You are on page 1of 14

SIMULAN

NATIN!

Filipino 10: Pinagyamang Pluma


MGA
LAYUNIN
• Nakikilala ang mga paalala sa
pagsulat ng anekdota
Balik-aral
 Kailan ipinanganak si Nelson
Mandela?
 Anong parangal ang ibinigay kay
Mandela noong 1993?
 Sino-sino ang nagsulat ng anekdota
tungkol sa buhay ni Nelson
Mandela?
ANEKDOTA
Ito ay maikling kuwento ng isang nakakawiling insidente sa buhay
ng isang tao. Ang pangunahing layon ng isang anekdota ay ang
makapaghatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral.
Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o ang pangyayari ay
makatotohanan.
Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na
tumatalakay sa kakaiba o kakatuwang pangyayaring naganap
sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may
dalawang uri: totoong nangyari sa buhay ng nasabing tao o
maari ding mga likhang isip lamang subalit halos nahahawig
sa katotohanan.
Ang anekdotang base sa totoong buhay ng nasabing tao ay
nagbibigay ng pagkakataon upang lalo pang makilala ng mga
mambabasa ang personal na buhay ng pinatutungkulan nito.
Ang ankedota naman na likhang isip lamang ay madalas
katatawanan subalit may taglay pa rin ng mensaheng
kapupulutan ng mga mambabasa.
Ang mga pangyayaring isinalaysay sa anekdota ay
minsang nagiging pabula na rin. Ang layunin ng anekdota ay
mang-aliw, makapagturo at makapaglarawan ng ugali at
tauhan. Madalas nagagamit ang anekdota sa pagsulat lalo na
kapag may isang bagay na nais bigyang diin ang manunulat
kung saan angkop na angkop ang mensahe ng anekdota.
Mga Paalala sa Pagsulat
ng Sariling Anekdota
 Alamin mo ang layunin o paksang paggagamitan mo ng
personal na anekdota. Mula rito, piliin mo ang isang
pangyayari sa iyong buhay na angkop sa iyong layunin o
paksa.

 Pakaisiping mabuti ang mga detalye sa pangyayaring


ilalahad mo bilang personal na anekdota. Itala ang lahat ng
naaalala o natatandaan kaugnay ng anekdota.
 Sa pagsasalaysay nito, huwag agad sasabihin ang
kasukdulan dahil mawawala ang pananabik ng mga
mambabasa o tagapakinig. Tiyakin lang na ang panyayaring
ilalahad ay talagang makakukuha ng atensiyon.

 Iwasang gumamit ng mabibigat na salitang hindi agad


maunawaan ng mga mambabasa o tagapakinig. Ang
pagsasalaysay ng anekdota ay para lang
nakikipagkuwentuhan sa isang kaibigan.
 Kung gagamitin ang anekdota sa pagtatalumpati o
pagsasalita, mahalagang makapag-ensayo upang mailahad
ng mabisa.

 Bilang pagwawakas, bigyang-diin ang dahilan kung bakit


mo inilahad ang anekdotang ito. Dito nila mauunawaan at
mapahalagahan kung bakit mo isinama ang anekdota sa
iyong paglalahad.
Pamprosesong Tanong

1. Bakit mahalagang alam ng isang manunulat ang


kanyang layunin o dahilan sa pagsasama niya ng
anekdota sa kanyang isinusulat?
Mahalagang KAisipan
Ang mga anekdota ay mahalaga sa literatura dahil sa
kanilang pagkakaiba-iba sa estilo, tono, at kagamitan. Ang mga
ito ay maaaring gamitin ng halos sinumang tao, sa anumang
sitwasyon , sa anumang kategorya, tulad ng anumang
kuwentong ibinabahagi sa iba. Ang mga anekdota ay may
maraming layunin at ang mga sitwasyon ay ginagawang mas
kawili-wili para sa mga karakter at ang madla.

You might also like