talino ni Sandra ay wala nang nakakaintindi
sa pinagsasasabi niya.
8. Pagpapalit-saklaw o Sinekdoke
(Synecdoche)
 Ito ay pagbabanggit sa bahagi ng isang bagay o ideya
bilang pagtukoy ng kabuuan.

Halimbawa:

1. Ayoko nang makita ang pagmumukha mo kahit kailan!


2. Huwag mong itutungtong ang iyong mga paa sa aking
bahay.
3. Nang dahil sa sampung mga kamay ay natapos ng
mabilis ang aming gawain.
9. Paglilipat-wika (Transferred epithet)
 Ito ay tulad ng pagbibigay-katauhan na pinagsasabay ang
mga katangiang pantao na ginagamit ang pang-uri.
Halimbawa:

1. Ang silid na ulila ay naging masaya sa pagdating ni


Mercy.
2. Ang mapagkalingang kumot ay maingat ng itinupi ni
Leo.
3. Ang ulilang bag na iyan ay galing kay Mariciris.
10. Pagpapalit- tawag (Metonymy)
 Ito ang pagpapalit ng katawagan o pangalan sa bagay
na tinutukoy. Maaaring ito’y sa pamamagitan ng
paggamit ng sagisag para sa sinasagisag, paggamit sa
lalagyan para sa bagay na inilalagay, o pagbanggit ng
simula para sa wakas o wakas para sa simula.
Halimbawa:
1. Ang palasyo ay nagsabing hulihin ang naninigarilyo
sa pampublikong lugar.
2. Si Prinsipe William ang susunod na magmamana ng
korona.
3. Ang bagong anghel nina Arnel at Melisa ay malusog.
11. Pasukdol (Climax)
 Ito ang pataas na paghahanay ng mga salita o
kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa
pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas.
Halimbawa:

1. Nakita ko ang pagdilim ng paligid at paglakas ng ihip ng


hangin na tila nagbabadya ng isang malakas na bagyong
paparating.
2.Ang malamig na simoy na hangin kasabay ng mga batang
nangangaroling ay nagsasabing ang pasko ay malapit na.
12. Antiklaymaks (Anticlimax)
 Ito ang paggamit ng mga inihanay na pahayag ng
damdamin o kaisipan na may maliwanag na
impresyon ng pagbaba ng tindi ng kahulugan o ng
ideya.
Halimbawa:

1. Ang pagmamahal niya sa akin ay tila lumayo,


nawala, at napawi.
2. Napagod na siya kakalaban hanggang nawalan na ng
pag-asa.
3.Ang pagsisikap ni Lita ay nasayang dahil sa
pariwarang anak.
13. Pagtanggi (Litotes)
 Ito ay gumagamit ng salitang ‘hindi’ na nagbabadya ng
pagsalungat o hindi pagsang-ayon. Ito’y pakunwari
lamang kung saan ang nais ng nagpapahayag ay
kabaligtaran ng ibig sabihin.
Halimbawa:

1. Hindi siya isang magnanakaw. Ibabalik niya naman daw


ang kinuha niya.
2. Hindi niya kayang kumapit sa patalim sa oras ng
kagipitan pero hindi niya asawa yung kasama niyang lalaki
kagabi.
3.Hindi naman mahangin sa labas pero nagulo ang buhok
ko.
14. Retorika na Tanong (Rhetorical
Question)
 Ito ay hindi naghihintay ng kasagutan at hindi rin
nagpapahayag ng pag-aalinlangan. Wala itong
inaasahang sagot kung saan ang layunin ay maikintal
sa isipan ng nakikinig ang mensahe.
Halimbawa:

1. Saan matatagpuan ang pag-asa?


2. Nasaan ang tunay na pag-ibig?
3. Natutulog ba ang Diyos?
4. Bakit maitim ang iyong budhi?
15. Paralelismo (Parallelism)
 Sa pamamagitan ng halos iisang istruktura, itatag
dito ang mga ideya sa isang pahayag. 
Halimbawa:

