You are on page 1of 22

SIMULAN

NATIN!

Filipino 10: Pinagyamang Pluma


Mga Paalala:
1. Panatilihing laging bukas ang mga camera habang nagaganap
ang klase.
2. Dapat naka-off ang mga microphone. Bubuksan lamang ito
kapag tinatanong ng guro.
3. Iwasan ang pagpunta sa palikuran. Dapat nagawa nang umihi
bago pa magsimula ang klase.
4. Iwasang kumain habang nagaganap ang talakayan.
5. Iwasan ang MULTI TASKING.
MGA
LAYUNIN
• Nasusuri ang mga kaisipang
nakapaloob sa mitolohiya batay sa:
suliranin ng akda, kilos at gawi ng
tauhan, at desisyon ng tauhan
• Naipaliliwanag ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa
at Persia
Balik-aral
 Alin-alin sa mga ginawa ng tao ang maaari
makapagdudulot ng kaunlaran subalit pinagmumulan
naman ng pagkasira ng kapaligiran o ng kalikasan?
Maghalad ng tatlo batay sa iyong obserbasyon.
MITOLOHIYA:

Si
Nyaminyami,
Ang Diyos
ng
Ilog Zambezi
Nyaminyami
Siya ay isang diyos ng ilog na labis na ginagalang ng
mga mamamayan ng Tonga dahil sa taglay na
kabutihan nito. Biglang gumulo at nagbago ang sana’y
tahimik na pamumuhay dahil sa panghihimasok ng
mga dayuhang mapagmalabis. Naging sanhi ito ng
pagbugso ng kaniyang galit. Galit na walang
maihahalintulad at maituturing na likha ng isang
makapangyarihan. Masasabing angkop ang mga
katangiang ipanapakita ng tauhan sapagkat walang
sinumang tao ang naghahangad na masira ang likas na
kayamanan at napakahalagang bagay para sa kanya.
Mamamayan ng
Tribung Tonga
Sila ay mga taong naninirahan sa magkabilang pampang ng Ilog
Zambezi na may labis na paggalang sa kalikasan lalong-lalo na kay
Nyaminyami. Ang mga taong ito ay pawang biktima lamang sa naudyok
na labanan ng kabutihan at kasamaan. Sila ay mga taong wala namang
kinalaman sa mga nangyayari ngunit labis ring nabago ang pamumuhay
subalit mas piniling gawin ang tama. Angkop lamang ang kanilang
ipanapakitang katangian sapagkat sila ay naglalarawan ng isang
pamayanang pinahahalagahan ang angking kagandahan ng kanilang
paligid.
Mga Dayuhan
Sila ay mga dayuhang puti na sumira sa mapayapang buhay
nina Nyaminyami pati na rin sa mga mamamayan ng Tonga.
Taglay nila ang katangiang mapagmalabis at walang awang
sumisira sa kalikasan para lamang sa sariling kagustuhan. Sila
rin ang mga taong kumakapit sa sariling desisyon at paninindigan
sa kabila ng mga naranasang kabiguan sa kanilang kagustuhan
dulot ng galit ni Nyaminyami.
MITOLOHIYA:

Si
Nyaminyami,
Ang Diyos
ng
Ilog Zambezi
Ang napakagandang ilog Zambezi ay may itinatagong
isang hindi pangkaraniwang hiwaga na magpahanggang
ngayon ay pinaniniwalaan ng marami, lalo na ng mga
mamamayan ng Tonga. Ayon sa mitolohiya, sa loob ng
napakahabang panahon, mapayapang namumuhay si
Nyaminyami, ang diyos ng ilog, kasama ng kaniyang
asawa. Sinasabing si Nyaminyami ay isang dambuhalang
may habang hindi magawang hulaan at may ulo ng isang
isda at katawan ng isang ahas.
Sa kabila ng walang patunay na ebidensya, iginagalang
pa rin siya ng mga mamamayan dahil sa taglay na
kabutihan nito. Kinilala ng mga Tonga si Nyaminyami at
naniniwala silang pinoprotektahan sila nito kahit wala
silang masyadong naging ugnayan sa labas.
Lahat ng mapayapang buhay ng mga tao ay biglang
nagbago dahil sa panghihimasok ng pamahalaang may
kagustuhang ipatayo ang Dam ng Kariba. Sinasabing ang
dam na ito ay itatayo sa  mismong tabi ng malaking batong
pinaniniwalaang tahanan ni Nyaminyami at ng kaniyang
asawa. Dahil sa takot na baka magalit ang diyos ng ilog,
nakiusap at nagbigay ng babala ang mga tao sa mga
manggagawa ng dam ngunit pinagtawanan lamang sila.
Sinimulan nila ang gawain sa pagpapalipat ng mga
mamamayan sa mas mataas na bahagi ng ilog at pagputol
ng mga dayuhan sa libo-libong matatandang puno. Dahil
sa mga gawaing ito, isang pangyayaring hindi karaniwang
nagaganap sa lugar na ito ang bumayo at nagdala ng
napakalaking baha sa buong lambak ng Zambezi.
Maraming nasira na kabahayan at maraming hayop ang
nasawi. Pinaniniwalaan ng mga mamamayan na likha ito
ni Nyaminyami.
Sa kabila ng mga naranasan, ipanagpatuloy pa rin ng mga
dayuhan ang pagpapatayo ng dam. Mas tumindi ang galit ni
Nyaminyami at muli na namang bumaha ng mas malakas pa.
Maraming nasawi kabilang na ang buhay ng mga manggagawa.
Muling pinaniniwalaan ng mga tao roon na ang lahat ng ito ay
dulot ng labis na pagkagalit ni Nyaminyami sa kadahilanang
ang pagtatayo ng dam ang naglubog ng batong tirahan ng diyos
ng ilog. Ang mas masaklap, sinasabing naiwan daw sa kabilang
bahagi ng dam ang kaniyang pinakamamahal na asawa.
Sa kabila ng babala at pakiusap ng mga mamamayan,
mas pinili pa rin ng mga dayuhan na pumanig sa sarili
nilang paninindigan at paniniwala. Muli na naman nilang
ipinagpatuloy ang pagpapatayo ng dam at muling nabigo.
Ngunit sa kabila ng kabiguan, hindi pa rin sumuko ang
pamahalaan at sa wakas ay natapos ang pagpapatayo ng
dam. Makikita naman ang rebulto ni Nyaminyami sa itaas
na bahagi ng Ilog Zambezi at nakatanaw na tila ba
nagbabantay sa kabuoan ng Dam ng Kariba.
Ang mga Tonga naman ay patuloy pa ring naninirahan
sa itaas na bahagi ng ilog at nakararamdam pa rin ng
pagyanig sa paligid. Naniniwala silang ito ay ang
pagkakataong galit si Nyaminyami at nagpipilit maabot
ang kaniyang kabiyak sa kabilang bahagi ng dam.
Subalit sa lahat ng mga nangyari, umaasa pa rin ang
mga mamamayan na sana’y hindi na muling magkaroon
ng trahedyang walang katulad dahil sa idudulot nito sa
mga taong wala namang kinalaman. Patuoy na lamang
nilang pag-iingatan at aalagaan ang kanilng kapaligiran
bilang pagbibigay-pugay sa kanyang alaala.
  Ang pagmamalasakit sa kalikasan ay pagpapakita na rin ng
pagmamahal sa ating Diyos. Sa mitolohiya, sinasabing si
Nyaminyami, ang diyos ng ilog, ang lumikha ng malaking sakuna na
sumira sa maraming kabahayan at maraming buhay. Isa sa mga aral
na nakapaloob sa kwento ay ang pagbibigay galang at importansya sa
bawat kayamanan at angking kagandahan ng ating daigdig.  
  Huwag hayaang masira ang bawat bagay na ito, maliit man o
malaki sapagkat ang mga ito ay ipanagkaloob sa atin ng Diyos.
Tungkulin nating alagaan ang lahat ng ito. Huwag nating hayaang
umiral ang pera at makasariling desisyon upang palitan ang bawat
halaga ng mga espesyal na bagay dito sa mundo. Ang
pinakamahalaga sa lahat, walang mas titimbang pa sa mga bagay na
nilikha ng Diyos para sa sarili nating kapakanan.
Pamprosesong Tanong

1. Paano sila nakipamuhay sa diyos ng ilog na si


Nyaminyami? Bakit sila naniniwalang pinoprotektahan
sila nito?
Mahalagang KAisipan
Mahalaga ang mitolohiya sapagkat nilikha ang mga ito upang
maaliw ang mga tagapakinig o tagapagbasa sa mga magagandang
kwento, na mamangha sa mga hiwaga, na mapalawig ang kanilang
imahinasyon at matuto ng mabubuting aral mula dito. At
nakatutulong sa atin upang makatulong sa pag-papaunlad ng ating
pamayanan o bansa.

You might also like