You are on page 1of 33

PANUNTUNANG

PANGSILID-
ARALAN
PANUNTUNANG PANGSILID-
ARALAN
 Makinig ng Mabuti sa guro upang mas madaling maunawaan ang tinatalakay.
 Matutong sumunod sa mga ibinigay na panuto.
 Panatilihin ang katahimikan sa loob ng silid-aralan habang may nagsasalita o
hindi tinatanong.
 Respetuhin ang sagot ng kaklase kahit ito ay mali at ipaubaya na lamang ito na
itama ng guro.
 Matutong makilahok sa mga talakayan sa klase.
 Mas Mabuting isulat sa kuwaderno ang mga mahahalagang detalye ng
talakayan habang tumatalakay ang guro tungkol sa paksa.
 Huwag mahiyang magtanong kung mayroong hindi naunawan sa klase.
PAGBABALIK -
ARAL
PAGBABALIK - ARAL
PAGGANYAK/
MOTIBASYON
TANONG:
Ano kaya ang tawag ngayon sa bansang
Persia?

Saang kontinente kaya ito napapabilang?


PAGLALAHAD
MGA LAYUNIN
Nabibigyang-kahulugan ang anekdota bilang
isang anyo ng panitikan;
Napapahalagahan ang mahalagang aral na
napaloob sa anekdota;
Nakabubuo ng sariling wakas ng anekdota.
PAGPAPAUNLAD
NG
TALASALITAAN
PANUTO: Kilalanin ang kahulugan ng mga
salitang may salungguhit sa pangungusap. Piliin
ang tamang sagot sa loob din ng pahayag.

 Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay nagulumihanan.


Sila ay nalilito sa kanyang sinasabi.

 Ang sermon na ginawa ni Mullah ay dapat pag-aralan at


huwag itong aksayahin. Hindi ito nararapat na sayangin ng
kanyang tagapakinig.
Nangingimi ang mga nakikinig sa kaniyang
homiliya. Napahiya silang lahat kay Mullah.
Muli na naman siyang inanyayahan sa
simbahan. Naimbitahan siya upang magsalita
sa harap ng nakararami.
Agad siyang umalis matapos makapagsalita sa
harap ng mga tao. Lumisan siya kahit marami
ang nais sanang makinig sa kanyang
pagkukukwento.
TANONG:
Bakit kinakailangang basahin at pag-
aralan ang iba’t ibang anyo ng
panitikan?
KARAGDAGANG
IMPORMASYON
Ang anekdota ay isang kuwento na
nakawiwili at nakakatuwang pangyayari sa
buhay ng isang tao. Layunin nito ay
makapagpabatid ng isang magandang
karanasan na kapupulutan ng aral.
PAGTATALAKAY
PANONOOD/PAKIKINIG
MGA TANONG:
 Sino si Mullah? Ano-ano ang kanyang katangiang taglay?
 Ano ang katangian ni Mullah Nassredin na iyong naibigan?
Karapat-dapat ba siyang tularan? Ipaliwanag ang sagot.
 Anong pamamaraan ng pangunahing tauhan ang ginampanan upang
siya ay makilala bilang pinakamahusay sa larangan ng
pagpapatawa?
 Kung ikaw ay isa sa mga tagapakinig ni Mullah Nassredin, ano ang
magiging tugon mo sa kanyang ipinikitang pag-uugali?
 Anong pangunahing aral ang naging hatid ng anekdota sa iyong
buhay?
PAGLALAPAT
PANGKATANG GAWAIN
 PANUTO: Hahatiin sa dalawang pangkat ang klase. Bawat pangkat ay bubuo ng sarili nilang
wakas tungkol sa anekdota.
PAMANTAYAN/RUBRIKS
PAGLALAHAT
TANONG:
Bakit kinakailangang basahin
at pag-aralan ang iba’t – ibang
anyo ng panitikan?
SAGOT:
Ang mga panitikan katulad ng
anekdota ay bukod sa naghahatid ng
kawilihin ay nagtuturo rin ito ng
magandang aral na magagamit natin sa
pang-araw-araw.
PAGPAPAHALAGA
“Ang pagkakaron ng mga talento
at kakayahan ay nararapat na
ibahagi sa ating kapwa upang
makapagbigay ng inspirasyon at
kasiyahan .”
PAGTATAYA/
EBALWASYON
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang
titik ng taman sagot sa isang sangkapat() na
papel.
 1. Paano mo ilarawan si Mullah bilang tauhan sa anekdotang iyong nabasa?
a. malungkutin c. pilosopo
b. mapagbiro d. masayahin
 2. Anong pamamaraan ng pangunahing tauhan ang ginampanan upang siya ay makilala
bilang pinakamahusay sa larangan ng pagpapatawa?
a. Sa paraan ng kanyang pagpapatawa c.pagpapakita ng nakakatawang bagay
b. Sa pagsasayaw d. Sa pag-awit
 3. Si Mullah ay kilala bilang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang
bansa. Ano ang paraan na kanyang ginamit sa pagsasalay ng kuwneto?
a. payo c. palabas
b. talumpati d. panayam
 4. Dahil sa kahusayan ni Mullah siya ay ipinagmalaki ng kanyang mga
kababayan. Saang bansa nagmula at tanyag si Mullah?
a. Japan b. Persia c. Saudi Arabia d. Italya
 5. Ang sumusunod ay mga katangian ni Mullah. Alin ang HINDI?
a. matalino b. masayahin c. mapagbiro d. tamad
 6. Ano ang damdaming nahihinuha ng sumulat sa anekdotang “Mullah
Nassreddin?
a. nasisiyahan b. Nagalit c. nalungkot d. nag-aalinlangan
 7. Muli na naman siyang inanyayahan sa simbahan. Ano ang
kasingkahulugan ng salitang inanyayahan?
a. lumisan b. nalito c. napahiya d. inimbitahan
 8. Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay nagulumihanan. Ano ang ibig sabihin ng nagulimihan?
a. nalito b. Nasiyahan c. natuwa d. Nagalit
 9. Kung ikaw ang isa sa mga tagapakinig ni Mullah, ano ang nararapat na magiging reaksyon mo
sa kanyang pagtanggi sa pagkukwento?
a.aawayin at pagtutulungan si Mullah
b. huminto na sa pagtangkilik sa kanyang talento
c. magmakaawa at pakisuapan siya na ibahagi ang anekdota
d. pabayaan at hintayin kung kailan siya magbabahagi
 10. “Wala akong panahong magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin,” wika ni
Mullah Nassredin sa mga taong nais makinig sa kanyang kwento. Ano ang mahihinuha sa
pahayag na ito?
a. abala sa mga ibang gawain si Mullah
b. nakalimutan niya ang detalye ng anekdotang isasalaysay
c. mayabang at mapagmataas si Mullah sa kanyang kapwa
d.minamaliit niya ang kanyang kababayan
TAKDANG –
ARALIN/KASUNDUAN
Magtala ng limang matatalihagang
salita at limang simbolismoo.
Isulat sa kwaderno ang mga sagot.
MARAMING
SALAMAT!

You might also like