1. Ang sabi ni Rina ay mapanglaw at matamlay raw


siya.
2. Ang nais namin ay disiplinang militar: sama-samang
lulusob sa kaaway, sama-sama ring mamamatay o
magtatagumpay.
16. Paglumanay o Eupemismo (Euphemism)
 Ito ang pagpapalit ng salitang mas magandang
pakinggan kaysa sa salitang masyadong matalim,
bulgar o bastos. Ginagamitan ito ng mga piling salita
upang pagandahin ang isang di-kagandahang
pahayag. 
Halimbawa:

1. Sumakabilang-buhay na ang pusa ni Carla.


2. Ang pamilya ni Randy ay kapos sa buhay.
3. Ako’y tinatawag ng kalikasan.
4. Pagdating ko ay pantay na ang kanyang mga paa.
17. Pahahalintulad (Analogy)
 Ito ay ang paghahambing na nagpapakita ng ugnayan
ng kaisipan sa kapwa kaisipan.
Halimbawa:

1. Ang pagsikat ng araw sa umaga ay parang pag-asang


sumisikat.
2. Ikaw ang tala at ako ang buwan na gusto ko laging
kasama.
3. Ang paghalimuyak ng bulaklak ay katulad ng pag-ibig
ni Baldo kay Marta.
4. Ang mga dalaga ang bulaklak at kaming kabinataan
ang mga bubuyog.
18. Pagtatambis (Oxymoron)
 Ito ay ang paglalahad ng mga bagay na magkasalungat
upang higit na mapatingkad ang bisa ng
pagpapahayag.
Halimbawa:

1. Ano ba’t paroo’t parito ka?


2. Kung ikaw ay lalakad-hihinto ay siguradong aabutin
ka ng siyam-siyam sa pupuntahan mo.
3. Ang buhay ng tao ay parang gulong; minsan nasa
ibabaw, minsan ay nasa ilalim.
4. Sa buhay, pareho mong mararanasan ang liwanag at
dilim, ang tagumpay at kabiguan.
19. Pangitain (Vision Imagery)
 Ito ay naglalarawan sa mga laman ng isip na animo’y
tunay na kaharap o nakikita ang nagsasalita.
Halimbawa:

1. Sa aking gunita ay natanaw ko ang aking sinisinta.


2. Sa sinapupunan ng aking ina ay hinugis mo akong
bata.
3. Bukas ay luluhod ang mga tala.
4. Ang tubig at langis balang araw ay magsasama rin.
20. Tambisan (Antithesis)
 Ito ay pagtatabi ng mga hagap na nagkakahidwaan sa
kahulugan upang lalong mapatingkad na lalo ang
mga salita.
Halimbawa:

1. Ang pag-ibig ay ideyal ngunit ang kasal ay tunay
na bagay.
2. Marami ang tinawag pero kaunti ang napili.
Handa na ba kayo sa maikling
pagsasanay?
Panuto : Tukuyun kung anong uri ng tayutay ang mga
sumusunod na pahayag.

1. Naiingayan ako sa aw-aw ng aso kong si Tikoy.


2. O pag-ibig! Nasaan ka na?
3. Singganda mo ang mga bulaklak sa hardin.
4. Malakas na lalaki si Berto.
5. Sumasayaw ang mga puno.
6. Si Santiago ang humingi ng kamay ng dalaga.
Panuto : Tukuyun kung anong uri ng tayutay ang mga
sumusunod na pahayag.

7. Sa kagandahan mo, nakikita ko ang mga butas-butas


at mga tigyawat ng mukha mo.
8. Ang ulilang bag na iyan ay galing kay Celia.
9. Kailangan ko bang tanggapin na hindi niya na ako
mamahalin?
10. Hindi niyo ako maloloko.
Mga Sagot
1. Paghihimig
2. Pagtawag
3. Simili/ Pagtutulad
4. Pagwawangis
5. Personipikasyon
6. Paglilipat-saklaw
7. Pag-uuyam
8. Paglilipat- wika
9. Tanong Retorikal
10. Pagtanggi
Bakit kailangang pahalagahan
ang mga iba’t ibang uri ng tayutay
at ibang gamit nito lalo na sa
larangan ng pagsulat?
Maraming Salamat sa Pakikinig!

You might also like